Two

1220 Words
Two Carla... "Hindi ka ba talaga titigil"inis niyang sita kay Jake. Nasa labas na naman sila ng eskwelahan nila ngayon at naglalaro ng patintero. Literal na naghahabulan silang dalawa ni Jake, gusto kasi siyang ihatid ni Jake sa boarding house nila. Pero ayaw niya kasi naman kung anu-anong kalokohan na naman ang gagawin ng lalaking iyon sa kanya. Madaming beses na kasi siyang pinagtangkaang halikan nito. Na madaming beses na din niyang naiwasan buti nalang talaga mabilis gumana ang utak niya. "Hindi na kita pagtatangkaan na halikan, holding hands nalang"sabi pa nito sa kanya. "Miller, wag ako...hindi na ako naniniwala sa mga kalokohan mo"mas binilisan pa niya ang paglalakad niya ng makita niya ang mga kaibigan niya. Wala ng nagawa si Jake kundi ang sundan nalang siya nito ngayon at naglalakad na din habang nasa likuran niya. "Bakla hindi ka ba naaawa kay Pogi?"pabulong na tanong sa kanya ni Topher. Nilingon niya si Jake na nakasunod lang sa kanilang magkakaibigan. Mukha kasi itong nalugi na palakang nakasunod sa kanila. Nanghahaba ang nguso nito habang nakatingin lang sa kanya habang naglalakad. Nakakatawa pa ngang tingnan kasi naman nakacoat and tie pa ito. ang pormal tingnan pero naglalakad. "Hindi, bagay sa kanya iyan"ganting bulong niya sa kaibigan. "Bigay mo nalang sakin friend, type ko siya parang santo. Hindi gagawa ng kalokohan"malanding bulong sa kanya ni Topher. "Sige sayo na. itake home mo na"natatawa niyang bulong. Kinikilig namang nagpahuli ng lakad ang baklang hitad nilang kaibigan at sinabayan sa paglalakad si Jake. Natatawa naman siya sa paraan ng pag-iwas ni Jake sa kaibigan niya pero makikita pa din naman na mukhang nagtitimpi ito na hindi mabastos ang kaibigan niya. Hanggang sa makarating sila sa tapat ng boarding house nila hindi na nakalapit sa kanya si Jake dahil hinaharang na din ni Topher. "My love, baka pwede namang sabay na tayong kumain. Kahit dyan lang sa tapat"hirit pa ni Jake sa kanya bago siya pumasok sa loob ng boarding house. "Ako nalang sasabay sayo fafa Jake"malanding singit ni Topher sa usapan nila ni Jake. "Ahh, kasi pareng Topher...nag-iisa lang ang gusto kong makasabay kumain, iyon ay ang nag-iisang babaeng dahilan ng pagtibok ng puso ko...si Carla lang...sa iba ka nalang sumabay kumain pwede ba PARE"inakbayan pa ni Jake ang kaibigan niya. "Eiii...kainis ka naman, namumura na ang kulay sa mukha ko tatawahin mo pa akong PARE..halikan kita dyan"inis na sagot naman ni Topher. Biglang napalayo si Jake kay Topher at lumapit sa kanya at nagtago sa likuran niya. "My loves save me. My lips is only reserve for Carla's elusive lips"malanding turan din ni Jake sa kaibigan niya. Napailing nalang siya sa kadramahan ni Jake. Palaging ganyan iyan, alam na alam nito kung paano pakiligin ang mga kababaihan. Nilingon niya ang mga babaeng nandoon ngayon at nakatunghay sa kanila. Kitang kita niyang kinikilig ang mga ito maging ang mga bruha niyang mga kaibigan kinikilig sa sinabi ni Jake. "Tigilan mo ako Jake"inirapan niya ito at pilit na inaalis ang kamay nito sa kanyang balikat. "Wag, please..wag...maawa ka sakin Carla...sobra ng nahihirapan ang puso ko"drama na naman ni Jake sa kanya. Naiinis na pinaikutan niya ng mata ang lalaki, ang dami kasing alam nito. "Naku, Carla sagutin mo na iyang si Jake. Kawawa naman sige ka baka mapagod iyan 'kaw din"sulsol pa ni Violet. "Your my bestfriend now Violet kung sasagutin na ako ng Carla my Loves ko"nagthumbs up pa ang walanghiyang lalaki sa likuran niya. "Pag-umpugin ko pa kayo"bulong niya kay Jake. "My loves, sige na kain lang tayo. Promise cross my heart walang ibang extra curricular activity"itinaas pa nito ang kanang kamay na namumumpa sa harapan niya. "Ewan ko sayo"inirapan niya ito pero naglalakad na siya papunta sa kabilang kalsada kung saan nandoon ang karinderyang madalas nilang kainan. "Yes!!!"napapasuntok pa sa hangin si Jake habang naglalakad ito palapit sa kanya. ........................ "Carla, I love you"bulong sa kanya ni Jake habang kumakain sila. Napabuga naman siya ng kinakain niya sa narinig niyang sinabi ni Jake. Natawa siya ng makita ang itsura ni Jake, napunta lang naman sa mukha nito ang kanin na naibuga niya. "Pasalamat ka mahal kita"nakangiti pa ito habang inaalis ang kanin sa mukha nito. Nanlaki naman ang mata niyang ng makita niyang sinusubo ni Jake ang kanin na inaalis nito sa mukha nito. "Hoy, ano bang ginagawa mo bakit sinusubo mo?"saway niya sa lalaki. "Ano naman galing naman sa bibig mo kaya okay lang"nakangisi na sagot nito. "Ang baboy mo"puna niya dito. "Okay lang ulit basta galing sayo"balewalang sagot nito. Napapailing siyang nakatitig lang sa binata habang abala ito sa paglilinis sa sarili nito. "Carla kailan mo ba ako sasagutin?"tanong sa kanya ni Jake ng magsimula na ulit silang kumain. "Pagputi ng uwak at pag-itim ng tagak"sagot niya. "Halla, wait mo lang kahit hindi mo ba makita ng personal o kailangan na personal mong makita?"tanong sa kanya nito habang abala itong dinudukot ang cellphone nito sa bulsa. "Kahit hindi ko makita ng personal"kampate naman niyang sagot sa binata. Hindi ito sumagot sa kanya pero nakangisi ito habang nagta-type sa cellphone nito. "Carla kapag meron ng puting uwak at itim na tagak sasagutin mo na ako?"pangungulit pa sa kanya ni Jake. "Oo"walang gana niyang sagot sa binata. "Sandali lang"sabi pa nito. Siya naman wala ng ibang inisip kundi ang pagkain sa harapan niya, nagugutom na din kasi talaga siya at gabi na. wala pa din si Kyla mukhang sa labas na naman kumain ng hapunan ito kasama si Marco. "My loves tingnan mo dali"excited na turan ni Jake sa kanya. Siya naman walang ganang tiningnan ang pinapakita nito sa kanya. at nanlaki ng bongga ang mata niya sa nakita niyang litrato. "So paano bay an my Loves, boyfriend mo na ako"sabi pa ni Jake. Nagpalipat lipat ang tingin niya sa cellphone nito at sa mukha ng binata. Pinakitaan lang siya nito ng litrato ng putting uwak at itim na tagak. Pambihira hindi siya handa sa pinakita nito, hindi naman yata totoo ang nakikita niya ngayon. "Photoshop lang iyan."kinakabahan niyang sagot sa binata. "Ay! madaya, hindi naman yan photoshop. Sabi mo kahit hindi mo makita ng personal"para itong batang nakuhanan ng laruan. Inirapan niya ito, kinakabahan siya. Pinalaki kasi siya ng mga magulang niya na kung ano ang sinabi papanindigan niya iyon. Nanlalamig ang kamay niya sa nagawa niyang katangahan. "Hello, Hanna, hanapan mo ako ngayon ng proof na may nag-eexist na putting uwak at itim na tagak. Better kung mabibigay mo sakin ng personal ang mga ibon na iyon"maawtoridad na utos ng binata sa kausap nito sa cellphone nito. Nanlaki na naman ang mata niya sa narinig niya. Mukhang mapapahamak pa siya. She and her big mouth... "Okay..."iyon lang ang sinagot nito sa kausap bago siya harapain nito. "So bukas, girlfriend na kita my Loves?"baling nito sa kanya. "Wag mo nga akong lokohin, wala naman akong sinabi sayo na sasagutin kita"pag-iiba niya ng topic nila. "Nah..ang sabi ko kailan mo ako sasagutin? Ang sagot mo kapag puti ng uwak at pag itim ng tagak. Well meron naman my loves, ayaw mo lang paniwalaan kaya ipapakuha ko na para mas sure"kampante nitong paliwanag sa kanya. Napapalatak nalang siya sa kakaisip kung paano niya matatakasan ang sitwasyon nila ni Jake. Hindi pwede ito, bakit ba hindi nalang muna siya nag-isip muna bago siya sumagot. Malay ba niyang meron na pala ng mga ganon. .......................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD