PART 8

586 Words
"Oh, ano’ng nangyari sa 'yo?” pansin ni Vhon kay Dhoy. Hawak-hawak kasi ni Dhoy ang tiyan nito. "Ewan, parang hindi yata ako natunawan sa kinain natin kanina. Ang sakit ng tiyan ko,” sagot ni Dhoy na nakangiwi. "Ang takaw mo ba naman kasi,” biro ni Hilmar. Inirapan ito ni Dhoy. Nasa isang kubo-kubo sila na pasadyang pahingahan daw ng mga sandaling iyon at nagpapahangin. Maliban kay Darwyn na kausap si Joylyn sa may malaking bato. Nagkakatuwaan yata ang dalawa dahil dinig pa nila ang tawa ni Darwyn mula roon. "Wala na. Inlababo na si Hernando,” nakangiti at iiling-iling na wika ni Vhon. "Pustahan. Susunod na ang mga 'yan sa paraiso,” nakatawang wika naman ni Dhoy. Doon naalala ulit ni Hilmar si Jake. “Bakit kaya hindi pa bumabalik si Leal?” "Hayaan mo na 'yon, Bok. Nagpapakasawa na malamang iyon sa kandungan ni Franzes,” ani Vhon. "Bakit hindi pa ba tayo aalis dito?” nagtakang tanong pa ni Hilmar. Pinasadahan niya ng tingin ang dalawang kasama. "Ewan ko sa inyo?" Si Vhon. "Puwede bang huwag muna?” Inilapit ni Dhoy ang mukha sa dalawang kausap. Hinahayaan lang nilang matulog si Kear sa tabi. “Hindi ko pa kasi natitikman si Lheizel, eh,” at saka namamanyak na bulong nito. Biglang nabatukan tuloy ito ni Hilmar. "Gunggong!" "Masakit 'yon, Bok, ah!” angal ni Dhoy na hinimas-himas ang ulo. “Palibhasan walang nagkakagusto sa iyo na babae rito. Ang pangit mo kasi.” “Nagsalita ang guwapo,” kantyaw rin ni Himlar dito. "Tama na nga 'yan. Baka magising si Kear," natatawang awat sa kanila ni Vhon. Hanggang sa na-spot-an nito si Miyaka na nagwawalis sa paligid ng isang kubo. Kulang na lang ay magkorting puso ang mga mata nito. "Sus, bakit kasi hindi mo pa lapitan?” tudyo ni Dhoy rito. “Nakarami na si Darwyn kay Joylyn, oh. Lawayan mo na si Miyaka.” “Gago!” Jujumbagin sana ni Vhon si Dhoy nang nagsalita si Kear. "Leal, takbo! Bilisan mo! Takbo!” Nagsasalita si Kear na tulog. Isinisigaw nito ang apilyedo ni Jake. Napatingin silang tatlo rito. Butlig-butlig na kasi ang pawis sa noo ni Kear at pabaling-baling ang ulo. Kitang-kita na ang sama talaga ng napapanaginipan nito. "Nababangungot na,” ani Dhoy na natatawa. "Ang dami kasing kinain, eh!" Natawa na rin si Hilmar. Tinapik ni Vhon ang pisngi ni Kear. Agad namang naalimpungatan ang huli. Napabalikwas ito ng bangon at parang takot na takot. "’Yan katakawan mo sa karne kanina, Bok. Nabangungot ka tuloy,” tukso ni Dhoy nang tuluyang magising si Kear. Nakatingin lang si Kear sa mga kasama. Wari ba’y wala pa rin ito sa sarili. Pero hindi nagtagal ay napaupo na ito’t nagpunas ng pawis sa noo. "Anong napanaginipan mo? Bakit parang takot na takot ka? Nabanggit mo pa apelyido ni Jake,” katanungan ni Hilmar. "Oo, at ang sama ng panaginip ko sa kanya, Bok. Si Leal raw hinahabol ng mga babaeng 'yan para patayin tapos… tapos kinain nila nang mapatay nila,” humihingal na kuwento ni Kear. "Yuck! Ano sila mga aswang? Mga aswang sa panaginip mo?" nakangiwing reaksyon ni Dhoy. Sina Vhon at Hilmar naman ay nagkatinginan, parang may parehas silang naisip. Hindi rin alam ni Dhoy pero parang may malamig na hangin na bumuga sa kanang tainga nito. Ewan nito pero kinilabutan na ito. At napansin na lang nila na wala na si Darwyn at Joylyn sa malaking bato. "Nasaan na sina, Hernando?!" nabahalang tanong ni Hilmar at napatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD