Chapter 12-Thanks, DOK!

1180 Words
" Senyorito, nandito na po ang juice niyo po." saad niya habang hawak ang isang tray na may lamang tatlong baso ng juice at mga prutas sa isang platito. Ito ang request ng magkapatid. Umahon naman sa pool si Rayzon at mabilis niyang binaling ang kaniyang mga mata sa ibang direksyon dahil tanging swimming trunks lamang ang suot nito at bakat na bakat ang bukol nitong malaki na kahit tulog pa. Hindi naman siya ignorante , nagkaanak na nga siya dahil ilang beses na nilang ginawani Onyx Geller ang bagay na 'yun na sana ay bawal pa. Ten years na pala. Ano kaya ang pakiramdam na muling mahawakan? " Natulala ka yata?" bigla siyang nanumbalik sa realidad nang marinig ang boses ni Rayzon. " Can I get my drinks now?" " Ay opo Senyorito." nataranta niyang sagot. " Nelle , right?" Tumngo naman siya. " Come and sit right here." Napalunok siya dahil sa hiya pero dahil amo niya ito ay sumunod naman siya sa utos nito. " Matagal ka bang namamasukan rito?" " Opo Senyorito," " May asawa? Anak? Nobyo?" " Single mom po ako, Senyorito. Nasa probinsya po ang anak kong lalake. Sampung taong gulang na siya." Napapangiti siya nang banggitin niya ang kanyang anak. Susubukan talaga niyang mag doble kayod para maipagtutuloy nito ang pag-aaral.Pangarap pa naman ng kanyang anak na maging pulis. "Hmm, akala ko dalaga ka pa. Ambata mo pa pala nung nagkaanak ka," Mabini siyang tumango." Opo, Senyorito!" " Pero alam mo ba na napaka ganda mo? The first time I saw you, akala ko isa kang anghel." She vowed her head. Marami naman ang pumupuri sa kanya na di umano'y napakaganda niya. Yung maalon alon niyang mahabang buhok. Ang mga ngipin niya , ang ilong at ang labi umano'y parang perpekto raw na hinulma sa mukha niya. " Salamat po, Senyorito." " I've seen lots of beautiful face pero 'yung mukha mo ang tumatak sa isip ko, I don't know why." Inangat niya ang kanyang tingin at napatitig siya sa mga mata nito pero agad naman niyang binawi dahil sa hiya Kaagad naman siyang tumayo ," Senyorito pasensya na po , may gagawin pa po ako. " Pag-iwas sana niya pero hinawakan siya nito sa braso. " Nelle, don't be afraid I just want to be a friend." " O-Opo Senyorito pero kailangan ko na pong bumalik sa loob m-may trabaho pa ako."Binawi niya ang kanyang braso at nagmamadaling umalis at di na lumingon pa kay Rayzon. Nang dumating sa loob ng maids quarter ay kaagad naman siyang sumandal sa pader . Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib dahil sa kabang nararamdaman. " Nelle, nagbibiro lang si Dok Rayzon." pinaalala niya sa kanyang sarili. " Bessy, anong drama 'yan? Lumabas ka lang tas pagbalik mo nagkakaganyan ka na? Bakit ?" Nabigla pa siya nang makita si Betty na nasa maids quarter rin at umiinum ng kape. Inayos niya ang kanyang sarili. Ito naman kasi ng si Dr. Rayzon, sino ba naman ang di kakabahan kapag napaka gwapong nilalang ang nakaharap sa'yo at pagsabihan kang maganda? " Hoy, bakit nga?" " Wala, nahihiya lang ako sa mga amo natin." " Wow, ganun pala ang nahihiya? May pasandal sandal pa sa pader ? Oo naman, kahit ako rin ay hiyang hiya sa magkapatid na Montenegro dahil ....psssst sikreto lang natin 'to ah? Pansin ko kasi na panay ang titig nila sa akin, na para bang gandang ganda sila sa'kin pero quiet lang bessy ah?Huwag mong ipagkalat! Mukhang type na type ako ni Regan at Rayzon eh." " Pansin ko nga din bessy!" Sinankyan na lamang niya ang mga pinagsasabi ni Betty para di na siya ang magiging topic nito. Tumayo naman ito at nagpaseksi sa kanyang harapan. Rumampa pa ito na parang isang fashion model . " Tingnan mo? Akala ko ako lang ang nakapansin. Kapag liligawan nila ako, syempre magpapakipot muna ako bess. Then, syempre magpapatalbugan muna silang magkapatid sa mga regalo nila at surprises sa'kin. Sa tingin ko talaga, mahihirapan akong pumili sa kanilang dalawa dahil ka-level ang kanilang kagwapuhan noh? " Ngiti lamang ang isinagot niya sa kanyang kaibigan. Luka-luka talaga itong si Betty. " Eh si Guillard ?" Tanong niya. " Hayaan mo na 'yun. I don't wanna talk about her kasi she is already a personal property of Gwen." " He kasi lalake 'yun!" Tawang tawa siya kay Betty. " Ay oo nga pala , I forgotten lang bessy! Okay na, ikaw na itong best in Inglis." sambit pa nito. Pagkatapos nilang magkape ay nagsimula na naman silang magtrabaho. Araw araw kasi ay dapat na walang alikabok sa mansion.Araw-araw kasi talagang tsinetsek ni Gwen ang mga window glass , mga cabinet at lahat lahat at ayaw talagang may bakas ng alikabok na nadidikit sa mga daliri. " Excuse me can you help me with this?" Nakita niya si Guillard ang fiancee ni Gwen na gumagawa ng veggie salad. Tumango lamang siya at lumapit rito.Kinuha ang green cucumber na iniaabot nito sa kanya at inislice naman niya 'yun. Habang iniislice niya ang cucumber ay nasa tabi niya rin si Guillard at nagisilice ng apples. Nakita niyang hinahalo na nito ang mayonaise at kung ang iba pang mga ingredients. " Try it, " Nabigla siya nang iniharap nito ang kutsarang may mayo. Umiling siya. " Ay di na po, " " Just try it please." Pangungulit nito sa kanya wala naman siyang magawa dahil halos idikit na ng lalake ang kutsara sa bibig niya. " Walang hiya ka talaga ! Napakalandi mong babae ka!" Pareho silang nabigla ni Guillard nag marinig ang malakas na boses ni Gwen na bumungad sa kitchen. " Honey, its not what you think!" Aatras pa sana siya ngunit parang may power si Gwen dahil mabilis lamang siya nitong tinabihan at sinampal siya nang ubod ng lakas. Sa lakas ng sampal ni Gwen y nalasahan niya ang sarili niyang dugo. " Yes Honey... I know I can trust you but this maid? Walang hiya ka talaga! " Muli pa sana siya nitong lalapitan pero kaagad naman itong niyakap ng nobyo. "Stop it , Honey! It's not what you think! I'm the one who ask her to taste the mayo! She's just doing a favor! I love you, Honey." Tila nahismasan naman si Gwen sa sinabi ni Guillard. " Hoy, Leanelle! Matuto kang lumugar ha? Kagtulong ka lang dito tandaan mo yan! Ano pa ang susunod na titkman mo? Ang nobyo ko na ha?" Naiiyak na siya sa pinagsasabi nito. May anak siya at single mom pero ni isang beses ay hindi siya lumandi sa may sabit . " Muchacha ! Hampaslupa!" " Stop it, Honey." Hinila naman ni Guillard si Gwen paalis sa kitchen at naiwan siyang humihikbi. Mas masakit pa sa sampal ang mga sinabi ni Gwen . " Anong nangyari?" Takang tanong ni Dok Rayzon nang makita siyang umiiyak at hawak hawak ang kanyang pisngi. Sasagot pa sana siya ngunit unti unti nang dumilim ang paligid at mabuti na lamang ay sa bisig siya ni Dok Rayzon natumba bago pa siyang tuluyang mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD