Lubos na kahanga hanga ang isla Paradiso . Bagay nga ang mga iba'ibang kulay at laki ng mga bulaklak na nakapalibot sa isla. Kahit saan yata siya titingin ay may mga bulaklak na iba't iba ang hugis,laki at kulay. Sa isang Kubo sila natutulog.Kubo nga pero air-conditioned naman sa loob at malaki iyon. Naiilang nga siya dahil barkadahan cottage ang kinuha Nina Dok. Pang sampung tao ang kwarto at may tatlong shower room at dalawang bathroom sa loob.Kumpleto rin sa gamit parang hotel lang sa loob.Simple sa labas ngunit napakasosyal naman sa loob. "Kuya wala pa sina Kuya Regan?"Tanong ni Gwen habang nakahiga na ito sa kama . May limang double deck sa loob , siya naman ay humiga lamang sa ibaba dahil alam niyang puro utos na naman ang Senyorita. "Nelle, pwede mo bang ayusin sa wardrobe ang m

