Chapter Seven

2978 Words
MAY TINITINGNAN na damit sa isang store sa mall si Jas. It's her day off and she planning to go shopping today. Niyaya niya ang best friend niyang si Carila ngunit ang sabi nito ay may gagawin ito kaya mag-isa na lang siya pumunta ng mall. Okay lang din naman sa kanya. Sanay na siyang lumabas mag-isa. She is about to pick up another dress when someone comes near her. Napatinign siya sa kaliwa at nakita niya ang isang lalaki na nakasuot ng isang salamin at kahit ganoon ay nakilala agad niya ito. "Need something?" mahina ang boses na tanong niya. "Your father is looking for you. Kailangan mong mag-ingat dahil sa pagkakataon ito ay sapilitan ka niyang ipapakasal kay Mr. Perez." "Hindi talaga titigil si Daddy hanggang hindi niya nakukuha ang gusto. Nasabi mo na rin iyan ng huling lumapit ka sa akin." "Alam ko at alam mo kung anong klase ang ama mo. What he wants he gets. Kaya sana ay mag-ingat ka. He have different tactic this time. Hindi mo alam kung saan-saan pinakalat ng ama mo ang mga alagad niya. Mas maraming alagad siya ngayon na pinakalat sa buong bansa." Tumungo siya. "Thank you sa tip. Mag-ingat ka din sa ama ko." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay kinuha ang damit at naglakad papunta sa isang salamin at tiningnan ang damit na kinuha. Umakto siyang walang naka-usap na lalaki kanina. Habang ang lalaking ka-usap ay pumunta sa ibang direksyon para kunwari ay may tinitingnan din na damit. They need to act like that. Kailangan niyang mag-ingat ngayong seryuso na ang ama sa paghahanap sa kanya. Huminga ng malalim si Jas at ibinalik sa dating lalagyan ang damit. Lumabas siya ng store at tinahak ang elevator. She is planning to go home. Nawala ang mode niyang mag-shopping dahil sa nalaman. Kapag talaga patungkol sa kanyang ama ay nawawalan siya ng gana. Sakal na sakal na siya dito ngunit wala naman siyang magawa. Ginagawa na nito ang lahat para mahanap siya. Kaya siguro nakita siya nito sa bahay ng kaibigan na si Carila. Mabuti na lang at nakatakas siya. Malapit na siya sa elevator ng may kumalabit sa kanya. Napalingon siya at nakita ang isang taong di inaasahan na makita doon. "Hi. Are you going somewhere?" Nakangiting tanong ni Zj Tolentino. "Owww! Hi Sir Tolentino. Uuwi na po sana ako." Magalang niyang sagot. "Talaga! Masyado pa yatang maaga umuwi, Ms. Mercado." Hindi siya nakapagsalita. Nag-iisip siya kung paano lulusutan ang kapatid ng kanyang boss ngunit bago pa siya makapagsalita ay mabilis itong nagsalita. "If you're not in an important appointment then do you want to come with me. I have a date with my girlfriend but Liam join us. Para di naman maging mukhang kawawa ang kapatid ko ay pwede ba kitang isama? Masakit makitang third wheel ngayon ang kapatid ko." Malumamay ang boses na tanong ni Zyan. Natigilan si Jas. Nasa mall din na iyon ang boss niyang masungit. Himala at na-isipan na lumabas. Alam niya kasi minsan ay nagtatrabaho ito kapag linggo. Wala sa diksyonaryo ng boss niya ang sariling pahinga o magpakasarap. Alam niya din na saka lang ito nakakalabas kapag kasama ang mga kapatid. "Hey! Wag kang mag-alala. Hindi magagalit sa iyo ang boss mo." Huminga siya ng malalim bago ngumiti sa kapatid ng kanyang mabait na mabait na boss. "Okay." She said after a while. Isang magandang ngiti ang ibinigay sa kanya ni Zj. Na-una na itong maglakad at sumunod na lang siya. She carries her shopping bag and didn't take off her eyes at the man in front of her. Di siya makapaniwala na nagtatrabaho na siya ngayon sa mga Tolentino. Ang kompanya kasi ng mga ito ang huling kompanya na pumasok sa isipan niyang papasukan. Mataas kasi talaga ang tingin niya sa mga Tolentino. Alam niya na mataas ang standard ng mga ito. At nasisigurado din siya na nag-background check ang mga ito sa pagkatao niya. Kaya nga balak niyang wag tumagal sa kompanya ng mga ito. She needs to resign after six months. Sa isang Korean restaurant sila pumunta ni Sir Zj. Huminto muna ito sa may entrance ng restaurant at humarap sa kanya. "My girlfriend likes Korean food especially sampyup. Hope you don't mind the smoke inside." "Oh! It's fine. Hindi naman ako maarte sa food, Sir Tolentino. I also like Korean food," sagot niya. "That's good to know. Come on." Naglakad na papasok sa loob si Zj. Muli siyang huminga ng malalim at sumunod dito. Nilapitan ni Sir Zj ang isang waiter at parang may tinanong. Sinagot naman ito ng waiter at tinuro sa isang direksyon. Sinundan niya iyon at nakita niya ang masungit niyang boss na may kasamang babae sa isang table. Nasisigurado niya na ang babaeng iyon ang kasintahan ni Sir Zj. Nalakad na sila palapit sa mga ito at bago pa sila tuluyan makapalit ay napatingin na sa kanila si Liam. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Ilang sandaling napatulala ang boss niya bago ito napatayo. "Sarah?" May pagtatanong na tawag nito sa kanya. "Magandang tanghali po, Sir Liam." Yumuko pa siya. "Nakita ko siya kanina naglalakad. Na-isipan ko siyang yayain para sabayan tayo. I hope you don't mind, Liam?" Mataman na nakatingin si Sir Zj kay Sir Liam. Bumaling naman ang tingin ni Sir Liam sa kapatid nito. Nakita niyang nagsukatan ng tingin ang mga ito. At mukhang napansin iyon ng kasintahan ni Sir Zyan. "Hi! I'm Alice Sandy Roa, Zj's girlfriend. And you are?" Pakilala ng babae at inilahad ang kamay sa kanya. "Oww! I'm Sarah Jane Mercado, I'm the new secretary of Sir Liam." Pakilala niya sa babae. Nanlaki ang mga mata ng babae at napatingin sa kasintahan na ngayon ay nakatingin sa kanila. Tumigil na pala ang dalawang lalaki sa pakikipagsukatan ng tingin sa isa't-isa. Liam is now looking at her. Lumapit sa kanya ang boss niya at walang pasabi na kinuha ang hawak niyang shopping bag. Nagulat naman siya sa ginawa nito. "What a gentleman." Natatawang wika ni Alice at hinawakan siya sa braso. "Come on. You seat beside me." Wala siyang nagawa ng hinila siya ni Alice. Umupo siya sa katabing upuan nito pero nasa harap naman niya ang boss niyang ubot ng sungit. Walang ngiti sa labi nito at nanatili ang pagiging seryuso ang mukha. Hindi na yata talaga magbabago ang boss niyang ito. Pinaglihi yata ito ni Madam Tolentino sa trabaho kaya napaka-workaholic. Hindi na rin nakapagtataka na wala itong kasintahan. Walang tatagal na babae ito. Tahimik lang si Jas hanggang sa ma-serve ang pagkain nila habang ang magkasintahan ay nag-uusap. Nalaman niyang matagal na pala ang dalawa. Sir Zj seems so in-love with Alice. Napapansin niya iyon sa mga titig nito. Masasabi niyang napakaswerte ni Alicia dahil si Sir Zj ang lalaking masasabi mong boyfriend material. Maalaga at talagang tinatanong ang kasintahan kung ano ang gusto. "Sarah, what do you think about our brother Nj?" Napakurap siya ng marinig ang tanong na iyon ni Sir Zj. Bigla din siyang napasulyap sa kanyang boss na tahimik lang ng mga sandaling iyon. Napansin niyang binigyan nito ng masamang tingin ang kapatid. Tumingin siyang muli kay Sir Zj. May mapanuksong ningning sa mga mata nito. Nagtataka naman siya. Ang alam niya kasi ay tahimik ang lalaking ito. "What about Sir Nj, Sir Zj?" "Well, is he handsome for you?" Itinukod ni Sir Zj ang isang siko sa mesa at mataman na tumingin sa kanya. "Well, he is. Lahat naman po kayong magkakapatid ay magagandang lalaki." She said honestly. Tumaas ang kilay ni Zj at tumingin sa kapatid pero agad din umiwas ng tingin. Ibinalik sa kanya ang tingin. "If we all handsome for you... May nagugustuhan ka ba isa sa amin?" Nagulat siya sa tanong na iyon ni Sir Zj. Bakit bigla na lang natanong iyon ng kapatid ng boss niya? Napatingin siya sa boss niya na ngayon ay madilim ang mukha at matalim na nakatingin sa kapatid. "Anong klaseng tanong iyan, Zj? Di ka ba titigil?" may inis na tanong ni Sir Liam kay Zyan. "I'm just asking, Liam. wala naman masama sa tanong ko." "Meron. Kaya tumigil ka na. Or better yet, we leave. Para naman makapag-date kayo ng maayos ng nobya mo." Biglang tumayo si Sir Liam. Nagulat naman siya sa reaksyon na iyon ng kanyang boss. Nang hawakan nito ang braso niya at hilahin ay lalo siyang nagulat dito. Wala siyang nagawa ng hilahin siya nito paalis doon. Kahit ang magkasintahan ay hindi nakapag-react sa ginawa ng boss niya. Walang paalam na umalis sila. Nakasunod lang ang tingin ng dalawa sa kanila ng kanyang boss. Hinila siya ni Liam hanggang sa makarating sa elevator. Ito ang may hawak ng shopping bag niya. Huminto ito at humarap sa kanya. "Are you hungry? May gusto ka bang food?" Hindi siya makapagsalita. Nagulat pa rin siya sa nangyari. Ito ang unang pagkakataon na naging ganoon sa kanya ang boss niya. Liam never initiates to touch her. "Hey! Are you okay?" Nagtatakang tanong ng binata. Para naman natauhan si Jas at napakurap. Umiwas siya ng tingin dahil alam niyang namumula ang mukha niya ng mga sandaling iyon. Bakit ba siya natulala sa hindi inaasahang hakbang na iyon ng boss niya? Hindi naman ito ang unang lalaking humawak sa braso niya. "Yeah! I'm fine, Sir Liam." Sagot niya. Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila bago nagsalita ang kanyang boss. "I know a Japanese restaurant near here. Let's grab some food before you go home," anito. "Sir Li–" "I don't take no from you." Putol nito sa gagawin niyang pagtanggi. Walang nagawa si Jas ng muli siyang hinila ni Liam. Umakyat sila sa pangatlong palapag ng mall na iyon. Doon ay makikita ang maraming kainan. Sa isang Japanese restaurant sila pumasok ng Boss niya. Nakasunod lang talaga si Jass dito. Walang maririnig na kahit anong pagtutol sa dalaga dahil ayaw niyang suwayin ang boss niya. Baka biglang magsungit na naman. Mas mabuti ng pagbigyan niya. Mabilis silang na asikaso ng waiter kahit na maraming taong naghihintay para makakain sa restaurant na iyon. Napansin niyang kilala ng waiter ang boss niya. Halatang laging nandoon ang amo niya. "Order whatever you want. Hindi ka naman siguro mapili sa food, Jasmine?" tanong ng boss niya ng nasa isang sulok na sila ng restaurant. "Hindi naman po, Sir Liam." Sagot niya. "That's good to know." Ibinalik nito ang tingin sa menu. Hindi na rin siya nagsalita pa at tiningnan na lang ang menu. She order Tonkotsu ramen and sushi while Liam order Katsudon. Nagulat pa siya na iyon ang order nito dahil may kasama iyong kanin. Mabigat pa naman ang Japanese rice. Nag-order din ang boss niya ng Mochi Ice cream na mamaya pa ihahain. Bali iyon ang magiging desert nila. "Sarah..." Natigil sa pagkain si Jas at napatingin sa kanyang boss. Abala pa rin ang boss niya sa pagkain pero alam niyang hindi siya nagkamali ng pagkarinig. Tinawag talaga siya ng boss niya. "Ahmm... Tinawag mo ako, Sir Liam." "Don't call me Sir Liam. Liam will do. Wala tayo sa loob ng opisina at wala tayo sa oras ng trabaho. You're on day off and also me. Masakit sa tainga na masyado kang pormal sa akin gayong wala tayo sa oras ng trabaho." Ilang sadaling di nakapagsalita si Jas. Bakit ganoon magsalita itong boss niya? Nakakagulat naman ito. Pero sabi nga niya. She will go with the flow today. "Okay po. May nais po ba kayong sabihin kaya niyo tinawag ang pangalan ko, Si..." Huminga siya ng malalim. "L-Liam." Tumingin sa kanya si Liam bago kumuha ng tissue at pinunasan ang labi. "Well, I just want to know what are you thinking working with me. Ilang buwan ka ng nagtatrabaho sa akin. So far, you are the most perfect secretary I been have. Ikaw lang din ang tumagal sa akin ng ganito na hindi ako nahihirapan na pakisamahan." Nakaramdam ng kakaibang saya sa puso niya si Jas ng marinig ang sinabing iyon ng boss niya. Ngayon lang siya nakarinig ng ganoong papuri mula sa boss niya kahit sa ibang naging boss niya. Para kasi sa mga ito ay kagandahan niya lang ang kaya niyang ma-ipagmamalaki. "Thank you, Liam. I never heard that from my former boss," aniya pagkalipas ng ilang sandali. "Oh! You're welcome then." Ngumiti siya dito. Biglang gumaan ang loob niya sa lalaki. It's just a simple complement but it hit hard for her. "So, it's nice working with you. Magaling kayong boss at marami akong natutunan sa inyo. At saka, sa inyo ko nahanap ang boss na gusto ko. Trabaho kung trabaho po. Napaka-professional niyo. Kaya hanga po ako sa isang tulad niyo." Tumungo si Liam at uminum ng tubig. "That's good to know. Sabi mo nga noong interview mo ay nagkaka-interest sa iyo ang mga dating boss mo. Can you tell me further about that?" Muli siya natigilan sa tanong na iyon. Umiwas siya ng tingin. It's not a make up story but suddenly she become uncomfortable. Mukhang napansin din naman iyon ni Liam kaya umupo ito ng tuwid at tumikhim. "If you don't want to talk about it. It's fine with me. Forget that I ask those questions. You can continue your food, Sarah." Hindi siya nakapagsalita. Ngumiti lang siya sa boss niya at muling pinagpatuloy ang pagkain. Nagpapasalamat siya at na-uunawaan ng kanyang boss. She doesn't want to remember those ugly scenes. Mga pangyayari na kahit ilang buwan ng lumipas ay nangingilabot pa rin siya. Naging tahimik na lang silang pareho ni Liam hanggang sa matapos silang kumain. Of course, her boss pays for their food. Naglalakad na sila sa mall at pareho silang tahimik. "Are you going home after this?" tanong ni Sir Liam sa kanya. "I think so. Wala na rin naman akong bibilhin," aniya. "If that so. Want to come with me?" "Huh? Where?" "You see. Come on." Pinindot ng boss niya ang elevator. May isang ngiti na sumilay sa labi nito. NAKITA NIYA SA ENTRANCE ng shooting range si Patrick ng dumating siya. Bumaba siya ng kanyang kotse. Iikot na sana siya para pagbuksan ng pinto si Sarah ng lumabas na rin ang babae. Kapag ito talaga ang kasama niyang babae ay hindi niya magawang maging gentleman. This woman is very independent. Dahilan kung bakit pinupukaw nito ang interest niya na dapat hindi niya maramdaman sa babae. "Welcome to my past time, Ms. Mercado." Nakangiting sabi niya dito. Nakikita pa rin niya ang pagtataka sa mukha ni Sarah pero sumunod pa rin sa kanya ang babae. Lumapit sila kay Patrick na siyang may-ari ng lugar na iyon. "Hey!" Itinaas niya ang kamay. Nakipag bro-shake naman ang kaibigan. "Hey, Liam. Akala ko ba ay may lakad ka ngayon kaya di ka makakapunta dito." "Change plan. Zj have a date with his girlfriend. Naging third wheel ako ng wala sa oras dahil sa kapatid kong iyon. Hindi sinabi sa akin na may usapan pala sila ni Alicia." Tumignin siya sa likuran niya. "Mabuti na lang at nakita ng kapatid kong ito ang sekretarya ko. Niyaya ko na lang siya dito." "Oh! Kaya naman pala. This is not the place for a date, my friend." May kalakip na panunuksong sabi nito. "Shut up. We are not here to date. Gusto ko lang turuan mag-target shooting itong sekretarya ko." May inis niyang wika. Napatingin siya kay Sarah. Wala naman siyang nakitang pagbabago sa mukha nito. Kung ganoon ay baliwala lang dito ang sinabi ng kanyang kaibigan. Nag-aalala pa naman siya na baka ma-ilang ito ngunit hindi pala katulad ng ibang babae si Sarah. She is different. Totally different. "Okay! King is inside. Assist na lang niya kayo. Kailangan ko bumalik ng Dark Club dahil may importante akong gagawin." Hinawakan ni Patrick ang balikat niya. "Yeah!" Gumanti naman siya ng pagtapik dito. Nguniti lang si Patrick at naglakad palapit kay Sarah. Salubong ang kilay na napatingin siya sa kaibigan. "Hello, I'm Patrick Parker. You must be Ms. Mercado. Nice to meet you. Nj told me about you." Inilahad ni Patrick ang kamay nito kay Jasmine. "Oh! I'm Sarah Jane Mercado, Sir Parker. I'm Sir Liam's new secretary." Tinanggap ni Sarah ang pakikipagkamay ng kaibigan niya. Tinaasan naman niya ng kilay ang kaibigan ng tumingin ito sa kanya ngunit hindi iyon pinansin ni Patrick. Tumaas pa nga ang isang sulok ng labi nito. Dagdag na naman ito sa mga taong nais siyang tuksuin. "Your boss doesn't want to introduce you. So, I introduce myself." Parinig ni Patrick sa kanya. "Well, Boss is always like that," ani ni Sarah. "Oh! Really?" isang nakakalukong tingin ang ibinigay sa kanya ni Patrick. Lalo siyang na-inis sa kaibigan. Kaya bago pa ito may masabi na kung ano kay Sarah ay nilapitan na niya ito. "Stop messing around. Baka sabihin ko doon sa babaeng nagugustuhan mo na siya pa rin hanggang ngayon ang gusto mo. Alam ko kung sino siya." Instead of feeling threatened about what he said, Patrick just laughs. "Bye, Sarah. Nice to meet you again. I need to go. Brod, enjoy your day at the shooting range. I tell Shan and Joshua about this." At umalis na nga talaga ang kaibigan niya bago pa siya makapagsalita. Nais niyang pagsisihan na doon niya dinala si Sarah. Magiging sentro na naman siya ng tuksuhan ng mga kaibigan niya. Napatingin siya kay Sarah. Nakatingin din pala ito sa kanya. Himinga siya ng malalim. Iniwaglit niya muna ang dilema sa kanyang isipan. Saka na niya iisipin ang bagay na iyon kapag kaharap na ang mga kaibigan. "Let's go inside," aniya at tinalikuran na ito. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso ng magtagpo ang kanilang mga mata. This feeling is not good but he wanted to keep it. Nais niyang malaman kung saan ba papunta itong nararamdaman niya sa babaeng ito. Dahil alam niya, ngayon palang ay hinahangaan na niya si Jasmine. This woman is very different to any woman he meets.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD