PART 3

1057 Words
"Kung alam ko lang na ganito pala ang premyo ng may tama, nagpatama na rin sana ako sa paa," birong bulong ni Jake sa mga kasamahan sabay nguso kay Hilmar na tuwang-tuwa dahil dalawang sexy na babae ang umaalalay rito. Naiinggit ito kay Hilmar. Napangiti silang lahat habang nakasunod sa mga babae. Pumasok ulit sila sa gubat pero wala silang pangamba dahil mukha namang mababait ang mga babae. Palingon-lingon ang mga ito sa kanila. "Type siguro ako niyon," mahinang sabi ni Darwyn. Kanina pa kasi ito tinitingnan ng isang babae. Tapos ang tamis ng pagkakangiti. "Ako rin, eh. 'Yon naman," sabi rin ni Dhoy. Namangha si Jake. "Hindi nga? Tinitingnan kayo?" sabi nito. Nang tumingin ito sa isang babae ay parang naramdaman nito. Lumingon din ang babae at ngumiti. "Ay, oo nga." Halos umabot sa tainga ni Jake ang pagkakangiti na nito sa babae. Kinayawan pa nito ang babae na kinikilig. "Oy, Leal! Saan ka?" pigil ni Vhon dito nang akmang lalapitan ni Jake ang babae. "Makikipagkilala lang," sabi ni Jake na hindi na nagpapigil. Hindi ito magpapatalo kay Hilmar. Nailing na lang ang apat. "Hi," bati ni Jake sa babaeng ngumiti rito habang naglalakad pa rin sila. Parang nahiya ang babae kasi napayuko ito ng ulo. "Ayiee! Ganito ang mga type kong babae," sa isip-isip ni Jake. "Ako si Jake Leal. Anong pangalan mo?" Hindi na ito nagpaligoy-ligoy. "Ako si Franzes Larioza," kiming sagot ng babae pero bigla itong hinila ng isang babae at tiningnan nang masama si Jake. Pagbalik ni Jake sa hanay ng kasamahan ay pinagtawanan ito. "Atat kasi masyado," parinig ni Kear dito. Kamot-batok si Jake. "Kinilabutan ako do'n," sabi nito. "Bakit?" tanong ni Darwyn. "Kung makitingin ng masama kasi 'yon, eh, parang kakainin niya ako ng buhay. Tumatayo balahibo ko sa katawan." Inginuso ni Jake ang babaeng humila kay Franzes. Napahimas ito sa braso pagkatapos. Tiningnan ito ni Darwyn. "Iyon ba? Sayang type ko pa naman 'yon." "Hinay-hinay lang kasi," sabi ni Vhon. Umiling-iling. Natigilan sila nang pumasok na sila sa isang lugar. May mga bahay na pero gawa sa mga kugon at pawid. Mga bahay-kubo. Doon mas lumaki ang mga mata ng mga sundalo dahil mas madaming magagandang babae pa ang nakita nila. "Wow! Ang daming chika babes!" sambit ni Jake na kumikislap ang mga mata. Animo'y mga masarap na pagkain ang mga kababaihan. "Dadalhin muna namin sa manggagamot ang kasama niyo na may tama ng bala sa paa para magamot siya," sabi ng babaeng type ni Darwyn na kinaiinisan naman ni Jake. Sinimangutan ito ni Jake. Si Darwyn ang lumapit dito at sumagot. "Sige, salamat, ha?" anito sa babae. "Ako nga pala si Darwyn Hernando. Ikaw? Anong pangalan mo?" Napatanga ang apat dahil mabilis din pala itong si Darwyn sa pagdiskarte ng babae. Pigil nila ang kanilang pagtawa pati na rin ang kanilang paghinga. "Joylyn Escuba," seryosong sagot ng babae, saka tumalikod. Napa-YES si Darwyn sa hangin. At nag-apiran silang lahat. Tuwang-tuwa sila para kay Darwyn. Sa ilap ni Darwin sa mga babae ay hindi nila inasahan na ito ang unang makaka-one-point sa babae. "Mga bok, balik na lang ako," kaway ni Hilmar na mas tuwang-tuwa kaysa sa apat. Ibang mga babae na naman kasi ang umalalay sa kanya kaya mas natuwa siya. Nakakatsansing kasi siya nang hindi nahahalata ng mga babae. "Geh!'" Halos sabay-sabay nilang tugon at kaway kay Hilmar. "Hali muna kayo roon nang makakain," anyaya naman sa kanila ng isang babae. Sinamantala naman 'yon ni Dhoy dahil ang babaeng iyon ay ang type naman nito. Magpapahuli pa ba siya? "Sige." Sinabayan ni Dhoy ng lakad ang babae. "Anong pangalan mo?" Tiningnan ito ng babae. "Ako si Lheizel Anggana." "Ako naman si Dhoy Florez." Inilahad ni Dhoy ang isa nitong kamay. Sikuan ang mga kasama ni Dhoy sa likuran. At pati sila ay nakahinga ng maluwag nang inabot ni Lheizel ang kamay ni Dhoy, lalo na si Dhoy na akala ay mapapahiya ito sa mga kasama. Nilingon nito ang mga ito at kumindat. Nagthumbs-up naman ang lahat. SAMANTALA SA DI-KALAYUAN na bahay-kubo kung saan dinala si Hilmar ng ibang mga babae ay basta na lang itong iniwan doon. "Oy, teka teka! Saan kayo pupunta?" takang tanong ni Hilmar sa mga ito. "Huwag kang mag-alala akong gagamot sa 'yo," sabi ng isang babae na pumasok sa isang likod na pintuan ng bahay kubo. May dinidikdik ito at nakatalikod kay Hilmar. Natitig si Hilmar sa babae. Pagkuwan ay napangiti ulit. Sa isip niya ay ayos lang pala may isa pa pala. Ito na siguro ang partner niya. "Ako si Hilmar Pingol. Anong pangalan mo?" tanong niya agad sa babae dahil sigurado siyang may mga chicks na ngayon ang mga kasama nito. Sila pa ba? "Ako si Alene Reyez," sagot ng babae na abala pa rin sa mga herbal na panggagamot 'ata. Humanga agad si Hilmar sa napakagandang pangalan ng babae at saka sa napakalambing nitong tinig. Siguradong maganda rin ito. "Ako naman si Hilmar," pakilala niya ulit. "Saan ang masakit sa ‘yo?" "Dito sa paa ko may tama ng bala." "Ganoon ba," anang babae saka humarap na. “Aguuuyyy!” Napaurong nga lanag sa kabiglaan si Hilmar. Paano ba naman kasi ay ang pangit pala ni Alene. Sunog ang kalahati nitong mukha. Nakakatakot. "May problema ba?" tanong ng dalaga. "W-wala. Wala naman," kaila niya. Umasim ang mukha niya nang hindi na nakatingin sa kanya ang dalagang manggagamot. Ang malas naman, oh! Akala niya jackpot na, eh! "Gamutin na natin ang sugat mo." "Hindi na. Ako na. Ako na." Inagaw ni Hilmar ang nakalagay sa bowl na herbal na panggamot sana ng babae. Siya na talaga ang naglapat niyon sa sugatan niyang paa habang patingin-tingin ito sa babae. Daplis lang naman iyon kaya wala 'yong bala at alam niya ang ginagawa dahil napag-aralan nila ang self-medication sa training nila noon. "Kapag gumaling ka na ay tumakas na kayo ng mga kasama mo. Umalis kayo agad sa lugar na ito," subalit ang hindi inaasahan ni Hilmar na sasabihin ni Alene. "Huh?" Natigilan si Hilmar. "Huwag kayong tumingin sa panlabas na anyo nila. Mapaglinlang ang kanilang mga ganda." "Ano bang sinasabi mo?" "Basta mapanganib sila. Maniwala ka." Naudlot ang sinasabi ni Alene nang may pumasok na isang babae. Napipi na ito. "Oy, ano 'yong sinasabi mo? Bakit mapanganib sila?" tanong ulit ni Hilmar na naguguluhan. Subalit hindi na ito sinagot ni Alene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD