LAHAT NG MGA KABABAIHAN ay napatingin sa limang kalakihan na pumasok sa club na pagmamay-ari ni Patrick Parker. Apat na kalalakihan na kilala sa lipunan ang ngayon ay naglalakad papalapit sa bartender area. Isang ngiti agad ang makikita sa mukha ng lalaking nakatayo doon.
"Hey, long time no see. Sabay pa talaga kayong lima na pumunta dito sa bar ko." Natatawang sabi ni Patrick.
"May problema ba kung sabay kaming lima, Patrick?" Tanong ni Hj.
Umupo ito sa mataas na stool. Tinaasan ni Patrick ng kilay si Hj. "Tinatanong pa ba iyan, HJ. Itong si LJ palang ay marami ng babaeng nagkakandarapa, paano pa kaya kung kayong lima na?"
Napangiti silang lima sa sinabi ng kaibigan. Patrick called his brother by their nickname. HJ for Harry John. Louis Jammiel nickname is LJ while Zyan Jack is ZJ. His nickname is LJ also but because Louis already got that nickname, his family and friends called him Liam. Naill Joshua is NJ and their baby sister who already passes away is Amanda but her real name is Leona Jane Amanda. Hindi kasi pwedeng walang 'J' at 'A' sa pangalan nila. Their name consists of 3 words: their real name and the first letter of their adopted parents.
"LJ can steal everyone's heart by singing but our face can steal every woman's heart," wika ni NJ.
"Nagsalita ang playboy sa atin magkakapatid." Pabirong sabi ni Zyan Jack (ZJ).
"Eh di ikaw na ang loyal, Zj"
Napangiti sila sa sinabi ni Nj. Si Nj ang tumatayong bunso nilang magkakapatid ngayon. Kahit na magkatulad ang edad nila ay iba't-ibang buwan naman sila pinanganak. Si Nj ay October ang birthday kaya naman ito ang bunso talaga sa kanila.
"Okay ng maging loyal kaysa naman maging playboy. Nj, tandaan mo may karma. Hintayin ko ang araw na mahulog ang loob mo sa isang babae at pagtatawanan talaga kita."
"Sinusumpa mo ba ang bunso natin, Zj?" tanong ni Hj.
"Hindi ko siya sinusumpa. Sinasabi ko lang ang totoo para naman pumasok sa kukuti niya at ng tumino."
"Hayaan mo na si Nj. Hindi pa kasi niya nakikilala ang babaeng talagang para sa kanya." Nagsalita na siya.
Hindi nagsalita si Zj. Alam niyang nag-aalala lang si Zj para kay Nj. Tinuturing nila ang isa't-isa na parang totoong kapatid. Lahat silang lima ay ampon ng mag-asawang Tolentino at galing sa iba't-ibang bahay ampunan pero kahit ganoon ay nabuhay silang parang magkapatid. Pinalaki silang dapat respetuhin ang opinion ng bawat isa. At bilang nakakatanda ay siya ang laging umaawat kapag may ganoon ng argumento.
"Bakit ikaw ba Liam hindi ka ba kagaya nitong si Nj noon?" narinig niyang sabi ni Hj.
Napatingin siya sa kapatid. Ngumiti siya at tumingin kay Patrick na siyang kaibigan niya noong nasa kolehiyo siya.
"Naku kung alam mo lang kung paano iyan mag-reject ng mga babae noong nasa kolehiyo kami. Maraming babae ang humahabol sa kanya pero kahit isa ay wala itong pinatulan o pinansin. Iniisiip ko nga noon kung lalaki ba talaga itong kaibigan ko."
"Gago!" sigaw niya kay Patrick.
Tumawa lang ang kaibigan na binibigyan na sila ng alak. Patrick already knows what they like. Hindi na kasi sila bago sa bar nito.
"You never had a girlfriend, Liam?" Natatawang tanong ni Nj.
Sinamaan niya ng tingin ang bunso nila. Kung may bagay man siyang hindi sinasabi sa mga kapatid ay iyon ang tungkol sa buhay pag-ibig niya. He never tells them about it. Kahit na kapatid niya ang mga ito ay hindi ibig sabihin noon ay sasabihin na niya ang lahat sa mga ito. Tanging ang mga kaibigan niya lang ang nakaka-alam ng love life niya.
"I had one girlfriend in my third year but we broke up." Sagot niya sa tanong nito.
"Ow! Bakit naman kayo naghiwalay?" tanong ni Zj.
Hindi niya sinagot ang tanong na iyon ni Zj. Wala siya sa mood na makipagkwentuhan sa mga ito ng tungkol sa paghihiwalay nila ng dati niyang nobya. His first and last girlfriend was Vanilla Kris Lim. Anak ito ng isang senador at galing sa mayamang pamilya. Vanilla doesn't like him joining the band. Nang mga panahon na iyon ay mahal na mahal niya ang pagbabanda kaya ng makipaghiwalay ito ay hinayaan niya. Wala siyang balak na habulin ito.
Isang beses ay nagkita silang dalawa. She is now dating Kingstone Palestine. Isang international model. Hindi sila nagpansinan ng babae ay wala siyang problema doon. Wala na din naman kasi siyang balak na makipagkamustahan sa babae.
"Hindi iyan sasagot. Ako ang tanungin niyo kung sino ang malas na babae." Binigyan siya ng mapanuksong tingin ni Patrick.
Binigyan niya ng masamang tingin ang kaibigan. Ito ang ayaw niya kapag nagsasabi siya sa ibang tao. May pagkakataon na sasabihin din nito sa iba.
"Sino?" Sabay na tanong ng mga kapatid niya.
Lalong lumapat ang ngiti ng kaibigan. Bago pa nakapagsalita si Patrick ay tinalikuran na niya ito. Wala na siyang paki-alam kung sabihin nito sa mga kapatid niya ang tungkol sa dati niyang kasintahan. Hawak ang baso na may alak ay naglakad siya papunta sa isang sofa. Maraming tao lagi ang club na iyon at madalas ay mga babae. Iilan sa mga ito ay kilala sa lipunan o nakaka-angat sa buhay. Dark Club is not just a simple club. Pugad iyon ng mga masasamang tao kaya hindi talaga sila nagpapakalasing magkapatid doon.
Liam is enjoying his drink when a woman caught her attention. She is wearing blue dress. Hanggang tuhod ang suot nitong dress. May manggas nahanggang siko. Hindi yata bagay ang suot nito sa club ni Patrick. What more caught his attention is that she is wearing mask. May suot itong mask kaya hindi makikita ang mukha nito pero pansin na pansin naman ang mga mata nito na kulay kayumanggi. Maganda din ang maalon nitong buhok na itim na itim. Napangiti si Liam ng makitang tumawa ito.
JANE SARAH o mas tinatawag na Jas ng mga kaibigan niya ay masayang tumatawa sa biro ng isa nilang kaibigan na babae na si Lissy. Jas is having fun tonight. Pagkatapos ng napaka-stress niyang araw dahil sa kagagawan ng gago niyang boss. Isang sekretarya si Jas. Mga kilala sa lipunan ang kliyente niya pero wala siyang stable na kliyente. Paano naman kasi ay lagi na lang siyang natitipuhan ng mga ito.
Akala kasi ng mga ito ay nang-aakit siya. Anong magagawa niya kung ganoon ang hubog ng katawan niya? She has a perfect round boobs and round ass. Maliit din ang baywang niya at matangkad siya na hindi ngayon makikita sa isang pinay. She is 5'9. Sinasabihan nga siya ng mga kakilala na sumali ng beauty pageant dahil malaki ang chance niyang manalo ngunit wala siyang balak. She wanted a low life. Iyon ang kailangan niya ngayon, lalo na at nagtatago siya sa kanyang ama.
Jas had a crazy father. Kapag nalaman nito kung nasaan siya ay siguradong pipilitin siyang umuwi ng mansyon. Kung may huli man siyang gagawin sa buhay ay iyong makasama ang ama sa isang bahay. It's better that she is leaving alone in her grandmother house. Protektado siya ng lola niya.
"Jas, look who's looking at you."
Nagtaas ng tingin si Jas. Nakatingin sa likuran niya ang kaibigan na si Prim. Tatlo lang silang magkakaibigan ang nandoon. Prim and Lissy are her close friend but her best friend is Carila. Hindi lang nila kasama ito dahil hindi ito mahilig sa ganoong lugar. Allergic si Carila sa bar, club o night out. Mahigpit kasi ang magulang nito.
May itinuro si Prim, kaya naman sinundan niya iyon ng tingin. Tumaas ang kilay niya ng makita ang isang lalaki na nakatingin sa kanila. Agad niyang nakilala ang lalaki. Sino nga ba ang hindi nakakilala sa isang Tolentino. Kilala sa bansa ang Tolentino dahil na rin sa angking yaman ng mga ito. Maliban doon ay kilala din na mabait at matulungin ang mag-asawang Tolentino. Isang patunay na rin ang limang anak na lalaki ng mga ito.
The one who looking at her right now is Liam James Albert Tolentino. Pinakasuplado sa magkakapatid. Ang alam niya ay CEO ito pero hindi niya alam kung anong kompanya ng pamilya. Every girl wants to be his girlfriend but no once success. Balita tuloy sa business world ay bading ito. Madalas kasi na lalaki ang kasama nito at ilan sa kaibigan nito ay bading.
"He looks interested at you, Jas." Natatawang sabi ni Prim.
"You think so." Inalis niya ang tingin at pinagpatoy ang pag-inum ng cocktail.
"I can see it."
Nagtaas ng tingin si Jas. May naglalarong kapilyuhan ang mga mata ng kaibigan. Huminga siya ng malalim.
"We all know how cold person Liam Tolentino is. Hindi siya magkaka-interest sa isang tulad ko. At saka, look at us. Did you see what I wearing? We are wearing mask, Prim. Sinong matinong magkaka-interest sa isang weird na kagaya natin?"
Pareho silang nakasuot ng mask. Hindi kasi sila pwedeng makilala ng mga tao doon. Prim and Lissy are both from a political family. Lissy Pimentel is the daughter of the Chief of Justice while Primrose Alfonso is the daughter of the Vice President of the Philippines. Ang pangit tingnan kung ang isang tulad nila ay makita sa ganoong lugar. Kung ang dalawa ay dahil sa kinalalagyan ng mga ito sa lipunan, siya naman ay dahil pinagtataguan ang ama niyang criminal.
"Jas, why don't you come to him? Let's see if he is really looking at you," wika ni Lissy.
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. Balak na naman ng mga ito na gumawa ng kalukuhan. Well, they are there to have some fun and forget their problem. Pero wala sa isipan niya ang ganoong klasing laro.
"Common Jas. Show how powerful you are? Let's see kung kaya mo bang ma-akit ang isang tulad ni Liam Tolentino." Hikayat ni Prim.
Napapikit ng mariin si Jas. Wala siyang balak na patulan ang mga kaibigan pero alam niyang hindi siya titigilan ng mga ito. Huminga siya ng malalim.
"Fine! But I want your car as a price and you, Prim, I want your condo in Makati." Hinamon niya din ang dalawang kaibigan.
Parehong ngumiti ang mga ito.
"Deal." Sabay na sagot ng mga ito.
Tumaas ang isang sulok ng labi ni Jas. Inisang inum niya ang cocktail na hawak. Humarap siya kay Liam na ngayon ay may ka-usap ng dalawang lalaki. Napalunok siya dahil ang mga kapatid nito ang mga kasama. Liam is with Hj and Zj. Bigla siyang nagdalawang-isip sa gagawin. Malakas ang loob niya kanina dahil nag-iisa lang ang binata pero ngayon na may kasama ito, umurong ang tapang niya. She is afraid of rejection but she already said yes to her friends.
'It's now or never, Jane Sarah,' aniya sa isipan.
Huminga siya ng malalim at naglakad na parang isang modelo palapit sa magkapatid na Tolentino. Seryuso ang tatlo na nag-uusap. Unang nagkapansin sa kanya si Hj. Dahil nakuha niya ang atensyon nito ay sumunod ang dalawang lalaki. Liam and Zj looks at her. Tumaas ang kilay ni Zj habang si Liam ay nagsalubong. Jas wanted to turn around. Bumilis kasi ang t***k ng kanyang puso.
Huminto siya sa harap ni Liam. May pagtataka sa mukha ng tatlong lalaki.
"Miss, do you need anything?" tanong ni Hj.
She didn't speak. Huminga lang siya ng malalim bago yumuko. Hinawakan niya ang pisngi ni Liam at bago pa ito maka-iwas ay ginawaran ito ng halik. Inilapat niya ang labi sa labi nito. She doesn't know how to kiss. It's her first kiss and she give it to Liam.
She can feel his soft lips. Ilalayo na sana ni Jas ang labi sa lalaki ng biglang hawakan nito ang likuran ng kanyang ulo at sinakop ang nakatikom niyang labi. Liam moves his lips to capture her. Nanlaki ang mga mata ni Jas. Hindi niya iyon inaasahan sa lalaki. Lalong nagulat si Jas ng hawakan ni Liam ang braso niya at pina-upo sa hita nito. Inilagay ni Jas ang dalawang kamay sa dibdib ng binata para itulak ito pero mahigpit ang pagkakahawak ni Liam sa kanyang baywang.
Biglang nagpanic ang brain cells ni Jas. Liam savages her lips like it was a delicious food. Jas, who doesn't know how to kiss back just keep pushing the man. Nawalan siya ng kontrol sa nangyayari dahil hindi iyon ang inaasahan niyang reaksyon mula dito. Jane Sarah taps Liam's chest to makes him stop.
Mukhang nakuha naman ng binata ang ibig sabihin ng ginawa niya dahil tumigil ito sa paghalik pero hindi siya nito binitiwan at inilayo ang mukha. Pinakatitigan nito ang kanyang mga mata. Jas is not nerd; she knows what the emotion in his eyes. He desires her. His eyes scream with desire.
"Should we leave you two?" Ang pabirong tanong na iyon ang pumutol sa pagtitigan nila ng binata.
Natauhan si Jas at itinulak si Liam. Mabilis siyang tumayo. Kung wala siyang suot na mask ay siguradong nakikita na ng mga ito ang namumula niyang pisngi. Jane Sarah can't face them again.
"You two lea---"
Hindi natapos ni Liam ang sasabihin dahil bigla siyang tumalikod at iniwanan ang mga ito. Lumapit siya sa mga kaibigan at kinuha ang pouch niya. Hindi niya matagalan ang kahihiyan na nadarama. Liam kiss her. He returns her kiss with much intense. He kisses her in front of his brothers and he plans to continue what they share.
Anong pumasok sa kukuti niya at ginawa niya ang bagay na iyon? Kailan pa siya natutong mang-akit ng isang lalaki? At kailangan pa siya nawalan ng kontrol sa isang pangyayari?
Nang makapasok siya sa kanyang kotse ay agad niya iyong inalis sa lugar na iyon. Nasisigurado niyang susundan siya ng dalawang kaibigan pero wala siyang mukhang ma-ihaharap sa mga ito kaya mabuti ng tumakas muna siya. Walang deriksyon siyang nagmaneho. Nakikita na lang ni Jas na tinatahak niya ang bahay ng kaibigan na si Carila.
Nang makarating siya sa harap ng bahay nito ay kinuha niya ang phone sa bag at tinawagan ang kaibigan. Hindi naman nagtagal ay sumagot ito.
"Jas? Napatawag ka?"
"I need someone to talk to. Are you home?" tanong niya.
"No, nasa office pa ako at may tinatapos na trabaho. Nasaan ka ba? Magkita na lang tayo. Malapit na rin naman akong matapos."
"Okay. I pick you up."
"Okay, Jas. I'll wait for you at the entrance. See you. And please, drive safely. Wag kang magmaneho na parang lilipat ka na. Makukurot talaga kita."
"Yes, Ma'am Carila. Bye." Binuhay niya ang makita ang kanyang kotse pero bago pa siya makaalis doon ay may kumatok sa bintana ng kanyang kotse.
Napatingin siya sa labas at nanglaki ang kanyang mga mata ng makita ang tauhan ng kanyang ama. They are there. Alam ng mga ito na maari niyang puntahan ilang sandaliman ang kanyang bestfriend. Ngunit hindi siya ang tipo ng tao na papahuli sa mga ito. Hindi siya magpapakontrol sa ama at lalong wala siyang balak na ipakilala ang sarili na isang Gomez. Matagal na niyang sinumpa ang apelyido ng ama. Mula ng araw na hinayaan nitong mamatay ang nag-iisang taong nagbigay sa kanya ng pagmamahal. Ang kanyang Kuya Allan. Namatay ito sa isang drug raid na ginagawa ng mga pulis. Kasama nitong namatay ang hindi niya nakilalang kasintahan nito.
LIAM WOKE UP in bad mood. Paano naman hindi siya magagalit? His brother keeps him teasing about what happen the other night. That woman kisses him in front of his brother and she have the nerves to walk out. Tinukso tuloy siya ng dalawa na bad kisser. Hindi daw nagustuhan ng babae ang halik niya kaya umalis na lang. He doesn't even get her name or take her mask off.
Hinabol pa niya ang babae pero mabilis itong naka-alis sa lugar na iyon. Hinanap din niya ang mga kasama nito pero nawala ang mga ito ng bumalik siya sa loob ng bar. Kahit plate number ng sasakyan ng babae ay hindi niya nakuha. Kaya naman hindi niya alam kung paano hahanapin ang babae para pagbayaranin sa ginawa sa kanya.
"Sir Liam, here's your coffee." Ibinaba ng sekretarya niya ang isang tasang kape.
Tiningnan niya lang iyon bago ibinalik ang atensyon sa binabasang papeles.
"Sir Liam, may kailangan pa po ba kayo?"
Nagtaas ng tingin si Liam ng marinig ang tanong na iyon ng kanyang sekretarya. Akala niya ay lumabas na ito pero nandoon pa rin ito at nakatayo. Sinipat niya ang suot ng babae. She is wearing fitted slacks and two inches red high heels. Naka-tact in ang suot nitong puting sando na pinatungan ng office coat. Pansin na pansin ang dibdib nito dahil masyado ng mababa ang sandong suot. Lalong uminit ang ulo ni Liam sa nakita.
He hates that kind of wear. Sumama ang tingin niya sa kanyang sekretarya na may suot na makapal na make up. Huminga ng malalim si Liam at tumayo. Napansin niya ang pag-atras ng babae ng maglakad siya palapit dito. Umupo siya sa kanyang mesa ng hindi inaalis ang tingin dito.
"Ms. Cristobal, can I ask you something?"
"A-ano po iyon, sir?" Nahintakutan nitong tanong sa kanya.
"What do you think of me?" Malamig niyang tanong dito
"Po?" Nagtatakang tanong nito.
"Sa tingin mo ba ay good catch ako? Isa ba akong ideal boyfriend."
Namutla bigla ang babae. Alam naman niya kung bakit gusto nitong magtrabaho sa isang tulad niya. At alam niya din kung bakit ganoon ang suot nitong damit. Ngunit mahigpit niyang pinapaalam sa mga empleyado doon na wag na wag tatangkain na magpakita ng motibo sa kanya. Na mahigpit siya pagdating sa batas na ginawa niya. Why does this woman keep on doing that?
They will throw their self to a man because of money and power. Bigla niyang naalala ang babae kagabi. Did she do that because she knows that he has a money. Kumulo ang dugo ni Liam. That woman got her attention last night because he thought she is different. Ibang klase naman kasi ang trip nito. Wearing mask inside the bar as if there's a maskaraque ball happening. Pero nagkamali siya ng akala, parehas lang din pala ito ng mga babaeng lumalapit sa kanya. Napakuyom ang isang kamao ni Liam.
"Don't come to my office tomorrow, Ms. Cristobal. Starting today you are no longer my secretary," wika niya at tinalikuran ito.
"Sir..."
"You heard me. I don't need a secretary na ang goal ay akitin ako. I want a secretary who works for the company, not for me. Get that. So, please leave my office now because you are fire." Itinuro niya ang pinto ng kanyang opisina.
He has enough of this kind of woman. Hindi niya kailangan ang isang tulad nito sa kompanya niya.