"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Ilang buwan pa lang si Cloud?" pinahiran ko na naman ang panibagong luha na tumulo mula sa mga mata ko habang nakatitig sa anak kong si Cloud na nasa crib nito. Andito kami ngayon sa kwarto ng kambal. Magkahiwalay sila ng crib. Hanggang ngayon ang sakit pa ding isipin na pagkatapos ko stang alagaan sa loob ng sinapupunan ko ng siyam na buwan ay kailangan niya ng ibigay sa ama niya. Huminga ako ng malalim at tumayo para buhatin si Cloud. Kamukhanh kamukha sya ng papa niya. "Kung ito ang paraan para makalaya ako sa pagiging may asawa." sagot ko. Ngayon naisip ko, isang taon na akong nakawala kay Sean bakit ko pa isasakripisyo ang anak ko? Pero ito lang ang paraan para makuha ni Sean ang inasam niyang mana mula sa pamilya niya. At si Cloud ang paraan para

