Jamie's POV NARAMDAMAN ko na lang ang pagyakap ng malamig na hangin sa aking katawan. Iminulat ko ang aking mga mata at napagtantong madilim pa pala. Kinusot ko ang aking mga mata at nag-inat. Kinapa ko ang cellphone ko sa side table upang tingnan kung anong oras. Binuhay ko iyon at bahagya pa akong napapikit dahil sa ilaw na nagmula sa screen ng cellphone. Namumungay ang mga mata ko na tiningnan ang oras. Alas-dose pa lang pala. Napalingon ako sa paligid dahil biglang naramdaman ko na lang na tila hindi ako nag-iisa sa aking silid. Pakiramdam ko may nakatingin sa akin ngayon. Kahit kinakabahan, dahan-dahan akong tumayo patungo sa switch ng ilaw. Sanay kasi akong matulog na patay ang ilaw. Kinapa ko ang switch ng ilaw at agad lumiwanag ang silid ko. Kinabahan ako sa maari kung makita.

