
Alam niyang labis na nasaktan ang dating nobyo kaya nang muli silang nagkita ay alam na niyang labis siya nitong kinamumuhian.Five years ago, inabutan siya ni Denzel na kasama ang pinsan nito sa kama ng tinitirhan niyang apartment at narinig nito ang pinakamasakit na bagay mula sa kanya.Labis rin siyang nasaktan sa kanyang ginawa ngunit 'yun lang naman ang dapat dahil gusto niyang bumalik si Denzel sa pamilya nito.Nangyari nga ang nais niya dahil pagkatapos niyang saktan ang nobyo ay nabalitaan niyang umalis ito sa ibang bansa upang mag-aral at pagkatapos ng limang taon ay isa na itong CEO ng kumpanyang minana mula sa mga magulang.Sa kanilang muling pagkikita ay ma naging masalimuot ang lahat dahil kapalit ng pera ay pumayag siyang maging babae nito.Labag man sa loob ay iyon lamang ang tanging magagawa niya upang ipagamot ang anak niyang may karamdaman.Sa bawat pagtatalik nila ng dating nobyo ay mas lumalalim pa ang pag-ibig niya rito sa kabila ng masakit na katotohanan engage na rin ito at nakatakda nang ikasal sa isang mayamang haciendera.
