Tinawagan na lamang niya si Athena para sabihing hindi muna siya tutuloy sa bar dahil isasama siya ng kanyang amo sa Isla Paradiso. Kung tutuusin ay ayaw na sana niyang sumama pero utos ni Dok Rayzon kaya wala siyang nagawa.
Isang bagpack lang ang dala niya sa isla. Wala talaga siyang ideya kung anong klaseng isla 'yun. Narinig niya mula kay Gwen kanina na isa raw iyon sa tourist attraction sa Mindanao kaya naman naisip niyang tiyak na maganda ang iuslang yon. Pero as usual, hindi naman siya pupunta doon para maging turista . Personal na alalay ang role niya na paulit ulit na sambit ni Gwen.
Kapag nasa tabi nito si Guillard ay mala anghel naman ito kaya alam niyang hindi siya nito palaging aawayin dahil nandoon ang nobyo nito. Kung alam lang ni Guillard na si Maleficient si Gwen ay baka na turn off na ito sa nobya.
" Leanelle, please carry all my bags!" utos nito sa kanya nang sinabi ni Dok Rayzon na aalis na raw sila patungo sa port kung nasaan nakadaong ang yate nito.
Sa isla lang ba talaga pupunta si Gwen? Sabi ni Dok Rayzon ay isang linggo lamang raw sila sa isla pero ang dalang gamit ni gwen ay parang isang buwan na itong maninirahan doon at napakabigat pa talaga ng dala nitong mga bags except sa maliit na trolley na di na pinabuhat sa kanya. Apat na bags ang dala niya ngayon , halos magkandakuba siya sa pagbuhat ng mga gamit ni Gwen.
" Let me help you Nel," Lihim siyang nagpasalamat dahil lumapit si Guillard at kinuha nito ang isang malaking bag ni Gwen mula sa isang braso niya.
" Guillard, she's fine! Sanay yang magbuhat ng mga mabibigat!" Natatawa pang sambit ni Gwen sa nobyo. Ano raw?
" The lady is struggling with these bags , hon. "sagot pa ni Guillard. Sa laking tao ni Guillard ay tila hindi ito nabibigatan sa binubuhat nitong mga gamit.
Nakita niya ang klase ng tingin an ipinukol ni Gwen sa kanya parang winawarningan siya nito. Kasalanan na naman niya dahil kinuha ni Guillard ang isang malaking bag na pinakamabigat sa lahat ng gamit nito? Sana hindi na lang siya isinilang na mahirap para hindi siya tatapak tapakan ng ganito. Totoo nga ang sinasabi nila na mahirap ang maging mahirap. Pero may mga mayayaman naman ang mababait at down to earth. Meron nga ay mas mayaman pa kaysa sa mga pamilya Montenegro.
" Hey! Let me carry those bags!" At kaagad naman siyang kinabahan nang marinig ang boses ni Dok Rayzon. Palapit ito sa knaya at kinuha ang dalawang bags na dala niya.
" Kaya ko na po Dok," aniya sa Doktor.
" Ako na, nahihirapan ka na . "
" Salamat!" tanging sambit niya dahil hindi na naman mapipigil pa si DOk Rayzon sa pagtulong sa kanya kaya hinayaan na lamang niya itong bumuhat sa mga dala niya. Sina Gwen at Guillard ay may sariling kotse at siya naman ay kasama si Dok sa kotse nito. Sabi pa ng Doktor ay susunod lamang raw sina Regan at ang kasama nito sa isla.
" Nel,sana makikilala ko someday ang anak mo." sambit pa ng Doktor habang nagmamaneho ito. Pansin niyang seryoso ang Doktor kaya naman natahimik na lamang siya.
" What do you think?" Tanong ulit nito.
" Dok, bakit?"
" Anong bakit? Ang sabi ko, gusto ko sanang makilala ang anak mo n-next time maybe." anito.
" Bakit Dok? Anong ibig nyong sabihin? Bakit nyo namang gustong makilala ang anak ko?"
" Hmm why not ?"
Napailing na lamang siya. Ayaw niyang mag-assume ngunit bakit gusto nang makilala ni DOk ang anak niya? Pero hindi naman siya pinanganak kahapon di ba? Pero nagtatanong pa rin siya para malaman niya ang iniisip ni Dok.
" Don't worry, it's okay if you're not ready yet pero Nel, tungkol sa father ng bata...your ex...may contact pa ba kayo? "
"Hindi niya alam na may anak kami." Mahina niyang sambit.
" What? Hindi mo sinabi sa kanya?"
" Hindi na siguro niya dapat na malaman pa. Siguro, kung nasaan man siya ngayon ay masaya na siya at matagumpay . So, magiging masaya na lamang ako para sa kanya. Regarding naman sa anak namin, baka kasi kapag sinabi ko ay mas mapapahamak kami ng anak ko. "
" Hmm, difficult situation ..."
" Opo Dok,napakahirap talaga! "
" Napaka interesting ng love story niyo!" nakangiting sambit ni DOk habang nakatingin ito sa daan.
" Ako ang nanakit sa damdamin niya. Ang akala niya tinraydor ko siya pero ang totoo ay palabas lang namin ng kaibigan niya na may relasyon kami. Sinadya naming magpahuli sa kwarto na magkasama. May mga sinabi rin akong mga masasakit na salita sa kanya para lang tuliyan na niya akong kamuhian. " aniya. At some point ay parang nadadala siya sa pagkwento kay Dok Reyzon. Kumportable kasi siyang ishare rito ang damdamin niya .
" So 'yung kabiguan niya ay ginamit niya para magtagumpay siya sa buhay. Lumipad siya patungong ibang bansa , nag-aral at ngayon ay succesful na siya sa buhay. Kapag nanatili siya sa piling ko ay walang mangyayari sa kanya di ba? Pero he turn his pain into power kaya ngayon proud ako sa kanya and secretly I'm his fan." Kinuha niya ang puting panyo sa kanyang bulsa. Tumutulo na pala ang mga butil ng luha mula sa kanyang mga mata.
" He must be broken hearted but pretty sure he'll come back to you."
Natahimik siya. HIndi na niya sasabihin pa rito na nagkita na nga sila ng ex niya at lagpas langit ang poot nito sa kanya.
" Oo pero napagtanto naman niya na hindi naman talaga kami bagay dahil mayaman siya at ako, isa lang namang anak mahirap."
" Hindi mo dapat sinasabi at iniisip 'yan. Hindi hadlang ang estado ng buhay kapag nagmamahalan kayo. Ikaw? Napakaganda mo, marunong sa bahay , mabait kaya kung napangasawa kita...swerte ko di ba? "
Natawa siya sa sinabi ni Dok. " Minsan po gagawin mo ang lahat para protektahan ang mahal mo sa buhay. Kailangan ko po talagang gawin 'yun kasi yung tiyahin niya mismo ang lumapit sa akin at nakiusap.Ininsulto pa nga ako eh, kaya mas pinili ko na lang ang tahimik na buhay kaysa sa malagay kami sa kapahamakan. Nagbanta kasi sa akin ang tiyahin niya na na sasaktan niya ang pamilya ko kapag mananatili pa rin ako sa buhay ng pamangkin niya."
" Hmm, it must be very hard."
Tumango naman siya rito. " Oo pero naka move on na rin ako. Tinanggap ko na kasi na napakalayo ng agwat ng estado ng buhay namin kahit na noon pa man eh."
" Naka move on ka na?" Tanong pa nito.
Tumango naman siya. Naka move on na nga ba siyang talaga?
Nagulat pa siya nang biglang hawakan ni Dok Rayzon ang kanyang kamay. " If you'll only let me help you Nel!"
" Dok, marami po talaga tayong kaibahan . Sa pagiging Doktor mo pa lang ay wala na , talo na .Wasak na ang pangalan ko sa pamilya mo at s mga taong nasa paligid mo. Siguro, pagkakaibigan di ba? Yun ang tamang label para sa ating dalawa."
Ano si Dok? Ikinwento na nga niya rito ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ng una niyang bf di ba? Tapos gusto pa nitong makatulong sa pag move on niya? Mas dadagdagan lamang nito ang problema niya dahil siguradong marami nang kokontra at bashers sa buhay nila lalo na sa kanya dahil mahirap siya at maid pa talaga ng pamilya nito?
" Hindi pa nga natin sinubukan, umaayaw ka na! " mahinang sambit ng Doktor.Nahiya naman siya agad sa sinabi nito .
" Kaya mo ba ako isinama sa isla Dok? K-Kasi ito ang paraan mo para tanggapin ako ng pamilya mo? Nina Gwen? Dok, pasensya na talaga pero magiging prangka na ako sa'yo ah? Ayaw ko munang magkarelasyon . Pero handa akong maging kaibigan mo."
Narinig niya ang pagbuntunghininga ng Doktor. " Sometimes I wonder why other girls immediately jump off with me kapag sasabihin ko sa kanilang gusto ko sila? Bakit , ikaw Nel...bakit ayaw mo? Ayaw mo ba ng manliligaw or let's say boyfriend na mayaman? I can give everything to you pero you keep on pushing me away. Sa tingin ko nga pangit ako no?"
Natawa naman siya. " NO! Napakagwapo mo po Dok and sexy too actually crush ka talaga ni Betty!"
Ito rin ang tumawa. " My goodness! "
" Siguro hindi pa talaga ito ang tamang panahon Dok! And ---k-katulad ng sinabi ko at uulitin ko na naman, mayaman ka po at mahirap lang ako . Hindi maganda sa image nyo po Dok na ako ang liligawan mo! "
Napailing naman si Dok Rayzon. " I don't understand pero siguro nga ay mahal mo pa ang tatay ng anak mo Nel. Hindi ka pa talaga nakapag-move on sa kanya kasi tingnan mo nga , isang bilyonaryo na ang lumalapit sa'yo at gusto kang ligawan pero tumanggi ka! So you must still love that person! The one who got away!"
Tumahimik na lamang siya dahil wala siyang maisagot. Papunta pa nga lang sila sa isla ay nagtapat na naman ang Doktor sa kanya. Sinabi na nga niya ng paulit ulit na hindi pa siya handa di ba? Pero seryoso ba talaga si Dok Rayzon sa kanya?
" Nandito na tayo Nel!" sambit nito nang pumarada na sila sa port.
" Yan ang yate mo Dok?"
Tumango naman si Dok sa kanya. " Yeah. Do you like it? Kabibili ko lang nyan kaya sabi ko, I need this one.""
" O-Opo naman, napakaganda ! Dok, ngayon lang po ako sasakay ng yate. Hindi ba tayo malulunod? Alalayan mo ako Dok ah?Nakakatakot eh" wika niya sa lalake.
" Then we should record this moment!" anito at biglang kinuha ang cp sa bulsa nito at kumuha ng video niya at ng mga litrato.Sobrang ganda at pagpasok nila sa loob ay napakabango talaga. Sina Gwen raw ay may binili pa kaya nauna pa sila ni Dok .
" While waiting, halika umupo ka rito." Umupo naman siya sa tabi ni Dok at sabay nilang tintititigan ang mga makakapal na mga clouds .
" Hello?" sambit nito sa cp nang may tumawag rito. " Ah okay we will wait for you two here! Akala ko , sa susunod na araw pa kayo pupunta. Sige, I got it!"
Tumingin siya kay Dok nang ibaba na nito ang tawag." Sumunod pala sina Regan, akala ko bukas pa ."
Mabuti ngang maraming tao dahil mas nagiging angel si Gwen sa harap ng mga ito lalo na sa harapan ni Guillard.
" Honey, you keep on staring at that lady's legs kanina! I dont like you staring at their legs!" dinig niyang reklamo ni Gwen sa nobyo habang naglalakad ang mga ito patungo sa loob ng yate.
" What? Ano bang masama kung tumingin ako sa leg ng iba? Is it betrayal already hon? So, kasalanan ko na naman 'yun ngayon?" depensa rin ni Guillard sa bintang ni Gwen.
" Oo hon betrayal 'yun dahil ako lang ang dapat mong titigan! Legs at pwet ko lang ang dapat mong sambahin! And staring other woman's body is not just betrayal but a crime!"
" What?" Nakita niya ang gulat sa mukha ni Guillard dahil sa sinabi ni Gwen. " Are you sick ?" tanong ng lalake rito.
Silang dalawa ni Dok Rayzon ay tahimik lamang , tanging sina Gwen ar Guillard ang nagtatalo sa sandaling iyon.
" Hindi kita maintindihan Gwen. Why do you forbid me from staring at other girls? Hindi naman ako bulag di ba?"
" Gusto ko kasi ay sa'kin ka lang tumingin. Ako lang ang maganda at seksi sa paningin mokaya sana maintindihan mo ako kung bakit ako ganito!"
Nagkatinginan sila ni Dok at bahagya na lamang nagtawanan." Hindi pa nga tayo nakarating sa isla, nag-aaway na? Paano na lang kung nasa isla paradiso na tayo ano? "