"Manang mana sa iyo ang iyong anak" wika ng isang board kay daddy
"He is smart and young. Sana higitan niya kung paano ako noong kabataan ko" wika ni Daddy
Mula nag-start akong mag-train dito wala ng ibang ginawa kundi kaliwa't kanan na comparison at expectation. Hindi na ako nagkaroon ng sarili kong image dahil puro na lamang sila nagexpect na kasing galing ako ni Dad o mas higit pa.
Well, that's life.
Maaga akong nagaasikaso ng lahat. Hindi ako napapahuli dahil bilin iyon ni Mama. Lahat ng bilin ni Mama ang sinusunod ko, alam kasi ni mama ang gusto at hindi gusto ni Daddy.
Dating secretary ni dad si Mama. May asawa't anak na si daddy noong nagkakilala sila ni Mama. Wala naman masamang intensyson daw si Mama, gusto niya lamang ang damayan si Dad sa mga panahong hindi na nito kaya ang pinagdadaanan. Hindi man nasabi ni Mama kung ano pinagdadaanan nito ay mas pinili niya na lang damayan kaysa usisain ang mga bagay-bagay.
"Sir Miguel, Excuse me" saad ng secretary ko
I have my own secretary, I have my own office and also i have my basic salary fourth times than my first month salary before in my first job.
"Yes?" tanong ko
"Your dad asking for the plan and progress of the monthly budget next month" my secretary said.
"I sent it already sa email niya-
"But he said sa secretary niya daw mo ipasa sir." sabi pa niya
"Ipasa niya sa secretary niya" iretable kong sabi
Ang dami niyang plans at mga budget na pinapagawa, it's a budget plan, ano naman alam ko sa pinaggagastusan ng bawat department ng company saka di ba may sarili silang taga budget. Wala naman akong alam sa mga ito. Lahat ng alam ko base lamang sa pinagaralan ko noong college and also sa high school.
"Pero wala po akong access sa personal secretary niya" muling sagot ng secretary ko
"Hayaan mo na lang silang dalawa magusap. Nasa kanila naman na e" sabi ko
"Sungit talaga" mahina naman niyang sabi habang papaalis sa office ko
Madami akong naririnig na masungit nga daw ako, mas masungit nga daw sa sarili kong ama. Hindi pa kasi nila ako nakitang nakangiti at nakikipagusap ng madalas sa mga tao. Maliban kay dad at sa sarili kong secretary ay wala na akong ibang kinakausap. Kung hindi naman sila Mama ang makakasama at kausap ko ayoko na lang makipagusap sa iba.
Madaming bagay ang nagbago simula ng nagtrabaho ako dito. Lahat ng kaugalian ko simula pagkabata ay binago ko dahil gusto ko si Mama lamang nakakilala ang tunay ako para wala na muling makapanakit sa akin at malaman ang tunay na ako. Naniniwala kasi ako na the more they know you the more they hurt you. Saka ayoko din maattach sa mga bagay na sa company ni dad dahil hindi ako karapat dapat sa kanilang negosyo at kayamanan. Ginagawa ko lamang ito para lamang sa paggagamot kay Mama.
"Naghihintay na po si Mr. Martin sa kotse" katok ng secretary ko
"I'll be there in a minute." sagot ko
Lumabas na ako at lumabas ng opisina.
Habang naglalakad tumawag ako kay Mama "Hi Maaa. Papunta kaming meeting ni Dad, ikaw po ba nakapagpacheck up na? kumain ka na ba? Did you take your medicine na? " sunod na sunod na tanong ko
Tumawa lang si Mama dahil doon ay napangiti na din ako. Namimiss ko na kaniyang tawa at halakhak ni Mama ngunit kailangan kong magtiis para makasama ko pa siya ng matagal.
"Ok fine Mama. I love you always. Pagaling ka huh. Hahaha alam ko naman inis ka na sa pagpapaalala ko pero alam mo naman kung bakit ako ganito " Paalala ko muli kay mama
Sa Araw- Araw na routine ko hindi nawawala doon ang pasaglit saglit na tawag ko kay Mama
"Girls, Look sir Miguel. Ngumingiti siya, ano yan may girlfriend na siya"
"Oo nga. Mas gumagwapo sa mga nguti niya"
"Grabe makalag-
Minaglit ko na sa isip ko mga pinag uusapan nila at umaayos ng tayo at naglakad palayo sa kanila. That's my mom and not my girlfirend. Tsk
"Yes dad, bakit kailangan kasama pa ako? i have many papers to do" sabi ko pagkapasok ko sa kotse ni dad
"May malaking Gatherings na gaganapin at dadalo doon ang malalaking pamilya mula sa iba't ibang panig ng mundo" sabi ni Dad.
"Kailangan po ba ako doon?" paguusisa ko
"Ofcourse your my heirs at nagiisang anak-
"Anak na lalaki" pagdugtong niya
Sabagay, Sa ngayon ako nga pala ang nagiisang tagapagmana at muling hahawak ng company after he. Nawala sa isip ko dahil tanging alam ko ay kapwa empleyado lamang ako sa kompanya ni dad. Wala akong ibang balak gawin o sabihin pa dahil susunod lamang ako sa mga nanaisin nila.
"Pupunta tayo sa mga designer para sa mga susuotin natin, susunod doon ang ate mo at Tita." sabi niya pa sa akin.
"Kamusta daw ang Mommy mo?" muli niyang tanong
"She's fine and doing great. Thanks to you" sambit ko pa
Dumating kami sa dapat puntahan. Sobrang daming arte ng mga ito, kahit gusto ko ayaw naman nila at kung kailan ayoko naman saka naman nila gugustuhin. Gusto pa nila na pare-pareho daw kuno ang susuotin upang malaman daw ng marami na kami ang Family imahe ng buo at masayang pamilya.
Ang daming paganap at kung ano ano pang kaartehan ang gagawin. Isa lamang naman ang nais ko e, magawa na ito at matapos na.
Pagkatapos naman ay pumunta kami sa mall upang kumain ng buong pamilya. Doon ko lang napansin ang madaming Camera at kaliwa't kanan na sibilyang kumukuha ng imahe sa amin. Siguro ay hinire kami ito nila Daddy para kumuha ng imahe at pagusapan ang masaya at buong pamilya daw namin kuno. Ang pepeke ng tao para lamang makakuha ng simpatya at papuri mula sa iba't ibang tao na hindi namin kilala.
Ang gagaling din umarte ni Tita at cheska mukhang sanay na sila sa camera. Ako lang ata ang hindi makatingin ng maayos sa dinadaanan dahil ang sisilaw ng mga camera na tumatama sa salamin ko.
"Nakauwi na po sa pamilya niya, ang iba naman ay may kaniya kaniya na trabaho at business na. Mukhang ang panganay at bunso ang may chance na maging heirs at tagapagmana." banggit ng assistant ni Daddy
"Pero may sariling career sa ibang bansa ang bunso at babae pa ito di ba?" tanong naman ni Dad
"Totoo po iyan." sagot naman ng assistant niya
Sino naman kaya ang pinaguusapan nila at para saan ba iyon?
Hindi ko man alam kung ano at para saan pero i am sure na it's about expansion of our business.