Chapter 2

1064 Words
"Pasensya na kayo kung naistorbo ko ang transaksyon niyo ngunit dadaan lamang sana ako dahil doon ang aking tinutuluyan." nagkakamot ko pang sambit habang nagpatuloy pa rin sa paglalakad. "Tumigil ka!" sigaw pa ng isang payatot sa gilid na ikinatigil ko naman. Masunurin naman ako kaya naman pinagbigyan ko ang ninanais niya. "Bakit ho?" pakuwari'y nagtataka ko pang tanong. Hindi lamang sila nagtutulak ngunit mga armado din sila. Nakakatuwa silang pagmasdan sapagkat para silang tanga na nagtatago ngunit madali namang matagpuan. "Officer, ready na!" narinig kong saad ni Officer Hans sa headset na nakasalpak sa aking tainga. Sinenyasan naman nila ang isa sa mga kasama nila upang makalapit sa aking gawi. Ewan ko ba ngunit nakaramdam agad ako ng paghihikab dahil sa sobrang pagka-buryong nagmamasid sa kanila. Mga malilit pa lamang silang insektong salot sa lipunan ngunit heto’t umaasta silang kayang kaya nila akong patumbahin. "Sir, pasensya na hindi ko na lamang kayo isusumbong. Kaya sana ay ako’y inyong pagbigyan na makatawid sa eskinitang ito." Pagdadrama ko pa sa kanila ngunit dahil sa kamangmangan na may roon sila ay walang bahid ng awa ang makikinita mo sa mga mukha nila. Mabuti na rin iyon at tapos na ang pagtitimpi kong isa isa silang patamaan ng baril mula sa aking likuran. "Alam mo babae maganda ka. Pwede ka namang sumama ng maayos sa amin ng mapaligaya ka naman namin kahit na saglit. Matapos n’yon ay maaari k ng makatawid ng wala kang maririnig na pagbabanta mula sa amin," nakangisi naman saad ng isang kalansay na papalapit sa aking gawi. "Pasensya na ho ngunit bago pa ninyo gawin yang binabalak ninyo ay napapaligiran na kayo ng kamatayan sa buong paligid na ito. Isang galaw niyo lamang ng inyong mga baril ay sigurado akong makikita na ninyo ang langit at lupa hanggang makarating kay Hades." nakangiti at mahinahon ko namang saad sa kanila ngunit wala pa man ay isa sa mga kasama nito ang kusang gumalaw at handa ng gamitin ang nakasabit na baril mula sa kaniyang kaliwang bewang. Bago pa man manyari ang pagpapaputok ay isang tama ng baril ang tumama sa isa sa kanila na nagmula sa kung saan. Tsk. Is he deaf? Hindi niya ata narinig ang sinabi ko. "Pasensya na ho, nagbago na ang isip ko. Ang unang gumalaw unang makakasama ni Hades, kaya mas magandang sumuko na lamang at magbagong buhay na kayo habang gabi pa’t hindi pa lumilitaw ang sinag ng araw." 'Inaantok naman ako sa mga ito. Dami ko na atang pangaral sa kanila ah?' "Punyeta! Kumilos kayo at paputukan ninyo na ang babaeng iyan!" galit na galit ngunit takot na takot na hindi gumagalaw na sabi naman at mukhang lider ng mga ito. Baket nahahawig siya kay Mr. Bean? Sa kabilang dako naman napansin ko ang mabilis na kilos ng back up na itinawag ni Officer Hans na mukhang marami ata at sumasalakay na ng dahan dahan. "Magsisuko na kayo! Pinaliligiran na kayo ng mga pulis!" "Haysss." hindi ko na mapigilang ipakita ang paghihikab dahil hindi man lang ako nakaramdam ng excitement sa eksenang ito. Mabilis ang pangyayare at napagulong ako sa gilid ng magsimulang magpaputok ang isa sa kanila. Damn it! Sabi ko walang gagalaw eh! Ang walangyang ito hindi sumusunod sa utos ko! Mabilis akong nagtago sa isang malaking bato upang hindi matamaan ng bala. "Tara! Bilis! sakay!" rinig ko pang pagmamadali nila. Ngunit dahil sa angking bilib ko sa aking sarili ay matatapos ang gabing ito na hindi na sila sisinagan pa muli ng araw. Ilang segundo ang dumaan bago ko narinig ang palitan ng mga putok ng mga baril. 'Hindi ba sila napapagod?' Pagkaraan ng ilang minuto ay tumahimik na ang paligid kaya agad akong napasilip bago tuluyang makalabas ng makita ang mga kasama kong pulis na nagsilabasan na. "Tapos na agad?" pagtataka kong tanong sa isa sa kanila ngunit masyado silang tutok na may bigla pa muling magpapaputok galing sa loob ng dalawang SUV na iyon. Agad naman nila iyong tinignan bago napakalma ang sarili dahil nagawa nila agad matapos ang problema mula roon. "Boss may nakatakas." Natigilan akong muli dahil sa pag sigaw ng isa sa kapwa ko pulis. "Who?" I said ready to count the suspects inside of the Van. "Yung lider." ‘Aish. I thought they won't failed.’ "Did you all forgotten my rules while doing a night shift with me?" I asked. "Officer, ano okay na ba? Sino ang nakatakas? At paano kayo natakasan?" bungad naman ni officer Hans habang napapalingon sa SUV na butas butas dahil sa tama ng mga bala ng baril. "Siguraduhin niyong hindi makakalayo iyon dahil kayo ang ipapalit ko sa kaniya." nabuburyo kong sabi bago kinuha ang susi ng sasakyan at handa para umalis. "Ikaw, sumunod ka. Kailangan mong magpaliwanag sa akin." naiinis ko pang turo kay Michael na agad din namang tumango at sumakay sa backseat habang si Officer Hans naman ay sumunod rin sa aking gawi. "What are you doing? Go. Ikaw ang look out ko dito. Babalik rin ako agad." paninita ko pa sa kaniya na ikinamadali naman niya sa paglabas sa kotse. ---- "What is the meaning of that?!" I turn around to see the reaction of this hot headed woman. "It's okay. Madami pa naman tayong alas. Huwag kang mag alala." I calmly said while swaying my chair in an alternate position. "Are you blind?! It cause more than a million!" napangisi na lamang ako ng may kasamang pag iling dahil sa kaniyang sinabi. Walang saysay iyon kumpara sa laki ng kinikita ng negosyo ko. "This is how I manipulated my things. Ipagsawalang bahala mo na lamang iyan. You should be happy darling, this is just a simple game okay? Sometimes you need to sacrifice the small things to get big things. Trust me, okay?" I am not yet starting with the thought of this game. This is just a preview you. "Okay fine! Siguraduhin mo lang na tama yang ginagawa mo! We should still earn more than of this!" I smile sweetly of the thought she said. Sa isang gahaman at talino kong ito, sigurado akong lahat ng yaman ay mapupunta na sa akin. "Ofcourse darling. Kailan pa ba ako nagkamali sa paningin mo?" mas magiliw ko pang sabi sa kaniya na ikinapula naman ng pisngi niya. This is it. Gusto kong makita kung paano ka mahahasa ng abilidad ko October. You should understand I am wiser than you.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD