" D-Dok Rayzon? Nasaan po tayo?" Tanong niya nang imulat na niya ang kanyang mga mata. Ang gwapong mukha ni Dok Rayzon ang una niyang nakita .
Bigla siyang tumayo nang mapagtanto na nasa kama siya at nasa gilid ang doktor at nakaupo .
" Don't worry Nel, you passed in the mansion kaya dinala kita rito para makapag relax ka naman sandali. Uuwi lang tayo mamaya, " nakangiting sambit ng Doktor.
Siguradong nasa beach sila dahil dinig niya nang malalakas na hampas na alon sa labas.
" This is a private resort owned by my colleague . Halika lumabas tayo, may mga pagkain akong pinahanda sa labas."
Nakaramdam na rin siya ng gutom kaya sumunod na siya sa Doktor. Manghang mangha siya nang makita ang kagandahan ng lugar. Hindi lang 'yon basta beach. Napapalibutan rin iyon ng mga punong niyog at sa labas ng munting kubo ay may nakahandang mesa na puno ng mga pagkain, may mga buko na may strawhat. Marami ring mga seafoods at mga sweets na nakalatag sa harap nila.
" Dok, andami naman po hindi natin mauubos 'yan."
" Its okay, basta magpakabusog ka lang !"
" Salamat!"
Hiyang hiya talaga siya kay Dok Rayzon sa totoo lang. Hindi naman siya tanga para hindi maramdaman na may gusto ito sa kanya. Wala namang lalakeng magpapakita ng ganito kung walang motibo di ba?
" Sit, " anito habang hinihila ang isang upuang gawa sa rattan.
Magkaharap sila ni Dok Rayzon ngayon, sa totoo lang ay naglalaway na nga siya dahil mukhang masarap talaga ang mga pagkaing nakahain sa kanila.
Nanalangin na muna siya bago sila nagsimulang kumain.
" I'm sorry about Gwen, sana intindihin mo na lang ang kapatid ko , Nel. Napaka spoiled brat ng batang 'yun. you know. nag-iisang babae at bunso pa. Don't worry, I'll talk to her tomorrow."
" Maraming salamat , Dok Rayzon." Mabuti na lamang ay may sugo siya mula sa langit para protektahan siya laban sa demonyitang si Gwen.
" Sige, kain ka lang. Let's enjoy our foods na muna."
Tumango naman siya habang sinisipsip ang straw ng buko.
Habang pinagmamasdan niya ang lugar ay iniisip niya si Red. Kailan kaya niya maipapasyal ang kanyang anak sa ganitong klaseng kagandang lugar.Napakasariwa talaga ng hangin ...ang sarap amuyin .
Lahat ng mga ulam ay natikman niya, May hinatid pang buko salad ang isang babaeng nakauniporme ng puti . Hindi talaga siya hihindi dahil napakasarap ng mga hinanda . Sabi ni Rayzon ay may Villa raw sa loob ang kaibigan nitong Doktor at nag request nga raw ito ng mga pagkain para sa kanilang dalawa.
" Dok, bakit po napaka buti niyo sa akin?" Naglakas loob siyang tanungin ang Doktor. Gusto niyang maniguro kung totoo rin ba ang iniisip niya at baka mabait lang talaga itong tao.
Nakita niyang natigilan ito. " Leanelle, I like you !"
" D-Dok, hindi po yata tama ito. Ang dami po nating kaibahan . Mayaman ka po at ako naman po ay galing sa hirap. May anak na po ako at kayo po , binata. At Dok, nakakatakot pong magmahal . Na trauma na po ako, " prangka niyang sambit sa Doktor.
Kay Onyx Geller nga , hindi na siya gusto ng Tita nito. Sa pamilya pa kaya ng mga Montenegro? Isa pa, hayaw na yata talaga niyang umibig pa lalo na sa mga taong maykaya. At sa sandaling ito ay mas priority niya ang anak niya. Sampung taon nga siyang nagtiis na walang karelasyon di ba?
" Its okay Leanelle, lets start as friends. Hindi rin naman kita pipilitin lalo na kung hindi ka pa handa."
" Salamat po, Dok," Tanging sambit niya.
Totoo naman na ang tulad niyang mahirap ay walang puwang sa mundo ng mayayaman na tulad ng mga Geller at Montenegro.
ANG TULAD MONG HAMPASLUPA AY HINDI WELCOME SA PAMILYA NG MGA GELLER. WALA KANG IBANG CHOICE DAHIL KAHIT HINDI KA LALAYO SA PAMANGKIN KO AY AKO ANG GAGAWA NG PARAAN PARA HINDI KA NA NIYA MAKIKITA PA HABANG BUHAY!
Naalala na naman niya ang mga salita at pagbabanta ng tiyahin ni Onyx Geller . Takot na takot siya noong panahong 'yon para sa kaligtasan niya , ng batang dinadala niya at ng mga kapatid niya.
" Are you okay , Leanelle? Sabi ko, ayos lang kung hindi ka pa handa . Alam kong binigla kita pero gusto ko na rin iparating sa'yo habang maaga pa . Atleast I tried , " sambit pa nito.
" Wala po Senyorito. May naisip lang po ako."
" Kung tungkol 'yan sa ex mo, well iba ako . Hindi ako katulad ng ex mo na pinabayaan kayo ng anak mo. "
Siya ang nang-iwan di ba? Siya ang nanakit kay Onyx at sa mga mata nito ay siya ang masama.
Ngumiti lamang siya sa Doktot. " H-Hindi po siya Dok. " pagsisinungaling niya rito.
Pero sa kabilang bahagi ng puso niya ay natutuwa naman siya dahil may tao pa rin palang kaya siyang mahalin. Pero sa maling panahon naman .
Napapaisip rin siya sa mga pinagtapat ni Dok Rayzon. Totoo ba ang lahat ng mga sinabi nito? Hindi naman kasi kapani paniwala na may mayamang tao ang magkakagusto sa kanya.
Kinapa niya ang kanyang cp nang maramdaman na nag vibrate iyon. Kinuha niya at binasa ang mensahe ni Athena. " Nel, pwede ka nang magsimulang magtrabaho bukas sa bar bilang waitress. Night shift from eight to eleven."
Napangiti naman siya. Mabuti na lang talaga at mabait ang kanyang among si Mrs. Montenegro dahil pumayag itong mag sideline siya.
Sa wakas ay pandagdag na naman siyang budget para sa kanyang anak at kapatid na nangangailangan ng panggamot.
" Nakangiti ka yata," pansin sa kanya ng Doktor.
Muli niyang ibinulsa ang kanyang cp. " Opo Dok , may sideline na po kasi ako sa gabi bilang waitress." nakangiti niyang wika,
" Napakasipag mo, "
" Opo para sa kinabukasan ng anak ko at pampagamot po sa kapatid kong naospital sa probinsya."
" Napakabuti mong ina at kapatid."
" Salamat po,kaya nga po dobleng kayod ako eh kasi kailangan ko talaga ng pera dahil maraming umaasa sa akin!"
" Well, I have a proposal."
Natigilan siya. Kinakabahana naman yata siya sa proposal na sinasabi ni Dok.
" Ano'ng proposal po Senyorito Dok?"
" Next week ay may high school reunion kami. Pwede mo ba akong samahan? Samahan mo lang ako bilang girlfriend ko , Nel. Then I'll pay you ten thousand pesos. Deal?"
Ano? Magpapanggap lang siyang nobya nito sa isang gabi tapos may ten thousand na siya? Naku, dalawang buwang allowance na 'yun ni Red.
Hindi na siya nagpa tumpik pa. Iisipin na lamang niya na trabaho iyon. Pagkatapos naman ng gabing 'yon ay tapos na rin ang pagpapanggap nila di ba? Praktikal siyang tao kaya hindi na siya magpapakipot pa sa proposal ni Dok.
" DOK, isipin mo nang mukhang pera ako , oo deal. Kailangan ko lang po talaga ng pera dahil gipit po talaga ako."
" Yes! Thanks Leanelle. "
Pinasyal naman siya ng Doktor sa palibot ng resort pagkatapos nilang kumain at magkwentuhan.
Kinunan rin siya ng litrato ng Doktor sa mga magagandang tanawin sa dagat.
" Sana nakapag relax ka na," sambit ng Doktor nang dumating na sila sa mansion.
"Opo Senyorito Dok, maraming salamat talaga!"
Pumasok na siya sa kanyang kwarto at nagpalit na ng pantulog pagkatapos niyang maghilamos at magsipilyo.
Sandali muna siyang nagbrowse sa social media at natigilan siya nang makita ang suggested video na dumaan sa wall niya.
Si ONYX GELLER 'yon habang naglalakad sa labas ng airport. So, he's back!
Hinawakan niya ang kanyang dibdib nang makita ang dating nobyo. He left with a heavy heart back then. Sa laki ng kasalanan niya kay Onyx ay pinagdadasal na lamang niya na sana ay hindi na sila muling magkikita pa.