ISANG buwan na simula noong mag-umpisa akong magtrabaho sa kompya ni Mr. Rytch. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong maayos ang nangyayari sa trabaho ko. "I am so thankful for you, Miss Tolentino. Kung hindi ka dumating, hindi titino si Dexter. Hindi na siya pumupunta sa bar at hindi ko na rin siya nakikita na may kasamang maraming babae. Ikaw lang ang nagtagal sa kanya na personal assistant. I owe you a lot," mahabang sabi ni Mr. Rytch. Ngumiti naman ako. Kung alam niya lang ang mga nangyayari. Hindi na nga siya mahilig sa bar at babae dahil ang sabi niya sa akin— 'Bakit ako maghahanap ng mga babae kung nandiyan ka naman to feed me?' Gusto ko nang magsumbong kay Mr. Rytch pero hindi puwede dahil baka paalisin niya ako sa awa. Ayokong mangyari iyon dahil kailangan ko pa ang traba

