PART 12

497 Words
"Hin-hindi! Hindi totoo ang sinasabi mo!!" Namimilog ang mga mata ni Hilmar, para itong sinakluban ng langit at lupa sa sinabi ni Ashlene. Lalong nag-iiyak si Ashlene. "Totoo! Wala na sila! Pinatay na sila, Hilmar!" "Sino?! Sino sila?! Sinong pumatay sa kanila?!" Tumingin-tingin muna sa paligid si Ashlene. Pero hindi nito nakita ang isang babaeng kasamahan nila na nakakubli sa isang malaking puno. Naningkit ang mata ng babaeng iyon at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Mabilis itong nakarating sa kweba. Lumapit ito kay Lheizel na abala sa paglamutak sa bangkay ni Darwyn na ngayon ay gutay-gutay na dahil pinagsaluhan na ito ng mga babae pagkatapos ialay sa kanilang panginoong satanas. Nanlisik agad ang mga mata ni Lhiezel sa binulong ng babae iyon. "Hindi pwede! Hindi sila pwedeng makatakas!" saka galit nitong saad. Napatingin ang lahat ng babae kay Lhiezel. "Lheizel, bakit?" lakas-loob na tanong ni Franzes na dugo-dugo ang bunganga. "May nangyri ba?" takang tanong din ni Miyaka. Tinigil muna nito ang sarap na sarap nitong pagsipsip sa mata ni Darwyn. Pinagsaluhan nila ni Tiffany ang ulo ni Darwyn dahil nagdesisyon si Lheizel na 'yung isang braso ni Darwyn ang ipapaulam nila sa apat pang sundalo na natitirang bisita nila. "Si Ashlene! Ang pasaway kong kapatid! Trinaydor na naman tayo!" galit na sagot ni Lhiezel. Nabahala ang lahat. Ibinaba ni Joylyn ang kinakain nitong braso ni Darwyn. "Kung gano'n ano ang gusto mong gawin namin?!" "Ibihag na lang natin silang lahat! Bago pa sila makatakas!" makapangyarihang tugo at utos ni Lhiezel. "Sa'n tayo pupunta?" usisa ni Hilmar kay Ashlene. "Basta sumunod ka sa'kin. May dapat kang malaman," sagot ni Ashlene. Pumasok sila sa isang kubo. "Ano'ng gagawin natin dito?" Hindi na sumagot si Ashlene. Mabilis ang mga kilos nito na tinanggal nito ang dayami sa sahig. Nagulat na lang si Hilmar dahil may daanan pala roon na sekreto. Binuksan iyon ni Ashlene. May hagdan na pababa?! May underground pala sa loob ng kubo! "Saan papunta 'yan?!" manghang-mangha na tanong ni Hilmar. "Basta sumunod ka sa'kin!" Bumaba sila sa hagdan. Pero nasa bungad palang sila ay napa-"Sh*t!!" na si Hilmar dahil umalingasaw na ang nakakasulasok na amoy mula sa underground. Parang amoy ng mga patay na daga at mas malala pa! "Ano ba 'yon ang baho naman?!" angal ni Hilmar na napatakip sa ilong. "Tiisin mo lang," sabi ni Ashlene. Mas bumaba pa sila. Halos masuka-suka si Hilmar dahil ang sama ng amoy talaga. Tapos ang dilim pa. May pinailawan si Ashlene na kahoy, para iyong torch sa olympics. Unti-unting nagliwanag ang madilim na paligid. At halos mapatalon sa sindak si Hilmar sa kanyang nasilayan. "Nanay ko po!" bigkas nito na takot na takot, awtomatiko itong nagtago sa likod ni Ashelene. "Ano'ng mga 'yan?!" "Sila ang mga lalaking mahal namin sa buhay," sagot ni Ashlene na ang lungko na ng mukha. Napatindig ng tuwid si Hilmar sa narinig. Umawang ang mga labi nito at pagkuwa'y dahang-dahang napatingin sa mga naaagnas na mga bangkay ng mga tao.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD