CHAPTER TWELVE

3233 Words
“HOW’S THE PREPERATION FOR TOMORROW’S party?” tanong ni Liam sa kanya. Natigilan si Jas sa pagpatung ng kape sa mesa ng presidente ng kompanya. Liam never ask since day one about the upcoming party. Itinalaga niya ang lahat sa HR team. “According to our HR team, everything is according to the plan you want, Sir Liam.” “That’s good to know. Sinunod ba nila ang sinabi ko na walang media na pwedeng makapasok?” “Of course, there are no media that will cover this event. This event is only for the employee of the company. I also inform them that investors and other higher-ups will be there, so we need to tighten the security.” “That’s good to know. If you need more help on the security, please call Zj for help. Siya na ang bahalang tumawag sa kakilala niya para magpadala ng additional security personnel.” Nagtaas ng tingin si Liam. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni Jas ng magtagpo ang mga mata nila ng kanyang boss. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang kanyang puso. Bakit ba biglang naging ganoon ang puso niya? Si Liam lang naman ang taong nasa harap niya. “I-I take note of what you said, Sir Liam. Kung wala na po kayong ihahabilin, I will exit myself, Sir.” Tatalikod na sana siya ng tumikhim ang binata. “Are you coming with someone that night, Ms. Mercado?” Napatingin siya kay Liam. Nakasandal na ito sa upuan at mataman na nakatitig sa kanya. Wala siyang nababasang emosyon sa mga mata nito. Napahigpit ang hawak niya sa mini notepad niya. Nais niyang huminga ng malalim para kalmahin ang puso ngunit hindi niya ginawa at natatakot siya na baka makapansin si Liam sa nararamdama niya. “I’m going alone, Sir. I don’t have a date. Also, I feel like I’m working that night.” She said frankly and honestly. Ngumiti si Liam at umupo ng tuwid. “Well, you are not working that night. You are free to enjoy that event, Sarah. Just a reminder, you can also bring someone.” “It’s for employees only, Sir. So…. I’m not bringing anyone. If you excuse me. I have a pending work to do.” Yumuko siya at lumabas ng opisina nito. Di niya alam kung bakit ganoon ang sinabi ni Liam. Alam niyang may laman ang sinabi nito. Para bang may nais itong sabihin na hindi nito masabi sa kanya ng harapan. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. She needs to calm down. Hanggang bukas na lang siya sa kompanyang iyon. She is planning to resign immediately. Walang rason para tumagal pa siya doon gayong nasa panganib ang buhay niya. Nasa kalagitnaan ng kanyang trabaho si Jas ng makitang umilaw ang kanyang phone. Kinuha niya iyon at nanlaki ang kanyang mga mata ng mabasa ang pangalan ng kanyang butihing Lola. Tumingin siya sa paligid bago tumayo at mabilis ang lakad na pumunta ng rest room. She locks the door before answering the call. “Gramps, hello.” Bati niya sa matanda. “How’s my lovely granddaughter? I read your message. Can we meet now?” “I’m sorry, Gramps. I’m at work right now. I can’t leave now since my boss is here.” She spoke. “Oh! Okay then. So, when do you want us to talk? I will adjust my schedule for you.” “This weekend. Can you go home?” Sumandal siya sa pintuan. Ang Lola lang niya ang nakikita niyang pag-asa ng mga sandaling iyon. “Of course, I’ll be home this weekend. So, you better cook something delicious, okay?” Napangiti siya sa sinabi ng matanda. “Gramps, you know I can’t cook but I will tell Chef Clint to cook your favorite food.” “I know, I know. So, see you this weekend?” “Yes, Gramps. See you.” Hindi na sila nagsabi ng paalam dahil ang iyon na ang naka-ugalian nila. They never say goodbye. Her grandmother is afraid to lose her like how she lost her daughter. Noong unang kasama niya sa bahay ang Lola ay madalas niyang nakikita itong nakatingin sa larawan ng kanyang ina. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na tutol ang kanyang Lolo’t Lola sa pagmamahalan ng kanyang magulang. Alam kasi ng mga ito na mapapasama ang kanyang ina sa ama. At hindi nga nagkamali ang mga ito. Her mom died because of his greedy father. Masyadong naging sakim sa kapangyarihan ang ama. At ang kanyang ina ang nagbayad noon. Akala niya ay titigil ang ama pagkatapos mamatay ng kanyang ina’t kapatid ngunit hindi pala. Mas lalo pa ngang naghanap ng kapangyarihan ang ama. At ngayon nga ay siya naman ang nakita nitong kasangkapan para makuha iyon. She is not going to allow her father. Hindi siya pinanganak para maging bagay na pwedeng gamitin nito. Lumapit sa lababo si Jas at tumingin sa salamin na nandoon. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. Bakas na bakas sa mukha niya ang galit sa ama ng mga sandaling iyon. She hates his father. Kinasusuklaman niya ito. Kung may anak na hindi makapagpatawad sa magulang ay isa na siya doon. Walang kasing sama ang kanyang ama. Isa itong demonyo na dapat ng mawala sa mundong iyon. ‘Can someone stop his father? Who will it be?’ tanong niya sa sarili. Umaasa pa ba siya? Bumalatay ang lungkot sa kanyang mukha. Ilang taon na ba siyang umaasa na may taong sasagip sa kanya sa kamay ng ama pero sa tuwina ay bigo siya. Walang taong makakapagligtas sa kanya sa kamay nito. Ang tanging magagawa niya lang ngayon ay magtago at umasa na hindi siya mahuli nito. KANINA PA NAKATINGIN SA KABILANG mesa si Jas. Ma-iingay kasi ang grupo ng mga IT department. Paano naman kasi puro lalaki ang mga ito. They are talking about technology and new system which is she can’t relate. Pero hindi lang dahil sa ingay kaya siya napapatingin sa grupo ng mga ito. She is not comfortable with the place. Maraming tao at maraming maaring makakilala sa kanya. Hindi niya akalain ganoon karami ang tauhan ng kompanya. Even the other employee on the other branch is there. Kaya nga natatakot siya dahil maaring may makakilala sa kanya. “Sarah, are you okay?” may pag-alalang tanong ni Dianne. Kagaya niya ay secretary din ito ng kompanya. Lahat ng secretary ng mga heads ay nasa table na iyon. Tumingin siya sa babae at isang na-iilang ngiti ang binigay niya. “I’m fine. Hindi lang ako sanay sa ganitong pagtitipon,” aniya. “Oh!” Tumingin ito sa paligid. “Tapos na rin naman tayong kumain at alam ko wala na rin masyadong program dahil tapos na ang pagbibigay ng mga price for the raffle. May fountain at garden itong hotel na alam kung pwede mong pagpahingahan.” Isang magandang ngiti ang ibinigay niya sa babae. Even she knows this woman for short time, she is one of the real persons. Hindi iyong nagbabalat kayo kapag kaharap siya. Maraming babae ang laging masama ang tingin sa kanya. Maaring dahil malapit siya sa magkakapatid na Tolentino. Ayon kasi kay Dianne ay kaka-iba daw siya sa lahat ng mga naging sekretarya ni Sir Liam. She is kind and not flirty to the Tolentino Brothers. Nasabi din nito sa kanya na lahat ng naging sekretarya ni Liam ay tinangkang akitin ito ngunit hindi nagtagumpay. “Thank you, Dianne. Kaso baka hanapin ako ni Sir Liam. Alam mo naman iyon bigla-biglang may inuutos.” “Oo nga pala. Si Boss Liam pala ang boss mo.” Tumingin ito sa paligid. Ganoon din ang ginawa niya. At nakita nga nila ang boss nila na ka-usap ang kapatid nito. Kompleto ng gabing iyon ang mga Tolentino. Mula sa magulang ng boss niya at sa kapatid nito. At kanina pa hindi sila nilalapitan nito. May iilang investor kasi silang pinapunta at ito ang inasikaso ni Liam. Ganoonn din ang ibang kapatid ng binata. At kanina nga ay hinarana sila ng magkakapatid. Nagulat pa nga siya dahil ngayon niya lang nalaman na marunong palang mag gitara ang boss niya. Ang nakakatuwa pa ay magagaling silang magkakapatid. Parang isang banda talaga ang mga ito. “Sa tingin ko di ka na hahanapin ni big boss. Busy siya sa mga investor.” Napatingin muli siya kay Dianne. Isang ngiti ang binigay ng babae. “At kung sakaling hanapin ka nga ay sabihin kong nasa garden ka.” Napangiti siya dito. “Thank you,” aniya. Tumayo siya at kinuha ang maliit na bag na bitbit. She really wanted to get out of that place. Napaalam siya sa mga kasama na nasa mesang iyon. Tinahak niya ang daan papunta sa fountain na sinasabi nito. Hindi naman siya mahirapan. Inikot niya ang lugar habang nakamasid sa nagsasayawang tubig. It’s so beautiful. Hindi nakapagtataka na kilala ang resort na iyon dito sa Metro Manila. Maraming events ang ginagawa doon. Malaki din ang bayad para sa rent ng isang event. Narating niya ang dulong bahagi at may nakitang duyan na gawa sa kahoy. May ilang plastic na bulaklak na nakapalibot doon. Umupo siya at pinagmasdan ang malawak na fountain. Suddenly she finds peace. Ipinikit niya ang mga mata. Ang tahimik ng lugar. Parang hindi pinupuntahan ng mga tao ang hotel na iyon. Pero anong oras na rin naman kasi. Madalas kapag ganoong malalim na ang gabi ay nasa casino ng hotel ang mga tao. Napamulat si Jas ng may naramdamang kakaiba sa kanyang paligid. Napatingin siya sa kaliwang bahagi at napasinghap pa siya ng makita ang boss niya na nakatayo. Nakatitig ito sa kanyang mga mata. “Sleepy?” mamaya pa ay tanong nito. Napakurap siya. “Ahhmmm…” Hindi niya alam ang isasagot dito. “I guess you are sleepy. If you want to go home. You may leave now, Sarah.” Malumamay na wika ni Liam. “NO!” Mabilis niyang sagot at napatayo din bigla dahilan para mawalan siya ng balance. Mabuti na lang at nasalo agad siya ng binata. Nakahawak sa kanyang baywang si Liam habang nakatitig ang lumaking mga mata nito. Pansin na pansin ang pagkagulat. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso at bumigat ang kanyang paghinga. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa’t-isa. Ilang sandali na lang ay maaring lumapat ang labi ng lalaki sa kanya ngunit bago pa iyon mangyari ay nagising si Liam at bahagya siyang itinulak palayo dito. Natauhan na rin siya at inayos ang sarili. Yumuko siya at napalabi. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mukha. “I’m sorry, Sir Liam.” “No! I should be the one to say sorry. Are you okay?” “Yes, Sir.” Nakayuko pa rin niyang sagot. Nahihiya siyang tumingin sa lalaki dahil damang dama pa rin niya ang pamumula ng kanyang mukha. “I think, you need to go home. Patapos na rin naman ang program kaya pwede ka ng umuwi, Sarah.” Hindi siya nakapagsalita. May pumipigil sa kanya na sumagot dito. Para bang ayaw niyang lisanan ang lugar na iyon. Ang kaninang mabilis na t***k ng puso niya ay napalitan ng bigat. Huminga siya ng malalim at pinakalma muna ang sarili bago itinaas ang mukha. Sinalubong niya ang mga mata ni Liam. “Sir Liam if you are not busy. Pwede niyo po ba akong samahan?” Nagtagpo ang kilay ni Liam. “Where?” Napakagat labi si Jas. Her mind is running wild. “DO YOU HAVE A PROBLEM, SARAH?” Naka-ilang tanong na yata sa kanya si Liam. “Sir Liam, I said I don’t have a problem. Feel ko lang uminum ng alak,” sagot niya. Inisang inum niya ang baso ng beer. “Isa pa nga.” “No! She has enough.” Pigil ni Liam sa bartender na kukunin sana ang baso niya. Napasimangot siyang tumingin sa kanyang boss. Ang totoo ay hindi pa naman siya lasing. Mataas ang alcohol tolerance niya. Kaya niyang umubos ng sampong bote ng beer mag-isa ng hindi nalalasing at sa pagkaka-alala niya ay tatlong baso palang ng beer ang na-iinum niya. “Boss, sa tamang buhay ko hindi pa ako nalalasing kahit isang beses. Kaya wag niyo akong pigilan uminum,” aniya dito. “But you need too. Hindi maganda sa isang babaeng naka-dress ang uminum ng beer at lasing na umuwi ng apartment.” Ininum ni Liam ang wine sa basong hawak nito. “Alam mo bang ang kill joy mo, Sir Liam. Ang workaholic mo, hindi ka pa laging nakangiti. Sa ilang buwan kong magtatrabaho sa iyo, bilang lang sa daliri ko ang ngiting binigay mo sa akin. Kapag ngumiti ka naman ay nakakagulat. Akala mo ay may sakit ka,” wika niya. Natigilan ang lalaki sa sinabi niya. Mamaya pa ay tumaas ang isang sulok ng labi nito. Hinarap siya ni Liam. “Why? Is there something special about my smile?” Natigilan siya sa tanong nito. Hindi lang iyon, pati na rin sa ngiting lumabas sa labi dito. May kung anong humihila sa kanya para titigan ang binata. Liam have the most beautiful smile she ever saw. Ngayon lang niya na appreciate ang ngiti ng isang tao. “No! You look more handsome when you smile, Sir Liam.” Bago pa niya mapagtanto ang sinabi ay lumabas na iyon sa kanyang labi. Saglit na nawala ang ngiti sa labi ni Liam pero agad din bumalik. Mas lalo pa ngang lumawak iyon. This man is so handsome. Ngayon niya masasabi na dapat hindi laging seryuso ang boss niyang iyon. “You are flattering me, Ms. Mercado. Hindi ko alam na marunong ka ng mangbula ngayon ng tao?” “Ako? Nang bubula, Sir Liam?” Itinuro niya ang sarili. “Hindi ako ganoon. You know me. I only speak honestly. Hindi ako sugar coating person.” “Which is one of the reason why I admire to you.” Itinukod ni Liam ang siko sa mesa at pinakatitigan siya ng mabuti. Nakadama ng kung ano si Jas dahil sa titig na iyon. Ang pagtatagpo palang ng mga mata nila ay nagbigay na ng kung anong pakiramdam sa kanya tapos dagdagan pa ng pagkakatitig nito sa kanyang mga mata. Para tuloy hinahalukay nito ang pagkatao niya. Umiwas siya ng tingin sa binata. “Stop saying those words, Sir Liam.” “What word? What I said is also honest. You are the most efficient secretary I ever had so far. Ikaw lang ang taong nakasabay sa demanding kong buhay. Also, I know you work professionally. Which is what I really want in my secretary.” Naramdaman niyang biglang inilapit ni Liam ang sarili sa kanya. Napasinghap si Jas at napa-usog bigla ngunit hindi pa niya tuluyang na-ilalayo ang sarili sa binata ay hinawakan nito ang kanyang baywang. Itinulak siya nito palapit dito dahilan para magwala ang kanyang puso. Amoy na amoy niya ang pabango ng lalaki. Humalo na rin ang amoy ng wine dito. Nanatiling nakayuko si Jas. Alam niyang nakatingin sa kanyang mukha ngayon ang lalaki at kapag iniharap niya ang sarili ay magtatagpo ang kanilang mga mata. At kapag ginawa niya iyon ay baka tuluyan na siyang hindi makapag-isip ng maayos. “Sir Liam, can you l-let me g-go?” nanginginig ang boses na wika niya. “Did I make you uncomfortable, Sarah?” Napalunok bigla si Jas dahil naramdaman niya sa kanyang tainga ang init ng hininga ng lalaki. He is so close. He is close and it makes her mind blank. Why is he doing that? Lasing na ba ang boss niya pero hindi ba at red wine lang ang ininum nito. Malabong malasing ito ng ganoon na lang. “Sir L-Liam, please……” “Sarah, you are one of the women who got my attention. Do you know I have this stirk rule in the office?” Naramdaman niyang mas inilapit ng lalaki ang mukha sa kanyang mukha. Ngayon ay dumadampi na ang ma-init nitong hininga sa kanyang pisngi. Napakuyom na lang si Jas para pigilan ang sarili. This is driving her crazy. “No romantic relationship at the office. Hindi pwedeng haluan ng kahit anong relasyon ang trabaho. For almost seven years, I live my life on that kind of rule but why… Bakit nais kong baliin ang batas na iyon ngayong nandito ka sa kompanya ko?” Nanlaki ang mga mata ni Jas sa narinig. Anong sinasabi nito? At dahil sa sinabi nito ay bigla siyang napatinign sa lalaki dahilan para lumapat bigla ang kanilang mga labi. Napaatras siya bigla. Dahil sa kanyang ginawa muntik na siyang malaglag sa kina-uupuan. Kung hindi lang nakahawak ang binata sa kanyang baywang ay nakahiga na siya sa malamig na semento ng bar na iyon. Nagkadikit ang mga dibdib nila ni Liam at ang mukha nila ay ilang hibla na lang ang pagitan. Jas, who are still under the shock, doesn’t know what to do. Nakatitig lang ang dalaga sa mga mata ng lalaki. At sinamantala iyon ni Liam para sakupin ang labi ng dalaga. Napahawak si Jas sa balikat ni Liam ng maramdaman ang mainit nitong labi sa kanyang labi. They are kissing each other. And this is the second time that they kiss. At kagaya ng unang ay hindi napigilan ni Jas na ipikit ang kanyang mga mata. Liam’s lips are so tempting. Iginalaw ni Liam ang mga labi nito. He is eating the lower part of her lips. Jas can feel and taste the sweetness. Nalalasahan din niya ang alak sa labi ng binata. At nilalasing siya noon. He starts to savior her lips. Parang uhaw na uhaw ang binata dahil mabilis ang galaw ng mga labi nito. Sinubukan ni Jas na sabayan ang binata. She is already out of her mind. All she cares is the kiss they are sharing. Her mind is on blank. Nakakabaliw ang pakiramdam na binibigay sa kanya ng binata. She feels like floating with flowers around her. Wala na siyang paki-alam kung nasa isang mataong lugar sila. All she wants right now is the feeling of the kiss they are sharing. Nang maramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang leeg ay gumalaw na rin ang dalawa niyang kamay. Pinalupot niya ang dalawang braso sa leeg nito. She even open her mount for his tongue to enter. “Ohhhh!” Isang mahinang ungol ang lumabas sa kanyang labi ng bahagyang pinisil ni Liam ang kanyang baywang. This is crazy. Her mind is going crazy because of the sensation he giving to her. Ayaw ng gumana ng kanyang isipin. Kahit ang munting tinig na alam niyang sinisigaw ng matino niyang ka-isipan ay ayaw niyang pakinggan. All she cares right now is the feeling that Liam giving to her. Dahil kapag pinigilan niya ang binata ay mababaliw siya. “You are driving me crazy, Sarah.” Bulong ni Liam bago muling sinakop ang ang kanyang labi. ‘And you also driving me crazy,’ wika niya sa kanyang isip. This man. She already knows the moment their lips meet that he is dangerous but still, she didn’t stay away from him. Now, she can’t stop what is about to happen. She can’t control herself. She wanted to be selfish and think about the consequence later. She will take responsibility for the action she is doing. Sarah knows that after this she will regret everything. Because at that moment, she knows she going to lose something important to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD