Jamie's POV NAPAG-ALAMAN kong nag-resign na rin si Chester at Andrew sa trabaho. Tanging si Maggie lang ang hindi nag-resign sa aming apat. Ewan do'n sa babaeng 'yon, kapag tinatawagan ko kasi siya ang saya-saya niya. Tinatanong ko kung bakit, ayaw namang sabihin. Ewan! Kanina ko pang hinahanap si Andrew, ngunit hindi ko siya matagpuan. Pumunta ako sa kanila kaya lang walang tao roon. Nakailang katok na lang ako wala pa ring nagbubukas. Pasalya kong ibinagsak ang katawan ko sa kama at tumingin sa kisame. Napabuntong hininga pa ako. Hindi ko na alam ang sunod kong gagawin. Si Ma'am Megan ang kailangan kong makausap ngunit alam kong kahit anong gawin ko ay hindi niya sasabihin ang kanyang nalalaman at naiintindihan ko iyon. Napapitlag ako ng marinig ko ang tunog ng kotse na tila huminto

