Kabanata 00007

1356 Words
"Ma, Update me always please." Pakikiusap ko kay Mama Hindi ko na kasi ihahatid si Mama dahil isa iyon sa kondisyon ng aking Ama. Ayoko man pero kailangan kong gawin. Pumunta kami ni Mama sa hospital kung saan siya nagpacheck up at nagpasecond opinion na din kami sa iba ngunit iisa lang ang sinasabi nila. Ilang araw ko din pinagisipang mabuti ang lahat maging ang aking trabaho ay pinabayaan ko na. Kaya kong i-give up lahat wag lang si Mama. Nakikita ko din ang iilan at maliliit na pagbabago sa galaw ni mama kaya napagpasyahan kong gawin ang makakabuti sa kaniya. "Sir, kami na po bahala kay Ma'am hinihintay ka na po ni Mr. Martin sa bahay niya." Tiningnan ko lang siya ng masama at yumakap ng mahigpit kay Mama Sampong minuto din kaming nanatili sa ganoong pwesto. Hindi ko nakikitang umiiyak si Mama kaya sinabihan niya akong magpakalalaki daw, wala daw lalaking umiiyak. Tumawa naman kami pareho at pinako sa isa't isa na magsasama kaming muli pagtapos ng lahat ng problema. Speaking of my current job, alam kong inappropriate na magpaalam sa text message ay nagawa ko dahil di ko kayang humarap sa kaniya. Isipin na niya ang mga bagay na masama tungkol sa akin ay ayos lamang sa ganoong paraan ay makalimutan niya agad ako. Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya pero wala na akong ibang choice, ayoko mamoblema si mama sa bayarin kung uutang kami ng pangpagamot niya, masyado din kasing malaki ang kailangan at halos apat na beses sa sinasahod ko sa isang buwan. May naghatid kay Mama sa airport na tauhan din ng aking Ama. Ako naman ay ihahatid din ng isa sa mga tauhan niya sa kanilang mansyon. Pagpasok namin sa malaking gate at makikita mo ang malalaking puno sa gilid ng kalsada, wala pang sampong minuto ay tumigil kami sa isang malaking pintuan na may tatlong baitang na hagdan. Pinagbuksan niya ako ng pinto a binigay ako susi sa isang lalaking lumapit sa amin. Pumasok kami at nauna siya "Nandito na po siya" rinig kong sabi ng naghatid sa akin Nandito na pala kami sa isang malawak na sala siguro ng kanilang bahay. Nakita ko siya at maging dalawang babae na halos magkaedad lang kung sa itsura titingnan. "Welcome home Anak" Masayang banggitin ng aking Ama. "Cheska ang iyong kapatid si Miguel Ice, Miguel si Cheska ang iyong ate, ito naman ang aking asawa si Tita Gladys mo" pagpapakilala niya sa kaniyang dalawang kasama "From now on this is your home so feel at home" Dagdag pa niya "Salamat po" sabi ko habang nakangiti ng peke at nag-vow sign ng aking pag-hello sa kanilang dalawa. "Kumain ka na ba? Halika kumain na tayo ng sabay-sabay" Aya niya sa akin Wala naman imik sila tita at cheska kaya hinayaan ko na lahat pero hindi makakaligtas sa akin ang matatalim na paminsan na tingin nila dalawa. Umupo sila sa kani-kanilang sigurong pwesto sa lamesa kaya ako ay pumunta sa kasunod na upuan ng aking kapatid ngunit nagsalita si Dad na sa tabi niya na lamang at sa kabilang pwesto si cheska katabi ng kaniyang Ina. Hindi ko alam ang tamang arrangement ng upuan sa mayayaman kaya hindi ko din alam ang dahilan ng kaunting pagdabog na paglipat ni cheska at mumunting irap ni Tita. Isang malaking dining table na may walong upuan ang aming pinagkakainan ngayon. "Miguel, simula ngayon gigising ka bago mag alas-siyete ng umaga at magaasikaso ng sarili mo. Seven thirty in the morning sabay tayong kakain dito pagkatapos ay papasok sa opisina, kung malilate ka ng gising at tapos na kami kumain ay hihintayin mo ang lunch bago ka pa makakain ng almusal. Simple yet may isa na di makasunod sana iba ka sa kaniya" Pagkakasabi niya habang nakatingin ng matalim kay cheska "15th and 30th of the month ang sahod mo- "Pwede bang ang ganyan bagay ay sa opisina niyo na lamang pagusapan. That's business matter this is a family dinner so should we talk about our family matters' Pagtataray na putol ni Tita kay dad. Tumango na lang si Dad at nagpatuloy sa pagkain. Natapos ang pagkain ng wala man lang isa sa kanila ang nagsasalita, halos hindi naman ako makakain ng tama hindi dahil hindi masarap ang pagkain kundi ay naiisip ko si Mama Nasaan na kaya siya? Nakarating na ba? Kumakain na rin ba siya? Sino kaya ang kasama niya? Ang daming tanong sa sarili ko ngunit di ko naman magawa siyang i-text dahil nasa harapan pa ako ng mga ito. Wala kasing tumatayo sa hapagkainan kundi mga kaniya kaniya ng nagkakalikot ng telepono. Magaganda cellphone nila kaya hindi ko mailabas ang cellphone ko na may mga tape sa gilid. "Manang we're done na po" Sigaw ni cheska at tumayo na "I'm going to my room na, Goodnight Dad, Mom and you! Goodnight sayo" sabi niya habang bumebeso sa kaniyang magulang tas tumango na din ako Pagkaalis niya ay nagsalita si Daddy " You should treat us like your parents here, If you need something important tell us first, if your going somewhere magpaalam ka di- "In short respetuhin mo kami" Pagputol muli ni Tita kay Daddy "Una na ako sa kwarto" Dagdag pa niya Tumango na lamang akong muli. "That's right. Just respect us in any aspect at wala tayong magiging problema, sasamahan ka ni Tanya sa kwarto mo, Magpahinga at matulog ng maaga at maaga tayong aalis bukas" bilin ni dad at umalis na din. Naiwan akong magisa kaya tumayo na ako. Lumapit naman sa akin ang hindi masyadong matanda na babae, sinabi niya sa akin na hintayin ko lang siya at sasamahan niya ako sa magiging kwarto ko. Tinutulungan ko naman siyang magligpit ngunit ayaw niya akong pahawakin dahil trabaho niya daw iyon at magagalit daw sila dad once na makitang kami ang nagliligpit ng pinagkainan namin. Kaya daw kasi sila nandito sa mansyon ay para pagsilbihan kami kaya bilang respeto sa kanila ay pinanuod ko na lamang siya. Hindi naman nagtagal ay lumabas na siya at niyaya ako. Pumasok kami sa isang malaking kwarto sa second floor ng mansyon na ito. Tinuro niya din sa akin ang kwarto ni Tita, Dad at cheska. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit magkaiba room nila Dad at tita ay mag asawa naman sila. Hindi naman ako nagtanong dahil baka sabihin chismoso ako. Iniwan ako sa isang mukhang panlalaking kwarto. Combination ng black and white ang gamit maging ang mga pader nito, may sarilig computer set up at maliit na sofa. Meron ding sariling cr at pagpasok ay mayroong cabinet at maliit na silya at lamesa. Halos completo na din ang gamit at mas malaki pa sa naging bahay namin ni mama Naalala ko si Mama kaya agad kong hinanap phone ko sa bulsa ako at pinindot ang number 2. Nakaspeed dial kasi si Mama sa phone ko " Hi Mama, Nasagot mo na tawag ko meaning nakarating ka na sa U.S" siyang sabi ko. Sa halip na sumagot ay binabaan ako nito at nagtext ng 'sa messenger tayo usap videocall anak para makita naman kita" Agad ko namang pinuntahan ang computer set up dito sa room ko at nilog in ang f*******: account ko. Saktong tumatawag naman sa akin si Mama. Nagusap kami, nagkamustahan at nagkwentuhan ng mga ganap sa ilang oras na di kami nagkasama. Kinukwento ko din ang first encounter namin ni Tita at Cheska. Sabi nga ni Mama na mahalaga daw talaga ang respeto sa pamilya ni papa lalo na daw kay Lolo, bawat oras din daw sa kanila ay mahalaga. Akala kasi ng iba na pagmayaman ka ay wala ka ng pakialam sa lahat ng bagay, na pwede kang gumising ng tanghali kumain anytime you want at gumastos kailan mo gustuhin pero ang reyalidad daw ay mas strikto ang mayayaman sa oras, pera at sa pagkain. Hindi ko naramdaman na magkalayo kami ni Mama dahil sa mga kwento at paguusap namin. Sa pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang siya at nagkukwentuhan kami. Pinatulog ako ni mama ng maaga para daw makakain ako ng almusal at hindi gutumin dahil mahaba daw ang magiging oras ng araw ko bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD