CHAPTER ELEVEN

3064 Words
HINDI PA RIN MAPALAGAY si Jas. Not now, knowing that his father is out there looking for her. Ano mang sandali ay maari siyang mahuli ng ama. Kaya nakapag-desisyon na siya. Kailangan niyang pangalagaan ang sarili. Hindi na niya mahihintay pa ang anim na buwan na palugit sa sarili. Nasa paligid lang ang mga tauhan ng kanyang ama at alam ng mga ito na nasa Makati siya nagtatrabaho. Nasisigurado niyang inaabangan na siya ng mga ito sa bawat sulok ng Makati. "Biglaan naman yata itong pagkikita natin." May bahid ng reklamong wika ni Primrose. "I'm sorry." Tanging nasabi niya dito. Kararating lang nito pero iyon agad ang sinabi ng kaibigan. Alam niyang abala ito sa trabaho at may mga pasyente na inaasikaso. Primrose is a doctor. A well-known doctor. Maliban kasi doon ay anak din ito ng Vice-President ng bansa. "Ano bang pag-uusapan natin? May kailangan ka ba?" Tumingin sa paligid ang kaibigan alam niyang nasa labas ang bantay nito. Hindi lumalabas ng bahay at ospital si Prim ng walang bantay dahil na rin sa kaligtasan nito. Lalo pa nga at may mataas na posisyon ang ama nito. "Dad knows where I am?" "What?" Nanlaki ang mga mata ni Primrose. Isa ito sa mga kaibigan niya na alam ang kanyang sitwasyon. Wala siyang itinago dito. At kahit na anak ito ng Vice-President ng bansa ay wala pa rin itong kapangyarihan para labanan ang kanyang ama. Nang minsan sinubukan ng ama nito ay muntik na itong mapahamak kaya sinabi na lang niya sa kaibigan na siya na ang bahala sa sariling problema. Natatakot siya sa kaligtasan ng kaibigan. Kilala niya ang ama, kahit sino ay kinakabangga nito. Walang sinasanto ang ama dahil alam nitong nasa likod lang nito ang sindikatong kinabibilangan. Matatapos lang yata ang kasamaan ng ama kapag nabuwag na rin ang sindikatong kinabibilangan nito. Iyon lang din ang nakikita niyang paraan pero paano? Kahit ang mga pulis na alam ang illegal na gawain ng ama ay hindi nagsasalita. Mga takot kahit hawak ang batas. "Yes. Noong isang gabi ay natagpuan nila ako sa Makati. Hindi ko alam kung nakita ba nila akong lumabas sa gusali ng mga Tolentino pero isa lang nasisigurado ko. Nasa malapit lang ang tauhan ni Daddy at anumang oras ay maari nila akong makuha. Prim, I can't stay at Aristocrat anymore. I need to resign." Tinitigan siya ni Primrose at tumungo. "Of course, you need to resign. Your safety is the most important. Kailan mo balak?" "After the anniversary party. Next week na iyon, Friday. At dahil limang araw pa akong papasok ng opisina ay kakailanganin ko ulit ang tulong niyo. I need protection from my father. This is only for five days." Nakiki-usap niyang wika. Natigilan si Primrose sa hinihingi niyang tulong. Mamaya ay umiwas ito ng tingin. "I'm sorry but I can't give you protection. My hands are tied up right now." "What do you mean?" "My dad learned about the accident I had when I was in college. You know what I'm talking about, right?" Napapikit siya. Alam na alam niya ang tungkol sa bagay na iyon. They all confess their mistake to each other. She knows how much Prim regret her action that time. It's a biggest wake up call to her friend. Dahil din sa pangyayaring iyon ay nagbago ang buhay nito. "How did he find out? You hide it very well." She feels sad for her friend. "There's a man I met in a bar five months ago. He's the boyfriend of that girl. He just found out that I'm the woman who kills his girlfriend. He talks to my father and gives all the evidence he has. He asks for a big amount of money for the evidence. My father pays him, and I need to face the consequences of my mistake. Dad is so mad at me. Dudungisan ko daw ang iningatan niyang pangalan." Hindi siya nagsalita. Wala siyang ma-isip na sasabihin sa kaibigan. Pareho pala silang may malaking problema ngayon sa ama. What should she do? Wala siyang ibang malalapitan kung hindi ang mga ito ngunit kung may sariling problema ang mga kaibigan paano siya makakahingi ng tulong. "I'm sorry that I can't help you, Jas. I wanted too but my father will get mad to me more if I will involve myself to your problem. Alam mo naman kung anong ginawa ng ama mo sa ama ko. I'm so sorry." Nakita niya ang pangingilid ng mga luha nito. Mabilis niyang hinawakan sa balikat si Prim. "Don't say sorry. I understand. I should be the one to say sorry. I drag you to my own problem. Hindi naman yata ganoon kahirap takasan ang mga tauhan ng ama ko sa limang araw. I'll can survive the five days, Prim." Hinagilap ni Prim ang kamay niya at pinisil iyon. Ngumiti siya sa kaibigan para ipakita dito na magiging ayos lang ang lahat. They can survive their own problem. Kailangan lang nilang magtiwala sa sarili nila. "YOU GOING TO BACK TO LAGUNA next week?" tanong niya sa kapatid. "Nope. I will attend the anniversary party before I go back." Sagot ni Zj. "Are you coming with Alice?" Nasa library sila ng mansyon. It's already ten o'clock n the evening. Natutulog na ang ilang kasam-bahay pero silang dalawa ng kapatid ay nagtatrabaho pa. May kailangan kasi silang alamin dalawa. Dapat ay kasama din nila si Hj ngunit may emergency sa kompanya nito kaya naman umalis muna ito saglit. Ang dalawang kapatid ay hindi nangingi-alam sa negosyo dahil na rin sa ibang field ng mga ito. "Yeah! She will be my partner that night. How about you? Are you going there alone?" "Yeah! Every year naman, di ba?" natatawang wika niya. Biglang sumilay sa kanyang isipan ang magandang mukha ni Sarah. Tumaas ang sulok ng labi niya. Ang babae nga ang balak niyang maging partner ng gabing iyon pero alam niyang tatanggihan siya nito. Kaya mas mabuti na iyong pareho silang pupunta sa event bilang boss at sekretarya. Si Sarah pa naman ang tipo ng taong kapag trabaho ay trabaho. Tama nga ang sabi ng kanyang mga kapatid. Si Sarah ang babaeng bersyon niya. "And Mom hoping that this year will be the difference." Napatingin siya sa kapatid sa sinabi nito. "What is she expecting? That I will bring a woman to introduce?" Ngumiti si Zj. "Yes. Para kay Mommy at Daddy ikaw ang panganay. At simula noon at hanggang ngayon ay wala ka pang pinapakilalang babae sa kanila. Umaasa silang magkakaroon sila ng apo sa iyo." Umiling siya at binalik ang atensyon sa mga papeles na nasa harap. "Mom will get her first grandchild to you." "Oh! Are you sure?" Natatawang tanong nito. "Yeah!" Tumawa lalo ng malakas si Zj. "My isang playboy sa atin na alam kung maaring magkaroon ng anak sa labas kapag hindi nag-iingat. Sigurado ako na siya ang unang makapagbibigay ng anak kay Mommy." "Ayaw mo talagang tigilan si Nj?" aniya. "Bakit hindi? Alam mo naman ang ugali ng isang iyon. Ako ang natatakot para sa kanya. Kapag may nangyaring masama sa isang iyon, hindi lang naman si mommy ang masasaktan kung hindi pati na rin si Daddy." Biglang nagseryuso ang boses ni Zj. "There's nothing we can do. Matigas ang ulo ni Nj. Siya lang naman makakatulong sa sarili niya para magbago. May makilala din na makakatapat ang kapatid natin iyon. Ipanalangin na lang natin na hindi siya masaktan ng lubusan." "Sa tingin mo walang masakit na karma?" Umiling si Zj. Napatingin siya sa kapatid. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Alam niyang mas masakit na karma ang darating sa kapatid kapag hidni pa ito nagbago pero kagaya ng sabi niya. Si Niall lang din naman ang makakatulong sa sarili nito. Kahit naman ilang beses nila itong pagsabihan ay hindi ito nakikinig sa kanila. Hindi na niya sinagot ang tanong ni Zj. Umiwas lang siya ng tingin at ibinalik ang mga mata sa ginagawa. Alam naman kasi ng kanyang kapatid ang sagot sa tanong nito. Hindi na rin nagsalita pa si Zj. Itinuon na lang nila ang atensyon sa binabasang mga papeles. Kailangan na nilang matapos iyon dahil ipapasa iyon sa kanilang ama bukas. The financial status of the company is not doing good. Despite of their hard work, the financial status is not improving. Isa iyon sa pinagtataka nila ni Zj at Hj. Sinabi na niya iyon sa dalawang kapatid kaya naman napagdesisyonan nilang pag-aralan lahat ng pumasok at lumabas ng pera ng kompanya. Lihim nilang ginawa iyon magkakapatid upang walang makaka-alam sa kahit sinong empleyado at hindi na rin makarating sa kanilang mga magulang. Nais nilang maayos ang problema ng hindi nag-aalala ang mga magulang. "Hey! Liam, look at this." May ibinigay na isang papel sa kanya si Zj. Kinuha niya iyon at tiningnan. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang isang bank transfer. Malaking amount iyon at ipinasa sa isng personal bank account. "Can you give me the folder of this?" tanong niya sa kapatid. Sinunod naman siya ni Zj. Kahit na graduate ng Chemical Engineering si Zyan ay may alam ito pagdating sa accounting. Magkaroon ito ng clash subject dahil alam nito na isa ito sa magmamana ng negosyo ng pamilya. Tinanggap niya ang inabot nito at pinasadahan ang mga laman ng folder na iyon. "I didn't approve this budget. Who fakes my signature?" tanong niya. Binundol ng kaba ang dibdib niya. Malaking amount ang pinag-uusapan ng project na iyon. At wala siyang naalalang ganoong project ang kompanya. Lahat ng projekto ng Aristocrat ay dumadaan sa kanya. At lahat iyon ay may pirma niya dapat. Kaya hindi maaring makalusot sa kanya ang project na iyon. "It's your signature here. At hindi ito electronic signature." Kinapa ni Zj ang pirma. Hindi nga iyon electronic or scan signature. "May gumaya ng pirma ko para ma-ilabas ng accounting ang ganitong amount. I didn't approve this project especially if the amount will go to the personal bank account. This project didn't even launch." Naiinis niyang sabi. "Calm down. Hindi kita pinaghihinalaan dito, Liam. We need to know whose personal bank account is this. Maybe we can get a clue who stole money from us." Huminga siya ng malalim. Na-iinis siya dahil nakalusot ang ganitong bagay sa pamamalakad niya. Ano na lang sasabihin ng kanyang mga magulang? Na hindi pwedeng iwan sa kanya ang kompanyang pinalago ng mga ito. All his life, he did everything to prove himself to his family. Nais niyang makita ng mga magulang na pwede siyang pagkatiwalaan ng mga ito. "You need to calm down, Liam." Tinapik ni Zj ang balikat niya. "Mahahanap din natin kung sino ang salarin. I look for more. Why don't you call Asher to ask help? Baka malaman nila kung sino ang may-ari ng bank account na pinasahan ng pera. At baka pwede pa natin makuhang muli ang perang nawala." "You know we can't get it back unless we file a case. This person needs to pay for what they did." Tumayo siya at iniwan muna doon ang kapatid. Pumunta siya sa teresa. Nais niyang lumanghap ng sariwang hangin. Tama si Zj, kailangan niyang kalmahin ang sarili. He needs to think clear to solve this issue. Nasa loob ng kompanya niya ang ahas at nakailangan malaman nila kung sino ito. Kinuha niya ang phone sa bulsa pagkatapos ng ilang sandali. Kailangan niya ng tulong ni Asher. Magaling ang kaibigan sa ganitong klasing problema. He also knows what to do. Kailangan malaman nila kung sino ang dapat magbayad ng kasalanan sa kanilang magkakapatid. "HELLO!" "Good evening, Mr. Gomez. How's the negotiation going? When is my son going to meet your daughter? I can't wait to see my son's wedding." Narinig niyang tanong ng kanyang ama. Napatingin siya dito. Tumingin din sa kanya ang ama kaya nagtapo ang kanilang mga mata. Napa-iling na lang siya at umiwas ng tingin. Nasa hapag-kainan sila para sa panggabing kainan. His father is talking to one of the businessmen offer a business deal with them. This man, Mr. Jake Alden Gomez, is very persistent. Ito ang masugid na manligaw sa kanyang ama para makakuha ang sagot sa kanila. He even sells his own daughter just to get the deal he wants. Kaya naman inalam niya ang tungkol dito. At may baho siyang nalaman mula sa lalaki. Mabuti na lang at marami siyang kilala sa Pilipinas kagaya na lang ni Patrick Parker. Ang head boss ng organisasyong kinabibilangan nila ng kanyang ama. "Oh! So, your daughter is not yet ready. Okay? I guess, my son needs to work on that. She should know that my son is a good catch." Gusto niyang matawa ng malakas sa pinangsasabi ng kanyang ama. Alam nito ang totoo. Ang nag-iisang anak na babae ni Mr. Gomez ay nagtatago dito. Ayaw nitong magpahawak sa ama kaya hindi ito nagpapakita. Hindi niya alam ang mukha ng babae pero nasisigurado niyang maganda ito. Nakita niya ang larawan ng ina ni Jane Sarah Gomez. Doon palang ay masasabi na niya na maganda itong babae pero hindi iyon ang rason kung bakit pumayag siya sa gusto ng ama na ikasal silang dalawa. He is Primo Jasper Petrov, the famous bachelor in town. Maraming babae na naghahabol sa kanya at kung tutuusin ay pwede siyang pumili ng babaeng nais niya ngunit ng malaman niya ang kinasasakdalan ng anak ni Mr. Gomez. He has this feeling that he wants to save this girl. Kung ipapakasal man ito ay dapat doon na sa taong kaya itong protektahan. He wants to save a girl who is about to ruin her life by her own father. "Okay, Mr. Gomez. Don't worry, my son can wait for your daughter. He can't wait to marry her." Pagkatapos sabihin iyon ay ibinaba na ng kanyang ama ang tawag. Tumingin ito sa kanya. "Don't give me that look." He spoke. "I don't understand you." Panimula nito. "Alam mo kung gaano kasamang tao ang lalaking iyon. Marami siyang illegal na ginagawa. Kahit negosyo niya ay pugad ng masasamang tao pero heto at gusto mong ikasal sa anak niyang babae. What the hell are you thinking, Primo?" "Dad, I already give you the reason. I want to save this woman. Kung hindi siya ikakasal sa akin sigurado akong sa ibang lalaki na masama ang bituka siya iapapakasal ng ama niya. I can't let that happen," sagot niya. "And that's the thing I don't understand. Hindi mo kilala ng personal ang babaeng iyon pero gusto mo siyang iligtas. Mapapasama ka lang sa babaeng iyon." Huminga siya ng malalim. "Dad, I promise to mom that no woman will suffer like her. Walang babaeng masasaktan at dadaan sa isang putikan na kagaya niya. You know how much mom suffer before she meets you. At kagaya ng ginagawa mo, gusto ko din makaligtas ng tao. Love? My heart can learn to love her. Kung nagtatago siya sa kanyang ama, ibig sabihin lang noon ay hindi niya gusto ang ginagawa ng ama niya. I need to save her, like how you save my mother." Pumikit ng mariin ang kanyang ama. Nakita niyang pakahigpit ang hawak nito sa baston. "I didn't save your mother. Namatay pa rin siya sa kamay ng mga taong nanakit sa kanya. Hindi ko din ma-ibigay ang hustisya na para sa kanya. I maybe save your mother in that place but still, she ends up dying in the hands of those bastard." "But still, you give her a beautiful life. A hoping life for sixteen years. Mom said that you are her hero, her light and hope. And I told you this dad, I will seek that justice. I know involving myself with Mr. Gomez will lead me to those assh*les, which kill my loving mother. They are in the same organization. I will end their crazy act." Punong-puno ng galit ang boses niya. He wants them to suffer like how they suffer. Kung noon ay wala siyang alam kung bakit pinatay ang kanyang ina ngunit pumasok siya sa organisasyon na kinabibilagan ngayon ay doon niya nalaman ang lahat. His mother maybe lives a happy life for sixteen years but it doesn't mean that they live her alone. Humanap lang ng tamang pagkakataon ang mga ito para mapatay ang kanyang ina. Every prison they have before can't live. Walang pwedeng mabuhay na makakapagturo sa orginasasyon ng mga ito. Lahat ng banta sa kanila ay pinapatay ng mga ito kahit pa nga walang balak na magsalita ang mga taong iyon. Natigilan si Primo ng tumunog ang isa niyang phone. Kinuha niya iyon at nakita ang pangalan ng head boss niya. Tumayo siya para sagutin ang tawag na iyon. "Yes, King Fisher." "My son in the Philippines told me that the organization is moving. We need to change the plan. You can't marry Mr. Gomez,'s daughter. It would be more difficult for us the catch the big boss if Mr. Gomez had access to Russia. Mr. Gomez plans to move out of the organization once you marry his daughter." "What do you mean?" Kinakabahang tanong niya. "You are a good catch for Mr. Gomez, Ussy. He knows all the big people in Russia and once he gets to know your country by using your name, he gets the bigger market. He will be more powerful than the big boss. Mas malaking problema kapag nagtagumpay ang plano ni Mr. Gomez. Hindi natin mahuhuli ang big boss, madagdagan lang ang problema natin. You can't marry Jane Sarah Gomez. You need to call off the wedding." Napapikit siya ng mariin at napakuyom. Anong gagawin niya ngayon? He can't back out now. He is planning to marry that woman no matter what happen. "King Fisher, I can't. Hindi ko pwedeng pabayaan ang anak niya. She will marry a wrong man once I call off the wedding. Hindi titigil si Mr. Gomez sa pagpaplano ng kasal sa anak niya hanggang wala siyang makukuha. Maari pa si---" "Are you out of your mind, Ussy? Can't you hear what I tal---" "I know what you mean but if she marries another man who belongs to the organization. It will be ano---" "Call off the wedding. I'll promise you that woman will not get married to anyone because my son will make sure of that. That woman will marry another man, a man who can save her from her father." Hindi nakapagsalita si Primo. Bakit may ibang kahulugan ang sinabi nito? Kilala ba ni King Fisher si Jane Sarah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD