Thirty-nine Jake... Halos isang linggo na niyang kasama si Carla, ibinukod na din niya si Carla sa apartment nilang magkaibigan. Sa hotel nilang magkakaibigan niya dinala si Carla. Pero tinamaan ng magaling nga naman, ayaw niyang magalit sa kaibigan niyang si Malik pero ang galing ng timing kung kailan nakuha na niya ng lubusan ang tiwala ni Carla tsaka naman nagluko ang kaibigan niya. Natural damay silang dalawa ni Marco, pati nga pala si Benjamin damay na dahil nangliligaw na ito sa kapatid ni Issay. "My love"tawag niya kay Carla. Nakabihis na kasi ito at akmang aalis na, dalawang araw na itong pabalik balik sa ospital kung saan nakaconfine ang tatay ni Issay. "Not now Jake, kailangan ako ni Issay"iyon lang ang sinabi nito bago siya nito iniwanan. Napabuntong hininga nalang siya,

