DAHIL SA ginawa ng dati niyang boss ay kailangan na naman maghanap ni Jas ng bagong trabaho. She needs to work to eat and buy herself some stuff.
"Saan ako magsisimula?" tanong ni Jas habang nagbubukas ng account niya sa isang job posting website.
Dating gawi na naman siya. Wala pa siyang ligo ng mga sandaling iyon. Kakagising niya lang at iyon agad ang una niyang ginawa. It's already ten o'clock in the morning. Nasa mansyon siya ng kanyang Lola, kung saan hindi makakapasok ang kanyang ama dahil pina-ban ito ng Lola niya. Meron itong restraining order. Hindi makakalusot ang ama niya dahil isang kilalang tao ang Lola niya sa lipunan. Ina ito ng kanyang ina. Ito na ang nag-alaga sa kanya at sa Kuya Allan niya mula pa noong bata sila. Nang mamatay ang kanilang Ina sa sakit sa puso ay kinuha sila ng ama. Nang panahon na iyon ay walang magawa ang Lola niya. wala pa itong kapangyarihan sa gobyerno.
Nang maging Senate President ang Lola Silvana Mercado ay ginawa nito ang lahat para makuha sila ng kanyang Kuya Allan pero nahuli ng tatlong buwan ang Lola niya. Namatay ang kanyang Kuya Allan. Dahil din sa nangyari ay nakuha siya ng walang nagawa ang ama. Her grandmother use her influence in the senate and all those people around her to make sure that she will hide her identity. Kagaya ng Lola niya ay ayaw nitong madamay siya sa kasamaan ng ama.
Hawak ang isang bowl ng coco crunch ay nagsimula nang maghanap si Jas ng bagong trabaho. Marami siyang nakita na trabaho na naayon sa kurso niya pero hindi siya nagpasa ng resume. May hinahanap siyang trabaho na gusto niyang subukan. She wants new job. Iyong hindi kagaya ng mga dati niyang trabaho. Na-ilapag ni Jas ang bowl ng makita ang isang post.
Executive Assistant
Aristocrat Group Inc.
Iyon ang nakalagay sa post. Naalala niya ang nangyari noong isang gabi. Ang ginawa niyang paghalik kay Liam Tolentino. Hindi ba ang pamilya nito ang may-ari ng kompanyang iyon. Ipinilig niya ang ulo. Nanindig ang balahibo niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakapaniwala sa ginawang kalukuhan ng gabing iyon. Lasing na siguro siya kaya niya pinatulan ang kalukuhan ng mga kaibigan.
Hindi siya mag-aapply sa kompanyang iyon. Nandoon si Liam at baka magkrus ang landas nila. Kahit na may suot siyang mask ng gabing iyon ay hindi pa rin siya nakakasigurado kung makikilala siya ng binata kapag muli silang magkita. She closes the ads and look for another one. Pinilit niyang kalimutan ang nakitang job post ng Aristocrat.
Ilang oras ng naghahanap si Jas pero wala pa rin siyang makita. Napasandal si Jas sa swivel chair at napatingala. Bakit ang hirap maghanap ng bagong trabaho ngayon? Wala siyang matipuhan sa mga naka-post. Kinuha niya ang cell phone na nakapatong sa kanyang mesa. She dials Primrose number.
"Hello there, beauty." Masayang bati ni Prim ng sagutin nito ang tawag niya.
"Prim, what should I do?" tanong niya sa kaibigan habang pinapa-ikot ang upuan.
"Ano na naman ang problema mo, Ms. Gomez?" Kung kaharap niya ngayon si Prim ay siguradong nakataas ng kilay nito.
"I can't find job. Kanina pa ako naghahanap pero wala akong makita." Pagmamaktol niya sa kaibigan.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ng kaibigan. "Jas, kung hindi ka ba naman mapili sa trabaho ay mabilis kang makakahanap ng trabaho. Napakaganda ng educational background mo at may job experiences na rin."
Napasimangot siya sa sinabi ng kaibigan. "Gusto ko iyong may challenge, Prim."
"Iwan ko sa iyo. Bakit kasi di ka na lang magtayo ng sarili mong negosyo o di kaya ay magtrabaho ka sa opisina ng Lola mo. Sigurado pa akong matutuwa ang Lola mo na naririnig kong gusto na mag-retiro. Aba, di na bumabata ang Lola Silvana mo. Kaya sundin mo na ang sinabi ko. Bye." Babaan na sana siya ng tawag ng kaibigan ng muli siyang nagsalita.
"Give me a job, Prim. Iyong secretary position."
Muling huminga ng malalim si Prim. Nawawalan na naman ito ng pasensya sa kanya. "Fine. Alam ko naman na di mo ako pakikinggan at susundin mo pa rin ang gusto mo. Sabihan kita kapag may nahanap ako pero please lang, wag ka ng magreklamo at wag na wag mo akong ipapahiya kapag nagbigay na ako. Makakatikim ka talaga sa akin, Jas."
Napangiti siya. Maasahan talaga ang kaibigan niyang ito. "Ay ay ay captain."
"Don't talk to me." Binabaan na siya nito ng tawag.
Tumawa na lang si Jas. Masarap talagang asarin ang kaibigan. Gusto niyang subukan ulit ang maging secretary. Nagustuhan niya iyong huli niyang trabaho kaso abnormal kasi ang boss niya. Kaya nga gusto niyang subukan ulit. Baka sa pagkakataon iyon ay maayos na boss ang makasalamuha niya. At saka, ang sabi ng kaibigan niyang si Carila ay masaya maging sekretarya. Sinubukan niya at nagustuhan din naman niya. Iyon lang kailangan niyang dayain ang mga information niya.
She never used her real name. Sarah Jane Mercado ang ginagamit niyang pangalan. Binaliktad niya ang pangalan niya at hindi niya ginagamit ang apelyido ng ama. Wala siyang balak na gamitin ang pangalan ng ama na isang kilalang tao sa bansa. Her father owns an oil company. Ito ang may-ari ng Purity Santino Corp., isang leading oil company sa bansa. Maraming branches at franchise sa buong Pilipinas ang Purity Santino. Kung ang ibang anak ay nais na makuha ang kompanya ng magulang, na iiba naman si Jas. Wala siyang balak na hawakan ang kompanya ng ama. Bakit? Ginagamit lang kasi ng ama ang kompanya para pagtakpan ang illegal nitong gawain.
Membro ng isang sindikato ang ama niya at ito ang nagpupuslit ng druga sa bansa. Galit na galit si Jas sa ama, lalo na at alam nitong ang druga ang pumatay sa Kuya niya. Dalawa lang silang magkapatid ng Kuya Allan niya pero namatay ito sa isang drug ambush. Napatay ng mga pulis ang kapatid niya kasama ang kasintahan nito. Akala niya ay iiwan ng ama ang illegal na gawain nito pagkatapos ng nangyari sa kapatid ngunit nagkamali siya. Iyon din ang dahilan kaya ninais niyang umalis sa poder nito na siya naman ginawa ng kanyang Lola Silvana.
NAKATINGALA SI JAS sa mataas na gusaling iyon sa Makati. Napalabi si Jas dahil napakataas noon. Iyon ang ibinigay sa kanyang address ni Prim. Naghahanap daw ng sekretarya ang Marketing manager ng Parameter Technology Corp. Tatanggihan niya sana ang kaibigan dahil kilala niya ang may-ari noon pero nahiya siya sa kaibigan. Ibinigay na kasi ni Prim sa HR department ng Parameter ang peke niyang resume kaya inaasahan na siya ng mga ito.
'It's now or never.' Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Jas bago pumasok sa loob.
Lumapit siya sa receptionist area. Isang nakangiting babae ang sumalubong sa kanya.
"Good morning, Ma'am. How may I help you?" tanong ng babae.
"Hi. I'm Sarah Jane Mercado. Nandito ako para sa interview." Magalang niyang sabi.
"Anong kompanya po, Ma'am?"
"Ha!" Nagsalubong ang kilay niya.
"Ma'am, apat po na kompanya ang meron sa building na ito. Ang Aristocrat, Parameter, The Frequenxy at ang Musical Note Recording. Alin po sa apat ang meron po kayong interview?" Paliwanag ng babae.
"Ahhh..." Napangiwi siya. Iisa lang pala ang building ng kompanya ng mga Tolentino. Nandoon pala lahat ng opisina ng apat na magkapatid. Kung ganoon ay ang T.L Televasion lang pala ang wala doon.
Tumikhim siya. "Parameter Technology Corp."
"Okay po. Can I ask for your valid I.D, Ma'am?" May kinuhang isang folder ang babae.
Agad naman niyang kinuha ang isa niyang I.D. Hindi iyon peke dahil talagang kumuha siya noon sa government. Gumamit lang siya ng maling information at pekeng papeles para makakuha noon. Ginamit niya ang impluwensya ng pamilya ng dalawang kaibigan para magkaroon ng dalawang pagkatao. Dahil kapag ang impluwensya ng Lola niya ay makakatikim talaga siya ng hindi maganda. Nakakatakot pa naman magalit ang nag-iisang taong nag-aalaga sa kanya ngayon. Ilan sa mga papeles na meron siya ay legal. Iyong educational information niya ang hindi totoo dahil ang ama pa niya ang nagpapa-aral sa kanya noon. At kahit nasa poder na siya ng kanyang Lola Silvana, ang ama iya pa rin ang nagbabayad ng kanyang tuition.
"Please sign here, Ma'am." Ibinigay nito sa kanya ang isang folder ng makuha nito ang I.D niya.
Log-in information iyon. She fills it up with her information. Nang matapos siya ay may ibinigay na number ang babae. Tinanggap niya iyon.
"Nasa twelve floor po ang HR department office ng Paramater, ma'am. Good luck on your job interview." Nakangiting sabi ng babae.
"Thank you." Tumalikod na siya.
Hahakbang na sana si Jas ng makita ang tatlong lalaki na naglalakad papunta sa elevator. Nanlaki ang mga mata ni Jas. Ang malas yata niya ngayong araw dahil talagang nakasabay pa niya ang tatlong Tolentino. ZJ, HJ at Liam is walking like a model. Lahat ng mga tao doon ay napapahinto at napapatingin sa tatlong magkakapatid. Sino naman kasing hindi mapapatingin at mapapahinto kung ang tatlong ito ang makakasalubong at makikita mo?
Walang tulak kabigin sa magkakapatid na Tolentino. Ang gwapo ng mga ito. Malakas ang aura ng bawat isa at malakas ang hatak ng presensya ng mga ito. Kahit hindi nakangiti ang mga ito ay talagang mapapahanga ka. Napalunok si Jas. Itutuloy pa ba niya ang plano niya? Talaga bang mag-aapply siya sa kompanya ng mga Tolentino.
'Wag na wag mo akong ipapahiya sa HR manager ng Parameter, Jas. Alam mo bang naki-usap ako ng bongga sa babaeng iyon para lang bigyan ka ng slot. Hindi daw kasi siya impress sa resume mo. Umayos ka dahil pangalan ko ang nakasangla.'
Napapikit ng mariin si Jas. Naririnig niya pa ang sigaw ng kaibigan na si Prim. Sasakalin talaga siya nito at baka nga isumpa siya biglang kaibigan. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Jas. Pinapanalangin niya na hindi siya makilala ng magkapatid na Tolentino. Naglakad na papuntang elevator si Jas na hinihiling na hindi siya mapansin ng magkapatid.
Apat ang elevator sa building na iyon kaya naman mas pinili niya ang iyong elevator na patalikod sa tatlong lalaki. Dahil marami ding empleyado na naghihintay ay tumayo siya ng mas malapit sa tatlo. Hindi niya tuloy na-iwasan na marinig ang pag-uusap ng mga ito.
"How's Lj by the way?" Kung hindi siya nagkakamali ay si Hj ang nagtanong.
"May tour siya ngayong linggo para sa newly release song niya. Ang sabi sa akin ni Naill ay busy na naman ang isang iyon." Sagot ni Zj.
"Pakisabi kay JC na ayusin ang schedule ni Lj next week. Kailangan kompleto tayo sa araw ng kaarawan ni Daddy." Seryusong sabi ni Liam.
"Nasabihan ko na si JC. Walang magagawa si Lj kung hindi pumunta ng araw na iyon."
"Mabuti na iyong sigurado. Ayaw kong maging malungkot si Dad sa araw na iyon. Lalo na si Mommy."
"Liam, kahit gaano pa kabusy si Lj sa schedule niya ay pupunta iyon. Alam mo naman kung gaano kalaki ang respeto niya kay Dad."
Wala siyang narinig na tugon mula kay Liam. Abala pala talaga ang magkakapatid pagdating sa trabaho ng mga ito pero naglalaan pa rin ng oras sa magulang. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na ampon ang limang anak na lalaki ng mga Tolentino. Iyong nag-iisang anak ng mga ito ay isang babae ngunit pumanaw na daw sa batang edad.
Nang tumunog ang elevator sa likuran niya ay napangiti si Jas. Mawawala na kasi sa likuran niya ang mga lalaki. Sakto naman na bumukas na din ang elevator na sasakyan niya. Bago maglakad papasok ng elevator si Jas ay lumingon siya pero maling hakbang ang ginawa niya dahil hindi pa pala tuluyan nagsasara ang pinto ng elevator ng tatlong lalaki. Nagtagpo ang mga mata nila ni Liam.
Nanlaki ang mga mata ni Jas at mabilis na tumalikod. Gusto niyang murahin ang sarili.
'Jas, pinapa-iral mo na naman ang katangahan mo. Bakit mo nilingon ang mga ito? Di mo pa nga naririnig ang pagsara ng elevator. Mukhang nakita ka ng lalaki. Patay ka talagang babae ka,' aniya sa isipan at naglakad na papasok ng elevator.
Nang humarap siya sa katapat na elevator ay nakasara na iyon. Nakahinga ng maluwag si Jas pero na-iinis pa rin siya sa sarili. Paano na lang kung nakilala siya ni Liam kanina? Paano kung nakita siya nito?
No! Sigurado siyang nakita siya ng lalaki kanina.
'Should I go home now? Wag ko na kayang ituloy itong plano ko?' tanong niya sa sarili. 'No! Isusumpa ako ni Prim kapag hindi ako sumipot ngayon sa interview. Wag ko na lang galingan para hindi ako makuha. Tama. Iyon na lang ang gagawin ko.'
Huminga ng malalim si Jas. Pinakalma niya ang sarili para sa interview niya. Hindi naman sigurado siya nakilala ng lalaki. Nakamaskara naman siya ng gabing iyon. Nang marating niya ang twelve floor ay isang buong opisina ang nakita niya. Malawak iyon at walang kwarto. May kanya-kanyang cubicle lang ang mga empleyado. May nakasulat din na pangalan sa bawat cubicle. Napatingin siya sa gilid. May isang babae doon na abala. Tanging ito lang ang walang cubicle. Huminga siya ng malalim at lumapit.
"Good morning." Magalang niyang bati.
Nagtaas ng tingin ang babae. "Yes. May kailangan po kayo?"
"Ahm... Nandito ako for job interview. I'm Sarah Jane Mercado. Hinahanap ko po si Ms. Zyler Sualog."
Pinasadahan siya ng babae mula ulo hanggang paa. "Sandali lang po, Ma'am."
Kinuha nito ang telephone at may tinawagan. Iginala naman niya ang paningin sa lugar. Buong floor ang okupado ng lugar na iyon. Marami din empleyado ang nandoon. Lahat ba iyon ay HR staff. Napakarami naman yata ng mga ito para sa isang kompanya. Muli siyang napatingin sa babae ng magsalita.
"Sumunod ka sa akin." Nakatayo na ang babae.
Mabilis naman siyang sumunod dito. Naglakad sila sa gitna ng opisina. Habang naglalakad ay tiningnan niya ang lugar. Napansin niya ang apat na klaseng kulay sa cubicle ng mga ito. May limang pinto din siyang napansin. Pagdating nila sa isang pinto ay napansin niya ang isang malaking papel na nakadikit. Binasa niya iyon. Napangiwi siya ng malaman kung anong nakasulat sa papel na iyon.
Apat pala na kompanya ang floor na iyon. HR department iyon ng apat na kompanya. Ang nakita niyang kulay ay nagre-represent ng bawat kompanya. Kaya naman pala napakaraming empleyado sa floor na iyon.
"Miss, please come in." agaw ng babae sa kanyang atensyon.
Napatingin siya dito. Nakabukas na ang pinto at naghihintay na ito. Yumuko siya bilang paghingi ng pa-umanhin dito. Isang conference room ang napasukan niya. Maraming upuan sa lugar na iyon. Kung ganoon ay doon ang waiting room.
"Hingin ko sana ang resume mo." Inilahad ng babae. Mabilis naman niyang kinuha sa dalang bag ang hinihingi nito.
Binasa ng babae ang resume niya. "Wait for Ms. Saulog here, Ms. Mercado."
Tumungo siya bilang sagot. Lumabas na ang babae at iniwan siya sa lugar na iyon. Iniikot niya ang tinging sa lugar. Malaki ang kwartong iyon. Doon ba ang interview niya. Sana ay hindi siya matanggap. Ilang sandali din naghintay si Jas bago bumukas ang pinto at pumasok ang isang mataray na babae. Mabilis siyang tumayo.
"Good morning, Ms. Mercado." Bati nito.
"Good morning po, Ma'am." Yumuko siya bilang pag-galang dito.
"You can seat."
Sinunod naman niya ang sinabi nito. Umupo naman ang babae sa katapat niya habang binabasa ang nakasulat sa kanyang resume. Pinag-aralan nito iyon. Nang matapos ito sa pagbabasa ay inilapag nito ang hawak.
"I introduce myself first. I'm Zyler Saulog, HR Manager ng Parameter Technology Corporation. Ms. Primrose talk to me about you. I will be honest with you; I'm not impressed with your resume. One of the things I hate about your resume is your job experience. Hindi ka tumatagal sa trabaho." Prangkang sabi ng babae.
Nais magtaas ng kilay ni Jas. Mataray nga talaga ang babae kagaya ng unang tingin niya dito. Ngumiti siya sa babae.
"I know that but I have my own reason, Ma'am." Gustong-gusto na talaga niya magtaray ng mga sandaling iyon.
"Reason? What kind of reason, Ms. Mercado?" Muli itong tumingin sa resume niya.
May galit ba sa kanya ang babaeng iyo? Anong problema nito sa kanya? Hindi naman ganoon ang mga naranasan niya sa mga dating interview. Isa pang-pagtataray mula dito ay talagang pagsasabihan na niya.
"Lahat po ng pinasukan kong kompanya ay may bad experience ako sa may-ari. Hindi naman po sa pagmamalaki pero lagi po akong nakukursunadahan ng boss namin." She said with honest.
Iyon naman kasi talaga ang totoo. Mga lalaking makakita lang ng maganda at sexy na babae ay akala mo'y mga asong hayop sa laman. She had enough with that kind of man. Lumaki siya na napapalibutan ng mga tauhan ng kanyang ama. At kahit isang beses ay walang nagtangkang saktan o gawan siya ng masama.
Tumaas ang kilay ng babae. "Okay." Tanging nasabi ng babae.
Nagtaka siya sa sinabi nito. Mas lalo siyang nagtaka ng tumayo ito.
"Wait! That's it?" Hindi niya napigilang itanong.
Tumingin sa kanya ang babae. "Not yet, Ms. Mercado. We are not yet done. Sumunod ka sa akin."
Nagtataka man ay mabilis siyang sumunod sa babae ng lumabas ito ng kwartong iyon. Deritso sila sa elevator. Nang makasakay sila ay tahimik lang ito. Napansin niya na pinintot nito ang twentieth floor. Nang marating nila ang floor ay bumungat sa kanya ang isa na naman na malawak na opisina. Abala ang mga tao doon. Tuloy-tuloy sila hanggang sa dulong bahagi. May dalawang table silang nakita.
"Yanny, pwede ba namin abalahin si First?" tanong ni Ms. Saulog sa babaeng nilapitan nila.
Nagtaas ng tingin ang babae. "Ms. Saulog, kayo pala. Opo, pwede naman po. Hindi po busy si First ngayon."
"Thank you." Yumuko ang babae at naglakad papalapit sa pinto.
Napatingin siya sa karatulang nandoon. Nanlaki ang mga mata ni Jas ng mabasa ang nakasulat. Office of the President. Opisina ng may-ari ng PTC. Makakaharap niya si Harry John Allan Tolentino. Napalunok si Jas. Gusto niyang tumakbo pa-alis sa lugar na iyon pero nang tumingin sa kanya si Ms. Sualog ay hindi niya nagawa ang binabalak.
Napilitan siyang pumasok sa opisinang iyon. Agad niyang naamoy ang panlalaking pabango ng pumasok siya sa loob ng opisina. Tumayo sila sa gitna ng opisina.
"Good morning, First. Nandito na po ang applicant na pinadala ni Second para ma-interview niyo," wika ni Ms. Saulog.
"Thank you, Ms. Saulog. Pwede niyo na po siyang iwan?"
Napako sa kinatatayuan si Jas ng marinig ang boses ng lalaki at lalong nawalan ng kulay ang mukha ni Jas ng magtaas ng ulo ang boss ng kompanyang iyon. Isang gwapo pero may malamig na tingin ang humarap sa kanya.
'Bakit siya? Bakit si Liam James Albert Tolentino ang kaharap niya ng mga sandaling iyon? Hindi ba sa PTC siya nag-apply. Bakit napunta ako sa Aristocrat?'