"SARAH?"
Napalingon si Jas ng marining ang boses na iyon. Nanlaki ang mga mata niya ng makitang nakatayo sa likuran niya si Liam. Seryuso ang mukha ng lalaki habang mataman na nakatingin sa kanila pero agad na may sumilay na ngiti ng tuluyan siyang makilala.
Hindi naman alam ni Jas ang gagawin. Napatingin siya kay Quarter. Wala siyang balak na malaman ng kanyang boss ang tungkol sa lalaking ito dahil maaring malaman nito ang totoo niyang pagkatao pagnagkataon.
Ngunit huli na para tumakas siya ng mga sandaling iyon dahil umupo sa isang bakanting upuan ang boss niya. Nakita niyang tumaas ang isang kilay ni Quarter. Sigurado akong nakilala nito ang boss niya. Well, kilala naman kasi talaga sa lipunan ang mga Tolentino. Lalo na ang limang lalaki.
"Sir Liam, anong ginagawa niyo po dito? Akala ko po ay tatapusin niyo ang contract ni Mr. Sy," aniya.
Iyong panginginig ng kanyang boses ay hindi niya napigilan. Ang lakas din ng t***k ng kanyang puso. Kinakabahan talaga siya. Maari kasing makilala ni Liam si Quarter. Madalas kasi itong kasama ng kanyang ama. Natatakot siyang makilala ito ng boss niya.
"I went here to buy my mom's favorite food. How about you? Aren't you going to introduce me to him?" tinuro pa nito si Quarter.
"Oh! I'm sorry." Pinisil niya ang kamay sa ilamin ng mesa para pakalmahin ang sarili. Masyado siyang tense. "Sir Liam, I want you to meet one of my friend, Quarter Morin. Quartz, my boss Liam Tolentino."
"It's nice to finally meet you in person, Mr. Tolentino." Inilahad ni Quarter ang kamay nito.
Tiningnan iyon ni Liam bago tinanggap. "I didn't know my secretary have a friend like you. If I'm not mistaken, you are the executive assistant of the owner of Purity Santino Corporation."
Nanigas sa kina-uupuan nito si Jas ng marinig ang pangalan ng kompanya ng ama. Liam knows Quarter. Hindi nga siya nagkamali ng hinala. Napatingin siya sa kaibigan. Tumaas ang sulok ng labi nito.
"Yeah. I'm the executive assistant of Mr. Gomez. Do we have a problem with that, Mr. Tolentino?"
Hindi nakasagot si Liam. Kaya napatingin siya sa lalaki. Pansin na pansin niya ang madilim na mukha ng kanyang boss. Nagsalubong ang kilay niya. Bakit ganoon ang reaksyon nito? May problema nga ba kung si Quarter ang assistant ng kanyang ama?
"Well, Mr. Gomez is an evil man. In the business world, everyone knows that." May puot na wika ni Liam.
"I'm very aware of that. But work is work. I don't care as long as I'm earning money."
Napatingin siya kay Quarter. Alam niyang walang katutuhanan ang sinabi nito. Kilala niya ang kaibigan, kung may pagpipilian lang ito ay matagal na itong umalis sa poder ng kanyang ama. Nasa mansyon pa rin at nagsisilbi sa kanyang ama ang mga magulang nito. Parang mga ibon na nakakulong sa isang hawla ang pamilya ni Quarter. Lahat ng mga tauhan ng ama ay ganoon. Nais man kumawala ay hindi magawa. Kamatayan lang ang makaka-alis sa mga ito.
"Right. Money." Tumawa ng mapang-insulto si Liam.
Hindi iyon nagustuhan ni Jas kaya tumingin siya sa boss nito.
"Sir Liam, there's nothing wrong with what Quartz said. We work for money. We work to earn a living. Kailangan din namin mabuhay sa mundong ito." May bahid ng inis niyang wika.
Tumingin sa kanya ang lalaki. Biglang nagbago ang bukas ng mukha nito. Napalitan iyon ng gulat at sakit pero nawala din agad ang emosyon na iyon. Napalitan ng kaseryusuhan ang mukha nito.
"I'm sorry. I didn't mean to hurt your feeling, Sarah. It's just that the company wo—"
"I don't care if you hate that company but respect my friend. You don't know him." Putol niya sa ibang sasabihin nito.
Muling gumuhit ang pagkagulat sa mukha ni Liam ngunit binaliwala niya iyon. Tumingin siya kay Quarter.
"I think it's time for me to go home," aniya dito.
"Okay. It's getting late." Tumingin si Quarter kay Sir Liam. "Nagmamadali ka ba, Mr. Tolentino?"
Hindi agad nakasagot ang boss niya sa tanong na iyon ni Quarter. Napatingin pa siya dito at nagtagpo ang kanilang mga mata. Hindi siya umiwas ng tingin.
"No. You two can go now."
"Oh! Itatanong ko sana kung pwede mo ihatid si Sarah."
"I can go home alone, Quartz."
"I know but it's much safer if he can take you home. May pupuntahan pa kasi ako kaya di kita mahahatid."
Hindi siya nagsalita. Alam niya kung bakit ganoon ang sinabi nito. Kapag kasi matagal ang pagkikita nilang iyon ay baka makatunog ang ama na alam ng kaibigan kung nasaan siya. Matalino ang ama niya. Kaligtasan lang naman niya ang inisip nito.
"Okay. Ihahatid ko si Sarah."
"Pero Sir Liam, mapapa—"
"I can manage. Go on, Mr. Morin. You can leave your friend with me."
Ngumiti si Quarter at tumayo. "I pay for the bill, Sarah. Let's meet again once you have some free time." Tumingin ito kay Liam. "It's nice to meet you again, Mr. Tolentino. Please, take care of my friend."
Tumungo lang si Liam. Hindi na rin nagtagal si Quarter, umalis din ito pagkatapos magbayad sa counter ng food nila. Naiwan sila ni Liam sa mesang iyon. Naramdaman niya ang awkard sa pagitan nila.
"I'm sorry if I offended you with what I said. I didn't mean to say those."
Huminga siya ng malalim. "I'm sorry also, Sir Liam. I suddenly outburst. I should know my limit. You are still my boss."
"No! You have the right to get mad and we are already out of the office. Wala ng limit kapag nasa labas tayo. Pareho na tayong ordinaryong tao."
Napatingin siya kay Liam at napangiti. Parang may humaplos sa puso niya dahil sa sinabi nito. This man. Ibang-iba nga talaga ito sa mga lalaking nakilala niya. Ngayon niya masasabi na maswerte ang babaeng mamahalin nito. Nasisigurado niya din kasi na magbabago at mag-aadjust ito para lang sa babaeng nilalaman ng puso nito.
IT'S SUNDAY!
"You are late, Lj." Sigaw ni Nj ng makitang naglalakad palapit sa kanila ang kapatid.
"I'm sorry. May tinapos pa kasing shooting." paliwanag ni Lj.
Lumapit ito kay Hj at nakipag brother shake. Lahat sila ay ganoon ang ginawa. Umupo ito sa tabi niya. Nasa isang hotel sila sa Batanggas. Tumawag si Hj kagabi at nagyayang tumambay sa paborito nilang hotel sa Batanggas. Malayo kasi iyon sa lungsod at masyadong pribado. Doon ay malaya silang gawin ang nais dahil kilala nila ang may-ari. Walang iba kung hindi ang pinakamayamang pamilya sa bansa. Ang mga Wang. His friend Shan Wang is one of the owner of that hotel. Well, ito ang panganay na anak kaya ito ang namamahala ngayon ng Wang Empire.
"Hi Josh. kamusta?" bati ni Hj sa pinsan nilang si Josh Cane Sandoval.
"Hi Cous. Okay lang. Masyadong busy dahil maraming tinatanggap na project itong kapatid niyo," wika ni Josh.
May kapatid na babae ang kanilang ama ngunit maagang kinuha ito. Parehong namatay sa isang car accident ang mga magulang ni Josh. Sampong taon palang noon si Josh. Mula noon ay nasa tahanan na nila si Josh ngunit ng tumuntong ng labing dalawang taon ang lalaki ay lumipad ito ng State para doon mag-aral. Iyon kasi ang nais ng magulang nito na siyang tinupad ng kanyang mga magulang.
Josh Cane Tolentino-Sandoval is the owner of Starcaster Intertainment. Isang talent agency kung saan nabibilang ang kapatid na si Lj. May ilang sikat na artista din ang pinsan pero si Lj ang inaalagaan nito. Ito din ang tumatayong manager ng kapatid. Malapit kasi talaga ang dalawa. Hindi lang din iyon. Pinaki-usapan din kasi ng ina si Josh na kung maari ay bantayang mabuti ang kapatid. Hindi lang iyon alam ni Lj. Their mother is very worried at him.
"Lj, hinay-hinay lang. Alam kong malaki na kinikita mo bilang singer, baka naman pwede mong kalmahan lang." Natatawang wika ni Hj.
"I can manage, Hj. I know what I'm doing. Nandiyan naman si Josh para kontrolin ako." Kinuha ni Lj ang isang bote ng beer at mabilis na ininum iyon.
Uubusin sana iyon ng kapatid ng kunin niya. "You should eat first."
Hindi naman nagreklamo si Lj. Tumayo ito para kumuha ng pagkain sa di kalayuang buffet. Sa kanilang magkakapatid kahit paano ay nakikinig sa kanya si Lj. Na-iintindihan din kasi niya ang hugot at sakit na nararamdaman ng kapatid.
Tumingin siya kay Joshua. "Aren't you going to eat?"
"Busog pa ako, Liam. Mamaya na siguro." Kinuha nito ang isang beer in can.
Hindi na niya ito pinigilan pa. Sumandal siya sa upuan. At nang makabalik si Lj ay kumain muna ito ng kanin. Sila naman ay nanatiling umiinum ng beer.
"Next week na pala ang anniversary ng Aristocrat. Any plan, Liam?" tanong ni Hj.
"The HR department handles the event. Lahat ng empleyado ng kompanya ay nandoon. Sinabi ko na rin kay Sarah kung sino-sinong investor ang papupuntahin. You all should be ready. Ipapadala ko sa susunod na araw ang listahan ng mga dadalo."
"Okay. Make sure that event will be successful. Alam mo naman ang mommy at daddy. May mga media kapag papupuntahin?"
"No! That event will be very private," sagot niya.
Wala siyang balak na maging uncomfortable ang mga tauhan ng kompany. It's a private party. At hindi para sa mga investor ang anniversy ng Aristocrat kung hindi para sa mga tauhan na matiyagang nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Utang nilang magkakapatid ang tagumpay sa mga ito. Hindi naman tatagal ng ganoon ang kompanya ng mga magulang kung hindi dahil sa mga ito.
"That's good to know. At saka, siguradong ayaw din ni Mommy at Daddy na magkaroon ng media ng araw na iyon," wika naman ni Zj.
"At kailan pa nagkaroon ng media ang anniversaryo ng main company. Tumanda na tayo pero alam natin na pribado iyon." Dagdag ni Lj na kumakain ng isang hiwa ng manok.
"Kumain ka na nga lang diyan." Isinubo ni Nj ang isang peraso ng manok kay Lj.
Sinamaan ng tinign ni Lj ang nakakabatang kapatid nila. Napa-iling na lang siya. Uminum naman siya ng beer. Anim sila na nasa table at dahil parehong magagandang lalaki ay may ilang babaeng napatingin sa kanila. Naramdaman niya naman iyon pero wala siyang planong gumawa ng kung anong kababalaghan ngayong gabi.
"Nj, kamusta iyong pinapagawa kong kanta para sa isa namin artist?" tanong ni Josh sa kapatid.
"Almost done. Kailangan ko lang ng inspiration ngayong gabi at mukhang may nakita na ako." Isang mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ng kapatid.
Bago pa ito makatayo ay hinawakan na ito sa balikat ni Zj.
"You are not going anywhere tonight. It's brotherhood time."
"Oh! Common, Zj. Minsan lang naman ako lumalandi eh." Muling tatayo sana si Nj ngunit sabay na itong pinigilan ni Zj at Lj.
"Not on our watch. Mayayari na naman kami kay Mommy kapag nalaman niya pinanggagawa mo dito sa Batanggas."
Sumimangot si Nj. Hindi na ito nagpumilit pa. "Fine. Kung hindi lang kay Mommy. So, paano ako makakakuha ng inspiration niyan kung di ako makaka-score ngayong gabi."
"Para kang isang tuyot na lalaki. Ilang linggo ka na bang di nadidiligan ha?" May bahid ng inis na tanong ni Hj.
"Tatlong gabi na, Hj."
"Lintik 'yan." binato ni Zj ng takip ng beer ang kapatid.
Hindi naka-iwas si Nj kaya tinamaan ito sa mukha. Napahawak naman sa pisngi nitong nasaktan ang playboy nilang kapatid. Di naman mapinta ang mukha ni Zj. alam kasi nila kung gaano ito ka loyal sa kasintahan na si Alicia.
"Bakit mo ako binato? Masakit kaya Zj."
"Akala ko naman buwan ka ng walang kinakamang babae pero tatlong gabi palang, Nj. Di mo ba matali iyang sa iyo?" Nais sumigaw ni Zj. Pansin na pansin kasi sa leeg nito ang pagpipigil.
"So.... Matagal na nga sa akin ang tatlong araw." may pagmamalaking sabi pa ng kapatid.
"Mahiya kang lalaki ka."
"Bakit ba? Wag mong sabihin na di ka nakakatikim ng li—"
"Bibig mo, Naill Joshua Ashley Tolentino."
"Ano ba? Kailangan talaga na buong pangalan ko ang banggitin." Reklamo ng pasaway na lalaki.
"Oo kasi nakaka-inis na iyang bibig mo. Buti nga at may pumapatol pa sa iyong babae. At buti nga wala ka pang sakit." Nagsalita na rin si Hj.
"Kuya Harry John Allan Tolentino, I have one big rule. No condom, no entry. Di ko pinamimigay sperm ce—"
"Kainin mo iyang sperm cell mo." Inis na wika ni Lj at nilagyan ng isang buong hita ng manok ang bibig ng kapatid.
Napailing na lang siya. Ma-ingay talaga sila kapag ganitong magkakasama silang anim. Iyon ang bonding nila at sa tuwina ay pinagkakaisahan nila ang bunsong kapatid na si Nj. Matigas kasi ang ulo nito. Di nakikinig sa kanila.
Hinihiling niya na sana ay makilala na nito ang babaeng magpapatino sa mapaglarong puso ng nakakabatang kapatid. Nakikita na niyang luluha ng dugo ang kapatid.
NAGLALAKAD PAPUNTA SA sakayan ng mga taxi si Jas ng mapansin ang dalawang lalaki na nakatayo di kalayuan sa kanya. Napansin niya ang tingin ng mga ito sa kanya. Binaliwa na lang ni Jas. Marami siyang kasabayan sa paglalakad kaya hindi siya natatakot sa ganoon. Kinuha niya ang phone niya.
'Prim, good evening. Where are you?' pinadala niyang mensahe sa kaibigan.
Hindi naman nagtagal ay gumanti ang kaibigan. 'I'm still at work. Let's meet with Lissy next week. Di talaga kaya ngayong gabi.'
'Okay. I'm tired too. I can't make it also. Let's just meet if everyone is good.'
'Ay ay ay captain. See you soon.'
Napailing siya sa sinabi ng kaibigan. Ibinalk niya ang phone sa bag at naghintay na ng taxi. Mabuti na lang at walang masyadong nag-aabang doon ngunit nahirapan pa rin siyang makakuha. Hindi na rin naman rush hour, sadyang marami din ang sumasakay ng taxi sa area na iyon.
Pagkalipas ng ilang minuto ay may huminto din na taxi at bumaba ang isang pasahero. Sinamantala niya iyon para sumakay. Sinabi niya ang address ng bahay ng kanyang Lola. Pansamantala ay doon siya muna tutuloy habang mainit pa siya sa mga mata ng kanyang ama.
Hindi sinasadyang makita ni Jas ay pagsakay ng dalawang lalaki sa isang buting kotse. Nagsalubong ang kilay niya. Bakit kung saan siya nakasakay ng taxi ay saka naman dumating ang sasakyan ng dalawang lalaki? Nagkataon lang ba?
Biglang umiba ang t***k ng puso ni Jas ng mapansin ang pagsunod ng kotsing iyon sa kanila. Tumingin siya sa driver ng taxi.
"Kuya, pwede po ba tayong dumaan ng C5?"
"Ma'am mapapalayo po tayo kung sa C5 tayo dadaan at saka traffic pa po doon ngayon," wika ng driver.
"I pay you extra," aniya.
That's here purpose. Nais niyang malaman kung talagang totoo ang hinalang nakasunod sa kanila ang kotseng iyon. Dahil kung mali siya ay sa Edsa dadaan ang mga ito at hindi sa C5. Nang umakyat ng flyover sa Buendia ang taxi na sinasakyan niya at hindi bumaba ng Edsa ang mga ito ay doon niya na komperma ang hinala. Kalayaan ang tinahak nila dahil na rin C5 ang dadaanan nila ni Manong driver.
Lalong binundol ng kaba si Jas. Mga tauhan ng kanyang ama ang sumusunod sa kanya. Nasisigurado niya iyon. Kinuha niya ang isa pang phone sa bag. Hinanap niya ang number ni Quarter. Alam niyang hindi dapat tinatawagan ang kaibigan pero emergency ang lahat sa pagkakataong iyon. Ito lang ang matatakbuhan niya.
Naka-ilang dial din siya bago sinagot ng kaibigan.
"J, I'm still at the office with him. Why did you suddenly call?" pabulong ang pagkakatanong nito.
Inaasahan na niya iyon dahil talagang madalas sa gabi nagtatrabaho ang ama. Napalunok siya at napatingin sa kotseng sumusunod sa kanya.
"Plate number NUR2901. Mga tauhan ba sila ni Daddy?"
Hindi nakapagsalita ang kaibigan. Lalong na-tense si Jas.
"Positive. It's them. Where are you? Are they following you?" Nabahiran ng pag-alala ang boses ni Quarter.
"Sakay ako ng isang taxi. Pinadaan ko ng C5 para malaman kung talagang sinusundan nila ako. Quartz, hindi ako pwedeng makuha ng mga tauhan ni Daddy. I can't marry that man." Nais na niyang ma-iyak.
Alam niyang kapag nahuli siya ng ama ngayon ay agad siyang ipapadala sa Russia para makilala ang lalaking iyon. Walang sasayangin na oras ito. Wala siyang kawala kapag nagkataon. Kahit ang Lola niya ay walang magawa kapag nakuha na siya ng ama. He is the most evil person she ever meet.
"Calm down, J. Makakatakas ka. Believe me." Hindi maitago ng kaibigan ang kaba.
"Can you do something? I need to get away from them." Nakiki-usap niyang sabi sa kaibigan.
"Dumaan ka sa isang restuarant na alam mong maraming taong kumakain. Hindi ka nila kukunin sa mataong lugar dahil makakakuha iyon ng pansin ng lahat. Mahigpit na bilin ng ama mo na wag silang gagawa ng kahit anong hakbang na maaring makasama sa pangalan niya."
"Okay. I will look for it."
"I will ask someone to pick you up. I give you a clue once you have a safe place."
"Okay, Quartz. Thank you."
"Take care and don't be scared. Hindi ko hahayaan na mapahamak ka. Nangako ako sa mommy mo na babantayan kita."
Napangiti siya. "Thank you, Quartz. Mag-ingat ka din. Mas malapit ka kay Daddy. Alam natin kung anong mangyayari kapag nalaman niya itong ginagawa mo."
"I know how to move in front of your Dady, J. Think of yourself first."
"Thanks again. Bye. I send you the address once I saw a safe place."
"Oh!" iyon lang ang sinabi ni Quartz at ibinaba na nito ang tawag.
Sinabi niya naman sa driver ang nais mangyari. Mukhang nakikinig sa kanilang usapan si Mr. Taxi Driver at na iintindihan nito ang sitwasyon niya. Mabuti na lang at alam nito ang mga kainin sa Cubao kung saan maraming tao. Nagpasalamat siya dito at dinagdagan ang bayad.
Alam niya ang kainan na iyon dahil talagang maraming kumakain. Ikaw ba naman sa unlimited rice. Sa pinakasulok siyang umupo at sinigurado niya na may katabi siyang tao. Dahil maraming kumakain at naki-upo siya sa isang babaeng mag-isa lang din kumakain doon.
Nakita niyang pumasok ang dalawang lalaki na sumunod sa kanya mula Makati. Huminga siya ng malalim at nagkunwaring di nakita ang mga ito. Kahit hirap na hirap siyang lunukin ang pagkain na binili ay ginawa niya para lang di makapansin ang mga ito.
Hindi nagtagal ay may pinadalang mensahe si Quartz. Nandiyan na daw ang sundo niya sa labas. Sumabay siya sa babaeng kasama sa mesa para mas ligtas siya. Ginawa niya ang sinabi nito at nagulat pa siya ng sa likuran niya naglakad ang babae na kasama sa mesa kanina.
Isang pulang kotse ang huminto sa kanyang harapan.
"Get in." Bulong ng babae at hinawakan siya sa siko.
Doon niya napansin ang suot nitong singsing na may batong kulay pulang hugis puso. At iyon ang ibinigay ni Quartz na code ng taong susundo sa kanya.