Thirty-eight Carla... Mabilis na natapos ang lahat ng trabaho nila ng mga kaibigan niya. May dalawang gabi pa sila para magbakasyon, nasa Palawan sila ngayon. Kanina lang nasa tabing dagat lang sila at nag-iinuman. "My love tabi kasi tayo"pangungulit ni Jake sa kanya. "Hindi pwede"matigis niyang tangi. "Sige naman na please"pagmamakaawa nito. "Ayoko"tanggi na naman niya. Niyakap siya nito ng mahigpit, napalingon lingon naman siya sa paligid nila. Baka kasi biglang dumating ang mga kaibigan nila. Wala pa din kasing kaalam alam ang mga kaibigan nila sa kanilang relasyon ni Jake. "Makita tayo ng mga kaibigan natin"saway niya kay Jake. "Pwede naman na nilang malaman kung ano talaga tayo."nakangisi pa nitong sagot. "Sige paalam mo sakanila hihiwalayan kita"panakot niya. Bigla namang

