Unang Pagtatagpo

1680 Words
Jamie's POV "MANONG!" nakangiwi kong saad habang gusot ang aking mukha dahil sa traffic. Muli akong tumingin sa wrist watch na suot ko at sumimangot. "Ano ba 'yan! Alas-syete y medya na," sabi ko sa pabulong na tinig. Male-late na kasi ako! Dahan dahan lamang ang usad ng sasakyang sinasakyan ko. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko dahil ilang minuto na lang ay late na talaga ako. Siguradong sermon agad ang sasalubong sa akin. Hindi ko naman masita ang driver dahil wala naman itong kasalanan sa traffic na nangyayari. Hindi pa rin maalis ang pagkagusot ng aking mukha. Hindi ko alam kung anong oras akong makakarating sa aking trabaho. Paulit-ulit na rin akong tumitingin sa wrist watch na suot ko. Nakakabanas ang traffic! "Naman e!" Lutaytay akong sumandal at napakagat sa aking labi. Gusto ko ng paliparin ang taxi ni Manong para lang makarating agad kami sa destinasyon ko. Sa haba ng pag-iintay ko, sa wakas nalampasan din namin ang traffic at naging maayos na ang daloy ng mga sasakyan. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng makarating na kami sa tapat ng CL building. Dali-dali akong bumaba ng Taxi at inabot ang aking bayad. Hindi ko na nagawa pang lingunin ang driver ng taxi at mabilis akong naglakad palayo. "Bilis Jamie abot ka pa!" pagpapakalma ko sa aking sarili. Araw araw na lang ganito ang sitwasyon ko. Bakit ba kasi hindi ako makagising ng maaga? Tiningnan ko muli ang wrist watch ko at napangiwi ako ng makita ang oras. Isang minuto na lang late na talaga ako. Dali-dali ko nang nilandas ang ground floor at tinungo ang elevator. Hindi ako mapakali habang hinihintay ang pagbukas niyon. Nakaramdam lang ako ng relief ng sa wakas ay bumukas na ang elevator. Agad akong pumasok roon, pinindot ko ito patungong 10th floor kung saan nandoon ang opisina ng mga taga-research department. "Paktay na! Late na ako ng fifteen minutes!" Hindi ako mapakali habang umaandar pataas ang elevator. Maya-maya pa ay bumukas na ito. Dali-dali akong lumabas mula roon at tinahak ang hallway patungong Research Department Office. "Jam, bakit ba ang bagal mo?" pabulong kong sermon sa aking sarili. Huminto ako ng nasa tapat na ako ng pinto at agad kung inayos ang aking sarili tsaka pumasok sa loob. Tahimik ang lahat at kapwa sila abala sa kung anong ginagawa. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa table ko at..."Miss Jamie Regardon, your late!" Napahinto ako ng marinig ko ang maawtoridad na boses ni Ma'am Megan. Napangiwi akong humarap sa kaniya at pilit ngumiti. "Ms. Regardon, come to my office now!" maawtoridad na utos ng bruha, este! Ni Ma'am Megan. Napayuko ako ng mapansin kong halos lahat ng katrabaho ko ay nakatingin sa akin. "Yes, Ma'am!" Pumasok ng office si Ma'am Megan at agad akong sumunod. Nadatnan ko itong nakaupo sa swivel chair at nilalaro ang hawak nitong lapis. "Ms. Regardon, alam mo na siguro kung bakit kita pinapunta dito?" malamig na tanong nito. "Yes, Ma'am!" tangi kong sagot. "Why? I will give you a time to explain!" Umayos ito ng upo. Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. Para kasing apoy ang tingin niya, nakakapaso. "T-traffic po kasi," nag-aalangan kong sagot, dahil alam kong hindi niya iyon paniniwalaan. Gasgas na raw kasi ang linyang 'yon. "Traffic? Wala ka bang ibang maidahilan kung bakit ka late? Gasgas na 'yang dahilan na 'yan. Halos lahat ng empleyadong nale-late 'yan ang dahilan." Napakagat ako sa aking labi. Sabi explain ko, tapos ngayong nagpaliwanag ako, gait. Tsk! E, 'yon ang totoo e! Tumahimik na lang ako habang nakayuko. "Ang isang taong masipag gigising ng maaga dahil alam niyang may trabaho siya. Gagawa ng paraan para magawa ng maayos ang kaniyang trabaho at gagawa ng paraan para hindi ma-late." Ngayon ay nakatayo na ito sa harap ko. "Sa isang taong masipag mahalaga ang bawat oras, minuto, at bawat segundo. Alam nila ang kahalagahan niyon." Nakayuko pa rin ako hanggang ngayon. Tagos lahat ng sinabi niya. Mababa lamang ang tono ng boses nito ngunit nararamdaman kong galit siya. "Dahil late ka ng mahigit twenty minutes may ipapagawa ako sa 'yo." Bahagya akong nag-angat ng ulo at nakita ko siyang bumalik na sa kaniyang table at tiningnan ako. "A-ano po iyon?" mahina kong tanong. "Dalhin mo ang mga papers na ito kay Sir Zacherson Caireos." Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalang binanggit nito. Zacherson Caireos? Siya lang naman ang isa sa may ari ng CL Company. Anak ito ng presidente ng kompanya at siya ang CEO ng Company. Marami ring balita na nakakatakot daw ito at masungit. "Alam mo naman siguro kung saan ang office niya?" "Opo!" Kinuha ko ang mga papers at agad lumabas ng office ni Ma'am Megan. Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan akong makaalis sa lugar na iyon. Ngunit agad din iyong bumalik ng maalala ang pinagagawa nito. "Bakit kay Sir Zacherson?" Humibi ako tsaka lutaytay na naglakad. Hindi ko muna pinansin ang mga katrabaho kong nagtatakang nakatingin sa akin. Sumakay ulit ako ng elevator at pinindot ang 20th floor kung saan naroon ang opisina ni Sir Zacherson. Ramdam ko ang t***k ng dibdib ko. Hindi ko pa kasi nakikita ng personal ang CEO ng kompanya. Ang Chairman lang ang laging kong nakikita. Tanging sa TV at Magazines ko lang nakikita ang Zacherson na 'yon. Bumukas ang elevator at agad akong lumabas. Isang beses pa lang akong nakakatungtong sa floor na 'yon, pangalawa ngayon. Tinahak ko ang daan patungong opisina ng CEO. "Hello, asan Sir Zacherson?" magalang kong tanong sa secretary nito. Kilala ko na ito sapagkat na-meet ko itong no'ng una akong nagtungo rito, ngunit siya lang ang tanging naririto noon at hindi ko nakita ang CEO. Gumuhit ang ngiti sa mukha ng babae. "Nasa loob ngayon si Sir Zacherson," mahinhin nitong sagot. "Salamat," sabi ko habang nakangiti. Naglakad na ako patungo sa opisina ni Sir Zacherson. Nang nandoon na ako sa tapat ng pinto ng opisina niya, huminga ako ng malalim at inayos ang aking sarili. Nakakahiya naman sa kaniya kong hindi ako presentable, 'di ba? Kinakabahan ako. Kumatok ako ng dalawang ulit. "Come in." Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng marinig ang baritono nitong boses. Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto. Huminga muli ako ng malalim bago tuluyang binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang isang malaking lalaki, nakayuko ito na tila may isinusulat. "Magandang umaga, Sir Zacherson. Pinapadala po ni Ma'am Megan ang mga papeles na 'to," pagsisimula ko. Dahan dahan nitong inangat ang kaniyang ulo at saglit na nagtama ang aming mga mata. Halos mapaluwa ang mata ko ng makita ang kabuoang mukha nito. Matangos ang ilong, may magandang labi, may magandang mata na talaga namang nakakaaliw pagmasdan. Para siyang artista. "Are you okay?" Nagulat ako ng tawagin niya ako. Bahagya na pala akong natulala. Lalo akong natensyon sa boses nito. "A-a! opo, Sir," pautal-utal kong sagot. Pinilit kong kalmahin ang aking sarili at gumalaw ng normal. Nate-tense lang talaga ako sa presensiya niya. "Ang mga papers?" Walang emosyong sabi nito. "A-a, Sir ito na po." Iniabot ko sa kaniya ang hawak kong mga papeles. Kinuha niya iyon. "Salamat! Makakaalis ka na," anito pa na hindi man lang tumingin sa akin. "A, sige po." Naglakad na ako palabas. Sinulyapan ko muli siya bago ako tuluyang lumabas ng silid. Nakahinga ako ng maayos nang makalabas sa kwartong iyon, kung saan kasama ko ang isang napakagwapung nilalang. 'Yon nga lang, nakakatakot. Napangiti ako at naglakad na pabalik ng opisina upang gawin ang aking trabaho. "Kinabahan talaga kami sa iyo kanina," ani Maggie. Nandito kami ngayon sa isang maliit na restaurant na malapit lang sa kompanya. Dito na namin nakasanayang kumain ng lunch. "Kinabahan nga ako para sa sarili ko," sabay subo ko sa isang hiwa ng karneng in-order ko. "Sabi ko kasi sa iyong agahan mo ang pag-gising at ng 'di ka nale-late," sermon naman ni Chester. "S'yanga pala saan ka ba pinapunta ni Ma'am Megan kanina?" curious na tanong ni Maggie. Napangiti ako ng maalala ang gwapong mukhang iyon ni Sir Zacherson. Base sa nalalaman niya, marami ang nagkakagusto rito at natatakot. "Ba't ka nakangiti?" Kunot-noong tanong ni Chester. "Alam n'yo bang pinapunta ako ni Ma'am Megan sa office ni Sir Zacherson? Ang gwapo niya!" tila kilig na sabi ko. Nagkatinginan naman sina Maggie at Chester dahil sa kakaiba kong reaksiyon. "Pero mas gwapo ako d'on!" banat ni Chester na nagpawala ng ngiti ko. "Ang komontra pangit!" pananakot pa na wika nito. "Gwapo ka pero mas...gwapo siya." Diniin ko pa ang salitang 'mas' sabay sipsip ko sa softdrinks na hawak ko. "Ouch! Grabihan?" Nag-pout pa ito na sa tingin ko ay nagpa-cute sa kaniya. Tumawa na lang kami ni Maggie at ganoon din si Chest. "Gwapo ka, kaya lang may mas gwapo sa 'yo," pagsang-ayon naman ni Maggie at sa huli'y nilaglag din si Chester. "Bahala kayo, gwapo nga kasi ako!" giit nito at sumubo ng kanin na may ulam. "Self support?" si Maggie. "Syempre, sarili ko na lang hindi ko pa susuportahan. Basta gwapo ako at...tapusin na natin ang pagkain." Napatawa na lang kaming tatlo. Ilang minuto pa at natapos na kaming kumain. Lumabas na kami ng restaurant at naglakad patungong building. "Sabi nila masungit daw ang CEO. Sinungitan ka ba?" ani Maggie habang lulan kami ng elevator. "Hindi naman niya ako sinungitan. Pero nakakatakot ang presensiya niya. Para bang wala siyang pakialam sa paligid." "Gwapo ba 'yon? E, mukha pa lang nakakatakot," sabat naman ni Chester na hindi pa rin nakaka-move on sa pagwapuahan nilang dalawa. "Ewan sa 'yo!" halos sabay na sabi namin ni Maggie. "Tsk! Nabulag na kayo sa Zacherson na 'yan. Hindi niyo ba alam kamukha ko si Lee Min Ho. Annyeong!" Natawa na lang kami dahil sa huling sinabi nito idagdag pa ang ginawa nitong pag-bow at pag-finger heart. May pakindat pa. "Lee Min ho daw. Baka Vice Ganda." Muli na naman kaming nagtawanan dahil sa sinabi ni Maggie. Natigil lang kami nang bumukas na ang elevator. Tahimik na kami hanggang makarating sa opisina. Tambak pa kasi ang mga gawain namin. Malapit na kasi ang deadline ng mga papers na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD