Jamie's POV NILALANDAS ko ang daan patungo sa isang mall, kung saan doon ang tagpuan namin nila Maggie. Nagbalak kasi kaming manoud ng sine. Nang malapit na ako sa mall agad ko namang nakita sina Andrew, Chester, at Maggie. "Late na ba ako?" Seryoso kong tanong kay Maggie. Ako kasi ang laging late tuwing may tagpuan kami. "Hindi pa naman," aniya habang nakatingin sa akin. Saglit akong tumingin at ngumiti kay Chester at Andrew na tahimik lang na nakatingin sa akin. "Tara na," yaya ko habang tinitingnan sila isa-isa. "Mamaya, may darating pa," pigil naman ni Maggie at tumingin sa 'di kalayuan. May darating pa? Sino naman kaya ang ibang inimbita ng mga ito para manood ng sine. Baka buong kompanya inakit nilang manood? "Sino?" Nagtataka kong tanong. "Basta, pag nandito na lang siya s