Tahimik lang akong nakasunod kay Sean. Habang naglalakad kami papunta sa board room ay ramdam ko ang matalim na titig ng mga tao sa akin? O kay Sean. Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil si Sean midway at bumaling sa akin. Lumakas ang mahinang bulong-bulongan ng mga taong nandoon na kwartong yun. "Pustahan tayo, one week lang yan." "Two days. Ganyang itsura di dapat maging secretary ng supladong boss. Parang crystal na isang hulog mo lang basag na." "Grabe naman kayo. Mahaba na ang isang araw." tapos may tawanan. Napatigil ang pag uusap nila ng hinawakan ni Sean ang kamay ko at hinigit palayo. Napasinghap ang halos lahat ng nakasaksi. "Don't mind them. They don't know." aniya at hindi pa din binitawan ang kamay ko hanggang sa buksan niya ang pintuan papasok sa board room. "Stay by m

