PART 9

508 Words
"Nasa'n na sina, Hernando?" tanong ni Hilmar na napatayo. Kahit ang tatlo ay iginala na rin ang paningin sa paligid. "Baka nagpunta na sa tinatawag nilang paraiso," kilig na sabi ni Dhoy. “Kailan din kaya ako yayayain ni Lheizel?” Parang manyak itong pinagkiskis-kiskis ang mga palad. Nag-imagine ang loko. Nailing na lang sina Kear at Vhon dito. At muntik namang mabatukan ulit ito ni Hilmar. "Hanapin natin sila!" mayamaya ay wika ni Hilmar na labis-labis ang pag-aalala. Ito na ang seryoso ngayon. Hinila ni Vhon ang isang braso ni Hilmar para paupuin. “Relax lang, Bok.” "Paano ako magre-relax?! Paano kung napahamak na ang dalawang kasama natin?!" Nagkatingininan ang tatlo sa sinabing iyon ni Hilmar. "At bakit naman sila mapapahamak? Sa tingin mo ba sasaktan si Franzes at Joylyn sina Leal at Hernando? Baka nga pinapasaya na nila ngayon ang dalawa, eh. Manahimik ka na lang, Bok. Nakaka-stress ka na, eh,” iba na ang tono ni Dhoy. Naiinis na kasi ito sa kakulitan ni Hilmar na wala naman sa lugar. "Pero sabi ni Aslene—" giit pa sana ni Hilmar pero inunahan ulit ito ni Dhoy na magsalita. "Alene ka nang Alene?! Eh, 'di sumama ka rin sa kanya roon sa paraiso para hindi ka putak nang putak diyan!” "Anong sabi mo?!" Susunggaban sana ni Hilmar si Dhoy pero buti at napigilan ito ni Vhon. "Bawiin mo’ng sinabi mo! Gago ka!" "Ba't ko babawiin?! Palibhasa walang nagkakagusto sa ‘yo rito! Ikaw ang gago!” Lalong nagwala si Hilmar pero hindi ito pinakawalan ni Vhon. "Tama na, mga bok! Para kayong mga bata!" "Tama na, Bok!" awat din ni Kear kay Dhoy. "Tang-*na! 'Yan ang patahimikin niyo!" galit na wika ni Dhoy. Marahas nitong tinabig ang humahawak na kamay ni Kear dito saka malalaki ang hakbang nitong umalis sa kubo. Pero bigla itong natigilan. Natitig ito sa isang bulto ng babae sa di-kalayuan. Nakatingin ito sa kanya, at nang makita nitong nakatingin siya rin dito ay bigla itong tumalilis. "Franzes?!" tawag ni Dhoy sa dalaga. Sa lakas ng sigaw nito sa tinawag nitong pangalan ay napatingin dito sina Vhon, Kear at Hilmar. Nagsilapitan ang mga ito kay Dhoy. "Nakita mo si Franzes?" takang tanong ni Vhon. Tumango si Dhoy. "Oo, Bok, doon. Nakatayo siya ro'n kanina pero bigla na lang umalis nang napatingin ako sa kanya." "Eh, si Leal nakita mo? Kasama niya?" tanong din ni Kear. Umiling si Dhoy. "Sabi ko na nga ba, eh! May mali talaga!" sambit na naman ni Hilmar. "Pwede ba?!" singhal ulit ni Dhoy kay Hilmar. "Oh, ayan na naman kayo, eh!" pumagitna agad sa kanila si Vhon ulit. Ang lahat ay napaisip sa pagkakakita ni Dhoy kay Franzes. Nasaan si Jake? Kung nandito na si Fransez? ******** SARAP NA SARAP na si Darwyn sa ginagawa nito kay Joylyn. Matapos ang mainit nilang halikan ay mabilis na nahubaran ni Darwyn ang babae saka ang sarili. Reading-ready na itong pasukin ang p********e nang nakakabaliw na si Joylyn. Hindi nito alintana kung nasa mainit at madilim silang kweba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD