TAHIMIK NA nakatingin si Jas kay Liam. Naka-upo siya sa visitor chair na ilang hakbang ang layo dito. Binabasa ng binata ang resume niya. Abot-abot ang dasal niya na hindi siya makilala ng lalaki. Sana lang talaga ay nakatulong ang mask niya ng gabing iyon dahil kapag nakilala siya nito ay sobrang nakakahiya. This man in front of her is her first kiss. Ito ang lalaking unang nakahalik sa kanya.
"What should I address you?" tanong nito at tumingin sa kanya.
Napalunok si Jas. This is torture. Ang lakas ng t***k ng puso niya, para na iyong lalabas sa loob ng dibdib niya. This is too much for her. Ayaw din gumana ng utak niya.
"Miss..."
Napakurap si Jas ng pumitik si Liam. She needs to calm down. Muli siyang napalunok at tumikhim ng mahina.
"You can call me Ms. Mercado o Sarah Jane, Sir." Mahina ang boses na sagot niya.
Nawala na ang tapang na meron siya. Nilipad na iyon kanina ng marinig ang boses ng lalaki.
"Okay, Ms. Mercado. I don't have much time to know you. Let's go down to business. Why should I hire you?"
Hindi agad nakasagot si Jas. Ayaw niyang i-hire siya ng lalaki. She needs to mess up that interview. Ngumiti siya.
"If you hire me, I will be a great asset to this company. As you can see in my resume, I have a lot of experience as a secretary. I know how to handle pressure and stress."
'At mga manyak na boss.' Gusto niyang idagdag sana ngunit pinigilan niya ang sarili.
Tumaas ang kilay ng lalaki. Muli itong tumingin sa resume niya. "May I know why you resign from your previous company? You only stay there for six months. And that's not impressive to look at."
Sabi na nga ba at iyon ang sasabihin nito. Nakikita na niyang hindi siya nito kukunin. Muli siyang ngumiti dito. "Manyak po kasi ang hayop kong boss kaya umalis ako." Walang pakandungan niyang sagot.
Napa-ayos ng upo ang lalaki. Kitang-kita ang pagkagulat sa mukha nito. Nasisigurado niyang hindi nito nagustuhan ang sagot niya. Yap, that's it. He will not hire her anymore. Ganoon naman ang mga ganitong malalaking kompanya. It's rude to say that your previous boss was a pervert. Dapat ay may respeto pa rin. Pero hindi kasi siya ganoong tao. Kung pwede lang ibaon ng buhay ang dati niyang boss ay ginawa na niya. Aba pinagbantaan pa siya bago siya umalis doon. Sinabing walang tatanggap na kompanya sa kanya dahil ipapa-ban siya. Hindi naman siya natakot dahil nandiyan ang mga kaibigan niya.
Ito pa nga ang nagdusa dahil naghanap ng mga taong nabiktima nito si Lissy. Kinasuhan nito ang dati niyang boss. Balita niya ay inalis na ito sa pwesto at ngayon ay nasa kulungan. Naghihimas na rehas. Matapang si Lissy Pimente dahil isa itong public attorney.
"Manyak? Did you really call your boss animal and pervert?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
"Well, iyon naman kasi ang totoo. Hayop naman talaga sila. I work formally to them. Hindi ako nagpapakita ng interest sa kanila pero hinaharass pa rin nila ako. Wala naman akong ginagawa para gawin nila iyo. At lalong di ako nagsusuot ng damit na maaring maging dahilan para magkaroon sila ng interest sa akin. I'm there to work. Buti sana kung kasing gwapo niyo po sila, hindi naman. Mukha pa silang unggoy." Mataray niyang sagot.
Nakita niyang tumaas ang sulok ng labi ng lalaki. "You think, I'm handsome?"
Natigilan siya sa tanong nito. Napakurap siya ng ilang beses. Hindi niya alam pero nang init ang kanyang pisngi. Did she really compliment this man? Sinabi ba talaga niyang gwap ito.
"Well, I'm not blind. You are handsome, Sir."
Tumawa ng mahina ang lalaki. Inilagay nito ang resume niya sa isang sulok. Kinuha nito ang landline na nasa harap at may tinawagan.
"Ms. Jaro, please come to my office." Pagkatapos sabihin iyon ay ibinaba na ng lalaki ang telephono.
"I have one more question for you, Ms. Mercado."
"What is it, Sir?" Bumilis ang t***k ng puso niya.
"Do you have a boyfriend, right now?"
Nanlaki ang mga mata niya sa tanong nito. Bakit ganoon ang tanong nito? Wait! Nakilala na ba siya ng binata. Nagpanik bigla ang brain cell nya.
"Y-yes, Sir. Ang totoo po ay malapit na po akong ikasal," sagot niya.
She bites her lower lips. Hindi naman kasinungalingan ang sinabi niya. She is engaged. Matagal na siyang engaged sa isang lalaking hindi niya nakita kahit isang beses. Her father arranges that marriage and one of the reasons why she is hiding at her father. At kagaya niya ay ayaw din ng kanyang Lola na magpakasal siya sa taong napili ng kanyang ama. Alam na alam ng Lola niya na mapapahamak lang siya.
Naglaho ang ngiti sa labi ng lalaki at napalitan iyon ng kaseryusuhan. Itinukod nito ang dalawang braso sa mesa. Tumungo lang ito. Namayani ang katahimikan sa kanila. Tumikhim si Jas.
"Sir, tapos na po ba ang interview ko?" tanong niya.
"Yes. We are just waiting for Ms. Jaro. Siya ang HR manager ng Aristocrat at siya ang magbibigay sa iyo ng mga kailangan mong ipasang requirements. At mga benefits na matatanggap mo mula sa kompanya ay siya din ang magsasabi. Your salary will be based on what you are asking. Name your expected salary from us and we will give you. I'm not stingy on salary, but you need to exceed the expectation I'm asking. If you do that I can give you a bunos."
"Ho? I-ibig niyo pong sabihin ay tanggap ako?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes. You are hired." Baliwang sagot nito. Kinuha na nito ang isang folder at sinimulan magbasa.
Parang nais malalaglag ni Jas sa upuan niya. Iyong inaasahan niyang hindi siya makuha ng binata ay hindi nangyari. Liam just hired her on the spot. Namutla siya lalo dahil wala siyang takas sa lalaking ito. Paano kung makilala siya ng binata? Na siya ang babaeng nakahalikan nito sa bar at babaeng kina-iinisan nito. Ang babaeng bigla na lang tumakbo pagkatapos siyang halikan sa harap ng mga kapatid nito.
Huminga siya ng malalim. Hindi siya pwedeng magpanik ng mga sandaling iyon. Walang ma-itutulong kung bigla na lang matutuliro ang utak niya.
"S-Sir Tolentino..." tawag niya kay Liam.
Nagtaas ng tingin si Liam. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti ng mapakla si Jas. This is not right. He can't hire her.
"Yes. May gusto ka bang itanong, Ms. Mercado?" Seryusong tanong nito.
"Maari ko bang malaman kung bakit ako ang kukunin mong sekretarya?"
Hindi agad nakasagot si Liam. Umayos lang ito ng upo at inilapag ang hawak kanina na papeles. Muli siya nitong tiningnan sa mga mata. Wala pa rin siyang nababasang emosyon sa mga mata nito.
"Ms. Mercado, I guess you doesn't know about me. And that's one of the factor I want from my new secretary. Gusto ko iyong trabaho ang ipinunta at hindi ako. You see, my previous secretary tried to seduce me. Kaya nag-iingat na ako sa pagkuha ng bagong sekretarya. And I saw it in you. That's why I'm hiring you."
Isinandal ni Liam ang likuran nito sa swivel chair ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"For the work, I think you can catch up with everything. You work on other company. Siguro naman ay may natutunan ka sa mga ito."
Napalunok si Jas. Mukhang mapapasubo nga talaga siya sa pinasukan. Wala na siyang kawala. Ipapanalangin na lang talaga niya na hindi siya makilala ng lalaking ito dahil kapag nagkataon ay patay siya dito. Mahal pa niya ang buhay niya. Hindi pa niya nakikilala ang the one niya. Nais pa niyang matikman ang sarap ng pag-ibig. Marami pa siyang plano sa buhay. Wala siyang balak mamatay sa kamay ng isang Liam Tolentino.
"Of course, Sir. Gagawin ko ang lahat para maging magaling na sekretarya mo. Thank you for giving me a chance."
'Jane Sarah Mercado-Gomez, what the hell are you doing in your life?' kistigo ng kanyang isipan. 'Bahala na talaga sa akin si Batman. Sana makalabas ako ng buhay dito sa loob ng anim na buwan.'
Isang malaking sana talaga. Bakit ba kasi pinatulan niya ang mga hamon ng kaibigan? Ngayon ay na-iipit siya sa isang sitwasyon. Nais niyang sabunutan ang sarili. Napakamalas naman niyang tao ngayong taon. Sunod-sunod ang mga kamalasan dumating sa buhay niya.
ISANG MALALIM na paghinga ang ginawa ni Jas habang sinusundan ang isa sa mga staff ng HR department. Iniikot siya nito sa buong building para maging pamilyar siya sa bawat department. Para alam niya kung saang floor ang mga ito at kung saan nakapwesto. Nalaman niya na nandoon pala talaga lahat ng business company ng mga Tolentino. Nasa iisang building lang at doon nag-oopisina ang magkakapatid na Tolentino.
Ayon kay Queen ay si Boss Liam na daw ang pagpapakilala sa kanya sa ibang big boss. May meeting daw ang mga ito mamaya at baka ipakilala daw siya. Alam din daw ni Sir Liam na ngayong araw siya magsisimula. Ang tumatayong sekretarya ngayon ni Liam ang siyang matuturo sa kanya ng mga gagawin niya.
Sa floor kung saan siya mag-oopisina siya huling isinama ni Queen. Pagdating doon ay may nakita siyang isang matandang babae. Mukhang ito ang tumatayong sekretarya ngayon ni Sir Liam. Isang ngiti agad ang ibinigay niya sa matanda.
"Magandang umaga po." Magalang niyang bati sa matanda.
Pinakatitigan siya nito mula ulo hanggang paa. Bigla siyang na-ilang. Mini black skirt at white blue hanging blouse ang suot niya. One-inch na kulay itim naman ang suot niya sa paa. Hawak niya ang black blazer niya. Pormal ang suot niya at sakto sa posisyon niya ngayon pero kahit ganoon ay hindi niya maiwasan na maging balisa dahil sa suot.
"You're Ms. Mercado?" tanong nito.
"Yes, Ma'am." Nakangiting sagot niya.
"I guess, Mr. Tolentino find a good secretary this time."
Nagulat siya sa sinabi nito. Agad siyang napangiti. Ibig sabihin noon ay nagustuhan nito ang pananamit. She takes note of that. Ganito pala ang gusto ni Liam sa isang babae. Ay, sa isang sekretara. Kung alam lang niya hindi ganito ang sinuot niya ng araw ng interview. Ngunit wala na siyang magagawa pa. He already hired her. Ang dapat lang niyang gawin ngayon ay maging mabait at masunurin na sekretarya sa loob ng anim na buwan.
Yes, six months. Anim na buwan lang siya magtatrabaho sa Aristrocrat Inc. Wala siyang balak tumagal doon dahil maari siyang mahanap ng kanyang ama. Mabuti na iyong nag-iingat siya at papalit-palit ng pinagtatrabahuhan.
Unang itinuro sa kanya ni Mrs. Neri ang mga bagay na unang ginagawa nito sa umaga bago dumating si Liam. Sinabi din nito na dapat ay laging siya ang ma-uuna sa opisina dahil ayaw na ayaw ni Liam sa taong huling pumapasok. Liam comes at 9am in the morning. Umaalis daw ito ng 9pm o depende sa schedule nito. Madalas daw ay talagang late ang big boss dahil na rin sa maraming trabaho.
May ilang bagay pang itinuro sa kanya si Mrs. Neri bago siya nito iniwan. It's already 11am but Sir Liam is not yet at the office. Kahit anino ng binata ay hindi pa niya nakikita. Hindi naman niya natanung kay Mrs. Neri kung may ibang lakad ba ngayon ang boss niya. Kaya naman tiningnan niya ang schedule ng lalaki. Doon ay nakita niyang buong araw nasa labas ang lalaki at mukhang bukas pa siya nito mahaharap. Nakakrus ang dapat meeting nito kasama ang mga kapatid. Mukhang nakansela ang meeting. Nakahinga siya ng maluwag.
At dahil wala ang boss niya. Inabala niya na lang ang sarili sa ilang bagay. Binasa niya ang ilang importanting dokumento na ibinigay ni Mrs. Neri kanina sa kanya. She can easily adjust because everything is the same at her previous work. Alam na alam na niya ang gagawin.
Nasa malalim na pagbabasa si Jas ng may taong tumayo sa harap niya. Napasinghap pa siya ng makita ang boss niyang seryusong nakatingin sa kanya ngayon. Mabilis niyang nabitiwan ang hawak na papeles para tumayo.
"Good Afternoon, Sir Tolentino." Kinakabahang bati niya dito.
"Good afternoon." Ganting bati nito.
"Ahm, do you need anything, Sir?"
Hindi sumagot ang binata. Hinagod lang nito ang tingin sa kanya. Inilagay niya ang kamay sa likurang bahagi. Bumilis bigla ang t***k ng kanyang puso. Pinilit naman niyang itinago ang namumuong damdamin sa kanyang puso. Nahihiya at pakiramdam niya ay nang-iinit ang kanyang pisngi. This feeling is very new to her.
"Nothing!" anito pagkatapos siyang pasadahan ng tingin. "Just bring me the contract for Hill tops."
Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na ang lalaki at pumasok sa opisina nito. Saka lang nakahinga ng maluwag si Jas. Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa pag-alis na iyon ng boss niya. Sana makatagal siya ng anim na buwan. Pinapanalangin niya talaga.
"SO, HOW'S YOUR NEW SECRETARY?" tanong ni Hj sa kanya.
Nasa mansyon sila ng mga sandaling iyon. Pinatawag kasi silang lahat ng kanilang mga magulang. Nais daw silang makita ng mga ito at makamusta na rin. Masyado na daw silang abala sa kompanya na nakalimutan na daw nila ang mga ito bilang magulang. Kaya naman wala silang nagawa kung hindi pagbigyan ang mga ito.
"Anong sinasabi mo diyan?" tanong niya.
Nasa may bar area sila. Kakatatapos lang ng dinner nila. Nagpapahinga na ang kanyang mga magulang kaya naman na-isipan nilang magkakapatid na tumambay sa bar area para magkwentuhan.
"Oh! Ang sabi ni Mrs. Neri sa akin maganda at pormal daw ang bago mong sekretarya. Marunong ka na daw pumili." Natatawang wika ng bunso nilang si Nj.
Sinamaan niya ito ng tingin. Tumikhim naman ang bunso nila at uminum naman ng alak.
"Magaling naman ba bilang sekretarya iyang bago mo? Hindi ka naman ba nahihirapan?" tanong ni Zj.
Tumingin siya sa kapatid niyang iyon. "Sa loob ng isang linggo na sekretarya ko siya ay maayos naman ang lahat. Mabilis siyang matuto. Hindi ko na kailangan pang ituro sa kanya ang ibang bagay dahil alam na niya agad ang gagawin. I guess the advantage of hiring her is she already knows the secretarial work."
"And I am right? Tama ang tingin ko sa kanya ng makita ko siya ng araw ng interview. She is perfect to be your secretary." Ngumiti sa kanya si Hj.
"Oh! Kilala mo siya?" gulat na tanong ni Lj.
"Well, sa kompanya ko talaga siya unang nag-apply pero ng makita ko ang resume niya at makita siya ng personal. Na-isip ko na dapat kay Liam siya nagtatrabaho. Tama naman ako." Isang makahulugang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Hj.
Umiwas na lang ng tingin siya at napa-iling. May ibang pinapahiwatig ang kapatid niyang ito. Ngunit wala siya sa mood para sakyan kung anuman ang nais nito. Hj loves playing guessing things.
"Ma-iba ako. I'm going to have an Asia tour. Gusto ko sanang magpaalam kay Dad at Mom pero di ko alam kung papayagan nila ako. Di ako makabwelo kanina dahil alam kong nagtatampo pa sila sa hindi natin madalas na pagdalaw sa mga ito" Basag ni Lj pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa pagitan nilang magkapatid.
Lahat sila ay napatingin dito. "You know you can't do that," aniya sa kapatid.
"Lj, malapit na ang death anniversary ni Leona. Alam mong dapat kompleto tayo ng araw na iyon." Giit niya sa kapatid.
Umiwas ng tingin si Lj pero kahit ganoon ay hindi nakalusot sa kanya ang lungkot sa kanyang mga mata. Alam niya ang ibig sabihin noon. Ilang taon na ba ang lumipas pero sariwa pa rin sa kanila ang lahat. Walang nakakalimut. Walang gusto lumimot sa kanilang magkakapatid. At mukhang hanggang sa hukay ay dadalhin nila ang sakit at lungkot ng pagkawala ni Leona. Ang nag-iisang kapatid nilang babae.
"Mom surely going to ask Joshua to handle your schedule. Nandito ka pa rin sa araw ng anibersaryo ng pagkawala ni Leona, Louis. Hindi mo iyon matatakasan. Alam mo iyan."
Napansin niya ang paghigpit ng hawak ni Lj sa basong hawak.
"Walang nakakalimot, Liam. Alam ko at alam mo na sa ating lima ako ang hinding-hindi makakalimot." Tumayo na si Lj at iniwan sila doon.
Tinapik ni Hj ang balikat niya. Napatingin siya sa kapatid niyang ito.
"Lj can't move on. Alam mong hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa nangyari. Ilang taon na ba pero patuloy pa rin siyang nasasaktan. Alam mong kaya siya naging mang-aawit dahil iyon ang pangarap ni Leona para sa kanya."
"And I want him to move on. Alam mong gusto kong tanggapin ni Lj na wala na si Leona. Na kahit anong gawin niya ay hindi na mababalik sa atin ang ating prinsesa. Na wala siyang kasalanan sa nangyari at alam natin lahat na hindi niya ginustong mapunta ang kapatid natin sa hayop na Allan Gomez na iyon. Gusto kong ipagpatuloy ni Louis ang buhay niya na wala ang bigat ng nakaraan," wika niya.
"You are saying you wanted Lj to move on but you are also the one who can't move on, Liam. Until now you are plotting an act of revenge on the old Gomez. Is the one you said should apply to you also," wika ni Zj.
Galit niyang tiningnan si Zj. "My revenge is not the same with Lj feels. Gusto kong mawala ang guilt sa puso ni Lj dahil wala siyang kasalanan sa nangyari. Ang may kasalanan ay si Allan at ang ama niya. They are the reason of our suffering. Hindi ako makakapayag na nasa labas ng kulungan ang mga taong nanakit sa pamilya natin. Lalo na sa munting anghel natin."
Walang nagsalita sa mga kapatid niya. Katulad niya ay may galit ang mga ito sa matandang Gomez pero siya lang talaga ang nag-iisip na gumanti. Well, his revenge is not only for his family but also to who's suffer in the hand of syndycate where the old Gomez belong too. He knows everything because of his friend but there's a lack of evidences. Hindi din basta mapapatumba si Mr. Gomez dahil sa sindikato na kinabibilangan nito. May nagproprotekta dito.
"I just want Lj to be happy. Dahil alam ko na iyon din ang gusto ni Leona. Alam kong nais ng kapatid natin na maging masaya ang mga kuya niya."
Napakuyom siya ng maalala ang maamong mukha ng kapatid na babae. Ang kanilang munting prinsesa ay kinuha sa kanila ang isang hayop na lalaki.
'Magbabayad ang mga Gomez sa ginawa nila. Namatay man si Allan pero ang galit ko sa pamilya niya ay hindi magbabago. Walang kahit isang Gomez ang muling makakapasok at makasira ng pamilya namin.'