PART 11

619 Words
"Ano'ng gagawin mo?!" sindak na tanong ni Darwyn kay Joylyn habang nagpupumiglas. Itinaas na kasi ni Joylyn ang dalawang kamay nito na may hawak na patalim. At parang may dinadasal. Biglang tayo si Ashlene at nag-iiyak na tumakbo paalis. Hindi nito kakayanin na makita ang pagpatay na naman sa isang inosenteng tao. Hahabulin sana ito nina Tiffany at Miyaka. "Hayaan niyo na siya!" pero utos ni Lhiezel sa mga ito. "Ashlene! 'Wag mo akong iwan! Ashlene, iligtas mo ako!" sigaw ni Darwyn sa dalagang tumalilis. "Aaaaaahhhh!" at malakas na nitong hiyaw nang maramdaman na nito ang kutsilyong tinarak ni Joylyn sa tiyan nito. Napaigik ito nang bunutin iyon ni Joylyn at muling isaksak. "Panginoon! Sanay tanggapin niyo ang iniaalay ko sa inyo!" pasigaw na dasal ni Joylyn bago muling itinarak nito ang patalim sa tiyan ni Darwyn. Hanggang sa naging mabilis na iyon na animo'y hayop lang si Darwyn na pinagsasaksak. Umubo na ito ng dugo, hanggang sa malagutan na ito ng hininga. Nakamulat pa ang mata ni Darwyn na wala ng buhay. Parang nakatingin lang ito kay Joylyn habang nagpapakasawa ang babae sa pagsaksak. "Aaaahhhh!!" Gigil na gigil si Joylyn, galit na galit ito. Bulwak-bulwak na ang dugo ni Darwyn sa mukha nito at buong katawan nito, pati na sa sahig sa dingding at kung saan-saan. Labas na rin ang bituka ni Darwyn at kung anu-anong laman-loob nito sa walang humpay na pagsaksak. Habang sina Lheizel at ibang kasamahang babae ay nakangisi sa ginagawa ni Joylyn. Tumigil lang si Joylyn nang magliyab ang sungay na nakasabit sa kanilang pinaka-altar. Hudyat na tinatanggap na nga ng panginoong Satanas nila ang alay nito. ••• "'Andito lang 'yon kanina," wika ni Kear. Takang-taka sila dahil wala na nga roon ang mga armalite nila. "Baka tinago ng mga babae," sabi ni Vhon. "Tinago nila para 'di tayo makalaban! 'Yun 'yun, eh!" ani Hilmar. "Pwede ba, Pingol! Itikom mo na lang 'yang bibig mo!" singhal ulit ni Dhoy rito. "Bakit ba ayaw niyong maniwala sa'kin?! Mapanganib nga sila!" giit pa rin ni Hilmar. "Kung gusto niyo puntahan natin si Ashlene at tanungin siya!" "Tama na kasi, bok!" Isang tapik si Kear sa balikat ni Hilmar. "Wala ka namang proweba, eh. Kung mapanganib sila bakit pa nila tayo pinapakain? Bakit pa tayo pinapatulog na parang mga bisita nila?" Hindi nakaimik si Hilmar sa tinuran na iyon ni Kear dahil bakit nga ba? "Ang mabuti pa magtanong tayo sa kanila!" ani Dhoy para matigil na ang nagsisimulang initan na naman nila ni Hilmar at baka kung ano na ang magawa nito kay Hilmar. Sunod-sunod ulit silang lumabas sa kubo na iyon. "Nasa'n na naman sila?" pansin ni Kear. An'tahimik na naman kasi ng lugar. "Baka nasa tabi-tabi lang sila," sabi ni Vhon. Naghanap sila pero si Hilmar ay nagpaiwan sa kubo nilang iyon. "Gusto niyo ng proweba sige maghahanap ako!" madiing sabi nito sa kanyang isipan..Humiwalay ito ng pinuntahan. Bawat kubong makita nito ay sinisilip nito pero wala namang kakaiba. Hanggang sa may narinig itong mahinang iyak ng isang babae. Hinanap ni Hilmar iyon. "A-ashlene?!" tawag nito sa pangalan ng dalaga. Ito pala ang umiiyak. Agad na yumakap si Ashlene sa kanya. Hinayan na lang ito Hilmar hanggang sa mapayapa ng kusa. "Bakit ka umiiyak?" tanong ni Hilmar nang humiwalay na si Ashlene sa pagkakayakap. Mugto ang matang tumingin si Ashlene rito bago sumagot. "Naaawa ako sa mga taong nagiging biktima nila, Hilmar." Napakunot-noo si Hilmar. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Hilmar, kailangan niyo nang umalis. Tumakas na kayo rito." "Pero bakit nga?" "Dahil papatayin nila kayong lahat!" madiing sagot ni Ashlene na muling tumulo ang mga luha nito. "Si Jake at si Darwyn! Patay na sila, Hilmar!" Gimbal si Hilmar sa sinabing iyon ni Ashlene. "Ano?!"...........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD