Three

2175 Words
Three Carla... Hindi niya alam kung paanong iwas ang gagawin niya ngayon kay Jake. Ang tuso talaga, pinakitaan nga siya ng putting uwak at itim na tagak. Kaso mga video nalang at mga reseach na ang nagpaliwanag ay ang secretary pa nito para naman daw maniwala siya. Natameme nalang siya, mula kahapon hanggang ngayon hindi siya lumalabas sa boarding house nila. Nagtataka na nga si Kyla bakit daw hindi siya lumalabas at pumapasok. Ang sabi nalang niya masakit ang puson niya o kaya naman ulo niya. "Girl ung cellphone mo kanina pa ring ng ring"puna ni Kyla sa cellphone niya. Kasalukuyan na gumagayak ngayon ang kaibigan niya para pumasok. Siya naman ay nakahiga at wala na namang balak na pumasok. "Hayaan mo si Jake lang naman ang tumatawag"pangbabalewala niya sa tumatawag. "Number lang, girl"sabi pa ni Kyla. Nagtataka namang na tiningnan niya ang tumatawag, unregistered number nga ang tumatawag sa kanya, kaya naman sinagot na niya. "Hello" "My loves naman, ang daya mo talaga. Kailangan ko pang magpalit ng number para sagutin mo ang tawag ko"reklamo agad ang bungad sa kanya ni Jake. Napahampas siya sa noo niya ng marinig niya ang boses nito. "Tigilan mo na nga ako Jake"inis niyang sagot. "Ohh!!! Hindi pwede...girlfriend na kita mula pa kahapon."pamimilit nito. "Ewan ko sayo"at pinagpatayan ito ng cellphone. Literal na pinatay niya ang cellphone niya with matching alis pa ng battery ang ginawa niya. "Girl pasok na ako hindi ka talaga papasok?"nag-aalalang paalam sa kanya ni Kyla. "Hindi bakla, sumasakit ang ulo ko"sagot nalang niya at nahiga na sa kama niya. Nagtalokbong nalang siya ng kumot para hindi na siya kulitin din ni Kyla. Ang laki ng problema niya ngayon. Nagkaboyfriend siya ng isang playboy. Iniiwasan na nga niya ang playboy, sa playboy pa din siya bumagsak. Papuntang dream land na ang drama niya ng maramdaman niyang parang bumukas ang pintuan ng kwarto nila. Hindi nalang niya pinansin ang pumasok kasi si Kyla lang naman iyon baka may nakalimutan kaya bumalik. Pero nawala lahat ng antok niya sa katawan ng bigla nalang itong nahiga sa tabi niya at niyakap siya. Plus naamoy pa niya ang pabango nitong lalaking-lalaki ang dating. "My Loves, may sakit ka naman pala kaya hindi kita nakikita. Nag-alala tuloy ako"lambing ni Jake sa kanya. Napabalikwas naman siya ng bangon ng wala sa oras. "Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok dito? Sinong nagpapasok sayo? Alam mo bang bawal ang lalaki sa loob ng kwarto namin?"sunod sunod niyang tanong sa binata. Bigla siyang kinabahan, baka makarating sa mga magulang niya na nagpapasok siya ng lalaki sa loob ng kwarto nila, lagot siya nito kung nagkataon. "Nagpaalam ako sa parents mo, sabi ko may sakit ka kaya titingnan kita kung kamusta ka na. kaya tumawag na sila sa landlady mo"para namang nabasa nito ang iniisip niya. "Anong sinabi mo?"gulat niyang tanong dito. Bumangon na din ito sa pagkakahiga sa kama niya at tinabihan siyang nakaupo. Agad namang pinulupot ang mga braso nito sa kanyang bewang. Idinantay pa nito ang baba nito sa kanyang balikat. "Nagpaalam na ako sa parents mo. Tapos nagpakilala na din sabi ko boyfriend mo ako."bulong nito sa kanya. Nahihintakutan na napabungon siya sa kama niya. hindi siya makapaniwala sa lakas ng loob nitong harapin ang tatay niya. "Buti hindi ka tinutukan ng baril ng Papa ko?"retired soldier ang tatay niya. Maaga nagretiro ito noong minsang napasabak sa geyera ang tatay niya at tinamaang ng bala, buti hindi namatay ang tatay niya noon kaya hindi sila naulila ng maaga. Dahil sa engkwentro na iyon nagretiro na ang tatay niya. ang nagkuhang retiring benefits ng tatay niya ay pinangnegosyo ng mga magulang niya. "Tinutukan...kaso sabi ko naman seryoso ako sayo. Nangako ako na hindi kita lolokohin. At mamahalin kita habang nabubuhay ako"seryosong sagot nito sa kanya. "Tigilan mo ako Miller"pagtataray niya. Kailangan niyang magtaray, hindi siya pwedeng magpadala sa mabulaklak na salita nito. "Miller ka ng Miller, gusto mo na bang palitan ko na ang apelyido mo?"nakangisi na tanong nito sa kanya. Nakita nita ang unan niya sa may bandang paanan ng kama niya kinuha niya ito at binato sa binata na nasapo naman nito. "You know what my Loves, alam ko na alam mong playboy ako. Pero ito lang sasabihin ko sayo, hindi lahat ng playboy handang ioffer sayo ang surname nila. Ang mga playboy lahat sasabihin sayo, ibibigay ang mga bituin, pati buwan at araw pa. lahat ng matatamis na salita sasabihin para makuha ka. Pero ako ang ibibigay ko lang sayo ay ang apelyido ko, it means ang kalayaan ko. Syempre kasama ng apelyido at kalayaan ko ang puso ko."paliwanag nito. Napalunok nalang siya ng maraming beses sa sinabi nito. may part niyang gusto niyang maniwala sa sinasabi nito pero may mas malaking part sa kanyang na hindi naniniwala sa binata. "Hindi na ako virgin"nasabi nalang niya. Nakita niyang natigilan ang binata sa sinabi niya. Sabi na, you one of those bastard. Inis niyang sabi sa sarili niya. "Hindi na ako virgin kung iyan ang iniisip mo, so hindi mo kailangan na mabulaklak na salita kasi may nakauna na sayo"inis na dagdag pa niya. Matagal bago ito nakabawi sa mga sinabi niya. "I don't care hindi naman virginity mo habol ko. Hindi naman na din ako virgin"nakangisi pa nitong sagot sa kanya ng makabawi ito. Nagulat pa siya ng bigla itong tumayo at hapitin siya palapit dito. "Basta Carla ako na ang huling lalaking makakahawak sayo at aangkin sayo habang buhay. Kasi simula ng makilala kita. AKIN ka na"bulong nito bago siya nito hinalikan sa labi niya. Nanlaki ang mata niyang napatitig pa sa binata. Maduling duling pa siyang nakatingin sa mata ni Jake na nakakipit na kala mo ninanamnam ang halikan nilang dalawa. "s**t!!! Sa wakas nasayaran ko din ang pinakaasam kong labi"sabi ni Jake ng pakawalan nito ang mga labi niya. Samantalang siya naman ay naumid na yata ang dila at hindi na makapagsalita. .................... Jake... Para siyang nakalutang sa alapaap ngayon na kasama niya si Carla, nasa mall sila ngayon at naglilibot. Date... Para sa kanya they are dating. They are now officially couple. Walang kapantay na kaligayahan ang nararamdaman niya ngayon. Sigurado kapag binalita niya sa mga kaibigan niyang girlfriend na niya si Carla. Maiinggit si Marco sa kanya. "My loves"tawag siya sa dalaga. Tsk ang sweet talaga ng my Love, palaging nakairap... nakangising sita niya kay Carla. Paano ba naman naman kung makatingin sa kanya nanlilisik ang mga mata nito at palaging nakairap. "My Loves"pangungulit niya sa dalaga. "Tantanan mo ako Miller. Sumama na nga ako sayo ano pa ba ang gusto mo?"inis na sagot nito sa kanya. "Nood tayo ng sine"lambing niya. "Ayoko"nakairap na naman ito sa kanya. "Sige na, maganda ang palabas"pamimilit niya sa nobya. "Ayoko nga"tanggi na naman nito. "Tsk...my loves naman nasa date tayo."angal niya. "Date ka dyan"bulong nito. "Ngayon ko lang masubukan na makipagdate"nakanguso niyang sagot sa nobya. "Ang tanda mo na, ngayon mo lang mararanasan? Tsaka sa lagay mo na iyan, imposibleng hindi mo nagawang makipagdate"pagtataray na naman ni Carla sa kanya. "My Loves, ikaw palang ang naging girlfriend ko. Kaya ngayon palang ako makikipagdate"wala lang nasagot niya. Totoo naman kasi, his not into a relationship before. Okay na ang fling fling lang sa kanya, no commitment, no hassle, walang sakit ng ulo. Pero ng makilala niya si Carla alam niya natapos na ang maliligayang araw niya bilang playboy. Kasi he's now oath to become loyal to Carla. Wala ng iba pa kundi si Carla lang. "Wag mo nga akong pinagloloko Miller"inis na naman sa kanya si Carla. "My Loves naman mukha ba akong nagsisinungaling. Playboy lang ako dati pero hindi ako sinungaling"napapakamot pa sa ulo niyang sagot dito. "Imposible!!!"exaggerated na react nito. "My Loves, sabi ko nga sayo wala pa akong naging girlfriend ikaw palang. Kaya wala pa akong napupuntahang date ngayon pa lang"nakapout niyang sagot sa nobya. Inirapan lang siya nito, pero laking ngiti niya ng nasa pila na sila para bumili ng ticket para sa mapapanood nilang pelikula. "Ayaw mo ba talaga ng horror, my loves?"tanong niya sa dalaga. Nakapila lang naman kasi sila sa bilihan ng ticket para sa isang action films. Naalala kasi niya noong mga high school silang magkakaibigan napagkwentuhan na nila ito noon. Kapag nag-aya ng movie date ang isang babae dapat ang pipiliin daw nilang mga lalaki ay horror, may libreng chansing. Kanina nga naiisip na niya na kapag natakot si Carla bigla siya nito yayakapain. Kapag nakayakap na sa kanya si Carla, hahalikan na naman niya ito. diba double purpose ang panonood nila ng sine. "Ayoko, mga OA lang ang horror films"walang gana na sagot sa kanya ni Carla. Lahat ng expectation niya nawalang parang bula sa sagot sa kanya ni Carla. Kainis naman, sinira ang plano ko. Nagngingit-ngit niyang sunod nalang sa pila. Hanggang sa loob ng sinehan nakasimangot na siya, wala kasing thrill ang papanoodin nilang movie. Actually napanood na niya ito, pinadalhan na siya ng CD ng kapatid niya noong isang linggo. Hindi nalang siya nagreklamo baka kaysa may date sila ni Carla mauwi pa sa wala. "Jake"tawag sa kanya ni Carla. Nilingon niya ito dahil nauuna siyang maglakad para maghanap ng mauupuan nila. Nagsimula na kasi ang palabas kaya madilim na sa loob ng sinehan. Nakita niya si Carla na hirap na nagkakapa ng dadaanan nito. Nakakunot ang noo niyang tinititigan ito. "Aww, sorry po"hingi ng paumanhin ni Carla. "Tanga-tanga naman kasi"reklamo ng isang lalaking naapakan siguro ng paa ni Carla. Dali-dali niyang nilapitan ang dalaga. "Anong problema mo brad sa girlfriend ko?"maangas niyang tanong sa lalaking katapat ni Carla. Pilit naman siyang hinihila ni Carla. "Tama na ako naman ang may kasalanan"bulong sa kanya ni Carla. "Kahit na my loves, hindi ka niya dapat pinagsasabihan ng tanga."malakas ang boses na sagot niya. "Tanga naman talaga ang girlfriend mo"maangas na sagot sa kanya ng lalaki. "Huh..."naiinis na siya. "Hawakan mo nga ito my loves"baling niya kay Carla at pinasa dito ang hawak niyang popcorn at softdrinks. Alam niyang nagtataka ito sa kanyang inaasal pero pilit pa din niyang inabot dito ang pagkain sana nila. Sa gagawin niyang ito alam niya sira na ang first date nila ni Carla. Bwisit naman oh!!!... Nanggigil na sinuntok niya ang lalaking tumawag ng tanga kay Carla. Nagkagulo na sa loob ng sinihan ng dahil sa ginawa niya. Hindi siya makakapayag na may babastos sa girlfriend niya ng ganito. Aba ngayon na nga lang siya nagkagirlfriend gaganitohin pa ng tarantadong ito. "Jake!!!"nag-aalalang tawag sa kanya ni Carla. Pero para siyang walang naririnig na kahit na ano, ang nasa isip lang niya ngayon ay ang maipaghiganti si Carla. Hanggang sa nagsimula na din maglabasan ang mga tao sa loob ng sinehan. Kala kasi ng mga tao may sunog. Nang may bumonggo na sa kanila ng kasuntukan niya doon lang niya napansin na sobrang gulo na pala sa loob ng sinehan. Bigla siyang kinabahan ng hindi na niya makita si Carla sa likuran niya. Nabitawan niya ang kasuntukan niya at hinanap si Carla. Kinakabahan na inilibot niya ang mata niya sa kabuuan ng loob ng sinehan, hindi niya kasi Makita ito dahil sa dami ng tao. "Carla!!!"sigaw niya. Abot abot langit na ang panalangin niya habang hinahanap ito. nahihirapan naman siyang maglakad dahil na din ang mga tao ay kontra sa paglalakad niya, papasok siya sa loob ng sinehan samantalang palabas naman ang mga ito sa sinehan. "Jake"mahina lang pero rinig na rinig niya ang tinig ni Carla. Kulang ang lahat ng mura sa buong mundo sa kanyang naramdaman ng makita niya ang itsura ni Carla. Nakaupo ito habang nabubunggo-bunggo na ito ng mga tao, kita niya ang takot sa itsura nito ngayon. Kaya naman dali-dali niyang nilapitan ito at pinatayo. Niyakap niya ito ng mahigpit, sa takot na mawala ito ulit sa paningin niya. "I'm sorry, my loves"bulong niya sa dalaga. Pilit niyang inilabas doon si Carla, ubod ng lakas na hinawi niya ang mga tao sa paligid nila kahit na masaktan na siya wag lang si Carla. Hanggang sa makalabas sila doon yakap yakap niya pa din si Carla. "Are you okay Carla?"nag-aalala niyang sinipat-sipat ang kabuuan ng dalaga. Napansin niya ang mga gasgas nito sa katawan. "Damn it...kasalanan ko ito"inis niyang sita sa sarili ng makita ang kalagayan ni Carla. Hindi naman nagsasalita si Carla, natrauma siguro kaya tahimik lang na nakayuko lang ito sa harapan niya. "Sorry...I'm really really sorry..."naiinis siya sa sarili niya. Kung nakinig siya kay Carla hindi sana nangyari ito. "Carla, please talk to me..."nag-aalala niyang turan. Matagal bago kumupa ang kaguluhan sa naturang sinehan. Madaming nagrereklamo na mga nasaktan na manunood, halos magka stampede kasi sa loob habang nagpapanic ang mga tao para makalabas. "Let's go home"mahinang bulong ni Carla sa kanya. Tumango lang siya at inalalayan si Carla sa paglalakad nila hanggang sa makarating sila sa kotse niya. "Jake..."tawag sa kanya ni Carla. "Carla. I'm sorry talaga..."nag-aalala niyang sagot sa binata. "Magbreak na tayo"bulong nito. Nanlalaki naman ang mata niyang napatitig sa mukha ng dalaga na nakatitig lang sa kamay nito. Ano ba naman iyan, first girlfriend ko dalawang araw lang. ........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD