"Senyorito,n-nakakahiya po!" sambit niya habang nakaakbay sa kanya si Dok Rayzon papasok sa venue ng reunion ng mga ito.
Ang bawat batch ay may kanya kanyang tables and chairs kung saan sila uupo.
"Relax, I got you! "bulong nito sa kanya habang papasok sila.Kagaya ni Dok Rayzon ay may suot rin siyang shirt na may tatak ng batch ng mga ito.Nakasuot siya ng jeans at white snicker shoes at ang kanyang mahabang buhok ay tinali niya paitaas.Si Dok rin ay naka suot ng Levi* Jeans at white rubber shoes.
Lahat naman ay nakatingin sa kanilang dalawa.Kaagad namang napuno ng tuksuan nang makita silang halos magkayakap na.
Kahit na hiyang hiya ay iniisip niya ang proposal nito.
Lahat para sa anak ay gagawin niya.
"Everyone,I want you to meet my girlfriend, Leanelle . Sweetie, sila ang kinukwento ko sayong mga kaklase ko!" pagpapakilala nito sa kanya .
Nakipagkamayan naman ang mga ito sa kanya.
"Hmm galing pumili ni Dok ! You're so young Leanelle!Hindi ka ba tinakot lang nitong si Dok Montenegro?"sambit sa kanya ng isang babaeng batchmate nito.
Ngiti lamang ang sinagoy niya sabay pisil sa binata.
"But we're happy really that atlast ay may ipinakilala na rin sa amin si Dok." sambit naman ng isa.
" Hey tigilan nyo na nga ang girlfriend ko, "
Umupo sila ni Dok sa upuang nakalaan raw talaga umano para sa kanila.
Nakakatuwa si Dok dahil panay ang asikaso nito sa kanya.Kahit na sa pagkuha ng foods at drinks ay talagang ito ang nagseserve sa kanya.Ganito ba talaga si Dok or baka naman dahil umaarte lang silang dalawa.Yeah maybe it's just a part of the plan or maybe not.
"The program is about to start ,nandito na ang main sponsor." sambit ng isa ring kaklase ni Rayzon."They own the school!"
Ang daming pakulo sa gabing iyon.May raffle draw na bigatin talaga ang mga premyo.Nanalo pa nga si Dok Rayzon ng free coupun para sa isang napakagandang hotel umano sa Pilipinas na ibinigay naman nito sa kanya. May libreng kwarto, pagkain, libreng spa at may iba pang mga amenities at pang six pax ang ticket. Sobrang bongga talaga.
" And now ,the most awaited part of this reunion.Mr and Miss AlumniHomecoming Two thousand twenty six!" sambit ng host sa gabing iyon.
"Dok, kayo na lang ni Leanelle. Susupotahan lang namin kayo."
Tumingin siya kay Dok na tila ba sumasaklolo rito.She can't represent the batch kasi di naman sila magkaklse at mas bata siya kaysa sa mga ito.
"It's okay ,sweetie. We will win I promise."
Fundraising pala 'yo at kung sino ang mas maraming lagay sa sobre ay siyang panalo.
" Dok ,wag ka. Sayang ang Pera."
" Ikaw ang kapartner ko kaya ipapanalo ko!" bulong nito sa kanya .
Pinaakyat na silang lahat sa entablado.Ang lakas ng kaba niya dahil di naman siya sanay sa mga ganito.
Pero dahil kay Dok Rayzon na pinagtitilian na rin ng mga kababaihan ay naging confident na rin siya.
"Our Mr and Miss grand alumni homecoming this year is ... Doctor Rayzon Montenegro and Miss Leanelle Mendoza."
Lahat ay nagsipalakpakan at karamihan ay nagtitilian.
"To crown our Mr.and Miss Grand Alumni Homecoming 2026 ,let's give out warmest applause to the our Main Sponsor for this year's Grand Alumni, Mr.Onyx Geller and Miss Tamara Mia Geller- Alcantara!"
Parang tumigil ang oras sa sandaling iyon .Tama ba ang narinig niya? Si Onyx Geller ang main sponsor ng Alumni Homecoming?
Para bang nanlamig ang kanyang buong katawan sa sandaling iyon nang makita ang magkaparehang paakyat sa entablado.
Si Tamara Mia ay ang nag crown sa kanya at si Onyx naman ay tumabi Kay Rayzon.
"ONYX? I can't believe you're here old friend!" nakita niya ang malapad na ngiti sa labi ni Dok Rayzon nang makita siya nito.
"I' m back for good Rayzon and I guess you too!"
Nakita niyang tinitigan siya nito . Parang kutsilyo ang klase ng tingin na ibinigay nito sa kanya.Madilim ang aura at nakakatakot. Para bang nakakita ito ng kaaway sa sandaling iyon.
"How about a shot after here Dok?"
"Sure sige Onyx! Sweetie samahab muna natin si Onyx ah? By the way, this is my girlfriend,Leanelle ."
" I'm not surprised!" sambit ni Onyx na mas nagpakaba sa kanya.Nag-iinit ang kanyang pisngi sa sandaling iyon.Ramdam kasi niya ang galit nito sa kanya.
"I'm sorry?"Paulit na sambit ni Dok .
"Never mind, sige Dok I'll wait ."
Pagkatapos ng iba pang mga ceremonyas ay nakipagkwentuhan naman si Dok sa mga batchmates nito.
Nakalimutan na yata nito ang pinag-usapan kanina kasama si Onyx Mas mabuti nga yon.
Pumikit siya at sinubukang isiping muli ang mukha ni Onyx .Nagmature ito ng kaunti pero hindi nabawasan ang kagwapuhan . Still, he can turn heads of thousands of ladies. Alaga pa rin nito ang katawan .Ang nagbago lang sa mukha ni Onyx ay di na ito palangiti.
"Hello? Yes ,Sige old friend papunta na kami riyan ." dinig niyang sambit ni Dok Rayzon sa cp nito." Sweetie let's go."
Dinala siya nito sa parking lot at minameho ang kotse nito patungo sa isang sosyal na bar.
Kakaunti lang ang mga taong naroon. Lahat ay nagkukwetuhan lang at nag-iinuman at sa di kalayuan ay may kumakanta ng acoustic songs.
"Papunta na raw si Onyx rito." sambit nito sa kanya.Magkatabi sila ni Rayzon sa upuang .Siya ay umiinom ng cocktail drinksat si Dok naman ay may inorder nang hard drinks na para raw sa kanila ni Onyx.
Umorder rin ito ng pulutan at mani na unti unti na niyang pinapapak .
"Katulad ko, ngayon lang bumalik sa Pinas si Onyx. Ten years na rin ang lumipas."
Pilit siyang ngumiti.Ayaw na sana niyang makarinig pa ng tungkol Kay Onyx dahil mas nakukunsensya at natatakot siya sa maaari nitong gawin sa kanya.
Hindi niya makakalimutan na sinaktan niya ito ng labis noon.Ipinamukha niya kay Onyx na wala itong kwentang tao at wala siyang makukuha rito.
Alam ng Diyos na triple ang sakit na nararamdaman niya habang sinasabi niya ang mga bagay na yon.
ONYX GELLER was hurt but she died that night .Dala- dala niya ang sakit sa kalooban hanggang ngayon.
Seeing him is a torture.He reminds her that love is so unfair. Hindi pwedeng magtagpo ang langit at lupa .
"Hi sorry if we're late!" nakangiting sambit ni Onyx nang dumating ito na may kasamang super seksi na babaeng halos kita ang kaluluwa sa suot nito.
"My girlfriend,Alexa." pagpapakilala nito sa babaeng kasama.
Parang pinipiga ang puso niya sa sandaling yon.Bakit masakit pa rin?
ONYX.Tawag niya sa pangalan nito sa isip niya.
"Your girlfriend looks younger than you ,Dok! " sambit pa nito.
"Yeah, swerte ko nga dahil sinagoy niya ako!" pagmamalaking sambit ni Dok.
"Of course she's the luckiest Dok! You're a Doctor by profession.You own a business empire and how much is your net worth again? Top ten ka sa buong Asia na pinakamayamang bachelor ng Pilipinas."
Nakatitig si Onyx sa kanya .Ang mga ngiti nito ay nang-iinsulto.
Oo nga pala,isa siyang gold digger sa paningin ni Onyx.