PART 10

609 Words
"Ohmmmm! Ohmmmm!" ungol ni Darwyn, pawis na pawis na ito. Tinodo nito ang lakas nito para mabigyan ng kalayaan ang sarap ng sensasyong pinapadama sa kanya ni Joylyn. Halos mabaliw-baliw rin si Joylyn. Halos bumaon ang mga kuko nito sa hubad na likod ni Darwyn. Pikit na pikit ang mga mata nito at kagat-kagat ang pang-ibabang-labi. Nang sa wakas ay sabay silang nakarating sa rurok ng kaligayahan. "Aaaaahh!" ungol ni Darwyn na lumupaypay. Pagkuwa'y napangiti ito saka masuyong humalik sa noo ni Joylyn. Yumakap naman si Joylyn na ngiting-ngiti. Saglit lang ay naghihilik na si Darwyn dahil sa pagod. Balak nito sa paggising nito ay muli silang babalik ni Joylyn sa rurok ng kaligayahan. Subalit sa paggising ni Darwyn ay anong hintakot ang naramdaman nito sa nakitang kinaroronan. "Nasa'n ako?!" takang tanong nito dahil nakatali ang dalawang kamay nito at nakadipa, gayundin ang mga paa nito na nakabukaka. "Bakit ako nakatali?!" Nagpupumiglas ito dahil agad itong nakadama ng panganib. Mayamaya ay lumabas sa kung saan si Joylyn. Nakadamit ito ng mahabang itim na may hood sa ulo at nakangisi ito sa kanya. "Anong ibig sabihin nito, Joylyn?!" Salubong ang kilay na tanong ni Darwyn kay Joylyn. Hindi sumagot si Joylyn, bagkus ay naghugas ito ng dalawang kamay sa isang palangganang nasa isang maliit na lamesa. "Joylyn! Pakawalan mo ako rito!" Subalit ngumiti lang si Joylyn. "Ate Lheizel! 'Wag niyo siyang papatayin! Tama na ang kasamaang ito!" Napatingin si Darwyn sa nagsalitang iyon at namilog ang mga mata nito dahil an'daming babae pala na parehas ang mga damit kay Joylyn. "Anong gagawin niyo sa 'kin?!" hestirikal na nitong tanong. Muli itong nagpupumiglas. "Ate, please?! Tama na! Palayain na natin sila! Wala namang mangyayari sa ginagawa natin, eh!" pakiusap ulit ni Ashlene kay Lheizel. "Tumigil ka, Ashlene! Lumuhod ka at humingi ng tawad sa 'ting panginoon sa mga sinasabi mo!" singhal ni Lheizel kay Ashlene. "Ashlene, tulungan mo ako!" muling nagpupumiglas si Darwyn, subalit sadyang mahigpit ang pagkakatali rito. "Joylyn! 'Di ba gusto mo ako?! Pakakasalan kita! Iuuwi kita! Pakawalan mo lang ako!" pagsusumamo rin nito kay Joylyn. Ngunit ngumisi lang si Joylyn. Pinagtulungan nina Tiffany at Miyaka na paluhurin si Ashlene para humingi ng tawad sa panginoon nilang Satanas. "Ayoko!" angal ni Ashlene pero wala itong nagawa. Nagkatinginan sila ni Darwyn. Lumuluha ang mga mata ni Ashlene, parang humihingi ito ng tawad kay Darwyn. "Ashlene, tulungan mo ako!" Umiyak na ring pakiusap ni Darwyn kahit 'di nito kilala ang babaeng ito. At lalo itong nahintakutan nang may isang kutsilyo na inabot ni Lheizel kay Joylyn. "Umpisahan na ang pag-aalay!" sabi nito kay Joylyn. "Waaaaggggg!! Maawa kayo sa 'kin!!" pagpupumiglas ni Darwyn. ••• Pabalik-balik ng lakad si Hilmar. Ewan nito pero ang lakas talaga ng kabog ng dibdib nito. "Huwag kayong tumingin sa panlabas na anyo nila! Mapanganib sila!" ang paulit-ulit na boses kasi ni Ashlene na naman sa isipan nito. "Bok, nahihilo na ako sa 'yo!" Mayamaya ay sita ni Kear dito. "Umupo ka nga lang!" "Hayaan mo siya," sabi ni Vhon kay Kear. "Haisssttt! Mababaliw na talaga ako riyan!" Tumayo si Dhoy. "Saan ka pupunta?" tanong ni Bear dito. "Kukunin ko 'yung baril ko! Mamaril na lang ako ng ibon at baka iba pa ang mabaril ko rito," sagot ni Dhoy. Nagkatinginan sila ng masama ni Hilmar. Hinayaan nila si Dhoy. Mas mabuti ngang hindi muna magsama ang dalawa para 'di magkainitan na naman ng ulo. Pero saglit lang ay bumalik si Dhoy. "Mga bok! 'Yung mga baril natin! Nawawala!" Napa-HUH?! ng malakas sina Kear, Vhon at Hilmar. "'Andon lang sa tinulugan natin kagabi!" ani Kear. "Wala ro'n!" "Imposible!" sabi ni Vhon. Sunod-sunod nilang tinungo ang bahay kubong tinulugan nila.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD