Jamie's POV NANDITO ako ngayon sa opisina, nakaupo. Wala pa naman kasing binibigay na trabaho si Sir Zach at tsaka kadadala ko lang din ng kape sa kaniya. Nakakaboring kapag walang ginagawa, nasanay na kasi ako na palaging may ginagawa. Sa RD kasi, hindi nawawalan ng gawain kaya nasanay na ako sa maraming gawain. "Si Zach?" Napapitlag ako ng marinig ang boses ng babe. Lumingon ako sa nagsakita at napaawang ang bibig ko ng makita ang babaeng nasa harap ko. Napakaganda nito, napaka-sexy at nakapaka-supistikadang tingnan. Halatang mayaman, dahil na rin sa mga suot nito na halatang mamahalin. "Hey, kailangan ko pa bang ulitin ang sagot ko?" Mataray nitong pukaw sa akin. Nakaramdan ako ng pagkainis sa kanya. Hindi ko gusto ang pananalita niya. Masyado siyang mataray magsalita at tumingin.

