Pagkapark ng kotse niya sa harap ng malaking bahay ay mabilis kong kinalag ang seatbelt ko at lumabas ng sasakyan. Patakbo akong pumasok sa malaking bahay. Hindi ko na napansin ang nakaparadang police car sa labas. Tinawag pa ako ni Sean pero dahil sa kagustuhan kong makasigurong ligtas ang kambal ko ay di ko na magawang lingunin pa sya. Nadatnan kong buhat ng mga yaya nila ang kambal habang nasa sala naman ang police at si Thea. Lumapit ako sa kinauupuan niya at walang sabi sabing sinampal sya. Tumabingi ang mukha niya. Kahit namumula ang makinis ang maputi niyang mukha ang kapal pa din nito ng bumaling ito sa gawi ko. Nakaposas ang kamay nito. "Tama na po, Ma'am." awat ng isang pulis sa akin habang hawak ang magkabilang braso ko. Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin pe

