"ANO 'YON?" tanong agad ni Carila ng makapasok sila sa bahay nito.
Inilagay niya ang kamay sa labi para sabihin dito na tumahimik. Baka kasi marinig sila ng pamilya nito.
"Tulog na sina Nanay at Tatay. Buti na lang at ako ang nagising sa ginawa mong pagkatok." Inis na wika ng kaibigan.
Umupo ito sa sofa na naruruon pagkatapos siyang talikuran. Sumunod siya sa kaibigan at umupo. Napagod siya ng sobra ng araw na iyon. Overtime is really tiring for her. Isinandal niya ang katawan sa sofa.
"Care to explain now?" Pinandilatan siya ng mga mata ni Carila.
Mukhang wala siyang choice kung hindi sabihin dito ang totoo. Hinarap niya ang kaibigan.
"That's my boss. His name is Liam Tolentino. Hindi mo ba nakita ang mukha niya?"
"My dear friend, paano ko makikita eh mabilis mo akong hinila papasok at nasa loob siya ng kanyang sasakyan. Ang alam ko lang ay lalaki ang kasama mo." Inis na wika ng kaibigan.
Okay. Mabilis nga pala niyang hinila ang kaibigan kaya di talaga nito napagmasdan ang mukha ni Liam. Tumikhim siya.
"Iyon nga. Boss ko iyon. Nag-overtime kami. At dahil masyado ng late, nagsabi siyang ihatid ako. Hindi naman ako makatanggi dahil alam mong anumang oras ay mahahanap ako ni Daddy."
"At bakit dito ka sa bahay ko nagpahatid?"
"Kasi hindi niya pwedeng malaman na sa isang subdivision ako nakatuloy. Hindi niya pwedeng malaman ang totoo kung bahay dahil maari niya rin malaman ang totoo kong pagkatao."
"Hindi ba at may apartment ka malapit sa bahay mo?"
"Nalaman na iyon ni Daddy noong isang araw. May taong umaaligid na doon. Kaya pansamantala sa isang bahay ni Lola ako tumutuloy ngayon."
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Carila. Nakaramdam naman ng lungkot si Jas. Mabigat din pala sa pakiramdam ang ginagawa niyang ito. Niluluko niya kasi ang boss niya. She knows what she doing is wrong but what she can do. Hindi siya pwedeng gumamit ng totoong pangalan dahil maari siyang mahuli ng ama.
"You still using that fake name of yours. Buti at di ka pa nahuhuli sa ginagawa mo, Jas. Paano kapag nahuli ka ng mga Tolentino? Siguradong ipapakulong ka nila." Pangaral ni Carila.
"They won't. Alam mong walang butas ang mga pinapasa kung dokumento. Tanging diploma at transcript ko lang naman ang dinaya ko. At saka, kung sakaliman mahuli nila ako ay madali na lang sa akin magtago. I been doing it for so many years, anyway."
Hindi nagsalita si Carila. Isang malalim lang na paghinga ang ginawa nito. Alam ni Carila ang tungkol sa buhay niya. Ito ang tinuturing niyang best friend. Madalas ito ang kasama niya dahil madali itong labasan ng sama ng loob. Carila is her shoulder. Mabait din sa kanya ang pamilya nito kaya naman palagay siya sa bahay ng mga Salmingo.
"Mag-ingat ka lang, Jas." Tumayo si Carila at inilahad ang isang kamay. "Come on. Let's take a rest. Alam kong pagod ka ngayong araw. Sabay na rin tayong pumasok bukas."
Ngumiti siya sa kaibigan at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. She clings to her friend.
"Pahihiramin mo ako ng damit mo?" tanong niya.
"May magagawa pa ba ako? Hindi ka naman pwedeng pumasok ng opisina na ganyan ulit ang suot. Mahuhuli ka ng boss mo."
Niyakap niya ang kaibigan dahil sa narinig. "I love you, best friend."
"Wag ako, Jane Sarah Gomez." Tinulak siya ng kaibigan pero hindi naman malakas kaya hindi nito na alis ang pagkakayakap niya dito.
Tumawa lang siya. She really grateful that she has a friend like Carila. Malas man siya sa magulang ay maswerte naman siya sa mga kaibigan at pamilya ng mga ito. Mas anak pa nga ang turing ng mga ito sa kanya kaysa sa totoo niyang magulang. Her father only saw her as a business tool. Isang bagay na pwede nitong gamitin para lumago ang negosyo.
JAS ALWAYS GOT ON TIME. Pero nitong huli ay mas inagahan pa niya ang pagpasok sa opisina. Ilang linggo na kasing mas na uuna sa kanya si Liam. Nahihiya siya dahil ito ang boss pero mas maaga pa sa kanya. Ngunit kahit anong gawin nya ay mas maaga pa rin ang lalaki. At sa tuwina ay may nakikita na siyang kape sa table niya.
Nagtataka naman siya dahil araw-araw na iyon. Hindi na siya mapalagay pa. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano pero para kasing hindi tama na bigyan siya ng kape ng kanyang boss. Ayos lang sana kung isang beses sa isang linggo pero hindi eh.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Jas at kinuha ang kape na nakapatong sa table niya. Walang note iyon pero alam na alam niya naman kung sino ang nagbigay. Kinuha niya ang note pad at lumapit sa pinto ng opisina ng kanyang boss. Kumatok muna siya bago pumasok sa loob.
Naabutan niyang may binabasang papeles ang lalaki. Nagtaas ito ng tingin kaya nagtagpo ang kanilang mga mata. Umiwas siya ng tingin. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang na ilang. Hindi niya din nagustuhan ang pagbilis ng t***k ng kanyang puso.
"Good morning, Sir Liam. Here's your schedule for to----"
"Good morning, Sarah. Can you give me my schedule later? I have someth---"
"Okay then but I need to tell you something." Putol niya sa ibang sasabihin nito. Ibinaba niya ang hawak na note pad at tumayo ng tuwid.
Nagtagpo naman ang kilay ng kanyang boss. Kailangan niyang sabihin ang nasa kanyang isipan ngayon dahil kapag di niya iyon ginawa ay baka umurong ang tapang niya. Pagdating pa naman sa lalaking ito ay nag-iiba ang pagkatao niya ng hindi nalalaman.
"Sir Liam, can you stop giving me coffee every morning?"
Nagulat ang lalaki sa tanong niyang iyon. Kaya naman sinamantala niya. Huminga siya ng malalim.
"Alam kong professional kayong tao sa oras ng trabaho. At alam ko na may malasakit ka sa mga empleyado mo pero sana ay itigil mo na ang ginagawa mong paglalagay ng kape sa table ko. I appreciate what you are doing. I'm very grateful, Sir Liam. But let's set boundaries, Sir."
Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila ng kanyang boss. Nakatitig lang sa kanya ang lalaki. Mabilis naman ang t***k ng kanyang puso. Kinakabahan talaga siyang komprontahin ang kanyang boss pero nais niyang matigil na ang ginagawa nito.
Bubuka sana ang mga labi ni Sir Liam ng may narinig silang isang mahinang pagtawa. Tumaas ang balahibo ni Jas sa batok at unti-unting lumingon. Doon ay nakita niya ang dalawang lalaki na naka-upo sa sofa. May mga ngiting naglalaro sa labi ng mga ito.
Mabilis na umiwas ng tingin si Jas ng kumaway ang isa sa mga lalaking nandoon. Nararamdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha at katawan.
Kanina pa ba ang mga ito?
Siya na rin ang sumagot sa tanong niyang iyon. Of course, they are already there before she enter. Narinig din ng mga ito ang mga sinabi niya. Thinking about it, she wanted the land to eat her alive. Nakakahiya. Nakakahiya ang ginawa niya at pinagsasabi niya.
"Sarah, I k---"
Hindi na natapos ni Sir Liam ang sasabihin ng muli niya itong putulin. "I'll be back later."
Mabilis pa sa alas-kwatro na lumabas siya sa opisina nito. Para siyang hinabol ng kabayo sa sobrang pagmamadali niyang makalabas doon. Tuloy-tuloy siya hanggang sa bathroom at doon ay tumili ng malakas.
Ito na yata ang nakakahiyang pangyayari sa buhay niya. Bakit ba kasi di niya napansin ang dalawang lalaking iyon? Alam niyang kaibigan ni Sir Liam ang mga ito. Ano na lang ang mukhang mahaharap niya sa mga ito kapag nakaharap sa mga business deal?
'Ang tanga mo, Jas. You dig your own grave.'
NAIS NG BATUHIN NI Liam ang dalawang lalaki na nasa sofa ngayon at pinag-aaralan ang isang video. Di niya alam kung bakit dito pa sa opisina niya na-isipan ng mga ito na pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon. May mga sariling opisina naman si Patrick at Asher pero dito talaga nagkampo sa opisina niya.
"Kapag di pa talaga naalis iyang ngiti sa labi mo, lalabas ka talaga sa opisina ko na may bukol," aniya sa kaibigan.
Tumingin sa kanya ang dalawang kaibigan. Kagaya ni Asher ay may naglalaro ding ngiti sa labi ni Patrick.
"Isa ka pa." singhal niya.
Tumawa lang ang dalawang kaibigan. Tumayo si Patrick at lumapit sa kanya. umupo ito sa visitor chair na nasa harap niya.
"Mukhang basted ka sa secretary mo. Nagsisimula ka pa lang pero pinapatigil ka na agad."
Madilim ang mukhang hinarap niya ito. Gusto niyang sigawan ito pero bigla niyang naalala ang sinabi ni Sarah kanina. The woman doesn't like what he doing. Hindi nga niya alam kung bakit nga ba niya ginagawa iyon. He just remember her when he is buying coffee. Pero kahit ganoon ay nasaktan siya sa sinabi ng babae. At hindi niya alam kung bakit nasasaktan siya.
"Sinabi mo na ba sa kanya na gusto mo siya?" tanong ni Asher.
Napatingin siya sa kaibigan. "What are you talking about?"
Nagkatingin ang dalawang kaibigan niya.
"Yeah! I got my answer," wika ni Asher at tumalikod para bumalik sa pagkaka-upo sa sofa.
Si Patrick naman ay isang malalim na paghinga ang ginawa. "You should sort out your feeling for your secretary, Liam."
"Why should I? Binigyan ko lang naman siya ng coffee dahil naalala ko siya sa tuwing napapadaan ako sa umaga." Paliwanag niya sa kaibigan.
"Precisely. Why did you remember her of all the people? And it's not like you, Liam. Hindi ka ganyan kahit noong naging kayo ni Vanilla Kris noon."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi nito.
Isang malalim ulit na paghinga ang ginawa ni Patick. "Remember when we're at college. I brought a cake because my sister ask me. Alam din natin na paborito din iyon ni Vanilla Kris pero hindi mo siya binilhan. Nagulat ka pa nga dahil alam ko ang gusto ng kasintahan mo."
Hindi siya nagsalita. Bigla siyang pa-isip at inalala ang sinabi nito.
"See! Hindi mo maalala ang mga ganoong bagay dahil wala kang paki-alam. Sige nga, anong paboritong pagkain nitong si Asher?" Tinuro nito ang kaibigan nilang nasa sofa.
Tumingin siya sa kaibigan ngunit umiwas lang ito ng tingin. Mukhang wala itong balak sabihin sa kanya ang nagugustuhan nitong pagkain. Sinamaan niya ng tingin si Patrick ngunit sinalubong lang nito iyon. Hindi talaga siya nito titigilan. Wala itong paki-alam sa umuusbong niyan inis.
"Fine. Ano bang gusto mong palabasin, Patrick?" Sumusukong sabi niya dito.
"That you like her. Na nagugustuhan mo na si Sarah."
"That's impossible. She is my secretary. I have my rules here inside my company. It's unbelievable that I break my own regulations. At saka, Sarah is not my type of girl. Kita mo naman ang pinagka-iba nila ni Va—"
"Never compare your ex-girlfriend to your new, Liam. May masasaktan kang damdamin kapag ganyan ang gagawin mo." Nagsalita na rin si Asher.
"I'm not comparing them, okay? I just want to say that Sarah is my secretary and you should stop saying crazy things."
Nagkatinginan ang dalawa. Umiling na lang si Asher at ibinalik ang atensyon sa ginagawa habang si Patrick ay ibinalik ang tingin sa kanya.
"I won't speak anymore. Pero sana, pag-isipan at pag-aralan mo talaga kung ano iyong nararamdaman mo kay Sarah."
Pagkatapos sabihin iyon ni Patrick ay tumayo ito para lumapit kay Asher. Sinundan niya ng tingin ang kaibigan. Siya naman ay na-iwan na nagpapa-isip sa sinabi nito. Dapat ba talaga niyang suriin ang nararamdaman kay Sarah? Is he really like his secretary?
'MEET ME AT CHAMP'S RESTAURANT'
Iyon ang pinadalang mensahe ng isa sa alaga ng kanyang ama na siyang tumutulong sa kanya para makapagtago dito. Nagtataka si Jas kung bakit bigla itong nagpadala ng ganoon. She doesn't reply to his message because it's his rules. Baka daw kasi malaman ng ama niya na tinutulungan siya nito. Siguradong mayayari ang lalaki.
Kaya naman pagkatapos ng kanyang trabaho ay agad siyang pumunta doon. Pero hindi agad siya pumasok. Sinuri niya muna ang lugar. Maraming tao doon na pumapasok at halatang ang may reservation lang pwede kumain. Mukhang pinaghandaan ng lalaki ang pagkikita nilang iyon.
Knowing this man, he thinks again of time. Kaya nga ito ang paborito ng kanyang ama. Ito ang kanang kamay ng walanghiya si Mr. Gomez. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahuhuli ng mga pulisya sa illegal nitong gawain dahil sa mga tauhan nitong masyadong ma-ingat sa mga galaw nila.
Suot ang biniling sombrero ay pumasok siya doon. Sinabi niya ang pangalan na ginagamit ng lalaki minsan at tama nga siya. Ang lalaki lang ang nandoon. Tinuro siya ng receptionist sa pinakadulong bahagi ng restuarant. Malapit iyon sa isang pinto na may nakalagay na 'Authorized personnel only'.
Tahimik siyang umupo at nilagay sa isang upuan ang bag. Tumingin sa kanya ang lalaki. Naguluto na ito ng pagkain nila.
"Good to see you in a good shape. Not having a hard time in your new work?" tanong nito.
"I'm doing good." kumuha siya ng isang tong at tinulungan itong maglagay ng gulay sa niluluto.
"Oh! That's good to know. Your mother was surely happy. Mrs. Gomez also guiding you above."
Tumigil siya sa ginagawa ng marinig ang pagbanggit ng lalaki sa pangalan ng kanyang ina. Tumikhim siya. This man is same age with her. Ang totoo ay kababata niya ito. Ang ama't ina nito ay katiwala sa kanilang mansyon. Ang pamilya nila ang nagpaaral dito. Kaya ng magtapos ito ay wala itong nagawa kung hindi sundin ang kanyang ama.
Bata palang ito ay alam na nito ang illegal na gawain ng kanyang ama. Malapit din ang lalaki sa Kuya Allan niya. This man, Quarter Farco Morin, is one of her good friend. Dating secretary ng kanya ama ang ama nito habang ang ina ay siyang mayordoma sa mansyon. Saksi ang pamilya nito kung gaano kalupit ang kanyang sariling ama sa kanyang ina. Alam ng mga ito kung gaano kasama si Mr. Gomez.
Kagaya niya nais din nitong makawala sa pagkakahawak ng kanyang ama ngunit saan tatakbo si Quarter. Nasa mansyon pa rin ang ina nito. Ang ama nito ay maagang namatay dahil sa isang sakit. Isang taon lang yata ang pagitan ng pagkamatay ng ama nito at ng kanyang ina.
"Quarter, bakit mo ako pinapunta dito? Alam mong ma-init ngayon ang ama ko dahil hindi niya ako mahanap," aniya sa kaibigan.
"Your father is going to Russia next week. Kaka-usapin niya ang isa sa mayamang lalaki doon para sa negosyo nito. Dahil nagmamahal ang gasolina ngayon nais niyang makakuha ng mas mura para mas nakakalaman siya sa ibang oil company sa bansa."
"Anong kinalaman ko doon?"
Noon pa man ay wala na siyang paki-alam sa negosyo ng ama. Wala din naman kasi siyang balak hawakan iyon. Nang mamatay ang Kuya Allan niya ay sinabi nitong siya ang magmamana ng negosyo nito kasama na rin ang illegal nitong gawain ay talagang natakot siya. Kahit isang beses ay hindi niya na-isip hawakan ang negosyo nitong galing sa masama.
"Kikitain din ng ama mo si Mr. Petrov, may anak siyang dalawang taon ang tanda sa iyo. Ang alam ko ay siya ang humahawak ng negosyo ng ama nito. Nagbibinta ng mga armas ang negosyo ng lalaki. At siya ang napili ng ama mo na ipakasal sa iyo."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Napa-upo siya ng tuwid.
"Wag mong sabihin na illegal ang pagbibinta ng armas ng pamilya ng lalaking iyon. At nais makipag-negosyo ng ama ko para tulungan ang sindekatong kinabibilangan niya?" Nabuhay ang galit sa puso niya.
Umiling si Quarter. "Walang illegal sa negosyo ni Mr. Petrov. Nagbibinta sila ng armas sa gobyerno ng Russia. Nais ng ama mo na ipakasal ka dahil ang mga Petrov ang isa sa mayamang pamilya sa Russia. At para na rin sa binabalak niyang negosyong itatayo dito sa Pilipinas. Kasama na rin doon ang illegal na pag-aangkat niya ng armas. Kilala mo naman ang ama mo, di ba?"
Tumungo siya. Gusto siyang ipakasal ng ama sa anak ni Mr. Petrov para makagawa ng panibagong illegal na negosyo. Hindi pa ito na kuntento sa illegal na pag-aangkat ng druga gamit ang negosyo nito. Gagawa pa ito ng isa. Nagtaas-baba ang dibdib ni Jas.
Lahat gagawin ng ama para lang sa masamang gawain nito. Pera na lang ang mahalaga dito. Hindi na nito iniisip ang nararamdaman niya. Tumingin siya kay Quarter. May pag-aalala sa mukha nito.
"Nakita mo na ba ang lalaking iyon. Anong buo niyang pangalan?" tanong niya.
Kinuha ni Quarter ang wallet nito. Iniabot nito sa kanya ang isang wallet size ng larawan. Tinanggap niya iyon.
Isang magandang lalaki ang tumambad sa kanya. This man is handsome. Mabuti ang lalaki, hindi kakapalan ang kilay na bumagay sa asul nitong mga mata. Pansin na pansin din ang kayumanggi nitong buhok. Payat ang mukha ng lalaki at matangus ang ilong. Malinis ang mukha nito na siyang magugustuhan ng isang babae.
"His name is Primo Jasper Petrov. He graduates Business Administration. Pumasok siya ng military for two years bago niya hawakan ang negosyo ng ama niya. He is a famous bachelor. Wala akong narinig na kasintahan niya ngayon. Kaya talagang target siya ng ama mo."
Isang mariin na pagpilit ang ginawa ni Jas. Kahit sinong lalaki pa ang napili ng kanyang ama ay wala siyang balak na pakasalan. Hindi niya hahayaan ang ama na kontrulin ang buhay niya. Siya ang pipili ng taong pakakasalan niya. Hindi niya hahayaan itong gawin ang gusto.
"I won't marry a guy unless I love him, Quarter. Kilala mo ako. Wala akong balak magpahawak sa ama ko."
"I know. Kaya nga tinutulungan kitang magtago. Gusto ko lang malaman mo ang mga plano ng ama mo. At malaman mo rin na may napili na siyang lalaki para pakasalan mo."
Tumawa siya ng mapakla. His father is a monster. She hates her to the core. "Paano iyong unang lalaki na napili niya. Akala mo ba ay si Mr. Perez ang gusto niyang ipakasal sa akin."
"Mr. Perez business is on the rock. Mahirap kalaban sa merkado ang mga Tolentino. Matatalino din ang magkakapatid kaya di siya makasabay. Naririnig ko na balak na niyang ibinta ang negosyo nito para mag-migrate sa Canada. He is out of the list. Maliban na lang kung susundin niya ang gusto ng ama mo na pumasok na rin sa illegal na gawain."
Napadikit ang mga labi ni Jas. Wala ng pag-asang magbago ang ama. Naghahanap pa ng ibang tao na isasama sa mga kasamaang ginagawa nito. Pinapanalangin na lang niya ngayon na sana ay may taong pumutol sa mga ginagawa nito. Na magbayad na ito sa mga ginagawa nitong kademonyuhan.
She can't take it anymore
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Jas. Magsasalita na sana siya ng marinig ang isang pagtawag sa kanyang pangalan.
"Sarah?"
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makilala ang boses na iyon. Anong ginagawa nito dito?