PART 4

942 Words
"’Yon, oh!" sambit ni Dhoy nang ilapag sa harapan nila ang napakadaming prutas. Lahat sila ay natakam dahil sa kumakalam nilang sikmura. Kahit ordinaryong prutas lang ang mga iyon tulad ng manggang hinog, saging na nilaga, at guyabano, ay parang mga litson na sa paningin nila. "Kumain na muna kayo ng mga prutas. Kakatayin pa kasi ang magiging ulam natin mamaya," sabi sa kanila ng isang babae. Natipuhan ito ni Kear. Sinadya nitong makipagsagian ng kamay. "Ay, sorry." Napahagikgik ang apat. "Style mo bulok!" gusto nilang sabihin kay Kear pero hinayaan na lang nila ito. Eh,sa ganoon dumiskarte ang may lahing Amerikano. Pagbigyan na lang nila. "Hi," ta's bati pa ni Kear sa babae. "Pwedeng makipagkilala? Anong pangalan mo?" Parang nahiya naman ang babae. Dalagang Pilipina na inipit nito ang tumikwas na mga buhok sa mukha nito sa likod ng tainga. "Ako si Steff Cuaresma," pero tipid din naman nitong sagot. "Ang ganda naman ng pangalan mo, kasing ganda mo, Steff," puri ni Kear sa dalaga. "Ako naman si Kear Brylls. Mukhang Amerikano pero pusong Pilipino." Naghalakhakan na sina Vhon, Dhoy, Jake at Darwyn. Hindi na nila nakayanan na pigilan. Ang pangit talaga kasi ng diskarte ni Kear. Nakakasuka. Pinandilatan sila ni Kear pero wala silang naging pakialam. Pati tuloy si Steff ay napahagikgik na rin. Kamot-ulo na lamang si Kear. Nawala na sa diskarte nito "Kain na nga lang tayo," kaya sa huli ay sabi nito. Kinuha nito ang isang saging at nilamutak iyon. Lalong nagtatawa ang apat nitong kasama. "Style mo kasi nakakasuka. May pili-Plipino ka pang nalalaman diyan,” hindi napigilan ni Jake na tuksohin pa rin si Kear. Nagtawanan ulit sila. "Sige na kumain na kayo," singit sa kanila ng isang babae. "Pasensiya na kayo at prutas lang ang maihahain namin. Pero huwag kayong mag-alala mamayang gabi karne na ang kakainin natin. Pinakamasarap na karne." Ewan pero parang kinilabutan ang lahat sa huling sinabing iyon ng babae. Napalunok pa sila, para kasing may ibig sabihin. "Magkakatay kami ng kambing para sa inyo mamaya," panlilinaw ng babae na Lheizel ang pangalan at ito ang pinakapinuno ng mga kababaihan. "Ayon naman pala. Kambing. Masarap 'yon," wika ni Dhoy na kumindat kay Lheizel. Muling bumalik ang sigla nila. Isa-isa na silang kumuha ng prutas at kumain. Nakatingin lang ang mga babae sa kanila. Makahulugang tingin kung sana ay kanilang papansinin. "Kain tayo," alok ni Vhon sa isang babae na nakatayo malapit sa kanya. "Sige lang." "Anong pangalan mo?" Natigilan ang lahat. Sa isip nila ay ayan na dumediskarte na rin si Vhon. “Ang seryosong si Vhon. Walang kokontra,” bulong ni Dhoy. Pigil ang tawang siniko ito bahagya ni Kear. "Miyaka. Ako si Miyaka Villar," pakilala ng babae. "Ako naman si Vhon Pascual." "Sige kumain lang kayo." "Ang babait niyo naman. Pinatuloy niyo na nga kami pinapakain niyo pa," wika ni Jake kahit puno ng saging ang bibig nito. "Ganoon talaga kami sa mga bisita," si Joylyn ang sumagot. "Huwag kang mag-alala, Joylyn, kapag ikaw naman ang bumisita rin sa amin ay ipagluluto rin kita ng masasarap doon," sabi at kindat ni Darwyn kay Joylyn. Nangiti lang si Joylyn. "Salamat sa inyong lahat," senserong pasasalamat din ni Dhoy na bahagyang iniyuko pa ang ulo isa-isa sa mga babaeng naroon. "Pero nasaan na pala iyong isa naming kasama? Baka gutom na rin 'yon." "Darating na siya, pinasundo na namin," sagot ni Lheizel kay Dhoy. "Ah, okay." "Ayan na pala siya." Si Darwyn, nakita na nito si Hilmar. Sinalubong nila si Hilmar at pinaupo. Pero ang nakapagtataka, eh, napakaseryoso ng mukha ni Hilmar at kapansin-pansin ang ilap ng mga tingin nito sa mga babae. "Kumusta ang tama mo, bok?" tanong agad ni Vhon dito. "Okay na, bok," tipid na sagot ni Hilmar habang napakalikot ng mga mata pa rin nito sa mga babae, parang may kinakatakutan ito. "Kain ka, bok," alok ni Darwyn ng saging. "Sige lang." Napakunot-noo si Vhon sa kakaibang ikinikilos ni Hilmar. "May problema ba, bok?" Sinenyasan ni Hilmar si Vhon na lumapit sa kanya at binulungan ito. "Kailangan na nating umalis? Delikado yata tayo rito, bok." Nagsalubong ang dalawang kilay ni Vhon. "Anong ibig mong sabihin?" Pagtingin ni Hilmar sa mga babae ay ang sama ng tingin nila sa kanya, lalo na si Lhiezel. "Maya na. Kumain na lang muna tayo. Gutom na ako. Mukhang masarap itong saging, eh," pag-iiba ng usapan ni Hilmar. "Anong nangyari riyan?" naiiling na tanong ni Jake habang panay ang kagat sa bayabas na ang tinutukoy ay si Hilmar. "Wala," sagot ni Vhon saka nagkatinginan sila ni Hilmar. Nagkaunawaan sila. Nagpakabusog nga sila. Mayamaya ay nilapitan ni Franzes si Jake. May ibinulong ang babae kay Jake na ikinamilog at ikinaningning ng mga mata ni Jake. "Talaga?" excited na naibulalas ni Jake sa nang-aakit na babae. Tumango naman si Franzes. Nakatingin lang kay Jake ang lima pero nang tumayo si Jake at parang sasama kay Franzes ay naalarma si Hilmar. "Teka! Saan kayo pupunta?" "Naku, bok, kumain ka na lang riyan," nakatawang sabi ni Jake rito. Nangiti ang apat. Halata naman kung ano ang gagawin ng dalawa. Si Hilmar lang ang hindi makakuha. "Bok, dito ka lang," pigil ni Hilmar. Iba ang nasa isip kasi nito. Pero kinawayan lang ito ni Jake at tuluyan nang sumama kay Franzes. "Ano ba talagang nangyayari sa 'yo?" takang tanong ni Vhon kay Hilmar. Hindi naimik si Hilmar. Sa isip niya ay bakit nga ba siya nagkakaganito? Dahil lang sa sinabi ni Alene kanina na tumakas na sila at huwag magpapalinlang sa mga ganda ng babaeng mga 'to? Dapat ba niyang paniwalaan iyon? Napakamot siya sa batok. Pero paano nga kung mapanganib nga talaga ang mga babaeng 'to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD