"Yaya, kayo na po muna ang bahala sa kambal." sabi ko sa yaya ng mga anak ko at hinalikan ang kambal bago umalis papuntang opisina. Ito ang unang araw ko sa company ni Sean at sa totoo lang abot-abot ang kabang nadarama ko. Hindi ko alam kung paano makibagay sa mga taong nagtatrabaho sa company ng ama ng mga anak ko. "Stop biting your lips." sita sa akin ni Sean habang nasa sasakyan. Pinasabay niya ako sa kotse niya para daw sabay na kaming papasok at iwas traffic dahil bawas isang sasakyan. Baliw talaga. "Kinakabahan kasi ako." pagtatapat ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil. "Don't worry. Walang mangangain ng magaganda sa opisina. Meron pala, Ako." biro nito. Sumimangot ako kaya humalakhak ito at pinisil ang ilong ko. Ito na naman sya nagsisimula na naman ang k

