CHAPTER SIX

3154 Words
BINALIWALA ni Liam ang sinabi ng kapatid na si Hj. Nilapitan na lang niya si Sarah kung saan kasama ang mga bata. Alam niya kasing tutuksuhin lang siya nito. Ayaw niyang masira ang araw niya kaya mas mabuti ng umiwas na lang. "Hey!" tawag niya kay Sarah. Huminto naman si Sarah sa pagtakbo dahilan para maabutan ito ng batang humahabol. "Taya," sabi ng bata. Napatingin siya sa bata ng ginawa nito iyon. Isang ngiti ang hindi niya napigilan na sumilay sa kanyang labi. Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata nito. Umiwas siya ng tingin at itinago ang ngiting iyon. "Ate, ikaw na ang taya. Habulin mo na kami." sigaw ng isang bata. Napakurap naman si Jasmine at napatingin sa kanya pero agad din nag-iwas. Tumingin ito sa mga bata. "Ready na kayo. Heto na si Ate Monster." Pagkatapos isigaw iyon ni Sarah ay tumakbo ito para habulin ang ga bata. Nagtakbuhan naman ang mga bata palayo dito. Alam niyang mabagal lang ang takbo ng dalaga dahil wala itong naabutan na mga bata. Napatingin siya sa paa nito. Alam niya kasing naka takong ito kanina ngunit tumaas ang kilay niya ng makitang wala itong suot sa paa. Kanina pa ba wala itong suot? Umikot ang tingin niya sa paligid at may hinahanp na isang tao. Nakita naman niya ito na ka-usap ang kanyang ina. Naglakad siya palapit sa mga ito. "Hi Mother Kriza." magalang niyang bati sa mother superior ng ampunan na iyon. Nagmano siya dito. "Liam, hijo. Napakalaki mo ng tao." Masayang sabi ng matanda. "Kamusta na po kayo, Mother?" Nakangiting tanong niya. "Okay naman ako, Hijo. At mukhang ganoon ka din." "Yes. Busy man sa work, hindi pa rin nakakalimutan ang pangaral niyo na lagi kong dapat alagaan ang sarili ko." "Nakakatuwang marinig na sinusunod mo ang mga payo ko." Tinapik nito ang balikat niya. "Anak, may kailangan ka ba kay Mother Kriza?" tanong ng kanyang ina. "Ahh. Meron po ba kayong extra slipper?" "Ha?" nagtatakang sabay na tanong ng dalawang babae. "Well, my secretary is playing with kids. Hindi siya nag-rubber shoes dahil hinila lang talaga siya namin ni Nj. She is running with bear foot." paliwanag niya. "Owww! Si Sarah ba ang tinutukoy mo, hijo?" may pag-alalang tanong ng kanyang ina. "Yes, Mom." "Okay. Kukuha lang ako sa stock room namin. Alam ko meron don," sabi ni Mother Kriza. "Salamat po, Mother." Tumungo lang ang matanda. "Samahan na kita, Mother Kriza." Hinawakan ng kanyang ina si Mother Kriza sa braso. Sabay na pumasok sa loob ng bahay ampunan ang dalawa habang siya ay muling napatingin kay Sarah na patuloy pa rin sa pakikipaglaro sa mga bata. Mukhang hindi na ito ang taya dahil ibang bata na ang humahabol. Napa-iling lang siya. Simula ng magtrabaho sa kanya si Sarah ay hindi niya ito nakitang maging ganoon. Napaka-seryuso kasi talaga nito. Muling napasandal si Liam at pinagmasdan ang kanyang sekretarya. "Is it nice to see Sarah's smile?" Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Liam ng marinig ang boses ng kapatid na si Hj. "Leave me alone." Tumawa ito at tinapik nang balikat niya. "Come on. Walang masama kung magkakaroon ka ng pagtingin sa kanya. Hindi ka namin masisi kung sakaling babaliin mo ang sarili mong batas." Sinamaan niya ng tingin ang kapatid. "Wala akong balak na baliin ang sarili kong batas kaya tigilan mo ako." "Why are you living with those rules of yours, Liam? Sa ginagawa mo ay ikaw din ang nahihirapan. Alam mo bang mahirap pigilan ang puso." Tinapik ni Harry ang kanyang balikat bago siya iniwan doon. Sinundan niya naman ng masamang tingin ang kapatid. Alam niya kung anong ibig sabihin nito. Sinasabi ba nitong may gusto siya kay Sarah. Malabo iyon mangyari. Paano naman siya magkakagusto sa kanyang sekretarya? He always set boundaries. Malabong magkagusto siya sa babae. Lalo at kasama niya sa trabaho. Isang malilim na paghinga ang ginawa niya at muling ibinalik ang tingin sa babae. Nagtagpo ang kanyang kilay ng makitang kasama nito si Nj. Binigyan ng kapatid ng tubig si Sarah. Mabilis siyang naglakad palapit sa babae. Aabutan na sana ng panyo ni Niall ito ng mabilis siyang lumapit at iniabot ang sarili niyang panyo. Nakita niyang parehong nagulat ang dalawa. Hindi din basta agad tinanggap ni Sarah ang panyong inilahad niya. Kaya naman inilagay niya sa kamay nito. "Bawal kang magkasakit. Marami tayong project ngayong buwan. I need an efficient secretary," aniya. Tumungo si Jasmine at sinimulang punasan ang pawis nito. Sinundan niya ng tingin ang ginawa ng dalaga. Bigla siyang nakadama ng pagtuyo ng lalamunan. Mabilis siyang umiwas ng tingin ng magtagpo ang mga mata nila. 'What the hell are you doing, Liam?' tanong niya sa sarili. "I ask mother superior to give you a slipper. You've running bear foot. Hindi ba manakit ang paa mo?" "Oww!" napatinign silang pareho sa paa nito. Napangiwi siya ng makita kung gaano kadumi ang paa ng dalaga. Kahit ito ay napangiwi na rin. Nahihiyang nagtaas ito ng tingin. "I'm sorry. I didn't realize." Nahihiyang sabi ni Jasmine. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. "Come on." Inilahad niya ang kamay sa dalaga. Salubong ang kilay na tiningnan ni Sarah ang kamay niyang nakalahad. "Huh! Where we are going?" "To clean you up." At dahil hindi pa rin tinatanggap ni Jasmine ang kamay niya ay mabilis niya itong binuhat. Nagulat ito sa ginawa niya. Mabuti nalang at mabilis itong nakahawak sa kanyang leeg. Liam didn't think more. Nalakad na lang siya papasok sa loob ng bahay ampunan. Binaliwala niya ang nakasunod na mga mata sa kanya. All he thinks are to make Jasmine away from his brother. "WHAT DO YOU THINK?" tanong ni Hj sa dalawang kapatid na kasama sa mesang iyon. Nakita niya ang ginawang pagbuhat ni Liam kay Sarah. Hindi niya akalain na gagawin iyon ng nakakatandang kapatid. Liam is older with them by months but they respect him like their older brother. Kaya nga minsan lang niya ito pagsabihan. "Our brother is in-love," wika ni Zj. "Kakaiba pala talaga ma-inlove ang isang Liam Tolentino." "Alam ba ni Liam na si Sarah ang babaeng humalik sa kanya sa bar na nakamaskara?" tanong ni Lj. "He didn't know," sagot ni Nj na kakalapit lang sa kanila. "Paano mo nasabi?" tanong ni Zj. "How can I say? Well, manhid kasi kapatid natin. Hindi niya mapapansin ang pagkakahawig ni Sarah doon sa babae. At.... Hindi din niya mapapansin na magkatulad ang tindig at pangangatawan ni Sarah at ng babaeng nakamaskara." "Kasi nga, si Liam ang taong walang paki-alam sa paligid niya pero sigurado akong papansinin na niya si Sarah ngayon dahil itong si Nj ay gumagawa ng paraan." Hinawakan niya ang balikat ng bunso nilang kapatid. "Of course, isa kaya akong malaking threat sa buhay pag-ibig ni Kuya. Sa gwapo kung ito. Isa akong tinik sa relasyon ng kahit kanino." "Lumakas yata ang hangin ngayon dito." Natatawang wika ni Lj. Sumimangot si Nj. "Wag na wag kang hihingi ng additional song kapag kinulang ng kanta ang album mo." "I can make my own song, brother." Umiling si Zj. Alam niya kung anong iniisip ng kapatid niyang ito. Sa kanilang magkakapatid si Zj lang hindi mahilig sa gulo. LIto ang pinakatahimik sa kanilang magkakapatid. Napa-iling na lang siya at napangiti. Sigurado kasing inaasikaso na ni Liam si Sarah ngayon at sana naman ay magkaroon ng improvement ang relasyon ng dalawa. Boto kasi talaga sila kay Sarah para kay Liam. Unang kita palang nila sa dalaga ay agad nila itong nagustuhan kahit pa nga na ito ang babaeng humalik noon kay Liam sa bar. Sarah is very different to the other woman comes to Liam life. Alam nila na ang babae ang maaring magpabago sa kapatid na sobrang workaholic. "Come on. It's our time to sing a song for the kids." Narinig niyang wika ni Zj. Tumayo na sila at pumunta sa gitna kung saan may munting intablado. They are going to perform today. At ang kakanta ay ang kapatid niyang si Lj habang sila ay nasa intrumento. At dahil wala si Liam ay siya ang humawak ng organ na dapat ito. Nag-adjust naman si Nj, ito ang humawak ng guitara habang si Zj ay drum. Si Lj na madalas na kumakanta lang ay humawak na ng guitara dahil nga sa wala ang isa nilang kapatid. They sing a song. A song na alam nilang lahat na gustong-gusto na isang princesa sa buhay nila. Ang princesa na siyang nagbigay buhay sa kanilang lahat. Hinawakan ni Lj ang microphone. Unang nagsimulang gumagawa ng tunog si Nj bago siya at si Zj. Lj also touch the string of his guitar. Narinig ang isang musika na hindi pamilyar sa lahat pero alam na alam nilang magkapatid. Ganoon din ng kanyang mga magulang. I don't need a hundred roses waiting by the Front door I don't need a fancy house in the hills You could rope the moon And bring me all the stars In heaven It won't change how I feel You don't have to be a modern-day Shakespeare You don't have to be anything you're not You don't have to give me diamonds to impress me Just give me your heart Make me feel loved, make me feel beautiful Make me feel dance around the room Cinderella kind of magical Make me believe I'm all that you'll ever need Hold me close and make me feel A million kinds of wonderful Baby, your touch, it's more than enough Make me feel loved Tumingin siya sa kanyang ina. Isang ngiti ang makikita sa labi nito pero hindi maitatago ang lungkot sa mga mata nito. Alam niyang naalala din nito ang kanilang kapatid. Pinagpatuloy nila ang pagtugtog at inalis ang tingin sa ina. Ayaw niyang makita ang ganoong emosyon sa ina. It's the way you bring me coffee in the morning And how you know just what not to say I don't need you to try and fix everything When I've had a bad day Make me feel loved, make me feel beautiful Make me feel dance around the room Cinderella kind of magical Make me believe I'm all that you'll ever need Hold me close and make me feel A million kinds of wonderful Baby, your touch, it's more than enough Make me feel loved Make me feel loved, make me feel beautiful Make me feel dance around the room Cinderella kind of magical Make me believe I'm all that you'll ever need Hold me close and make me feel A million kinds of wonderful Baby, your touch, it's more than enough Make me feel loved 'You're always our little angel, baby sister. Hope you are happy wherever you are right now. We are also doing fine. Your guidance is always here. We can feel it, Leona Amanda,' aniya sa isipan at napatingala. "YOU SHOULDN'T PLAY in bear foot." Pangaral ni Liam sa kanya. Ibinaba siya nito sa isang pinto. "I'm sorry, Sir Liam. Natuwa lang ako ng makitang masayang naglalaro ang mga bata." Natigilan siya at napatingin sa babae. May napansin nga siyang kakaibang ningning sa mga mata nito. Tumayo siya ng tuwid. Dahil mas matangkad siya sa babae ay yumuko pa siya ng bahagya. "Why are you happy playing with them? Wala ka bang kapatid para makalaro." Umiwas na siya ng tingin at binuksan ang pinto ng banyo. Hindi nagsalita si Jasmine kaya napatingin siya dito. Napansin niyang binalot ng lungkot ang mukha nito pero agad din naglaho ng mapansin ng dalaga na nakatingin siya dito. "I don't have siblings. Nag-iisang anak ako." Sagot nito at tumuloy sa banyo para maghugas ng paa. Huminga naman siya ng malalim. Alam niyang binalot ng lungkot ang mukha ni Jasmine kanina. Nasisigurado niyang nagsisinungaling ang dalaga ng sabihin nitong wala itong kapatid. Walang nakalagay na kahit ano sa resume ni Jasmine ng pumasok ito. Ang alam niya lang patungkol dito ay ang lolo't-lola nito ang nagpalaki dito. "So, wala kang kasama ngayon sa apartment mo? Hindi ba at nasa probinsya ang lola't-lolo mo?" tanong niya sa dalaga habang nakasandal siya sa tabi ng pinto. "Yeah. I'm living alone right now." "Hindi ba nakakatakot? Babae ka pa naman." "Nasanay na ako, Sir Liam. At saka, mas gusto ko na mapag-isa sa buhay. I feel freer if I'm living alone." Pasigaw na sagot ni Sarah. Malakas na kasi ang tunog ng tubig sa loob. "But it's more fun to be with your family. I know because I'm always with my brothers." "I prepare to be with my best friend than my family." Lumabas sa banyo si Sarah. "Can we stop talking about my family, Sir Liam? I don't really like talking about them." "Owww. Okay. If you say so." Natigilan siya dahil sa paki-usap nito. Ngayon niya lang narinig na ganoon si Sarah. "So, let's go back, Sir. At pwede ko bang mahingi ang sinasabi mong slipper na susuotin ko?" "Oh!! Okay. Wait here." Tumalikod na siya para puntahan si Mother superior. Bakit ba lagi na siyang natutulala sa harap ni Jasmine ngayon? Isang araw pa lang niyang nakakasama si Sarah ng ganoon pero ganito na ang nangyayari sa kanya. Bakir parang may magbabago simula ng araw na iyon? Dapat na ba siyang matakot? HINATID SIYA NI SIR LIAM sa apartment na tinutuluyan niya. Sinabi niyang magta-taxi na lang sana siya ngunit hindi pumayag ang ina ni Liam. Dapat daw siyang ihatid ng kanyang boss. Kaya wala silang nagawa pareho. Mabuti na lang talaga at sa apartment niya siya ngayong tutuloy at hind isa bahay niya sa Quezon City. At dahil hindi siya sanay na kasama sa isang sasakyan ang boss niya ay nagtulog-tulugan na lang siya. Hindi niya lang talaga inaasahan ay iyong makatulog talaga siya. Pakiramdam niya kasi ay dinuduyan siya ng mga sandaling iyon. Magaan lang kasi ang byahe nila. Ma-ingat ang pagmamaneho ng boss niyang workaholic. Tapos malamig at mabango ang sasakyan nito. Inaakit siya noon na matulog. "Hey!" isang malakas na paghawak sa kanyang balikat ang naramdaman niya. Mabilis na inimulat ni Jas ang mga mata at iniikot ang paningin sa paligid. Naging alerto din siya bigla. Habol ang hininga na tumingin siya sa labas ng sasakyan. "Hey, Ms. Mercado. Are you okay?" Ang nag-aalalang tanong na iyon ng boss niya ang siyang ikinatingin niya dito. Nakita ni Jas ang pag-aalala sa mukha ng kanyang boss. Natauhan siya. Saka lang pumasok sa isipan niya na kasama niya pala ang boss at hinatid siya nito sa kanyang apartment. She let her guard down again. "I'm sorry. I... I... just woke up suddenly that's why I reacted that way." Paliwanag niya dito. "Oww! Okay. I thought you were having a bad dream. So, are you okay now?" "Oh! Thank you for your worries, Sir Liam." Hinubad na niya ang seat belt. Humarap siya sa kanyang boss. "Salamat po sa paghatid sa akin." Lalabas na sana siya ng biglang hawakan ng lalaki ang kanyang braso. Mabilis na binawi ni Jas iyon. Pareho silang nagulat ng binata ngunit alam niyang may kasamang pagtataka ang pagkagulat na iyon. "I'm sorry." She said again. She is not comfortable. Pagkatapos ng naramdaman niya kanina ng magising siya ay nagiging sensitive na naman ang katawan niya. Bakas na naman ang takot sa katawan niya ng mga sandaling iyon. Ang pakiramdam na nais niyang kalimutan ay nandoon na naman. She hates being like that. Kaya nga lagi siyang alerto. "I think you are not okay, Ms. Mercado. You are in panic mode. I can see it. Let me come with you inside." "Ha? What are you talking about?" gulat niyang wika. Pero hindi na niya napigilan pa si Liam. Nahubad na nito ang suot na seatbelt at bumaba ng kotse nito. Walang nagawa si Jasmine kung hindi sumunod dito. Nagugulat pa rin siya sa nangyayari. Pagkatapos niyang bumaba ng kotse ay mabilis na ni-lock iyon ni Liam. "Come on. Lead the way," anito. "Sir, wait!" mabilis siyang lumapit dito. Huminto sila sa malawak na parking lot ng apartment niya. "Yes, Ms. Mercado." Hinarap siya ni Liam. Dahil matangkad ang boss niyang ito ay napatingala siya dito. Nagtagpo ang mga mata nila. Wala siyang nababasang emosyon sa mga mata nito. Seryuso lang talaga ito na nakatingin sa kanya. Napalunok ng wala sa oras si Jas. Bakit ba kapag ganitong seryuso na ang lalaki ay nagwawala ang puso niya? Ano ba kasing meron sa aura nito. Umiwas siya ng tingin. "I-I'm okay now, Sir. You can go home now and take a rest." Hindi niya napigilan na kagatin ang ibabang labi niya. She knows that she is not totally okay but she can't let Liam enter her apartment. May ilang bagay siyang tinatago doon. At kapag pumasok ang lalaki ay may malalaman ito patungkol sa kanya. "You are not okay, Ms. Mercado. And you know, I said that I don't wan---" "I can take care of myself, Sir. I just want to rest by myself. Alam ko din po na pagod kayo. So, it's better for you to go home. Please, Sir Liam." Puno na nang pagsusumamo niyang sabi dito. Hindi niya pwedeng isakrepesyo ang lahat ng meron siya ngayon. Kapag nalaman ni Liam ang totoo niyang pagkatao, siguradong hindi lang siya mawawalan ng trabaho, maari din siyang makasuhan. At kapag nangyari iyon ay malalaman ng ama kung nasaan siya nagtatago ng mga sandaling iyon. Malalaman din ng kanyang Lolo Silvana ang pinanggagawa niya. Kung maaari kasi ay hindi nito malaman ang pinanggagawa niya. Kapag nangyari iyon ay paliliparin siya nito sa ibang bansa para tuluyan na magtago sa ama. Walang alam ang kanyang Lola na nagsimula na naman siyang hanapin ng kanyang ama. Ang alam lang kasi nito ay hinahayaan siya ng ama sa poder nito dahil na rin sa ayaw itong kabanggain. Pero matapang ang kanyang ama. Walang sinasanto. He will do everything to get what he wants. Ilang sandali din siyang pinakatitigan ni Liam bago ito may kinuhang kung ano sa bulsa nito. May ibinigay itong isang maliit na bagay sa kanya. Nagtatakang napatingin siya sa bagay na binigay nito. Isang key chain iyon na may kasamang isang pulang bato. "Press the stone if you need help. I come to see you," anito. Pinakatitigan niya ang hawak na key chain lalo na ang bato. Wala naman siyang napansin na kakaiba sa batong iyon. Nagsalubong ang kilay niya. Pinagluluko yata siya ng boss niya. "Go inside and sleep. I see you tomorrow." Tumalikod na ito at pumasok ng kotse. Nakita pa niyang suminyas itong pumasok na siya sa loob ng kanyang apartment. Napangiti si Jas sa ginagawa ng boss niya. Hindi naman pala kasing lamig ng yelo ang boss niya kagaya ng sinasabi ng mga staff sa kompanya. Liam also have that warm personality and she saw it tonight. What a good thing to know about her boss? May puso pala ang boss niya para sa empleyado nito. Tumalikod siya na may ngiti sa labi. Biglang gumaan ang loob niya. Napanatag siya dahil sa pinakitang iyon ni Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD