Jamie's POV MASAYA kong iminulat ang aking mga mata. Maayos na ang pakiramdam ko at handa na akong harapin kung sino man ang lalaking dahilan ng lahat ng nangyayari. Kasama ko si Zach na haharapin siya. Bumangon ako at agad tinungo ang banyo. Ang saya na okay na kami ngayon ni Zach. Paglabas ko ng silit nagulat ako nang makita ko si Zach na nasa salas at kausap si Mommy. Parang aga naman at nitong si Zach? Naagaw ko ang atensyon niya at ni Mommy. Ngumiti ito sa akin at gumanti ako roon. Ngayon nakakangiti na ako ng walang mabigat sa dibdib ko. "Bakit ang aga mo?" tanong ko habang palapit sa kanila. Pasulyap-sulyap lang ako kay Zach. Ibang-iba na ito kaysa kahapon. Bagong gupit na ito, halatang bagong ligo at sobrang gwapo niya. Pinipigilan ko nga lang na matulala ako sa kaniya e. "Kan

