Chapter 16-Reality

2066 Words
" Hoy Leanelle! Anyare sa'yo ? Pinakain ka ba ng b*rat ni Senyorito Rayzon kagabi?" Bigla siyang bumalik sa kanyang ulirat nang marinig ang boses ni Betty. Kasalukuyan silang naghahapunan sa maids quarter kasama si Betty . Paano ba naman kasi , ang kanyang isipan ay naglalakbay pa rin sa mga pangyayari kagabi. Masaya siya dahil binayaran na siya ni Dok Rayzon pero hindi pa rin siya maka move on sa muling pagkikita nila ni Onyx. " Ano ka ba Betty baka mamaya maririnig ka ni Madame Gwen! Ikaw ha? Nagpanggap lang naman kami kagabi ni Dok para lang may ipapakilala siyang nobya at di na kulitin pa ng mga batchmates niya pero hanggang doon na lang 'yun." " Sigurada ka girl? Tulala ka kasi eh kaya akala ko tuloy nakakita ka ng malaking b*rat kagabi!" Natawa siya sa sinabi ni Betty, hinampas niya ang braso nito dahil sa mga pinagsasabi nitong kalokohan. " At bakit naman ipapakita ni Dok Rayzon sa akin ang b*rat niya ? Ikaw ha, masyadong madumi yang isip mo!" Malakas naman itong humalakhak. " Oo nga pala, sa'kin pala dapat ipapakita ni Dok ang b*rat niyang maugat, malaki at juicy.." Sambit ng bakla habang tinutusok nito ang jumbo hotdog na ulam nila. "Kayong dalawa diyan! Ang dami nyo pang trabahong di natatapos ha? Panay chismis lang kayong dalawa! Sayang ang bayad namin sa inyo mga tamad!" Nakapameywang na wika ni Gwen nang maabutan sila nitong nag-uusap sa maids quarter nila. Maaga pa naman at bago sila magtrabaho ay kumakain muna talaga silang mga katulong. Nakasanayan na kasi nila iyon dahil utos ng Mama nina Gwen. " Honey nandito ka pala! is there anything wrong here?" Dumungaw naman si Guillard ang nobyo ni Gwen. Pumasok ito at lumapit sa kanila . " Wow, they're eating! Sige , kain pa." " Ay oo, sige kumain pa kayong dalawa. Magpakabusog kayo Betty and Leanelle. Honey, ganito talaga kami, we always make sure that our workers eat well first before working. Sige lang Betty, may kanin pa oh and yung hotdogs ubusin niyo na dahil mamaya ay magpapabili ako ng supplies ninyo." Nagkatingin sila ni Betty. Bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin nang dumating si Guillard ? " Thats what I like about you honey, you're so kind . I'll be the luckiest husband if we will get married." Biglang nabilaukan si Betty. " T-Tubig Nel.." Nataranta naman siya at mabilis na kumuha ng baso para sa kaibigan. Ewan niya kung sa hotdog ba nabilaukan si Betty or sa sinabi ni Guillard kay Senyorita Gwen. " Sige honey, let's go outside ." Sambit pa ni Gwen kay Guillard sabay kapit sa braso nito. Nang paalis na ay dinilatan pa sila ng babae bilang hudyat na dalian na nilang kumain. " Bess, kawawa naman si Guillard akala niya anghel ang mapapangasawa niya noh?Ano kaya ang pinakain ni Gwen kay Guillard ano? " " Sabi nga nila, love is blind di ba? " aniya sa kaibigan. " Hayst hindi na uso yan ngayon noh! Ang sabihin mo, tanga si Guillard! Hindi naman siya bulag para sa love is blinded na 'yan! Naku, nakakagigil lang talaga!" " Bakit ba ikaw nag namomoblema Betty? Hayaan mo na silang dalawa dahil mahal naman nila ang isa't isa di ba?" " Hayst naaawa ako kay Guillard! Mapupunta lang sa ternong si Gwen. Pangit na nga ang pagmumukha, pati ugail pa kaya terno !" Napailing na lamang siya. " Baka magbabago pa yun." " Mamaya pala bess ay first night mo na as waitress sa bar ng hubby ni Athena noh?" Tanong sa kanya ni Betty. " Alam mo, nakakaawa si Athena. May mayaman at gwapong asawa pero hindi naman siya mahal! " Napatango siya. Alam nila ang kwento ng buhay ni Athena dati itong tagalinis sa isang five star hotel . May iniligtas itong buhay noon, isang matandang babae na inatake sa kwarto nito pero iniligtas iyon ni Athena . Dating nursing student ang kanilang kaibigan pero tumigil ito sa pag-aaral nang biglang naulila dahil sa pagkamatay ng mga magulang. Then her husband is a ruthless billionaire na ni minsan ay walang ipinakitang kabutihan kay Athena. But Athena secretly loves her husband . " Oo, mamaya na ako magsisimula. " " Mag-ingat ka ah baka tsansingan ka ng mga lalaki doon!" " Sabi naman ni Athena ay pang VIP raw ang bar na 'yon. " " Aba, mas pasaway ang mga mayayaman dahil may pera sila at di sila takot na manamantala ng ibang tao!" May punto naman si Betty pero iisipin pa ba niya 'yon? Kailangan niya ng malaking halaga para sa kapatid niyang kailnagan maoperahan kaagad. Pagkatapos nilang kumain ay nagsimula na siyang kumilos para maaga na niyang matapos ang trabaho sa mansion. Nilinis na niya ang lahat ng mga alikabok sa loob at labas ng mansion. Nilinis na rin niya ang sahig samantalang si Betty ay sa labas naglinis dahil nakatoka naman talaga ito sa garden at pool side. " Hi!" Bati sa kanya ni Dok Rayzon. Kakagising lamang ng Doktor. Hang-over ito kagabi kaya tinanghali na ng gising. " Leanelle, can you cook for me? Gusto ko ng sabaw and cold drinks! Masakit talaga ang ulo ko ." " Sig po, Dok sandali lang po ah!" Back to reality na silang dalawa ni Dok. Kung kagabi ay para silang kwento ng fairytale ngayon naman ay nasa realidad na sila. She as his maid . Nagluto siya ng shrimp soup at dahil hang-over si Dok ay humingi ito ng napakalamig na soda. " Thanks Nel, napakasarap mong magluto." komplimento nito sa kanya. " Thanks po," Naalala niyang paborito pala iyon ni Onyx. Ang niluto niya ngayon ang palagi nitong pinapaluto sa kanya kapag dadalaw ito dati sa kanyang apartment. " Alam ko na kung ano ang request ko sa'yo kapag nandito ako sa mansion." Ngumiti lamang siya sa Doktor dahil naaalala niya si Onyx . " Dont forget that Onyx invited us to his business first launching." " Opo." Sandali silang nag-usap ni Dok dahil ayaw naman siya nitong umalis habang kumakain ito. Pero nang dumating si Senyorito Regan ay nagpaalam na siya sa dalawa. Hapon na nang natapos ang kanyang trabaho kaya nagdesisyon na siyang bumalik na muna sa kanyang kwarto upang magpahinga saglit. Ate, kailangan ni Dodong ng twenty thousand sa susunod na linggo dahil may naka schedule na ultrasound . Nanginginig siya habang binabasa ang mensahe ng babae niyang kapatid. Ipapadala nga sana niya ang sampung libo kay Red pero dahil sa mensahe ng kapatid ay iipunin nalang niya ang pera para may maipapadala siya para kay Dodong. Dios ko po, bakit napakahirap mabuhay sa panahong ito? Minsan ay nakakasuko na dahil parang pasan na niya ang lahat ng problema sa mundo. Paldong paldo na siya sa kagipitan sa taong ito.Hindi bale dahil mamaya baka makakakuha naman siya ng tip bilang waitress sa VIP bar ng asawa ni Athena. ____________________ " Miss, pakidala ito sa VIP room 6." utos sa kanya ng katrabaho niya sa bar. Madali naman siyang natuto dahil pamilyar nanan sa kanya ang trabahong ito. Tama nga si Athena dahil mukhang mga mayayaman lamang talaga ang pumapasok doon. May mga entertainers na magaganda at seksing mga babae at ang bulong sa kanya ng isa niyang kasamang waitress ay napakalaki raw ang kita ng mga babaeng entertainers sa bar na iyon dahil ang lakas magbigay ng tip ang mga customers kapag magaling ka lang. Hindi niya alam kung anong klaseng " galing " ang tinutukoy nito. Kumatok na muna siya s a VIP room six bago pumasok dala ang dalawang bucket ng beer at inorder na mga pulutan ng mga ito. Natulos siya sa kanyang pagkakaupo nang makita si Onyx sa loob . May kasama itong dalawang lalake na may kaakbay na dalawang babaeng entertainers ng bar. Pamilyar sa kanya ang dalawang kasama ni Onyx. Mga kaibigan ito ng binata dahil minsan ay pinakilala na siya nito sa mga ito. " Onyx looks who's here? Hindi ba't si Leanelle Mendoza yan? You're ex girl---" natigilan ang isa sa pagsasalita nang biglang sumenyas si Onyx rito. " Oo nga, nandito ka pala. So, what's this? Your sideline again? " sambit nito sa kanya na di inaalis ang mga mata nito sa kabubuan niya.Ang lahat kasi ng mga waitress ay napakaseksi ng suot. Sobrang ikli ng skirt at croptop ang kailang top kung saan bakat na bakat ang mayayaman niyang mga dibdib. " Nandito na po ang order niyo sir." pilit siyang umakto na parang normal lang kahit sa kanyang kaibuturan ay kabang kaba na siya. Aalis na sana siya ngunit bigla siyang hinawakan sa braso ni Onyx. " As VIP's here , may karapatan kaming mag request sa mga entertainers and even waitress like you." matigas nitong sambit. " H-Hindi po sir,wala po 'yan sa kontrata nam---" " Yes girl hindi mo ba alam or hindi ba sinabi sa'yo ng manager? Kung hindi ka uupo ay isusumbong ka namin para tanggal ka agad sa trabaho!" sumingit naman ang isang babaeng entertainer kaya wala siyang nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Onyx. " So, what brings you here little sl*t? Alam ba ng boyfriend mo na may sideline ka tuwing gabi rito huh? Kulang ba? Kulang ba ang allowance na binibigay niya or shall I say na hinuhuthot mo sa kanya? Or baka naman...you're here to fish another billiionarie ?" Napayuko lamang siya at walang balak na patulan si Onyx. " Onyx mukhang virgin pa ang ex mo !" natatawang sambit ng isang kasama nito. " Maybe you're here tonight because you want to get laid huh? Hindi ba magaling sa kama si Rayzon? Hindi ba malaki ang kargada niya katulad nang akin Leanelle?" bulong nito sa tainga niya. " Aalis na ako," aniya kay Onyx. Nagtawanan naman ang apat na nakikinig lamang sa kanila. " Well I have a deal, little sl*tty... " Kumuha ito ng sampung maliliit na wine glass at sinalin ang lahat ng laman ng wine sa mga maliliit na mga baso. Napalunok siya sa nakita. Anong deal ang gusto ni Onyx? Umiling siya. " Hindi ako umiinum Onyx." " Wait hindi pa ako tapos! Inumin mo ang lahat ng iyan ...isang baso ay sampung libo ang katumbas. So ten glasses is one hundred thousand pesos." Inilabas ni Onyx ang isang bungkos ng tig-iisang libo at inilatag sa lamesa katabi ang wine. Pumikit siya dahil sobra sobra na ang perang yon. Matutulugan na niya ang kanyang kapatid sa pagpapagamot nito at makakabili pa si Red , ang anak niya ng bagong mga gamit at damit. " Oh ano? Iinum ka ba o hinde?" Tanong sa kanya ni Onyx. Nagsipalakpakan naman ang mga kaibigan nito na tila ba tinutudyo talaga siyang uminom. Huling beses siyang nalasing ay noong unang gabing umalis siya at sinaktan niya si Onyx. " I'll do it!" Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ni Onyx nang sinabi niya 'yon. Nagsisipalakpakan ang mga ito at bawat basong iniinum niya ay pahina siya ng pahina. Kung kailan malapit na niyang maubos ay mas hilong hilo na siya . Pero dahil sa matinding mangangailangan ay inubos niya ang lahat ng basong may lamang hard wine. " Wow galing ah? Tindi mo pala sa inuman!" sambit ng isang kasama ni Onyx. " Oo, tssk talo tayong mga lalake ah!" sambit pa ng isa, Pilit pa rin siyang tumatayo ng tuwid dahil gusto niyang ipakitang matibay siya. Its always mind over matter kapag lasing ka, your brain can still control your bosy just like what she's doing right now, " Sanay na sanay ka na talaga Leanelle! Basta usapang pera talaga, bilib ako sa'yo." " 'Yung pera ko!" sambit niya nang makitang kinuha iyon muli ni Onyx. " Here's your money! Pulutin mo!" sambit nito nang biglang itinapon sa ere ang lilibuhing pera. Humalakhak naman ang mga audience nila habang siya'y nakaluhod at isa-isang pinupulot ang mga lilibuhing perang itinapon ni Onyx. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito dahl mas magmumukha siyang kaawa awa. Isangdaan libong piso rin yon at para sa kanya ay napakalaking halaga na nun. " Tara na . lets change room." Dinig niyang sambit ni Onyx nang tumayo ito at nauna nang uamlis sa vip room . Nang maiwan na siyang mag-isa ay napaupo siya sa sahig habang tinatago ang mga pera sa loob ng kanyang bra. Onyx has really turned into a cold heartless monster.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD