"MAMA, nandito na po ako. Magpagaling ka po, Mama," may lungkot na sabi ko. Umupo ako sa may upuan sa tabi ng kama ni Mama at hinawakan ang kamay niya. "Ayos lang ako, anak. Huwag mo akong aalahain. Umuwi na tayo, kapag nagtagal pa ako dito ay baka mas lalaki ang babayaran sa hospital." "Mama, puwede ba? Kahit ngayon lang? Isipin niyo ang kalusugan niyo, mahahanap naman ang pera e," sabi ko. "Nag-aalala ako sa 'yo. Naghihirap ka para sa amin. Oras na para sarili mo naman ang isipin mo, anak." Umiling-iling naman ko. "Magiging masaya ako kapag naging maayos kayo. Hindi ko kayo papabayaan at huwag kayong mag-alala sa akin. Mabuti ang trabaho ko at malaki rin ang sweldo. Mabubuti rin ang mga amo ko, hindi nila ako pinahihirapan sa trabaho," may ngiting sabi ko. "Talaga? Masaya akong mar

