bc

Desire (Behind Fame and Glamour Series)

book_age18+
1.0K
FOLLOW
9.0K
READ
billionaire
dark
HE
dominant
badboy
bxg
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Calvin Villaforte, a man with a hideous monster inside his body. Kilala bilang mabait at mapagmahal na kasintahan ngunit may malupit na pagkataong nakatago.

Mia Silva, ang ipinambayad utang ng mga magulang niya kay Calvin dahil sa laki ng halagang inutang.

Kinuha si Mia ni Calvin upang iuwi sa sarili niyang bahay kung saan masasaksihan lahat ng dalaga ang malupit na pagkatao ng binata.

Matutuklasan din niya ang sakit na itinatago ni Calvin sa lahat at tanging siya lamang ang makapagbibigay lunas.

Will her love heals, Calvin?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Ladies and gentlemen, let's all welcome, Mr. Calvin Villaforte!” Sabay-sabay na nagpalakpakan ang mga taong naroon habang puno ng paghangang pinagmamasdan ang lalaking kumpiyansang naglalakad patungo sa gitna ng entablado. Matamis na ngumiti ang lalaki sa harapan ng mga taong pumalakpak sa kaniya matapos makapwesto ng tayo. Animo ay isa siyang perpektong tao na walang bahid ng anumang kapintasan sa katawan kaya ganoon na lamang kung hangaan ng karamihan. Nanlamig ang pakiramdam ko nang magtagpo ang aming mga paningin. Gusto kong tumakbo palabas ng silid na ‘yon ngunit hindi ko naman magawa. The man’s glance feels danger to me. Parang sinasabi ng kaniyang mga titig na subukan ko lamang umalis ay tiyak na masasaktan ako kapag nahuli niyang muli. He’s a kind of man na walang awa sa sinuman. Mapababae man o lalaki kapag ginusto niyang saktan ay kaniyang sasaktan. Lahat ng taong madikit sa kaniya ay pawang nangingilag lalo pa kung mainit ang kaniyang ulo. He’s a totally heartless man! I met him at Losyl Academy. He was one of the famous guy in school not only because he’s a son of the owner, but because he’s a man of every woman’s dream. Tinitilian at hinahangaan ng mga kababaihan ang binata dahil sa taglay niyang karisma. Ngunit hindi ako isa sa mga nasa listahan ng mga babaeng ‘yon sapagkat inilaan lamang ako sa kaniya bilang pambayad utang. Utang na kailan ko lang din nalaman dahil sa naabutan ko na siya sa bahay. Sinabihan ako ng mga magulang ko na sumama na raw sa kaniya. Ayoko sanang sumama noon ngunit wala na akong nagawa pa nang kaladkarin niya mismo ako palabas ng aming tahanan. Pati mga magulang ko ay napamata na lamang sa kaniyang ginawa dahil wala naman silang lakas ng loob na kalabanin ang lalaki. Pinahid ko ang mga taksil na luhang naglandas sa aking pisngi upang tuyuin. Nadama ko ang tumatagos na titig sa’kin ni Calvin, kaya muli kong binaling sa kaniya ang aking tingin. Kinilabutan ako nang masilayan ang pagsalubong ng kaniyang mga kilay na alam kong may nakatatakot na kahulugan. Nakagat ko ang ibabang labi upang pigilin ang namimintog na pagbagsak muli ng mga luha mula sa’king mga mata. Hindi na ako maaaring lumuha pa at makita niya sapagkat may katumbas iyong kaparusahan mula sa kaniya. “You look in-love with your fiancee, Mr. Villaforte,” wika ng emcee na siyang nagpakilala kay Calvin kanina. “I’m always in-love with her,” malambing niyang tugon na nagdulot ng malakas na kantiyaw mula sa mga kalalakihang naroon. Ramdam ko ang sabay na pag-iinit ng aking magkabilaang pisngi at pakiwari ko’y namumula na ang mga ‘yon nang sabay-sabay na tumingin sa gawi ko ang mga kababaihang naroon. Lahat sila ay kababanaagan ng labis na inggit mula sa kanilang mga mata. Kung alam lang nila! Hindi totoo ang ugaling ipinapakita ni Calvin sa mga taong narito sapagkat isa lamang iyong pagkukunwari at palabas. In front of them, Calvin is a charming, handsome, and loving boyfriend to me. But behind of his dress, there's a monster hideous! Isang buwan na mula nang kinuha niya ako sa bahay ng mga magulang ko at saka dinala sa sarili niyang bahay na bukod sa ubod ng laki ay tanging kalungkutan lamang naman ang nakapaloob sa kabila ng mga mamahaling kagamitang naroon. Lahat ng kasambahay niya ay takot na magkamali sa pagkilos lalo na kung ito’y mahalagang utos mula sa kaniya. Hindi sila maaaring magkamali at lalong hindi maaaring sumuway sa bawat patakarang inilaan niya dahil tiyak ang kalupitang sasapitin oras na mangyari iyon. Hindi ko alam kung gaano na kalayo ang narating ng aking isipan dahil sa dami nang tumatakbong isipin. Ang tanging namalayan ko na lamang ay tinatawag na ako ni Calvin sa entablado. Kasabay kong naglakad ang malakas na palakpakan ng mga taong naroon. Makikita sa bawat mata ng mga lalaking naroon ang paghangang ipinupukol nila sa akin. Kabaligtaran naman ng sa mga mata ni Calvin na punong-puno ng lamig at ni wala man lang kahit anong emosyon kung tumingin sa’kin. Hanggang ngayon ay tanong ko pa rin sa sarili kung bakit siya pumayag na ako ang maging kabayaran sa utang ng mga magulang ko gayong wala naman akong silbi sa kaniya. Wala nga akong ibang ginagawa sa bahay niya kundi ang kumain, matulog at umikot-ikot lamang sa kabuuan niyon. Ang kaniyang silid na lamang ang hindi ko pa napapasok dahil sa bawal akong makapasok doon. Ngunit kung minsan ay natutukso akong pasukin iyon at alamin kung ano nga ba ang meron sa loob niyon. Sinalubong niya ako upang alalayan kuno. Ganito siya sa tuwing may ibang tao, pero kung kaming dalawa lamang ay wala naman siyang pakialam sa akin. “You’re hand is cold like an ice. Are you feeling nervous?” namamaos niyang tanong na ako lang din naman ang nakarinig. Masuyong ginagap ng kaniyang palad ang aking palad at pakiramdam ko ay tuluyan na akong tatakasan ng lakas dahil sa tindi ng kaba na aking nadarama. Ito ang unang beses na nagsiklop ng matagal ang aming mga palad kahit pa nga ilan beses na namin iyong ginagawa. Karay-karay niya ako sa bawat okasyon na kaniyang pupuntahan at iyon lang naman ang silbi ko sa buhay niya. “Hindi mo naman siguro pinaplanong tumakas sa’kin mula sa lugar na ‘to,” bulong niya nang kabigin ako upang yakapin sa harap ng maraming tao. Malakas na tilian ng mga kababaihan ang aking narinig kasunod ang hiyawan ng mga kalalakihan. Nakagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi dahil sa galing ni Calvin magdrama sa harap ng mga taong naroon. Para akong sinisilihan sa pagkakatayo sa sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. “Hanggang ngayon ba ay pinaplano mo pa rin ang pagtakas mula sa akin?” he asked coldly. Iniling-iling ko ang ulo ko bilang pagtugon sa kaniya. At ano naman ang kakayahan kong tumakas sa isang katulad niyang makapangyarihan sa lahat. Sa mga bantay pa lamang na itinalaga niya ay wala na akong kawala. “Good!” Matamis siyang ngumiti saka dinampian ako ng magaan na halik sa aking labi. Napakislot ako sa paglapat ng aming mga labi. Hindi ito ang unang beses na dumampi sa labi ko ang kaniyang labi dahil may ilang okasyon na rin kaming dinaluhan. Hindi pa rin ako nasasanay sa tuwing ginagawa niya iyon dahil sa totoo lang ay siya ang una kong halik. Mabuti na lamang at iyon lang din ang kaniyang pinaggagagawa sa akin. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan kung minsan lalo pa sa tuwing tinititigan niya ako. “I like you!” malambing niyang sabi na nagdulot ng ibayong kiliti sa aking pakiramdam. Yumuko ako upang itago ang pamumula ng mga pisngi ko dahil ayokong isipin niya na nagugustuhan ko ang kaniyang mga sinasabi. Ang sarap nga sanang pakinggan ng kaniyang mga salita kung totoo at bukal lamang sa kalooban namin ang aming mga ginagawa. Ngunit ang lahat ng mga ito ay isa lamang palabas at siguradong sa pag-uwi namin ay muling lalabas na naman ang halimaw na katauhang nakatago mula sa isang Calvin Villaforte. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ng kaniyang kanang kamay sa aking tagiliran. “Don't try to run away again, if you don't want to repeat the punishment I gave to you before,” mariin niyang usal sa tapat ng aking tainga. Kinilabutan ako sa kaniyang sinabi kasabay ng muling pananariwa ng alaala ng gabing tumakas ako mula sa kaniyang bahay. Pinahabol niya ako sa kaniyang mga alagang K9 at kinagat ng mga iyon ang suot kong bestida hanggang sa magkandapunit-punit iyon. Akala ko nga noon ay kamatayan ko na dahil sa nakikitang panggigigil ng mga alaga niya sa pagpunit ng aking kasuotan. Naghalo ang luha at uhog ko ng mga sandaling iyon kasabay ng labis na panginginig ng aking katawan. Hinimatay ako sa mismong mga bisig ni Calvin nang makalapit siya sa’kin para sawayin ang kaniyang mga alaga. Kailanman ay hindi ko na tinangka pang tumakas muli mula sa ganoong paraan dahil alam kong posible rin naman niya akong mahuli. Isinumpa ko na lamang sa sarili na tatakas mula sa malupit niyang mga kamay sa sandaling magkaroon ako ng pagkakataon sa labas. “Smile, Mia. Smile!” utos niya sa’kin saka ipinaharap ako sa harap ng camera. Pilit kong pinangiti ang sarili kong labi upang palabasin sa mga taong naroon na masaya akong kapiling ang baliw na lalaki sa aking tabi. Sa loob ng isang buwan ng pagiging escort ni Calvin sa mga ganitong event, ako ang unang sumusuko dahil sa nakapapagod na pakikipagplastikan sa mga tao. Nakapapagod ang maging tulad niya na wala na yatang ibang alam gawin kundi ang magpayaman na lamang sa buhay habang parang baliw na namumuhay. Yamang hindi naman niya madadala sa hukay kung sakaling mamatay siya! Mahirap maging bilyonaryo katulad niya dahil wala siyang kalayaan sa kung anuman ang naisin niyang gawin. Kaya siguro nuknukan siya ng kabaliwan sa pag-iisip! Wala namang matinong tao ang mabait lamang kapag nasa labas pagkatapos ay nagiging ibang tao na kapag nasa loob na ng kaniyang pamamahay. Siya pa lamang ang nakilala kong taong ganoon!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook