PART 2

943 Words
"Nakalayo na ba tayo?" tanong ni Darwyn na humihingal. Tumigil sila saglit sa lakad-takbo nilang pagtakas sa mga rebelde. Wala talagang dumating na reinforcement. "Sa tingin ko," sagot ni Kear. “Wala nang putukan, eh.” Nakahanda pa rin ang kanilang mga armalite kahit na alam na nilang malayo na sila sa mga kalaban. Tagatak ang kanilang mga pawis dahil pinagtulong-tulungan nila si Hilmar. Hindi nila pinabayaan ang kanilang kasama. "Aw!" Napangiwi si Hilmar nang ipaupo ito ni Jake sa isang malaking bato. "Kaya pa, Pingol?" tanong ni Jake. "Masamang damo 'yan. Hindi ‘yan susuko, ‘di ba, bok?” biro ni Vhon sabay kindat kay Hilmar. "Oo! Pero sh*t! Ang sakit pala matamaan ng bala, mga bok," sagot ni Hilmar na napapangiwi. Kahit seryoso na ito ay tila nagpapatawa pa rin kaya naman kahit nasa ganoong nasa panganib ang buhay nila ay nagawa pa rin nilang matawa lahat. "Alangan. Masakit talaga 'yan. Tiisin mo lang, bok." Tapik ni Dhoy sa balikat ni Hilmar na naiiling. Buti na lang at iniligtas nila ito at least may nagpapatawa sa kanila. Tumango na lang si Hilmar kahit hirap na hirap na sa kalagayan niya. Ayaw rin naman niyang madedo agad. Nagbago na ang kanyang isip. "Mga bok, sa tingin ko ilog 'yon," mayamaya ay sabi sa kanila ni Vhon na may itinuturo. Tumayo si Darwyn at sinilip ang itinuturo ni Vhon. "Ilog nga, mga bok." Natuwa silang lahat. Nabuhayan silang lahat. Kahit tubig man lang ang makapawi sa matinding nerbyos nila. Isa pa nauuhaw na rin sila. "Tara nang makainom naman tayo," anyaya agad ni Kear sa kanila. Kakaripas na sana ang lima papuntang ilog nang, "Hep! Hep! Nakakita lang kayo ng ilog nakalimutan niyo na ako? Help naman diyan." "Ay, oo nga pala," kamot-ulo na sambit ni Vhon. "Halika na." Si Kear naman ang umalalay kay Hilmar. Dahan-dahan silang bumaba mula sa kagubatan patungong ilog upang hindi mahirapan ang kasama nilang sugatan. "Bilisan lang natin at baka maabutan tayo ng mga kalaban," paalala ni Darwyn sa lahat. Pagdating sa ilog ay kanya-kanya na silang sulong sa tubig at laking ginhawa nilang talaga. May uminom. May naghilamos. At si Hilmar nilinis ang tama nito sa paa. “Eiihhh!” nang biglang may tumili. Tili ng mga kababaihan na naliligo pala sa may malapit sa kanila. Walang mga saplot kasi ang mga babae. Nilubog lang nila ang mga katawan sa tubig. "Hala!" naibulalas ni Jake. "Wow!" sambit naman ni Dhoy dahil may isang babae na nakatayo pa at nakatikip lang ang mga braso nito sa dibdib pero ang perlas naman nito ay nakalitaw. "Oy! Oy! Talikod!" sabi ni Vhon na pinatalikod ang mga kasama. "Wow na wow!" pero si Hilmar ay sabi nito na kumikinang ang mga mata. Nang makita ito ni Vhon ay pinatalikod din ito. Sa wakas ay parang natauhan ang babaeng 'yon at inilubog na rin ang katawan sa tubig. "Sorry, mga miss o mga misis. Hindi naman alam na andiyan pala kayo," pasigaw na paghingi ng paumanhin ni Darwyn habang nakatalikod silang anim. Sinamantala naman ng mga babae na magtapis ng mga tuwalya. "Phew! Kahit paano may reward pa rin tayong nakita," mahinang sabi ni Jake. Malademonyo ang ngisi. "Oo nga," sang-ayon ni Dhoy. Pababang nag-apiran ang dalawa. "Amen," nakisali rin si Hilmar. Nangingiti na lang sina Vhon, Kear, at Darwyn. "Pwede na kayong humarap," hindi nagtagal ay matigas na sabi na ng isang babae sa kanila. Dahan-dahan ngang humarap ang anim na sundalo pero pare-parehas silang napalunok nang makita ang limang babae. Kahit nakatapis na kasi sila ng tuwalya ay nakakaakit pa rin ang kanilang hitsura. Litaw pa rin ang hubog ng mga katawan. Ang se-sexy! At ang gaganda! "Akin 'yong isa na mahaba ang buhok," biro na naman ni Jake na pabulong. Siniko ito ni Vhon. "Teka. Bakit lima lang sila? Dapat anim?" tila namublemang sabi naman ni Hilmar. "Wala kang partner," tukso ni Jake. "Ang daya naman!" protesta ni Hilmar. "May asawa ka na kasi kaya wala kang partner," sabi pa ni Jake. Pigil ang tawa ng apat sa biruan nina Jake at Hilmar. "Iba naman dito. Wala naman siya rito, eh," pero ayaw patalong sagot ni Hilmar. Totoo 'yon na may asawa siya pero hindi sila magkasundo ng asawa niyang iyon, tapos hindi naman sila kasal. Ni wala na nga rin siyang balita sa babaeng iyon. In short, hiwalay na sila ng asawa. "Tumigil na nga kayo," pagsita sa kanila ni Vhon. Nagseryoso na ang dalawa. Noon lang nila napansin na iba ang tingin ng mga babae sa kanila. Napakaseryoso. Nakakatakot. "Hi," bati ni Dhoy, kinawayan nito ang mga babae. Feeling close. "Um, ano mga sundalo kami kaya huwag kayong mag-alala. Huwag kayong matakot. Hindi namin kayo sasaktan," tapos ay sabi nito. "Oo nga. Mababait kami, mga miss," segunda ni Darwyn. Napatingin ang parang pinuno ng mga babae kay Hilmar nang dumaing si Hilmar. "Mukhang sugatan ang inyong kasama?" saka seryoso nitong tanong. "Ay opo. May nakalabanan po kasi kami kanina na mga bandido," si Vhon ang sumagot. "Sige, girls, tulungan sila," ang hindi nila inasahan ay utos ng pinunong babae sa mga kasamahang babae. Lumapit agad ang dalawang babae kay Hilmar. "Oy, teka! Teka!" angal ni Hilmar, kasi naman nakatapis lang ang dalawang babaeng umalalay sa kanya. Nakukuryente siya. Nanginig siya nang dumikit agad ang malambot na dibdib ng isang babae sa isang braso nito. Natatawa na lang ang lima kay Hilmar pero lihim na mga naiinggit. Mga napa-sana all. “In fairness ang suwerte ni Pingol,” bulong ni Jake. Naglakad na sila. Nauna ang mga babae kasama si Hilmar. Mukhang ligtas na nga sila sa kamay ng mga bandido kaya kampante na silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD