IKINASA NI LIAM ANG hawak na baril. Nakita niyang mataman na nakatingin doon si Sarah. Ngumiti siya sa babae. Kanina pa ito tahimik. Nakatingin din ito sa paligid at napansin niya na hindi ito mapalagay. Inilapit niya ang sarili dito.
"Don't worry. This place is safe. Maraming CCTV at well-train ang mga staff dito," aniya dito.
Napatingin sa kanya si Sarah pero agad din umiwas. Nawala ang tapang sa mukha ng babae. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang ganoon ang reaksyon at ekpresyon ng mukha nito. He is wondering why.
"Come on. I teach you to shoot." Hinawakan niya ito sa balikat para iharap sa target range nila.
Inilapag niya ang baril na hawak bago ito hinawakan. Napansin niya din kasi na titig na titig si Sarah sa baril. Para bang isang kaaway ang baril kung tingnan nito. Hinuhulaan lang niya pero may hinala na siyang takot sa baril si Sarah. Sa likuran ng babae siya tumayo.
"Relax, Sarah." Bulong niya dito ng mapansin na nanigas ang likuran ng dalaga.
Naramdaman niya iyon dahil idinikit niya ang katawan dito. Hindi lang iyon, pumiksi pa ang babae. Sarah seems not comfortable on man touch. Lalong lumalaki ang hinala niya na may masamang karanasan ang babae sa dating amo nito. Naalala niya ang araw na nag-aapply ito. Nabanggit nga pala nito na asal hayop ang dating boss. Kaya napagtagpi-tagpi niya na maaring may hindi magandang karanasan ang babae sa mga lalaking iyon.
Inilayo niya ng bahagya ang sarili sa dalaga. He wanted her to feel comfortable. Naisip niyang isama doon ang babae para matuto itong humawak ng baril at maipagtanggol ang sarili. Alam niyang matapang na babae si Sarah pero hindi pa rin sapat ang tapang na iyon.
Kinuha niya ang baril na nakalapag. Itinaas iyon at kinuha ang isang kamay nito. Nararamdaman niya ang paninigas ng kamay nito.
"Hold this gun." Inilagay niya sa kamay nito ang baril na hawak.
Hinawakan niya ang isa pang kamay nito at inilagay sa baril. He teaches her how to hold the gun properly. Agad naman nakuha ni Sarah ang sinabi niya. Mahigpit na hinawakan nito ang baril. May distansya sa pagitan nila kaya napansin niyang huminga ito ng malalim. Hindi napigilan ni Liam na sumilay ang isang ngiti sa labi niya. Bumabalik na ang tapang ng babae. Handa na itong matutong bumaril.
"Relax more, Sarah. Itutok mo sa target ang baril tapos kalabitin mo ang gatilyo."
Sinunod ng babae ang sinabi niya at isang putok ng baril ang narinig sa range. Nakita niyang nagulat pa ang babae at muntik ng mabitiwan ang baril. Napangiti siya sa munting reaksyon nito. It's a natural reaction for a person. Ngayon niya napatunayan na iyon ang unang pagkakataon na nakahawak ng ganoong bagay ang dalaga.
"Hey! It's okay. You did great." Bulong niya dito.
Napatingin sa kanya ang babae. Napa-atras siya ng bahagya dahil muntik ng magdikit ang kanilang mukha. Tumikhim siya at napatitig sa mga mata nito. Di maitago ang saya sa mga mata ni Sarah. Tuwa na siyang nagpatulala sa kanya. Biglang tumigil sa pag-ikot ang mundo ni Liam. Napatitig lang siya sa mga mata ng dalaga. Napakaganda ng mga mata ni Sarah ng mga sandaling iyon. Para siyang dinadal sa lugar na hindi pamilyar sa kanya.
"Can I try one more?" tanong nito.
Para naman nagising si Liam sa tanong na iyon ng babae. Napakurap siya at bahagyang umiwas ng tingin. "Y-yeah! Of course." Sagot niya.
Ngumiti si Sarah. Kinuha nito ang baril na hawak kanina at nagsimulang magpractice. Sumandal naman siya sa gilid at pinagmasdan ito. Napangiti siya ng makitang sunod-sunod ang ginawang pagkalabit nito sa gatsilyo. Wala na ang takot at pagkagulat nito sa bawat bitaw ng bala. Mabilis lang pala talaga mawala ang takot ng babae. Sarah is really a strong woman and extra ordinary. He never meet a girl like her.
"Oh!" reaksyon ni Sarah ng makita ang resulta ng ginawa nito.
Kahit siya ay nagulat din sa nakita. Napataas pa nga ang dalawa niyang kilay. She is really a talented. Walang mintis ang pagtama ng bala. May dalawang tama sa ulo ang target nito. For a first timer, Sarah did really great. A sharpshooter in a first try.
"Wow! I can't believe you hit the target." He proudly said.
"Mukhang siya ang dapat magturo sa iyo at hindi ikaw, Liam." May panunuksong wika ni King.
Tumawa lang siya ng mahina. At inayos ang bagong target paper. Isinuot niya ang headset at kinuha ang baril. Gamit ang isang kamay ay pinaputukan niya ang papel. Seryuso siya habang nakatingin sa kanyang target. Pagkalipas lang ng ilang sandali ay natapos siya. Inilapit niya ang papel pagkatapos ilapag ang baril.
Nang makalapit ang papel ay napangiti siya. Iba nga talaga kapag sumeryuso siya. Limang bala ang tumama sa ulo ng kanyang target. He feels so proud. Tumingin siya kay King na nakamasid lang sa kanila ng mga sandaling iyon.
"You think I'm weak, King." Pagmamalaki niya sa kaibigan.
"Yeah, right." Tumingin ito kay Sarah. "Your muse is here. Of course, you need to be good."
Bago pa siya makapagsalita para itama ito ay tumalikod na ang kaibigan. Napa-iling na lang siya at tumingin kay Sarah. Nakatingin din sa kanya ang babae. May ningning pa rin sa mga mata nito. Inalis niya ang suot na headphone at lumapit dito.
"Are you okay?" tanong niya.
"Okay lang ako, Liam. Salamat at isinama mo ako dito." Masayang wika nito.
"Ow! You're welcome. I hope you enjoy It."
"I enjoy it, Liam."
Ngumiti siya. Hindi niya alam pero napuno ng kasayahan ang puso niya. He likes this kind of moment with Sarah. Natutuwa ang puso niya at hindi niya iyon nararamdaman sa ibang babaeng nakasama niya. This woman makes him feel so different.
Now, is he ready to break his own rule for this woman? Is she worth it?
INILAPAG NI JAS ANG KANYANG bag sa gilid ng kanyang mesa. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang nakapatong na isang tangkay ng pulang rosas. Kinuha niya iyon at tiningnan. Wala siyang napansin na iba maliban doon. Sino naman kaya ang nag-iwan ng bulaklak na iyon?
Napa-iling siya at nilagay sa lagayan ng kanyang ballpen. Wala siyang panahon na alamin kung sino ang nagbigay noon. Marami siyang naiwang trabaho noong biyernes. Wala pa ang boss niya kaya may oras pa siya para ayusin ang mga ilang bagay.
Seryuso siyang gumagawa ng letter ng may naglapag ng isang cup ng kape. Nagtaas siya ng tingin at nakita niyaa ng boss niya.
"Coffee," anito at tinalikuran na siya.
Napatingin si Jas sa iniwan na kape ng boss niya. Sa isang kilalang coffee shop iyon binili ng boss niya. Hindi lang basta kilalang coffee shop. Isa iyon sa paborito niyang coffee shop dahil nasa tapat lang iyon ng kanilang opisina. Madalas siyang magpabili sa mga kasama kapag bumaba ang mga ito.
Kinuha niya iyon at tiningnan kung tama ang hinala niya. Hot Mocha ang laman. Lalong salubong ang kilay niya dahil iyon ang madalas niyang bilhin na kape. Paano nalaman ng boss niya na iyon ang gusto niyang kape?
'May ganito palang side ang boss niya. Nakakagulat naman. Well, baka nagkataon lang ang lahat. Malabo naman na mag-effort ng ganoon ang boss niya para sa kanya. Wag natin bigyan ng malisya.' Kistigo niya sa sarili.
Nagsimula na siyang magtrabaho ulit. Pumasok din siya para ibigay kay Liam ang ilang importanteng papeles. Binanggit din niya ang schedule nito. Wala naman sinabi ang boss niya tungkol sa pagbigay nito ng kape sa kanya. Binaliwala lang din niya dahil maaring ngang nagkataon lang ang lahat.
Pagsapit ng hapon ay lumabas si Liam para sa isang meeting. Hindi na siya sumama dahil kasama nito ang marketing head ng kompanya. Paniguradong ang sekretarya ng marketing department ang kasama ng mga ito. Itinutok na lang ni Jas ang sarili sa trabaho. Nais niyang umuwi ng maaga ngayon.
Malapit na ang uwian ng dumating si Liam na siyang ikinagulat niya. Madalas kasing hindi na ito bumabalik ng opisina kapag mayroon kaka-usapin sa labas. Sa loob ng ilang buwan niyang pagtatrabaho dito ay alam na niya ang galawan ng boss niya.
Kaya naman pumasok siya sa loob ng opisina nito.
"Sir Liam, may kailangan po kayo?" tanong niya.
Nagtaas ng tingin si Liam ang napatingin sa kanya. Seryuso ang mukha ng kanyang boss at hindi nababakasan ng pagod kahit buong maghapon ito sa labas at ka-usap ang mga kilalang tao.
"Oh! Can you order me dinner? I'm going to work until midnight. I need some energy."
"Of course, Sir. Any food you prepared?"
"Ahmm..." nag-isip na ang binata bago nagsabi na gusto nito ng Korean food.
"Okay, Sir. I will order a food for you." Tatalikod na sana siya pero muli siyang tinawag ng lalaki.
"Sarah, order also for you."
"Po?" Nagtatakang tanong niya.
"You will also need to work overtime tonight. May kailangan tayong tapusin ng project. This is important because our client was from Japan. I need this project so much, Sarah"
"Oh!" Nagulat siya. "Okay, Sir Liam. I will order two foods for the two of us."
Mukhang kailangan niyang mag-kansel ng lakad ngayong araw. May usapan pa naman sila ni Lissy at Prim na magkita. It's friday and she doesn't have work tomorrow. Kaya naman balak nilang mag-bar hopping. Matagal-tagal na rin mula ng huling lumabas sila.
Pagkatapos niyang sabihin kay Liam ang balak na orderin na pagkain ay lumabas na siya ng opisina nito. She orders two bibimbap, kimchi and kimbap. Kumuha na lang siya ng dalawang soft drinks sa pantry ng dumating ang order niyang food. Liam doesn't want to eat at his office. Ayaw daw kasi nitong mangamoy ang opisina nito. Kaya naman inayos niya ang pagkain sa pantry. Sariling pantry naman iyon ng binata at walang gumagamit noon kung hindi siya at ang lalaki.
Nang matapos sa pag-aayos ng pagkain nila ay pinuntahan niya ang boss niya. Mahina siyang kumatok sa pinto bago binuksan iyon. Abala pa rin ang lalaki ng pumasok siya.
"Yes, Sarah."
"Food is here. Let's eat first, Sir Liam."
Itinigil ng binata ang ginagawa at tumayo. Sabay sa pagtayo nito ay pagtingin sa kanya ng lalaki. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Akala niya ay ngingiti ang lalaki ngunit umiwas lang ng tingin. Nanatili ang kaseryusuhan sa mukha nito. Lumapit ang lalaki sa kanya.
"Let's go." Na-una ng lumabas ng opisina nito si Sir Liam.
Sumunod naman siya sa kanyang boss. Sa pantry pumunta ang lalaki. Akala niya ay uupo ito ngunit lumapit lang ito sa refrigerator at kumuha ng dalawang mineral water. Nang umupo ito ay saka naman siya umupo. Tiningnan ng lalaki ang order niya. Wala siyang nabasang kahit ano sa mukha nito kaya pinalagay niya ang sarili na ayos lang dito ang binili niyang pagkain.
"Have a seat. Kumain ka na rin at marami tayong kailangan tapusin na trabaho," anito.
Tumungo si Jasmin at nagsimula na rin kumain. Pareho lang silang tahimik ng kanyang puso. Pamaka-maka ay tumingin siya dito. Ngayon niya lang napansin na sobrang kinis pala ni Sir Liam. Wala siyang napansin na kahit anong piklat sa mukha nito. Liam have vivid skin color but even so, he still look so handsome. Malakas ang dating ng boss niya. Hindi nakakapagtaka kung nagkaroon ng interest ang mga dati nitong sekretarya.
Sino pa naman hindi, di ba? Liam is rich and handsome. Napakaswerte ng taong magugustuhan nito pero nakaka-awa din. Wala kasing oras ang boss niya panigurado. Masyadong abala sa negosyo ang lalaki. Ito kasi talaga ang pinagkakatiwalaan ng magulang nito. Marahil dahil ito ang panganay. Liam is very responsible son and older brother.
"So, may dumi ba sa mukha ko para titigan mo ako ng ngayon?"
Natigilan si Jas ng marinig ang tanong na iyon ni Liam. Tumikhim siya dahil muntik na siyang masanib ng kanyang laway. Napansin pala nito ang ginawa niyang pagtitig. Nakakahiya at baka kung anong isipin ng lalaki. Umiwas din siya ng tingin.
"Wala po, Sir. Iniisip ko lang po kung nagustuhan niyo ang binili kong pagkain para sa inyo."
"Food is great. Pero mukhang ikaw ang ayaw sa pagkain na binili mo."
"Huh?" Napatingin siya sa pagkain niya ng ituro iyon ni Sir Liam.
Doon niya lang napansin na di pa pala niya nagalaw ang kanyang pagkain. Kunti palang ang bawas noon. Napayuko si Jas dahil nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi. Nakakahiya talaga. Baka kung ano isipin ni Sir Liam. Baka hindi niya matapos ang anim na buwan dahil palalayasin na siya ng boss niyang ito.
Hindi na siya muli pang tumingin kay Liam. Itinuon na lang niya ang atensyon sa pagkain na hindi na niya malasahan dahil sa nangyari kanina. Mabilisan na rin ang ginawa niyang pagkain dahil alam niyang hinihintay na siya ng kanyang boss.
Natigil sa huling pagsubo ng pagkain si Jas ng inilapag ni Sir Liam ang mineral water sa harap niya na binuksan nito.
"Drink this and take your time. I will be heading back to finish some of my papers works. We will discuss the project once you have done it here."
Tumayo na si Sir Liam at iniwan siya doon. Sinundan na lang niya ng tingin ang kanyang boss. Nagulat pa rin siya sa ginawa nitong pagbukas ng mineral water. What is that? Napansin ba nito na hindi siya umiinum ng mineral water dahil hindi niya iyon kayang buksan. Madalas kasi iyon mangyari sa kanya. Kaya nga di siya bumibili ng mineral water kahit noon pa.
Si Boss Liam ba talaga ang kasama niya ng mga sandaling iyon? Bakit parang ibang tao yata ito?
Dahil ang kilala at kasama niya ng ilang buwan na amo ay lalaking walang paki-alam sa kanyang sekretarya.
INIHINTO NI LIAM ANG KOTSE SA GILID NG DAAN. Nasa tapat na siya ng inuupahang bahay ni Sarah. Nalaman niya sa dalaga na sa Caloocan ito tumutuloy ngayon. Nagulat pa siya ng sabihin nito dahil ang alam niya ay nasa Quezon City ito tumutuloy. Minsan na rin kasi niya hinatid ang dalaga sa apartment nito. Kaya nagulat siya ng sabihin nito na sa Caloocan niya ito ihatid. Sinabi ng babae na lumipat na ito kamakailan lang na siyang ikinataas ng kilay niya.
It's already quarter to eleven. Tinapos nila ang project na kailangan i-present sa Japanese investor nila. Nais niya kasing maging maayos ang gagawin pakikipag-usap doon. Hindi lang iyon, ipapakita din niya iyon sa mga kapatid para makuha ang opinion ng mga ito. Hindi niya akalain na sasamahan siya ni Sarah.
Akala niya ay tatanggi ito dahil napapansin niya na maaga ito laging umuuwi. Kung mag overtime naman ito ay bilang lang talaga sa daliri. Pansin din niya na laging tinatapos nito ang trabaho bago umalis ng opisina. Kaya nga napahanga siya sa time management nito. Sa uri ng trabaho na meron ito ay talagang madalas na maraming kailangan gawin.
Napatingin siya sa labas ng kotse. Maayos naman ang lugar na iyon ngunit napansin niya na may nag-iinuman sa unahan bago makarating sa bahay ng dalaga. Hindi niya nagustuhan ang lugar. Mukha naman maayos ang lugar pero para sa kanya ay hindi pa rin safe.
He will take note that he won't let Sarah takes overtime again unless she is with him. Na mahahatid niya ang dalaga sa lugar na iyon. Napatingin siya kay Sarah. Mahimbing ang tulog nito. Mukhang napagod ito sa ginawa nila. Inilagay niya ang isang kamay sa pisngi at inilagay naman ang siko sa manubela.
Pinagmasdan niya ang maamong mukha ni Sarah. Naalala niyang sinabi ng babae na may kasintahan na ito pero kahit isang beses ay walang sumundong lalaki sa dalaga. At alam niyang nagsinungaling ang dalaga sa kanya sa bagay na iyon. Maaring sinabi lang nito na may kasintahan ito para makapasok. At napatunayan niya iyon ng tanungin niya ito noong hindi sinasadyang makita nito ni Zj sa mall. The way she shutter that day. He already get to know the truth.
Itinaas niya ang isang kamay at inalis ang ilang hibla ng buhok sa mukha nito dahilan para magising ang dalaga.
Mabilis siyang umupo ng maayos. Ibinalik ang kaseryusuhan sa kanyang mukha. Tumikhim din siya. "I think we are here."
Tumingin si Jas sa labas. Salubong ang kilay nito pero saglit lang iyon dahil lumiwanag din. "Ahh! Yeah! Tama po kayo, Sir Liam."
Napangiti siya sa pagkakataranta nito. Inalis ng babae ang seatbelt at humarap sa kanya. "Salamat sa paghatid, Sir Liam. Ingat po kayo sa pag-uwi."
"You're welcome. Thank you din dahil sinamahan mo akong tapusin ang project na ito."
"Naku, Sir Liam. Walang anuman. Trabaho ko din naman pong samahan kayo. Bye po. Good night, Sir." Kumaway si Sarah at mabilis na bumaba ng kanyang kotse.
Umikot ang dalaga. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang kumatok ito. Lumingon pa ito sa kanya habang hinihintay na bumukas ang pinto ng bahay. Nasalubong naman ang kilay niya. Akala ba niya ay umuupa doon si Sarah. Bakit kailangan pa nitong kumatok?
Nakita niyang suminyas si Sarah na maari na siyang lumabas ngunit hindi niya sinunod ang dalaga. Bugkos ay binuksan niya ang bintana. Dahil may kalapitan lang naman ito ay sinabi niya ang nilalaman ng kanyang isipan.
"You don't have the key?"
"No, Sir. Kwarto lang kasi ang inuupahan ko dito. May tao tu----" Hindi na natapos ni Sarah ang pagpapaliwanag ng bumukas ang pinto at lumabas ang isang babae.
"Anong gi---" Nagulat ang babaeng bagong labas ng takpan ni Sarah ang bibig nito at tumingin sa kanya.
"Sir, good night po. See you tomorrow. Bye."
Hindi na siya nakapagpaalam ng maayos dito ng hinila ni Jasmine ang babae na tinatakpan pa rin nito ang labi papasok ng bahay. Nagsalubong ang kilay niya dahil sa pagtataka.
Something is not correct.
Kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa at may tinawagan. Akala niya ay hindi sasagutin ng kaibigan ang tawag niya dahil alam niyang abala ito ngayon sa bar.
"Hey! Napatawag ka?" Tanong nito. Naririnig niya ang ingay ng music sa background.
"I want you to investigate someone for me," aniya.
"Who?" Mukhang pumasok ng kanyang opisina si Patrick dahil nawala na ang ingay.
"My secretary."
"What?" gulat na tanong ni Patrick. "Bakit gusto mong pa-imbestigahan ang sekretarya mo? May nangyari ba?"
"Nothin happens. It's just I want to know her better." Palusot niya sa kaibigan.
"Oh no... You can't lie to me, Liam. Tell me the truth. Bakit gusto mong pa-imbestigahan ko si Sarah Jane Mercado?"
Huminga siya ng malalim. "I really can't hide something from you."
"You know me. Now, shoot."
Tumingin siya sa pinto ng pinasukan ni Sarah. "I think she is hiding something from me. I have this guts that she came from a wealthy family. At ngayong gabi nga ay napatunayan ko na nagsisinungaling siya sa ilang bagay tungkol sa pagkatao niya."
"Wait! I don't get it. How can you say that she lied to you?"
Kinuha niya ang isa pang mobile phone. "Dahil ang sabi niya ay lumipat siya ng tinutuluyang bahay. Room lang ang kinuha niya pero mukhang may mali dahil na rin sa kinikilos niya?"
Ilang sandaling hindi nagsalita si Patrick. "Okay. I'll do what you say."
"Thank you, Patrick. I own you one."