“Calvin?!” Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama nang tumunghay ang kaniyang mukha.
Yumukod siya sa aking harapan kung kaya mahigpit kong hinawakan ang kumot upang ibalot iyon sa halos hubad kong katawan.
Nakasuot ako ng nightdress na halos kitang-kita na ang kaumbukan kong hinaharap sapagkat doon lamang ako kumportable sa pagtulog.
“A-Ano'ng gagawin mo sa akin?” kinakabahang tanong ko sa kaniya.
Nalalanghap ko ang amoy ng alak sa kaniyang hininga at imbes na mahilo ako ay tila nagugustuhan ko pa yata iyong amuyin.
“Hindi naman siguro masama kung sisingilin ko na ang kabayaran sa utang ng iyong mga magulang,” nakangisi niyang usal.
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ang kaniyang sinabi kung kaya sa takot ko ay sinipa ko siya ng buong lakas.
Nilundag ko ang kama at patakbong tinungo ang pintuan upang lumabas mula sa loob ng silid na iyon.
“D*mn!” narinig kong sambit niya at saka namimilipit na bumaba mula sa ibabaw ng kama.
Mabilis kong isinara ang pintuan saka umalis sa harapan niyon.
“Come back here, Mia!” galit niyang tawag sa akin.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagtakbo paakyat sa rooftop. Doon ay siguradong hindi niya ako mahahanap agad.
Pumasok ako sa loob ng kuwartong naroon at saka ini-lock ang pinto. Dinaganan ko pa iyon ng maliit na kabinet na nakita ko sa may bandang gilid.
“Diyos ko, iligtas Mo po ako mula sa mga kamay ni Calvin!” piping dalangin ko.
Nagulantang ako sa malakas na kalabog sa may pintuan. Animo’y sipa na ang ginagawa ni Calvin mula sa may likurang bahagi at halos magiba na ang pinto.
“Open this door, Mia!” narinig kong hiyaw ni Calvin mula sa likuran ng pinto.
“No!” matigas kong tugon saka lumapit sa may pinto upang daganan din iyon.
“I said open this door, Mia!” sigaw niyang muli sa may labasan.
“Gawin mo! Gibain mo! Tutal bahay mo naman ito saka may pampaayos ka naman kaya gawin mo!” matapang kong sagot sa kaniya.
Ako pa talaga ang tinakot niyang gigibain ang pinto gayong ayaw nga niyang may nagpupuntang ibang tao rito sa bahay niya.
“D*mn! I swear Mia, pagsisisihan mo ang pagtatago sa kwarto na iyan!” may pagbabanta niyang sabi.
“Hanggang diyan ka lang Calvin dahil kung susubukin mong pumasok dito ay hindi ako magdadalawang isip na tumalon sa may bintana!” puno ng pinalidad kong tugon.
Hindi ko na narinig pa ang boses ni Calvin mula sa may labas kaya nakahinga ako nang maluwang.
Kailan kaya ako makakaalis sa bahay na ‘to? Mahigit dalawang buwan na ako rito pero parang isang taon na ang katumbas nang pamamalagi ko.
Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang malaking kulungan ng mga ibon na ang tanging nililiparan lang ay ang mundo ni Calvin.
Maayos nga ang trato sa akin ng mga kasambahay rito ngunit naroon pa rin ang kakulangan sa aking pakiramdam.
Kung minsan ay nahiling ko na sana’y isa na lamang ako sa mga alagang K9 dito na malayang nakakagala sa may labas ng bahay.
Umalis ako mula sa pintuan at saka lumapit sa may bintana upang dumukwang doon.
Natatanaw ko mula rito ang mga batang masayang nagtatakbuhan at panay ang kanilang hiyawan sa paglalaro ng habulan.
Gusto kong maranasang muli ang ganoong buhay. Gusto kong makalaya mula rito sa kulungang tanging si Calvin lamang ang masaya.
Napalingon ako sa may pintuan nang gumalaw ang door knob niyon.
“C-Calvin!” usal ko.
Mabilis kong tinungo ang silong ng kama upang doon sana kumubli, ngunit ‘di pa man nakakapasok ng lubusan ang buong katawan ko ay nahawakan na agad ni Calvin ang dalawang paa ko saka marahas niyang hinila palabas.
“Bitiwan mo ako!” Pagpupumiglas ko mula sa kaniya.
“Sa palagay mo talaga ay matataguan mo ako gamit ang kamang ito?” asik niya sa'kin.
“Bitiwan mo ako, Calvin!” Muli akong nanlaban sa kaniya.
Binuhat niya ako at saka ipinahiga sa ibabaw ng malambot na kutson ng kama.
Bumangon ako subalit mas malakas siya kumpara sa akin. Pumaibabaw siya sa ibabaw ng katawan ko at saka hinawakan ang magkabilaan kong pulsuhan upang pigilan akong makatayo.
Inilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha dahilan upang maamoy kong muli ang ininom niyang alak.
“Ikaw ang kabayaran sa utang ng mga magulang mo. Whatever I want to do with you ay wala kang karapatang suwayin!” matigas niyang sabi at saka sinibasib ako ng halik sa labi.
“Calvin! This is r*pe!" impit kong hiyaw.
Nagpumiglas ako dahilan para matigil siya sa paghalik sa akin. Mataman siyang tumitig sa aking mukha.
Hindi ako nagsalita bagkus ay tumulo na lamang ang mga luha mula sa aking mga mata.
“Huwag mo akong daanin sa pagluha Mia dahil hindi ako naaawa!” mariin niyang saad.
Kulang na lamang ay maputol na ang litid ng ugat mula sa may kaniyang leeg.
“Hindi ako nagpapaawa sa 'yo dahil alam kong wala ka niyon! Gusto mong makuha ang p********e ko ‘di ba? Then ibibigay ko sa 'yo!" buong tapang kong turan.
Inalis ko ang pagkakabutones ng suot kong blusa kaya naman tumambad kay Calvin ang maumbok kong dibdib.
“This! Angkinin mo na ako ngayon! Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin sa akin dahil ito naman talaga ang gusto mong iparusa sa pagsuway ko sa mga nais mo!” hiyaw ko sa kaniya.
Tahimik niya lamang pinagmasdan ako sa mukha. Ni hindi man lang nga siya nag-abalang tumingin sa mga nakaluwang dibdid ko.
“Marahil nga ay malaki ang utang sa iyo ng magulang ko pero hindi iyon sapat na dahilan para ako ang hingiin mong kabayaran. Wala ka namang mapapala mula sa akin Calvin kaya palayain mo na ako!” puno ng pagtatangis kong pakiusap.
“That’s enough, Mia!” sawata niya sa akin.
“Hindi mo ako madadaan sa iyong pag-iyak! Mananatili ka rito hanggang sa kung kailan ko naisin!” sigaw niya sabay suntok ng malakas sa kama sa may bandang gilid ng mukha ko.
Malakas akong napasigaw dahil sa labis na takot. Kung matigas lang siguro ang kama na iyon ay tiyak na mawawasak ang kamao ni Calvin sa buong pwersa ng kaniyang pagsuntok.
Umalis siya mula sa ibabaw ng aking katawan saka malamig niya lamang akong tinapunan ng tingin.
“Ayusin mo ang kasuotan mo at hindi ako naaakit sa iyong katawan,” puno ng sarkastiko niyang saad. “Be thankful because I don't like you and I don't like your body either. Hindi mo kayang higitan ang mga babaeng nagdaan sa buhay ko.”
Taas baba niyang pinagmasdan ang katawan ko at saka mapanuya siyang tumawa.
“Kung tutuusin dapat ka pa ngang magpasalamat sa’kin dahil hindi kita ginawang alipin, bagkus itinuring ka pang prinsesa sa loob ng pamamahay na ito!” mariin niyang sambit.
Imbes na matuwa sa kaniyang sinabi ay nakaramdam lamang lalo ako ng panliliit sa aking sarili.
Ang sakit palang marinig mula mismo sa kaniyang bibig na hindi man lang siya naaakit sa aking katawan at para niya na rin akong sinampal ng paulit-ulit
Kuyom ang mga kamaong lumabas si Calvin ng kuwarto saka pabalagbag na isinirado ang pinto.
Dulot ng labis na inis at insekuridad sa aking sarili, pinagbabayo ko ang kama kasabay nang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata.
“Makakalaya rin ako mula sa iyo!” malakas kong hiyaw kay Calvin.
Alam kong naririnig pa niya ang mga sinasabi ko pero hindi na ako natatakot sa kaniya.