Chapter 17-The Deal

1220 Words
Mahigpit ang hawak niya sa braso ni Doc Rayzon habang papasok sila sa malaking bulwagan ng kumpanya ni Onyx Geller. First time niyang dumalo sa ganitong engrandeng selebrasyon at ni isa sa mga tao na nandoon ay di niya kilala pero base sa itsura ng mga ito ay masasabi niyang mga prominenteng tao at may masasabi sa buhay. Halos lahat ng mga kalalakihan , tulad ni Doc Rayzon ay itim na coat at slacks ang suot. Ang mga babae naman ay formal rin kagaya niya. Si Doc Rayzon ang pumili ng kanyang long dress na bagsak sa kanyang katawan ang tela. Bakad ang kurba ng kanyang katawan lalo na ang kanyang balakang at malulusog na dibdib pero higit pa man ay mas umaapaw ang kanyang kaba dahil may isang tao pa rin siyang inaasahang tatagpuin ngayong gabi . Pero may isa pa siyang kinatatakutan, ang tiyahin ni Onyx na si Rutchelle. Sana ay di sila pagtatagpuin ngayong gabi. Umupo sila sa mesang may nakasulat na pangalan ni Doc Rayzon. “ Why so tense, Nelle? Huwag kang mag-alala nandito lang ako sa tabi mo.” saad sa kanya ni Doc Rayzon. “ Hindi lang kasi ako sanay Dok.” sagot niya rito. “ Don’t worry, masasanay ka rin dahil palagi kitang dadalhin sa mga ganitong event.” nakangiting wika nito. Ngiti lamang ang kanyang isinagot dahil tiyak niyang biro lamang iyon. Isang minuto pa lamang silang nakaupo ay bigla nang may nagsalita sa harapan kung nasa’n ang entablado. Punong puno ng makukulay na mga ilaw at sa mga gilid ng bulwagan ay puno rin ng mga mesang maraming mga pagkain. Maraming sinasabi ang host at dahil sa kanyang kaba ay wala siyang naintindihan kahit na isang salita nito. “ Let’s welcome ,the chairman of LM group of companies. Mr. ONYX GELLER!” Lahat ng mga tao ay nagsitayuan at nagsipalakpakan ng marinig ang pangalan ni Onyx Geller. There he is, ang lalakeng sinaktan niya sampug taon na ang nakaraan ay isa nang napakayamang personalidad sa Pilipinas. One of the richest bachelor businessman. Habang nakatingin kay Onyx ay naalala niya bigla ang mga kanilang nakaraan noong magnobyo pa lamang sila. Kahit na simple ay masaya ang buhay nilang magkasama. Street foods lang dati ay ayos na sa kanilang dalawa . Basta kung saan libre ang pasyalan ay doon sila kasi wala silang pera. Pero ang taong kasama niya noon ay malayong malayo na sa katauhan nito ngayon. Wala nang bakas ng hirap sa kilos , pananalita at pananamit ni Onyx. Lahat yata ng suot nito ay mas mahal pa kaysa sa buhay niya.But still she’s so proud of what he become. Atleast, naging successful ito sa buhay. Ngayon ay mas narealized na nga niya na tama ang lahat ng sinabi sa kanya ng tiyahin ni Onyx. Hindi sila bagay dahil malayo pa ang mararating ni Onyx sa buhay at ang isang katulad niya ay hindi deserve ang umupo sa hapagkainan ng mga Geller. Kalaunan ay nalaman niyang napakayaman pala ng mga Geller. Malalawak ang lupain ng mga ito, maraming mga kumpanya at mga ari-arian hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. May point ang tiyahin nito at habang nakikita si Onyx na pinapapalakpak ng mga prominenteng tao ay napagtanto niyang taman ang kanyang desisyon noon. Langit ito at lupa siya . Wala siyang mapapatunayan sa pamilya ng mga ito. “ Okay ka lang ba ? May lagnat ka ba Nelle?” Umiling siya. “ Pagod lang yata sa biyahe Doc. “ Pagsisinungaling niya dahil ang totoo ay binabalik tanaw na naman niya ang nakaraan nila ni Onyx. Ang nakaraan kasi nila ay puro mga masasayang ala-ala .Indeed, pure love. Anim na oras kasi ang biniyahe nila papunta sa siyudad ni Onyx . Nag check in lamang sila sa kalapit na hotel . Syempre , magkaiba ag kwarto nila ng Doktor. Bukas naman ng umaga ay muli na naman silang bibiyahe pabalik sa Manila. Nang tumingin siya ulit sa stage at biglang tumugil ang mundo niya nang makitang nakatingin sa kanila si Onyx. Itinaas naman ni Dok Rayzon ang isang kopita ng alak at sumenyas ng “ cheers” kay Onyx. Siya naman ay sumunod rin sa ginawa ng Doctor. Anong klaseng tingin ‘yon? Parang hindi nito nagustuhan ang presensya nila ni Doc Rayzon! Akala ba niya ay hihintayin sila nito sa launching? Umiwas na lamang siya ng tingin kay Onyx at muling tumingin sa Doctor. Sana ay mabilis lang matapos ang gabing ito para makauwi na sila. Nakakatakot ang mga tingin ni Onyx , parang mapagparusa at puno ng hinanakit. At nagpatuloy na ang selebrasyon. May mga iilang nagsalita sa entablado kabilang na si Doc Rayzon bilang kaibigan ni Onyx. Nang lumalim na ang gabi ay may ilang nag-iinuman na at tumugtog na ang musika at karamihan ay nagsasayawan na sa gitna. Si Doc Rayzon ay may kakwentuhan rin na Doctor rin tulad nito. Tumayo siya pagkatapos magpaalam sa Doctor . Gusto niyang lumabas na muna sa lugar na ‘yon dahil medyo nahihilo na siya sa ingay ng musika at sa mga boses ng mga taong nagkukwentuhan. Lumabas siya at tumambay na muna sa maliit na gazebo na nasa labas lamang ng building. Sa totoo lang ay naiingayan siya sa loob. Kahit na sanay na rin siya bilang waitress sa bar ay talagang nakakapanibago pa rin. “ So, you really did came here? So, did you like what you witnessed or did you just decide to come back to me, Leanelle?” “ Hin—” “ Maybe sumama ka talaga rito to confirm na mas mayaman na pala ako kaysa sa boyfriend mo? So, what do you feel right now huh? Nasasayangan ka ba? Na ‘yung sinabi mong basura ay mas higit pa kaysa sa taong pinili mo?” “ Onyx wala akong sinasa–” “ That’s how gold diggers think Leanelle! “ Yumuko siya dahil hindi na niya kayang tanggapin pa ang mga salitang sinasabi ni Onyx. “ Umiiyak ka? Para saan ang mga luhang ‘yan Leanelle? May offer nga pala ako sa’yo , since isa kang gold digger…Hmm, I’ll give you a monthly salary bilang babae ko. Be my bed warmer in exchange, may pera ka. So what do you think?” Bigla niyan itong sinampal ng malakas. Malakas naman itong tumawa.” Yun lang ang posisyon na kaya kong i-offer sa’yo Leannel, you only deserve to be called as my w***e. How about hundred thousand a month? Or maybe two or three?” Whore? Mas masahol pa pala ang tingin nito sa kanya kaysa sa babaeng mababa ang lipad? “ Onyx? What took you so long?” Bigla siyang tumalikod nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Paano niya malilimutan ang boses ng tiyahin ni Onyx? “ I’m going back inside Tita!” anito at bigla na lamang umalis sa gazebo. “ Who’s that?” Dinig pa niyang tanong ng tiyahin nito habang papasok na ulit ang dalawa sa loob. “ Just a nobody.” sagot naman kaagad ni Onyx. Tama nga naman si Onyx Geller. She's just a nobody. Mabuti na lamang ay hindi siya nakita at nakilala ng tiyahin nitong matapobre. Naalala niyang kinwento ni Onyx na ang tiyahin nito ang nag-aruga sa kanilang magkakapatid dati kaya naman napakalaki rin ng utang na loob ng tatlo sa babaeng 'yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD