Chapter 3

1121 Words
"What do you think the solution for this problem?! Dahil sa 'yong ginawa, magtatago na ang isang 'yon pansamantala habang hinahanap natin siya!" napabuntong hininga na lamang ako at tahimik na nakatayo sa tapat ng table ni Chief habang nanenermon siya. Gaano man ako ka-istrikto ngunit hindi matutumbasan n'yon ang pagka-istrikto ni Chief Officer Pangilinan. Kulang pa ako sa tulog ngunit maaga naman akong ipinatawag para lang pagalitan sa hindi ko naman kasalanang ginawa. "From now on, can you please take a leave first? Sinisira mo ang ganda ng araw ko." After he said that, umalis na ako sa opisina niya. Aish! baket naman ako magli-leave? Tch. Hindi nila dapat ako gina-ganito kahit isa lamang akong hamak na babae. "Officer ano ang nangyare?" tamad na tamad naman akong naupo sa aking upuan at isinandal ang aking likod. "Itanong mo sa pagong." nakapikit ko pang sabi habang pinapaikot sa aking daliri ang nakuha kong panulat galing sa aking lamesa. "Alam mo officer kung ako sayo aalis na ako sa station na ito. Mas gusto ko pa doon sa bayan kesa rito sa maliit at bulok na lugar na ito." sabi pa niya bago bumalik sa kaniyang ginagawa. I am not in the mood and this is because of that drug lord na sana ay nahuli na namin kagabi. Tch. "Oh ano nangyare? Papunta palang ako rinig ko na sigaw ni Chief ah?" siya namang pagpasok ng isang maldito, si Officer Juares. "Pinaglileave itong si Officer De Villa ni Chief dahil sa nakatakas na drug lord kagabi." pagkukwento naman nila habang ako ay nakasandal lang at nakapikit sa swivel chair. "Hayaan mo na yan Officer De Villa, atleast makapagpapahinga ka. Noong nakaraan pa mainit ang ulo ng Chief natin kaya ganoon ang naging sagot sayo." sabi pa ni Officer Juares bago naupo sa kaniyang cubicle. "Tch. Yan lang naman ang hinahantay ko Officer atleast hindi ko kailangang magpakahirap sa pagpupuyat dahil hindi naman nila ako nilalagay sa pang umagang duty," pagrereklamo ko pa. Marami na akong napapasin sa lugar na ito. Hindi man nakikita ng iba ngunit hindi ako pwedeng umalis na lang basta. "Oh, heto ang leave form para matapos na yan." paglapit naman ni Officer Roma sabay abot ng papel. Agad ko naman siyang binatukan na ikinabigla niya. "Sira na ba ang ulo mo?! Anong akala n'nyo sa akin agad agad na papayag?! Hindi ba pwedeng inaalam ko lang kung kukunsintihin n'yo ako o hindi?! Aba! Pagbabarilin ko yang mga utak n'yo ng tumino!" sabi ko pa na ikinapahiya naman nila maliban sa bugnuting si Officer Juares. "Ano naman ngayon kung pinapa-leave ako ni Chief? Aba! Nakakahalata na talaga ako sa inyo! Magsi-alis nga kayo sa paningin ko! Mas lalo ninyong sinisira ang umaga ko!" inis ko pang sabi na agad rin naman nilang sinunod. "Kalma Officer. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend dahil ang sungit sungit mo." sinamaan ko naman ng tingin si Officer Juares dahil sa kaniyang sinabi. Anong pakialam niya kung wala akong boyfriend?! Tch! Tumayo na lamang ako para umalis na muna dahil hindi ko pa naman duty ngayong oras. "D'yan na nga kayo, iniinis n'yo lang naman ako." pasaring ko pang sabi at lumabas na sa station. Nag unat unat pa ako bago sumakay sa sasakyan ko. Matutulog na muna ako. At kailangan ko pang hanapin ang mapangahas na tumakas na nilalang na 'yon. Agad kong pinaandar ang aking sasakyan ng mabilis hanggang makarating sa apartment na inuupahan ko at nagpahinga. " Oh officer papasok ka na?" natigilan naman ako sa pagsara ng pinto ng aking sasakyan ng makasalubong ko si mang Raul sa isang gilid. May dala siyang isang sako na hindi ko mapangalanan kung ano. "Oho mang raul. Sige ho kailangan ko ng umalis dahil malelate na ako sa trabaho." sabi ko pa bago isinara ang pinto ng sasakyan at pinaharurot 'yon papunta sa istasyon. Sigurado akong aabutin na naman ako ng ilang araw bago muling makauwi. Napasobra ang tulog ko kanina at nakaligtaan ko na kailangan ko pa lang imbestigahan ang nakawalang drug lord. Ilang oras pa ang nagdaan bago ako nakarating sa opisina. Hindi pa ako pumapasok sa loob ngunit tinatamad na agad ako. Napatigil naman ako sa pag iisip ng marinig na mag-ring ang aking cell phone. "why did you call?" I said in a bored tone. "Report?" Nanlulumo akong napakamot at tumingin ng diretso sa kalsada na waring naiirita at dismayado. "Wala pa." Hindi pa man siya nagsasalita ay agad kong inilayo ang telepono sa aking tenga dahil sa biglang pagsigaw niya. "Anong wala pa?! Sa loob ng ilang buwang pananatili mo riyan ay wala ka paring matinong sasabihin sa akin?!" "You know the word 'private' and 'privacy'. Saka na lang kita muling tatawagan sa oras na sigurado na ako. Sa ngayon, wala pa akong maibibigay na impormasyon sayo. Pasensya na," sabi ko pa. Napatigil naman ako at napalingon sa bintana ng kumatok roon si Officer Hans. "Sige na. I have duty for tonight." sabi ko pa bago ibinaba ang linya. Binuksan ko ang bintana ng aking kotse at lumingon sa kaniya. "Oh?" nakakunot at nag tatanong ko namang sabi. "Ang tagal mo kase pumasok officer kaya naman kinatok na kita. Nasa loob si Michael." isang tango lamang ang aking isinagot bago siya pinauna na sa loob. Muli ko pang tiningnan ang aking hawak na cellpone bago ibinulsa iyon. "Hi Officer." nakangiti namang salubong sa aking ng mga iba pang pulis na naroroon. Napataas naman ang aking kilay na pati kriminal ay bumabati na rin sa akin. Ibinaba ko ang ilan sa aking gamit bago umupo sa lugar kung saan ako madalas umuupo. "Officer, you like coffee?" napakunot naman ang aking noo ng makita si Officer Juares na ngiting ngiti pa sa akin. "Anong ginagawa mo dito? Ngayon ko lamang nalaman na tumatanggap ka na ng panggabing duty?" Katulad ng aking laging ginagawa ay isinandal ko ang sarili sa upuan at nakakunot pa rin ang noo na nakatitig kay Officer Juares. "Wala naman gusto ko lang magpapansin sa 'yo. Ayaw mo nun? Kung sakaling hindi magampanan ng ayos ni Officer Hans ang trabaho niya, ako ang papalit." He said while sipping on his coffee. For tonight's duty, I need to do plans and list of all the current suspects name and how did the leader disappeared that fast. Other than that patroling in the different streets is the important part I should do for tonight. "Officer nasa loob na ng briefing room si Michael." Paalala pa ng isa sa mga Officer sa akin na tinanguan ko lamang. Habang nakikita ko ang bawat galaw ng mga tao sa paligid ko, gumagawa na ako ng sariling plano sa utak ko. Ayoko sa lahat ang makalat kaya naman isinasaayos ko ang lahat bago i-finalize 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD