"WHERE'S LIAM?" TANONG NI ZJ.
Nagkibit balikat lang si Lj. Tumingin siya kay Hj pero ganoon din ang ginawa. Parang kanina lang ay kasama nila itong nakikipag-usap sa mga investor ng kompanya. Iniikot niya ang mga mata sa venue ngunit hindi niya talaga makita ang nakakatandang kapatid.
Huminga siya ng malalim. Lilisanin na sana niya ang mesang iyon ng dumating si Nj.
"Did you see Liam?" tanong niya sa kinikilalang bunsong kapatid.
Tumingin sa kanya ang kapatid at ngumiti ng nakakaluko. "He went out with Sarah. Kung hahanapin mo siya ay wag. Siguradong nag-eenjoy na ang kapatid natin ngayon."
Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi ng kapatid. "Anong ibig mong sabihin?"
Lahat na silang magkapatid ay nakatingin dito. Kahit ang pinsan na si Joshua ay nakatutok na rin ang atensyon kay Nj. Lalong lumapad ang ngiti sa labi ng kapatid. Para itong isang bata na nakakita ng laruan dahil sobrang natutuwa. May nakakalukong ningning din sa mga mata nito.
"I saw Liam book a room in this hotel and beside him is Sarah."
"Masyado kang malisyoso, Nj. Tigilan mo mga si Liam. Hindi ka ba natatakot sa galit ng isang iyon," wika ni Lj.
"Hindi ako malisyoso, Lj. At saka, what I saw is true. Liam is holding Sarah waist. Hindi lang iyon ang napansin ko, kakaiba din ang titigan nila sa isa't-isa. Alam niyo iyong lagkit ng tingin ni Liam kay Sarah. Para ngang walang nakikitang tao sa paligid ang dalawang iyon."
"Maybe, Sarah is drunk." Nagsalita na rin si Hj.
"Maybe..." Sumandal si Nj sa upuan. "And we know what happens if the two people is drunk."
Walang nakapagsalita sa kanila. Nagtagpo lang ang mga mata nila ni Hj. Alam niyang pareho sila ng iniisip. Liam is about to break the rules he made.
UNTI-UNTING INIMULAT NI JAS ang kanyang mga mata. Pagod na pagod ang pakiramdam niya kahit pa nga kakagising lang niya. Hindi lang iyon. Masakit din ang kanyang ulo. Parang may kung anong pumukpok na bagay doon. Something is not right. Iyon agad ang alam niya.
Iniikot niya ang paningin sa paligid at doon niya napagtanto na wala siya sa tahanan niya. Nasa isang hindi pamilyar siyang lugar. Binundol nang kung anong kaba ang puso niya. Gumalaw siya para bumangon ngunit ng maramdaman ang sakit sa ilalim na bahagi ng katawan ay muli siyang napahiga. Nanlamig ang katawan niya.
What happen last night?
Isang ungol ang narinig niya na siyang nagpaputla sa kanya. Lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya. This is not right. There's a man beside her and she now can conclude that something really happen last night that shouldn't happen. Sa nanginginig na katawan ay tiningnan niya kung sino ang lalaking katabi sa kamang iyon.
Isang malakas na singhap ang nagawa niya ng makilala ang lalaking katabi. It's not true. This man should be the man beside her. Magiging komplekado ang lahat kung si Liam talaga ang kasama niya kagabi. Napatakip ng labi si Jas ng gumalaw ang lalaki na parang akmang magigsing.
Pinigilan niya ang paghinga. Natatakot siya na magising ang lalaki. Hindi pa niya alam kung paano haharapin ito pagkatapos ng nangyari. Jas wanted to cry but she stops herself. Hindi iyon ang tamang oras para umiyak siya. Wala iyong magagawa pa. Nangyari na din naman ang lahat. She already lost it. Ilang beses siyang huminga ng malalim para kalamahin ang sarili. At ng masigurado na okay na siya ay unti-unti siyang bumangon.
Ma-ingat ang bawat galaw niya. Ibinalot niya ang katawan ng bathrobe at isa-isang pinulot ang kanyang damit na nagkalat sa kama. She wanted to leave their immediately. Nais niyang takasan si Liam. Nagpapasalamat siya at mahimbing tulog ng binata kaya nakalabas ito ng walang problema.
Tuloy-tuloy siyang umalis ng hotel na iyon. Pinapanalangin niya na wala ng mga tauhan ng kompanya ang nandoon. She knows she is in a mess. Kahit nanakit ang ibabang bahagi ay pinilit niyang maghanap ng taxi para maka-uwi. Pagka-uwi niya sa bahay ay agad siyang pumasok sa banyo para doon ay linisin ang nanlalagkit na katawan.
At habang nasa ilalim ng shower ay tumulo ang luha ni Jas.
Yes, she is crying. She lost something important for her but why she can't feel any regret. Alam niyang lasing siya ng mga sandaling iyon pero malinaw pa sa alala niya ngayong nakapag-isip niya ang mga nangyari. Liam ask for her permission, and she agree without second thought. She is under the influence of alcohol, but she knows what happening. Tama nga ang sabi nila nakakagawa ka ng kamalian kapag nasa impluwensya ka ng alak.
'I really lost it. I give myself to Liam Tolentino. The last guy I know I will surrender my body,' aniya sa isipan.
JAS SAW A LOT OF miscall from Liam. Nasisigurado niyang sinundan siya nito sa bahay na tinutuluyan pero ang alam nitong inuupahan niya ay sa bahay ni Carila. Kaya kahit kahanapin siya doon ng lalaki ay wala itong makikita. She is in her own home in Quezon City.
Nakitang muli ni Jas ang pag-ilaw ng kanyang phone. Hindi na iyon tawag mula kay Liam kung hindi isang mensahe. Kinuha niya ang phone mula sa pagkakapatong sa kama. She is in her bed. Nakahiga pa rin siya dahil masakit pa rin ang kanyang katawan. Pagod na pagod din ang pakiramdam niya.
'Aren't you not going to talk to me, Sarah?'
'We need to talk. Tell me where you are.'
'Sarah, I know I'm your first. So please, let's talk about this. I will take responsibility for my action last night.'
Upon reading the last message, Jas can't help but hold her phone tight. Responsibility? Paano iyon gagawin kung ganito ang sitwasyon niya. Natatago siya sa ama. She doesn't want to drag Liam into her own mess. Magulo ang buhay niya at kapag nalaman ng ama na nakikipagrelasyon siya sa isang Tolentino ay gagawin nito ang lahat para mapabagsak lang ang mga ito.
Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. She can't afford to make another mistake right now. Kailangan niyang pag-isapan lahat ng gagawin.
Lumipas pa ang ilang minuto ay tumigil na si Liam sa pagpapadala ng mensahe. Di na rin niya binasa pa ang natitira. Natatakot kasi siya na baka magbago ang kanyang isip. Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa kama at lumabas ng kanyang kwarto. Naglalakad siya papunta sa kusina ng mapansin ang isang bulto ng lalaking naka-upo sa sofa.
Kilala niya iyon kaya nagsalubong ang kilay niya.
"What are you doing here, Quartz?" tanong niya sa kaibigan.
Lumingin si Quartz. Nagtagpo ang mga mata nito. Mabilis itong tumayo at hinawakan siya sa balikat. Nagtataka naman siya sa kinikilos ng kaibigan.
"Hey! May problema ba?" tanong niya dito.
"Are you okay? What that man did to you?" May bahid ng galit na tanong nito.
"Anong pinagsasabi mo?" Tanong din niya.
"One of your father's people saw you going out of a hotel. Ang sabi nila ay mukhang may nangyari sa iyong masama dahil magulong-magulo ang ayos mo. Who did it to you, Jas?"
Namutla si Jas sa narinig. Nakita siya ng tauhan ng ama. Sinundan ba siya ng mga ito sa kanyang tinutuluyan ngayon?
"Don't worry. Ang nakakita sa iyo ay sa akin nagrereport at nasa akin ang loyalty niya. Isa siya sa tauhan ng ama mo na gusto ng umalis ngunit hindi maka-alis dahil maaring mapahamak ang pamilya niya. Now, tell me the truth, Jas? Who did it with you?"
Nakahinga ng maluwag si Jas sa narinig ngunit nandoon pa rin ang lungkot. Naglakad siya sa sofa at na upo. Ganoon din ang ginawa ni Quartz. This man is one of her close friends. Ngunit hindi lahat ng bagay ang sinasabi niya dito. May mga limitasyon din naman.
"Jas? You won't tell me?"
"I'm sorry." Tanging nasabi niya. "But I'm telling you, he didn't force me like you're thinking."
Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Quartz. Napasandal iyo sa sofa at inilagay sa noo ang braso. Alam niyang nasaktan ang kaibigan sa sinabi niya. Quartz been protecting her but here she is.
"Don't ever blame yourself for what happened to me. I didn't regret what happened to me, Quartz. Wala akong nakapang pag-sisi sa puso ko. I know by myself what happens to me, and that guy is my own well. So, don't overthink."
Hindi nagsalita ang kaibigan kaya naman di na rin siya nagsalita siya. Pinakiradaman na lang niya ang lalaki. Quartz is just thinking. Ganoon naman ito kapag may pinag-iisipan. Kilalaa niya ang kaibigan. He won't take it by heart if she is okay with what happen. Mamaya pa ay gumalaw ito. Napatingin siya sa lalaki.
"Who's the guy?"
Napalabi siya. Ngayon siya naman ang napag-isip kung sasabihin ba niya dito.
"Jas, you said that what happened between you two is by your own well. I won't do anything to him. Just tell me, who is the guy you sleep with?" May bahid na ng galit ang boses nito.
Wala ng nagawa si Jas pa. "My Boss. I slept last night with my boss."
Napatingin sa kanya si Quartz. Kitang-kita ang pagkagulat sa mga mata nito. Hindi naman talaga kapani-paniwala na magagawa niya iyon sa boss niya. Quartz knows that she is professional when it comes to work.
"Si Liam Tolentino ba ang sinasabi mo?"
"Yes." Sagot niya.
Biglang namutla si Quartz. Umiwas ito ng tingin. Nakikita niya ang takot sa mga mata nito. Nagtaka naman siya. Pinakatitigan pa niya ang mukha ng kaibigan.
"May problema ba, Quartz? You already meet my boss, remember."
Tumungo ito. "Anong plano mo ngayon? Are you doing to keep working with him?"
"No. I'm planning to file a resignation letter this Monday. It will be effective that day also. I won't change my plan. I need to stay away from him because my father will get back to him if he found out. I can't let him suffer because of me." Sagot niya.
"Okay. If that's your plan," wika nito pagkalipas ng ilang minutong katahimikan. Pansin na pansin niya ang pananahimik nito.
"Alam ko naman kung gaano kasama ang ama ko, Quartz."
"What Liam said? Did he contact you?"
"Yes. He wants us to talk but I'm not yet ready. I can't talk to him like this. I need to think clearly."
"You can't hide from him. You need to talk to him and end everything."
Alam niya iyon pero sa Monday na. Mag-iipon muna siya ng lakas ngayong weekends.
"ARE YOU GOING TO tell her about this?" Iyon ang tanong agad sa babae ng ma-ilapag ng lalaki ang isang basong wine.
Kinuha naman ng babae ang alak at ininum. Hindi siya makapaniwala na ganoon kasama ang lalaking pinakasalan ng kanyang nag-iisang anak na babae. But well, there's no one to blame but her. Naging pabaya siyang ina. Hinayaan niyang makilala ng anak ang hayop na lalaking iyon. At dahil din sa kanya kaya maagang nawala ang kanyang anak at apong lalaki.
Tapos ngayon ay ang nag-iisang pamilya niya ay mapapahamak sa kamay ng hayop na iyon.
"I am but I need to make sure that my granddaughter will stay away from that company. Dahil kapag nalaman niyang may ginagawang masama ang ama niya sa mga Tolentino ay kikibo ito. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ni Gomez sa mga Tolentino pero kung noon pa man nito ginagawa ang bagay na ito ay may malalim na dahilan ang lahat. Natatakot ako sa maaring mangyari kay Jas kapag nalaman ng mga Tolentino na isa itong Gomez."
"They will put all the blame on her. That is for sure."
Hindi nagsalita ang matanda. Lumapit lang ito sa salamin at pinagmasdan ang mga ilaw sa labas ng kanyang mansyon. Humigpit ang pagkakahawak niya sa baso.
"I won't let them hurt my granddaughter. Si Jas na lang ang natitirang alala ng anak ko sa akin. Sumumpa ako sa puntod nito na hindi ko pababayaan ang unica hija niya. Hindi ko hahayaan na mapahawak si Jas."
"We make sure of that, Senador. Nakahanda ang mga tauhan ko para protektahan ang apo niyo." Yumuko ang batang pulis.
"I trust you, Police Major General Quimpo. I know you won't be a disappointment."
"Of course, Senador. Isa ka sa magdidiin sa korte kay Mr. Gomez pero kagaya ng sabi ko kailangan natin ng sapat na ebidensya laban sa kanya. I know an organization can help us but for now, let's think about the safety of your grand daughter."
Isang malungkot na ngiti ang ibinigay niya sa lalaki. "Thank you. That's all I wanted."
"Senador Mercado, I need to go. I will update you from time to time about your granddaughter."
Yumuko ang batang pulis bago tuluyang lumabas. Nais sana tanungin ng mtanda kung may kasintahan ba ang lalaki. Nais niyang ireto dito ang apo ngunit na isip niya na parang wala din siyang pinagka-iba sa hayop na lalaking kumuha ng lahat sa kanya kung gagawin niya iyon. If her granddaughter starts to love someone, she won't interfere if the man is a good guy.
Isang matinong lalaki lang naman ang nais niya para dito pero hindi ibig sabihin noon ay makiki-alam siya sa buhay pag-ibig. She wants her happiness. Nandoon lang siya para gabayan ito. Kung anuman ang hindi niya nagawa noon sa kanyang anak na babae ay gagawin niya ngayon sa kanyang apo.
"I will protect her. I promise you that."
KASAMA ANG MGA TAUHAN AY sinusundan ni Patrick ang galaw ng isang lalaki ngayon sa loob ng kanyang bar. This night is another nightmare. Alam niya na sa gabing iyon ay may bibiktimahin na naman ang grupo ni Brandon. Napapikit si Patrick ng makitang gumalaw ang isang tauhan ng lalaki. May babaeng sinundan ang mga ito.
Patrick can't interfere at that moment. Kapag naki-alam siya ay malalaman ni Brandon na may mga pulisya sa paligid at mabubuking ang pagiging agent niya. Matagal na niyang minaman manan ang mga tauhan ng lalaki. He knows every bad thing they did. They have concrete evidence, but they can't throw them to jail. Mula sa kanyang ama ay may pinuno pa na nasa ibang bansa ang grupo nina Brandon. At ang mga ito ay nagpo-protekta sa grupo. They need to know the root to kill the whole organization.
Kaya nga ngayon ay wala siyang magawa kung hindi manood na lang at ipikit ang mga mata. Napahigpit ang hawak niya sa baso. He wants this madness to be end but how.
"Hey! Alam ko kung anong iniisip mo pero wag kang gumawa ng eksena, Patrick. You know the consequences of every action you make," wika ng bartender na katabi.
"I know." Tumingin siya dito.
Pinasadahan niya ang suot nito. Tumaas ang kilay niya. Linapitan niya ang dalaga. Nagsalubong naman ang kilay nito. Hindi siya nagpapigil kahit na nagtataka na ang dalaga. Umatras naman ito dahilan para mapasandan ito sa lalagyan ng mga alak. Inilapit niya ang mukha dito.
"You know, I don't like you to wear such cloth." Bulong niya.
Hindi nagsalita ang babae kaya inilayo niya ang sarili dito. Nakataas na ang kilay ng babae at ng magtago ang mga mata nila ay pinandilatan lang siya nito.
"Boss, baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo. Anong gusto mong suotin ko? jacket? Balutin ang katawan ko ng dress. Adik ka din eh." Tinulak siya ng bahagya ng babae.
"Yes! Kung pwede lang nga na itago kita sa opisina ko ay ginawa ko na para di ka titigan ng mga kalalakihan dito." Inis niyang wika.
"Mr. Parker, I'm working here. I need to complete this mission that's why don't you ever interfere. At tandaan mo, matagal na tayong hindi magkasintahan. We are done before we even start."
Umalis sa harap niya ang babae at inasikaso na ang order na alak ng mga customer nila. Isang malalim lang na paghinga ang ginawa ng lalaki. Bakit ba kasi niya hiniwalayan ang babaeng ito? Ngayon ay wala siyang karapatan na hawakan ito sa leeg.
Napapikit ng mariin si Patrick ng makita kung paano hagurin ng mga lalaking nandoon ang ayos ni Sasha. This woman is sexy and head turner. Kaya lalong kumukulo ang dugo niya. At mas lalong lumalaki ang pagnanais niyang itago ito. He doesn't want to share to any man this woman.
'You are mine, Sasha.'
Naputol lang ang pag-iisip ni Patrick ng may napansin sa di kalayuan. Isang pamilyar na mukha. Nanindig ang kanyang balahibo ng tuluyang naging malinaw sa kanyang mga mata ang mukha ng taong iyon.
What is happening? He sees a ghost.