Forty Jake... "Ehem, w-what about it?"pilit niyang tinatagan ang boses niya pero talagang pumiyok pa siya with matching nauutal pa. Nakatitig lang sa kanya si Carla, hindi niya mabasa ang gusto nitong ipahiwatig o iparating. Kasi naman naka-poker face lang ito sa kanya. "Carla"mahina niyang tawag dito. "I didn't file it"sagot nito. Napakunot naman ang noo niya sa sagot nito. hindi kasi niya magets ang gusto nitong sabihin. "The annulment paper, I didn't file it"pag-uulit nito. Slow na ba siya kasi kahit inulit na ni Carla parang ang tagal iproseso ng utak niya ang lahat. "Believe it or not, hindi ko pinasa ang annulment paper natin. Kasal pa din tayo"sa huling sinabi nito para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Nagising ang utak niyang bigla sa nalaman. "Damn"napamura siya ng

